Connect with us

Trending

Matapos Gumastos ng P1.5M Para sa Billboard, Xian Gaza, Ini-Snob Lang ni Jennie Kim?

Published

on

Muli na namang naging usap-usapan sa social media ang influencer na si Christian Albert Gaza, o mas kilala bilang Xian Gaza. Kilala si Xian sa kanyang mga grand gestures pagdating sa panliligaw. Matatandaang nag-viral siya dati matapos magpatayo ng billboard sign para ayain sa coffee date ang aktres na si Erich Gonzales.

January 2020 nang muli siyang gumawa ng ingay matapos maghanda ng libo-libong bulaklak sa sports car para kay Nadine Lustre. Ngunit kahit pa hindi naman napagbigyan ang hiling niya, mukhang hindi basta-basta sumusuko si Xian! Nitong nakaraan lamang, international K-Pop star na ang tinangkang ligawan nito.

Read More: Fans, Kinilabutan sa Labis na Pagkakahawig ng Pumanaw na Actor na si Rico Yan sa Pamangkin Nito!

Viral sa Facebook ang billboard ni Xian Gaza sa Seoul, South Korea para kay Jennie Kim na miyembro ng K-Pop group na Blackpink. Ayon sa billboard na may halagang P1.5 million, nais niyang imbitahin si Jennie para sa isang romantic dinner. Ngunit hindi naman sumagot ang kampo ng K-pop star.

“Kahit papaano eh masulit at makabawi-bawi daw sa 1.5 million pesos na aking ginastos. Hindi ako pumayag dahil mawawala kako yung sincerity ng aking dinner date proposal for Jennie. Sabi ko sa kanya eh mas pipiliin kong lumigaya kaysa kumita ng pera. Genuine happiness over money. Tutal kako yung 1.5m ay kaya ko namang kitain sa loob ng sampung araw,” pahayag ni Xian.

Sa kabilang banda, maraming netizens naman ang nag-react sa publicity stunt na ito. Ayon sa kanila, ginagamit lang ni Xian ang pangalan ni Jennie Kim upang ma-boost ang kanyang popularity. May mangilan-ngilan ring nagsabi na hindi romantic, kundi ‘creepy’ ang ginawang ito ni Xian.

“This is no sweet fan adoration, this is straight up creepy! Also convicted person? I want him nowhere close to the girls, especially Jennie. YG Official you better do something, this creep got money so he can possibly do something worse! Leave Jennie alone,” pahayag ng isang fans sa Twitter.

Read Also: Lolit Solis, Umalma sa mga Nagsasabing Mahina Siya Dahil Di Natunugan ang Pagbubuntis ni Elisse!

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Trending

“Ngayon lang namin na-experience to”- Netizen, Nagbabala sa Panganib na Dala ng Gas Stove!

Published

on

Pagdating sa gamit sa bahay, nararapat lamang na maging mapanuri tayo. Dapat ay matibay ang ating mga kagamitan upang makasigurado tayong magagamit natin ito sa mahabang panahon. Ngunit bukod sa pagiging matibay at maayos, kailangan rin nating isaalang alang ang ating kaligtasan lalo na pagdating sa mga gamit sa kusina.

Karamihan sa atin ay gumagamit ng gas stove dahil di hamak na mas tipid ito kumpara sa de-kuryenteng kalan. Ngunit alam niyo ba na may panganib na dala rin pala ang mga gas stove? Lalo na kung ito ay gawa sa salamin, maaaring maranasan niyo rin ang nakakatakot na karanasan ng netizen na ito.

Read More: Bea Alonzo, May Emosyonal na Mensahe kay John Lloyd sa Paglipat Nito sa GMA 7

Sa Facebook ay ibinahagi ni Mutya Javier ang nakakabahala niyang experience sa paggamit ng gas stove. Ayon kay Javier, pinili nila ang gas stove na mayroong glass upang mas madaling linisin ito. Ngunit hindi nila inaasahan na maaari pala itong sumabog pag nainitan ng sobra.

“Kanina habang nagiinit ng tubig si nanay bigla na lang pumutok ang kalan reason kung bakit nagkabasag basag ang glass top ng kalan. Mabuti na lang wala si nanay sa harap ng kalan. Thank God! Hindi namin alam kung bakit nagkaganon. Hindi naman daw umapoy ng malaki yung kalan, basta may narinig kami pumutok tapos yan na yung nakita namin.”

Dagdag pa niya, mabuti na lamang at walang nasaktan sa kanilang mag-anak. Mahigit apat na taon na daw nilang gamit ang gas stove na ito, at ngayon lang sila nakaranas ng ganitong klaseng pagsabog. Nagbabala rin si Javier sa mga netizens na may ganitong klaseng kalan.

“Hindi kaya masyado na gamit na gamit yung kalan? Lalo na kahapon maghapon naka-on dahil sa dami ng niluto? I’m not sure pero 4 years na rin kse namin gamit to, ngayon lang namin naexpexience to. Nakakatakot! Hindi rin pala safe to. I’m posting this for your info na ganitong klase ang gamit na stove. Ingat ingat po… Be safe everyone!”

Sa kabilang banda, maraming netizens rin ang napa-comment at nacurious kung anong brand ng gas stove ang sumabog. Sa ngayon ay hindi pa naglalabas ng statement ang nasabing kompanya.

