Connect with us

Inspirational

Pinay Helper, Biglang Tinawag ng Amo at Napaiyak na Lang sa Bonggang Sorpresa Nito!

Published

on

Maraming Pilipino ang nagta-trabaho sa Middle East bilang overseas workers. Lahat sila ay nagsusumikap upang mabigyan ng maayos na buhay ang pamilya nila sa Pilipinas. May mga mangilan-ngilan na minalas sa kanilang amo, ngunit mayroon rin namang pinagpala. Karamihan sa ating mga kababayan ay mapalad na mapunta sa mabait na amo.

Sanay na tayong makapanood ng balita kung saan minamaltrato ng mga amo ang mga Pinoy domestic helpers. Ngunit sa kabila nito ay marami ring employers ang mabait at mapagbigay pagdating sa kanilang mga empleyado. Mapalad ang Pinay domestic helper na ito dahil napunta siya sa napakabait na amo!

Read More: Mag-Aaral na Pumanaw Isang Araw Bago ang Graduation, Tinupad ng Pamilya ang Hiling

Kamakailan lang, nag-trending sa social media ang sorpresa ng amo na ito para sa kanyang Pinay household helper. Ilang taon na rin daw nagta-trabaho ito para sa kanyang pamilya, at halos kapamilya na rin ang turing nila dito.

Bukod sa masipag ay mapagkakatiwalaan rin daw ang Pinay. Dahil dito ay nag-desisyon ang kanyang babaeng amo na sorpresahin siya.

Isang araw ay tinawag niya ito sa kanyang kwarto. Akala ng Pinay ay may iuutos lamang ang kanyang amo, ngunit nagulat siya ng abutan siya nito ng pera! Mahigit $600, o katumbas ng P30,000 ang natanggap niya.

Niyakap rin siya ng kanyang amo, at hindi mapigilang maging emosyonal ng Pinay. Ayon sa employer, paraan lamang ito upang maipakita niya ang kanyang appreciation sa sakripisyo at kasipagan ng kanilang household helper. Silipin ang komento ng mga netizens dito:

“Kapag maayos ang trabaho mo, tiyak na masusuklian din yun ng kabutihan.”

“Sana lahat ng amo ganito. At sa mga kabayan naman natin abroad, sipagan pa natin para makita ng amo natin ang ating effort”

“Mukhang mabait at masayahin din kasi yung Pinay kaya naman natuwa sa kanya yung amo niya. Sana ganito nalang lahat ang nararanasan ng mga kapwa natin Pinoy abroad.”

Read Also: Food Panda Rider na Nag-Uulam ng Sardinas Matapos Mag-Deliver ng Masarap na Pagkain, Viral Ngayon

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Good Vibes

Jane de Leon, Nag-Abot ng Tulong sa Food Panda Rider na Nag-Aalaga ng Anak Habang May Duty!

Published

on

Kamakailan lang, isang Food Panda delivery rider ang umani ng papuri sa Facebook. Kahit pa nasa kalagitnaan ng duty, nagagawa niyang pagsabayin ang pag-aalaga ng kanyang anak at pagdedeliver! Humanga at sumaludo ang mga netizens sa kasipagan niya na makapaghanapbuhay habang kinakalinga ang kanyang anak.

Isang netizen ang nagbahagi ng larawan ng rider sa social media. Sa mga viral photos, makikitang naka-bike ang rider na si Hershey Manuel habang nagdedeliver ng mga orders ng customer. Isinakay niya sa basket ang kanyang sanggol na anak, at upang hindi mahulog ay naglagay siya ng unan at inaalalayan niya ito.

Read More: Ogie Diaz, Pinagsabihan si Andrea Brillantes sa ‘Plastik’ na Pahayag Nito Tungkol sa Showbiz

Dahil sa kasipagan ng Food Panda rider na ito, inulan naman siya ng papuri sa social media. Maraming netizens ang sumaludo sa kanya, lalo pa’t hindi rin madaling pagsabayin ang paghahanapbuhay at pag-aalaga sa isang sanggol. Ayon sa kanila, isang dakilang ama ang rider na ito.

Mayroon ring mga good Samaritan na nais mag-abot ng tulong para sa mag-ama. Bumuhos ang tulong mula sa mga netizens na humanga sa kasipagan ni Hershey. May mga nagbigay ng financial assistance, samantalang ang iba naman ay nag-abot ng grocery items gaya ng gatas, diapers, at iba pa.

Kabilang na sa mga tumulong sa kanya ay ang aktres na si Jane de Leon. Nag-ala real life “Darna” si Jane at personal niya mismong binisita si Hershey at ang anak nito. Sa isang video, makikitang labis na natuwa ang mag-anak sa tulong ng aktres. Nagbigay rin ito ng gatas at diapers para sa sanggol.

“Maraming maraming salamat din po kay Congresswoman Rep. Claudine Bautista at sa DAMPER Partylist sa binigay nyo pong gatas at diaper sa anak ko at kay Darna po Jane De Leon pati po sa Mom nya at buong team nila,” ito ang natutuwang pahayag ni Hershey sa kanyang Facebook page.

Read more: “Diet talaga ako, nagbawas ako sa carbs!”- Jane de Leon, Naiyak Matapos Sukatin ang Costume ni Darna

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Inspirational

“Real Life Snow White”- Foreigner, Nag-Propose sa Pinay Girlfriend na Kakagising Lamang sa Coma!

