Connect with us

celebrities

“Marami ba kayong pera ngayon?”- Vice Ganda, Flinex ang mga Achievements sa mga Bashers Niya Online

Published

on

Gaya ng karamihan sa mga celebrities, palaging aktibo sa social media ang “Unkabogable Star” na si Vice Ganda. Ngunit hindi maiiwasan na magkaroon rin ito ng bashers sa social media. Karamihan sa mga artista ay ini-ignore na lang ang mga bashers nila, ngunit ibahin niyo si Vice! Palaban ito at hindi niya inaatrasan ang kanyang mga bashers.

Kamakailan lang, naging usap-usapan sa social media ang mensahe ni Vice para sa mga taong bumabatikos sa kanya. Sa TikTok, nagbahagi si Vice ng video kung saan inalala niya ang mga achievements niya ngayong taon. Ayon sa Kapamilya host and comedian, proud siya dahil maayos ang kanyang career at personal life.

Read More: “Squid Game” Star Wi Ha-Joon, Nag-React sa Halloween Costume ni Darren Espanto!

“And I realized, ang laki pala talaga ng inimprove ng hitsura ko dati no. And I also realized, upon checking my checkbook, and I realized mas marami pala akong pera ngayon. And also, I checked from my handler, may mga bago pala akong awards, oh my God… ang dami ko palang bagong achievements.”

Ngunit hindi pa dito nagtatapos ang video ni Vice. Pinaringgan rin niya ang mga taong bumabatikos sa kanya sa social media. Ayon kay Vice, ipagdadasal na lamang niya ang mga taong walang ibang ginawa kundi batikusin ang kanyang personal na buhay sa social media.

“Now I wanna check on my bashers. How are you guys? Mas marami ba kayong pera ngayon? Mas maganda ba kayo kaysa dati? May jowa ba kayo? Masaya ba kayo? Kamusta nanay niyo, pamilya niyo? May mga bago ba kayong achievements? Hindi? Ang lungkot non ah! Ipagdarasal ko lang ang mga bashers ko, para umasenso.”

Sa kabilang banda, umani naman ito ng iba’t-ibang reaksyon mula sa mga netizens. Ayon sa mga fans ni Vice, unkabogable talaga ang komedyante hindi lang sa pagpapatawa, kundi maging sa pag resbak sa kanyang mga bashers!

Read More: Jane de Leon, Nag-Abot ng Tulong sa Food Panda Rider na Nag-Aalaga ng Anak Habang May Duty!

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

celebrities

“Hindi ka nga gusto ng boyfriend ko!”- Barbie Imperial, Tinawag na Kabit si AJ Raval!

Published

on

Mas lalong tumitindi ang iringan sa pagitan ni Barbie Imperial at AJ Raval. Matatandaang noong nakaraan lamang ay isiniwalat ni Xian Gaza na di umano’y nililigawan ng boyfriend ni Barbie na si Diego Loyzaga si AJ Raval. Ayon pa kay Xian, pinuntahan pa mismo ni Diego si AJ sa kanilang bahay kahit pa hinihintay siya ni Barbie sa Manila.

Dahil dito, di umano’y nagkaroon ng matinding komprontasyon si Barbie at Diego sa isang kilalang hotel. Ngunit sa kabila ng mga isyung ito, nananatili namang tikom ang bibig ni AJ Raval, na dati na ring nasangkot sa isyu ng hiwalayan ni Aljur Abrenica at ni Kylie Padilla.

Read More: “Walang Pahinga”- Netizens, Nagbiro Matapos Itong Sabihin ni AJ Raval kay Wilbert Ross

Sa kabilang banda, nagsalita naman si Barbie tungkol sa usaping ito. Ayon kay Barbie, nagtataka siya dahil tila gustong gusto ni AJ Raval na pinag-uusapan lagi siya. Nakakapagtaka rin daw dahil hindi ito nagsasalita sa pagka-link nito sa kanyang boyfriend na si Diego.

“Yung about kay AJ Raval, if wala kang kinalaman, or alam mo na hindi ka kabit ni Diego, magsalita ka. Bakit parang gusto mo na nangyayari to lahat, na nagka-‘thing’ kayo ni Diego? And I heard, I have proof na AJ and Xian Gaza are friends. And they really talked about, she feeds him info ng mga tsismis.”

Dagdag pa ni Barbie, itinuring niyang kaibigan noon si AJ. Ngunit hindi siya makapaniwala na magagawa nitong sumira ng relasyon. Idiniin rin ni Barbie na walang interes ang boyfriend niya sa Viva starlet.

“Actually friend ko siya noon. Tinanggap namin siya, sobrang bineybi naman siya sa grupo kasi nga girlfriend siya ng bestfriend ko na si Axel. Nagulat na lang ako na ang daming nangyayari, na okay gusto mong maging kabit, eh hindi ka nga gusto ng boyfriend ko.”

Read Also: Babaeng Nanganak sa Eroplano, Hindi Raw Inakalang Nagdadalang-Tao Pala Siya!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

celebrities

Mahirap nga ba Pakisamahan? Dating Kasambahay, Isiniwalat ang Totoong Ugali ni Mommy Divine!

