Connect with us

celebrities

Mga Pinay Celebrities na Nag-Abroad Upang Maitago ang Kanilang Biglaang Pagbubuntis

Published

on

Kamakailan lang, naging usap-usapan sa social media ang panganganak ng aktres na si Elisse Joson. Ibinahagi ni Elisse na mayroon na silang baby girl ng kanyang boyfriend na si McCoy de Leon.

Ayon sa mga netizens, magaling magtago ang dalawa dahil hindi nakatunog ang mga fans sa pagbubuntis niya. Ngunit may mga ‘Marites’ sa social media ang nakakaalam na nito.

Hindi na bago sa mga artista ang pagtatago abroad tuwing nachi-chismis na buntis sila. Totoo man ang chismis o hindi, mas magandang manatili muna sa ibang bansa upang magkaroon sila ng privacy at makaiwas sa toxic comments ng mga netizens. Silipin ang mga aktres na ito na itinago ang kanilang pagbubuntis abroad.

1. Sofia Andres

Nabuntis si Sofia Andres noong 2019 sa kanyang boyfriend na si Daniel Miranda. Noong una’y itinago ni Sofia ang kanyang pagbubuntis at nagpunta ito ng Australia upang doon manganak. Ngunit noong February 2020, ipinakilala na ni Sofia sa social media ang kanyang pretty baby girl na si Zoe.

Read Also: “May madaanan lang ako, nasasampal ko”- Baron Geisler, Humingi ng Tawad sa mga Bading na Nasaktan Niya Noon

2. Janella Salvador

Taong 2020 nang magulat ang mga fans sa biglaang pagpunta ni Janella Salvador sa United Kingdom. Pansamantala siyang nanirahan doon kasama ang kanyang boyfriend na si Markus Patterson. At noong October 2020, kumpirmado na nanganak na si Janella ng isang bouncing baby boy na pinangalanan nilang Jude.

3. Elisse Joson

Taong 2021 naman nang panandaliang pumunta sa United States si Elisse. Ngunit di katulad ni Janella at Sofia, hindi ito pinutakte ng mga comments sa social media. Nabigla na lang ang mga netizens nang ibahagi ni Elisse na nanganak na pala siya, at ipinasilip niya ang napakacute na baby girl nila ni McCoy na si Felize.

Read Also: Matapos Gumastos ng P1.5M Para sa Billboard, Xian Gaza, Ini-Snob Lang ni Jennie Kim?

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

celebrities

Empress Schuck, Nagbabala sa Pagputok ng Pimples Dahil sa Nakakabahalang Sinapit Niya

Published

on

Mahilig ka rin bang pumutok ng pimples mo sa mukha? Karamihan sa atin ay hindi mapakali tuwing tinutubuan tayo ng tigyawat sa mukha. Talaga nga namang nakaka-conscious makita ito, kaya ang iba ay sinusubukang putukin ito upang mawala. Ngunit alam niyo ba na maaari palang magdulot ng panganib ang pagputok ng pimples?

Ayon sa mga dermatologist, hindi dapat pinuputok o hinahawakan ang tigyawat dahil maaari itong maging sanhi ng impeksyon. Bukod sa mas mapapatagal nito ang paghilom ng balat, maaaring malagyan din ito ng bacteria at dumi mula sa ating kamay. Kamakailan lang, binahagi rin ng aktres na si Empress Schuck ang karanasan niya dito.

Read More: “Hindi ka nga gusto ng boyfriend ko!”- Barbie Imperial, Tinawag na Kabit si AJ Raval!

Sa Instagram ay ibinahagi ni Empress kung bakit siya naospital kamakailan lang. Bigla na lamang daw namaga ang kanyang mukha, at ilang araw na ang nakakalipas ay hindi pa rin ito gumagaling. Hinala ni Empress ay dahil ito sa tigyawat sa taas ng kanyang ilong na pinutok niya.

Mabuti na lamang at naagapan ito ni Empress bago pa lumala ang pamamaga ng kanyang mukha. Sa tulong ng isang espesyalista ay agad nilang naagapan ito. Ayon kay Empress, mula ngayon ay matututo na siya na wag pisilin at hawakan ang mga pimples niya sa mukha.

“On a serious note, never try to squeeze and pop your pimple! Now part of my face is swollen and getting worse. Eng sheket, abot ulo yung kirot. Thank you ate Hazel Parfan and Dra. Sherry Ong Cunanan here in Baguio for the immediate action. So gratedul you’re all around,” dagdag pa ni Erich.

Sa ibang malalang kaso, maaaring maging sanhi ng brain damage ang pagputok ng tigyawat. Kapag ito ay naimpeksyon, maaari itong umabot sa utak dahil sa mga clot sa iyong ugat. Kaya naman mahigpit itong ipinagbabawal ng mga eksperto.

Read More: “Walang Pahinga”- Netizens, Nagbiro Matapos Itong Sabihin ni AJ Raval kay Wilbert Ross

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

celebrities

“Hindi ka nga gusto ng boyfriend ko!”- Barbie Imperial, Tinawag na Kabit si AJ Raval!