Read More: Kilalanin ang Non-Showbiz Girlfriend na Nagpapatibok ng Puso Ngayon ni Zaijan Jaranilla

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Trending

Caught on Cam: Sachzna Laparan, Isiniwalat ang Mayabang Pulis na Nagwala sa Isang Restaurant!

Published

on

Kamakailan lang ay ibinahagi ng social media influencer na si Sachzna Laparan ang naging karanasan nila sa isang restaurant. Dahil lamang sa reserved seats, pinahiya sila ng isang customer at muntik pang manganib ang kanilang buhay. Ayon kay Sachzna, lumipat sila ng upuan matapos agawin ng isang couple ang kanilang reserved seat.

Ngunit nagulat na lamang daw sila ng biglang magalit ang dalawa. Naantala ang masayang hapunan nila dahil bigla na lamang sumigaw ang nasa kabilang table. Maging ang mga manager at staff ng restaurant ay nagulat sa inasal ng dalawa.

Read More: OFW na Nagpapakahirap sa Dalawang Trabaho, Niloloko Lang Pala ng Gold Digger na Girlfriend sa Pinas!

“Until narinig naming may mga biglaang rants sa kabilang table, biglang nagalit. Tinasaan nila ang boses at sinabing, ‘Magkano ba lahat ng mga inorder nila, babayaran ko!’ At naglabas ng bungkos ng pera sa bag at hinampas sa table. We are shocked by what he did dahil tahimik lang kaming kumakain,” dagdag pa ni Sachzna.

Napag-alaman rin na pulis pala ang lalaki, at buntis naman ang kasama nitong babae. Patuloy raw ito sa pagsigaw, at dumating sa punto na dinuro niya pa si Sachzna. Noong mga panahong iyon ay natatakot na rin daw siya at ang kanyang mga kasama, dahil umaakma ang pulis na tila may bubunutin sa kanyang bag.

Noong una’y nagdalawang isip pa raw si Sachzna na i-post ang video na ito dahil natatakot siyang makasuhan ng cybercrime law. Ngunit desidido siya na magbigay ng awareness sa ibang tao na maaaring makasalamuha ang pulis na ito. Dagdag pa niya, labis na nagdulot ng trauma sa kanya ang pangyayaring ito.

“If you know this police! Wag nyong tutularan! I posted this video hindi para mag pahiya, kundi para magbigay ng awareness, that this can happen to anyone! Alam ng mga taong nasa resto na yun, kung ano nangyari. Even yung manager, natakot. Dahil sinabi nung Police na ipapaclose nya daw yung resto.”

Read More: Danica Sotto, Ano nga ba ang Tawag sa Stepmom na si Pauleen Luna? Silipin Dito!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Trending

OFW na Nagpapakahirap sa Dalawang Trabaho, Niloloko Lang Pala ng Gold Digger na Girlfriend sa Pinas!

Published

on

Hindi madali ang landas na tinatahak ng mga overseas Filipino worker. Nagpapakahirap silang magtrabaho sa ibang bansa para lamang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga pamilya sa Pilipinas. Ngunit nakakalungkot isipin na may mga taong hindi naa-appreciate ang kanilang sakripisyo.

Kamakailan lang, isang 52-anyos na OFW mula sa California, United States ang dumulog sa tanggapan ni Raffy Tulfo. Si Ferdinand Gomez ay nagta-trabaho bilang caregiver sa California. Bukod sa pagiging caregiver, may iba pa siyang part-time jobs upang matustusan ang pangangailangan ng kanyang girlfriend sa Pinas.

Read More: Danica Sotto, Ano nga ba ang Tawag sa Stepmom na si Pauleen Luna? Silipin Dito!

At dahil todo kayod siya, ayon kay Ferdinand ay kadalasang tatlong hanggang limang oras na lang ang tulog niya araw-araw.

Tinitiis niya ang kalagayan niyang ito para makapagpadala ng pera sa girlfriend niya. Ngunit bigla na lamang gumuho ang mundo niya matapos malamang niloloko lamang siya nito!

Inireklamo niya ang kanyang girlfriend na si Innah Esmero mula sa Tagum City, Davao. Ayon kay Ferdinand, nakilala niya lamang sa Facebook si Innah.

Nang sila’y naging magkasintahan na, nagsimula na daw itong manghingi sa kanya ng pera. Nagpadala rin siya ng balikbayan box dito na puno ng mga mamahaling gamit, gaya na lamang ng Victoria Secret lingerie.

Plano na rin daw nilang magpakasal pag uwi ni Ferdinand dito sa Pilipinas. Sa katunayan, bumili na siya ng lupa at engagement ring upang sorpresahin ang kanyang girlfriend.

Ngunit nagulat na lamang siya ng blinock siya nito sa Facebook, at nakita na lamang niya na may ibang kinakasama na pala ito.

Ang masaklap pa dito, maging ang kanyang mga anak ay lumayo na ang loob sa kanya dahil sa kanyang relasyon kay Innah. Mahigit P300,000 rin daw ang naipadala niya dito, at nais niyang humingi ng tulong kay Tulfo upang kahit papano ay makakuha ng closure.

Read Also: Viewers, Na-Curious sa Di Umano’y Ginagawang Kababalaghan ni Alexa Ilacad sa PBB House!

Panoorin ang buong pangyayari dito:

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o bparehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Trending