Published

on

Noong November 2020, muling naungkat ang isyu ni Sarah Geronimo at ng kanyang ina na si Mommy Divine. Marami ang naniniwala na si Mommy Divine ang tinutukoy sa kontrobersyal na blind item ng kolumnistang si Cristy Fermin. Sa blind item na ito, binaggit ni Fermin na may isang dating kasambahay ang nagsalita tungkol sa pagiging strikta ni Mommy Divine.

Ayon sa source, halos hindi nakakatagal ang mga bagong kasambahay dahil hindi nila kayang pakisamahan ang ugali ni Mommy. Mabait naman daw ang ibang miyembro ng pamilya, lalo na ang singer, ngunit aminado siya na masyadong strikta ito pagdating sa kanilang mga kasambahay.

Read More: “Walang Pahinga”- Netizens, Nagbiro Matapos Itong Sabihin ni AJ Raval kay Wilbert Ross

“May mga kasambahay silang hindi nagtatagal, nahihirapan silang makisama kay mommy dahil sobrang mahigpit. Tasado kasi ang food nila, kung ano lang ang budget na ibinibigay sa kanila ni mommy, yun lang ang pwede nilang pagkasyahin,” pahayag ng source ni Fermin.

Bukod sa pagiging istrikta, mahigpit rin daw sa pagkain si mommy. Tuwing may pagkain raw itong inuuwi galing sa mga events ng kanyang anak, hindi raw ito maaaring kainin ng mga kasambahay. Sa halip ay naka reserve lamang daw ang mga ito para sa family, kahit pa sobra sobra ang pagkain.

“E, mahilig mag-uwi si mommy ng food sa mga pinupuntahan nila ng anak niya, hindi nila puwedeng galawin yun, para sa family lang nila ang food, hindi puwedeng kainin ng mga kasambahay. Para sa kanila lang lahat yun kahit sobra sobra naman,” dagdag pa ng source.

Ayon naman sa iba, hindi lingid sa kaalaman ng publiko na nakaranas rin ng hirap ng buhay si mommy noon. Ito marahil ang dahilan kung bakit matipid siya sa pera, at kung bakit kahit isang butil ng bigas ay napakahalaga sa kanya. Dahil dito, nais niya lang raw pahalagahan ang kinikita ng kanyang anak.

Read Also: Babaeng Nanganak sa Eroplano, Hindi Raw Inakalang Nagdadalang-Tao Pala Siya!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

celebrities

“Walang Pahinga”- Netizens, Nagbiro Matapos Itong Sabihin ni AJ Raval kay Wilbert Ross

Published

on

Usap-usapan ngayon sa social media ang bagong pelikula na pagbibidahan ng sexy actress na si AJ Raval. Sa bagong aabangang palabas na ito, makakatambal ni AJ Raval ang social media influencer na si Wilbert Ross. Excited na ang mga fans na mapanood ang pelikulang ito, lalo pa’t hindi maikakaila ang chemistry sa pagitan ni AJ at Wilbert.

Ang “Crush Kong Curly” ay ipapalabas na sa December 17 sa Vivamax. Ayon sa mga fans, mukhang kaabang-abang ang pelikulang ito, lalo pa’t ito rin ang debut film ni Wilbert. Sa kanilang nagdaang press conference, inamin rin ni AJ na very professional at masarap kabonding si Wilbert habang shinu-shoot nila ang mga scenes.

Read More: OFW na Nagpapakahirap sa Dalawang Trabaho, Niloloko Lang Pala ng Gold Digger na Girlfriend sa Pinas!

Kapansin-pansin rin na mayroong chemistry ang dalawa, kahit pa ito ang unang beses na nagtambal sila sa isang pelikula.

Ayon sa ibang netizens, maaaring publicity lamang ang sweetness ng dalawa upang mapag-usapan ang kanilang pelikula. Ngunit mayroon namang naniniwala na maaaring humantong ito sa totohanan.

Kamakailan lang, gumawa na naman ng ingay sa social media si AJ Raval matapos itong mag-comment sa isang Facebook status na nagtatanong kung sino ang crush niya. Walang paligoy-ligoy na tinag niya ang kanyang co-star na si Wilbert, at agad naman itong nag-viral sa social media.

Hindi mapigilang mapa-comment ng mga netizens sa di umano’y PDA ng dalawa sa social media.

Ayon naman sa ibang fans, mukhang natabunan na rin ang isyu ni AJ Raval matapos siyang madawit sa hiwalayan ni Kylie Padilla at Aljur Abrenica. Silipin ang mga comments nila dito:

“Walang pahinga AJ? Pagkatapos pagsawaan si Aljur, kay Wilbert ka naman ngayon?”

“Sweet bagay na bagay kayo dalawa. Sana lang di maging rebound si Wilbert.”

“Deserve ni Wilbert magkaroon ng big break. For sure mas magaling pa sya umarte kesa kay AJ.”

“Kinikilig ako sa dalawang to! Who u kayo ngayon Aljur at Zeinab.”

Read More: Danica Sotto, Ano nga ba ang Tawag sa Stepmom na si Pauleen Luna? Silipin Dito!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Trending