Published

on

Mas lalong tumitindi ang iringan sa pagitan ni Barbie Imperial at AJ Raval. Matatandaang noong nakaraan lamang ay isiniwalat ni Xian Gaza na di umano’y nililigawan ng boyfriend ni Barbie na si Diego Loyzaga si AJ Raval. Ayon pa kay Xian, pinuntahan pa mismo ni Diego si AJ sa kanilang bahay kahit pa hinihintay siya ni Barbie sa Manila.

Dahil dito, di umano’y nagkaroon ng matinding komprontasyon si Barbie at Diego sa isang kilalang hotel. Ngunit sa kabila ng mga isyung ito, nananatili namang tikom ang bibig ni AJ Raval, na dati na ring nasangkot sa isyu ng hiwalayan ni Aljur Abrenica at ni Kylie Padilla.

Read More: “Walang Pahinga”- Netizens, Nagbiro Matapos Itong Sabihin ni AJ Raval kay Wilbert Ross

Sa kabilang banda, nagsalita naman si Barbie tungkol sa usaping ito. Ayon kay Barbie, nagtataka siya dahil tila gustong gusto ni AJ Raval na pinag-uusapan lagi siya. Nakakapagtaka rin daw dahil hindi ito nagsasalita sa pagka-link nito sa kanyang boyfriend na si Diego.

“Yung about kay AJ Raval, if wala kang kinalaman, or alam mo na hindi ka kabit ni Diego, magsalita ka. Bakit parang gusto mo na nangyayari to lahat, na nagka-‘thing’ kayo ni Diego? And I heard, I have proof na AJ and Xian Gaza are friends. And they really talked about, she feeds him info ng mga tsismis.”

Dagdag pa ni Barbie, itinuring niyang kaibigan noon si AJ. Ngunit hindi siya makapaniwala na magagawa nitong sumira ng relasyon. Idiniin rin ni Barbie na walang interes ang boyfriend niya sa Viva starlet.

“Actually friend ko siya noon. Tinanggap namin siya, sobrang bineybi naman siya sa grupo kasi nga girlfriend siya ng bestfriend ko na si Axel. Nagulat na lang ako na ang daming nangyayari, na okay gusto mong maging kabit, eh hindi ka nga gusto ng boyfriend ko.”

Read Also: Babaeng Nanganak sa Eroplano, Hindi Raw Inakalang Nagdadalang-Tao Pala Siya!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

celebrities

Mahirap nga ba Pakisamahan? Dating Kasambahay, Isiniwalat ang Totoong Ugali ni Mommy Divine!

Published

on

Noong November 2020, muling naungkat ang isyu ni Sarah Geronimo at ng kanyang ina na si Mommy Divine. Marami ang naniniwala na si Mommy Divine ang tinutukoy sa kontrobersyal na blind item ng kolumnistang si Cristy Fermin. Sa blind item na ito, binaggit ni Fermin na may isang dating kasambahay ang nagsalita tungkol sa pagiging strikta ni Mommy Divine.

Ayon sa source, halos hindi nakakatagal ang mga bagong kasambahay dahil hindi nila kayang pakisamahan ang ugali ni Mommy. Mabait naman daw ang ibang miyembro ng pamilya, lalo na ang singer, ngunit aminado siya na masyadong strikta ito pagdating sa kanilang mga kasambahay.

Read More: “Walang Pahinga”- Netizens, Nagbiro Matapos Itong Sabihin ni AJ Raval kay Wilbert Ross

“May mga kasambahay silang hindi nagtatagal, nahihirapan silang makisama kay mommy dahil sobrang mahigpit. Tasado kasi ang food nila, kung ano lang ang budget na ibinibigay sa kanila ni mommy, yun lang ang pwede nilang pagkasyahin,” pahayag ng source ni Fermin.

Bukod sa pagiging istrikta, mahigpit rin daw sa pagkain si mommy. Tuwing may pagkain raw itong inuuwi galing sa mga events ng kanyang anak, hindi raw ito maaaring kainin ng mga kasambahay. Sa halip ay naka reserve lamang daw ang mga ito para sa family, kahit pa sobra sobra ang pagkain.

“E, mahilig mag-uwi si mommy ng food sa mga pinupuntahan nila ng anak niya, hindi nila puwedeng galawin yun, para sa family lang nila ang food, hindi puwedeng kainin ng mga kasambahay. Para sa kanila lang lahat yun kahit sobra sobra naman,” dagdag pa ng source.

Ayon naman sa iba, hindi lingid sa kaalaman ng publiko na nakaranas rin ng hirap ng buhay si mommy noon. Ito marahil ang dahilan kung bakit matipid siya sa pera, at kung bakit kahit isang butil ng bigas ay napakahalaga sa kanya. Dahil dito, nais niya lang raw pahalagahan ang kinikita ng kanyang anak.

Read Also: Babaeng Nanganak sa Eroplano, Hindi Raw Inakalang Nagdadalang-Tao Pala Siya!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Trending