Published

on

Mala-fairy tale ang love story ng Pinay na ito at ng kanyang foreigner boyfriend. Kamakailan lang, tampok sa programang “Brigada” ni Kara David ang kwento ni Viktoria Angela Cupay at ng kanyang fiance na si Nicholas ‘Nick’ William Baldo. Pinatunayan ng dalawa na hindi hadlang ang mga pagsubok sa kanilang tapat na pagmamahalan!

Sa kanilang virtual interview, ibinahagi ni Viktoria na ilang taon na siyang may iniindang karamdaman. Na-diagnose siya ng autoimmune disease na lupus, at di nagtagal ay tinamaan rin siya ng Stevens-Johnson syndrome. Dahil sa kanyang karamdaman ay na-comatose si Viktoria na nagtagal ng ilang buwan.

Read More: Jamill, Binebenta na ang Mamahaling Ari-Arian! Tinatakasan nga ba ang BIR?

Sa mga oras na iyon ay labis naman ang pagdadasal ng mga pamilya ni Viktoria, kabilang na ang kanyang boyfriend na si Nick.

Ayon kay Nick, kahit pa comatose ang kanyang girlfriend ay araw-araw niya itong kinakausap upang lumakas ang loob ni Viktoria. Noong 2019, nag-propose din si Nick matapos magising ni Viktoria mula sa kanyang coma.

“I wanted you to know that I’ll be here for you forever, as long as we both live, I will be there for you. And so, have this ring with me, I would like to give it to you today. Viktoria Angela Cupay, will you marry me?” Ibinigay naman ni Viktoria ang matamis niyang “yes” kay Nick.

Ayon sa mga netizens ay tila ba real-life Snow White ang kwento ni Viktoria at Nick. Nagbigay rin ng inspiring message si Viktoria para sa mga taong may mabigat na pinagdaraanan ngayon.

Ayon sa kanya, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na nalampasan niya ang mga pagsubok na ito.

“If you are going through something, it’s hard to believe. People will tell you things will get better. Because I have been there when I was at the lowest point of my life. There was no positivity. Parang sinasabi ko sa kanila, ‘I don’t believe you.’ But looking back at my journey, it’s amazing how far I’ve come,” pahayag niya.

Read More: Jowa Reveal ni Mika Salamanca, Nagpanganga sa mga Fans! Kilalanin ang Boyfriend Niya Dito

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Inspirational

Donya Noon, OFW Ngayon: Babaeng Marangya ang Pamumuhay Dati, Nauwi sa Pagiging Kasambahay Abroad

Published

on

Hindi natin hawak ang ating kapalaran. Kung ngayon man ay nasa itaas tayo, sa isang iglap ay maaari tayong malugmok sa ibaba. Kaya naman mahalagang mayroon tayong lakas ng loob anuman ang ating hinaharap sa buhay. Gaya na lamang ng kwento ng isang overseas Filipino worker na ito na talaga namang nagpaluha sa mga netizens sa social media.

Isang netizeng nagngangalang Joh Bagundol Sese ang nagbahagi ng kwento ng kanyang buhay. Ayon kay Joh, noong una ay masagana ang kanilang pamumuhay.

Mapalad siyang nakapangasawa ng isang businessman mula sa Hagonoy, Bulacan na mayroong sariling good exports business. Mayroon rin silang sariling grocery store, manukan, at maging kasambahay.

Read More: Kampo ni Katrina Halili, Nilinaw na ang Totoong Namamagitan sa Kanila ni John Lloyd Matapos Kumalat ang Larawan Nila Online

Sa ilang taon ay namuhay sila ng marangya, ngunit hindi nila inaasahan na magkakaroon ng balakid sa kanilang negosyo. Tuluyan silang nabaon sa utang, na nagresulta sa pagkakalugi ng kanilang mga negosyo. Nag-declare sila ng bankruptcy at kinailangan nilang ibenta ang ilan sa kanilang mga ari-arian.

Dumating na rin sa punto na kinasuhan sila ng ibang pinagka-utangan nila, kaya naman kinailangan ni Joh na mag-abroad upang kumita.

Nais niya ring wag mahinto sa pag-aaral ang dalawa nilang anak, kaya naman nagtrabaho siya bilang domestic worker kahit pa dati ay mayroon siyang sariling katulong.

Sa kabila ng kanyang homesickness, tiniis ni Joh ang dalawang taong kontrata niya. Labis na hirap rin ang naranasan niya habang nagta-trabaho sa ibang bansa. Ngunit dahil sa kanyang kasipagan, unti-unti ay nabawasan nila ang kanilang mga utang at naipagpatuloy ng kanyang mga anak ang pag-aaral nila.

Ayon pa kay Joh, hindi siya magdadalawang isip na muling bumalik sa ibang bansa para lamang sa kapakanan ng kanyang pamilya.

Kahit pa nalugmok ang kanilang negosyo, hindi ibig sabihin noon ay nawalan na sila ng lakas ng loob na sumubok ulit. Kaya naman todo sikap siya upang muling makamit ang kanilang marangyang buhay noon.

Read Also: Jake Zyrus, Aminadong 5-Anyos pa Lang Siya ay Kinukwestiyon na Niya ang Kanyang Katauhan

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Trending