Connect with us

Uncategorized

Kilalang Aktor na si Andrew Schimmer, Humihingi ng Tulong Para sa Asawa Niyang Naospital

Published

on

Taos pusong kumakatok sa puso ng sambayanan ang dating aktor na si Andrew Schimmer. Ayon sa aktor, kailangan nila ng pinansyal na tulong para sa hospital bills ng kanyang asawa. Kasalukuyang nakaratay sa intensive care unit ng St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City ang misis si Schimmer.

Ayon sa report ng Philippine Entertainment Portal, idinaan ni Andrew sa social media ang kanyang panawagan upang matulungan silang mag-asawa. Kumatok rin siya sa puso ng mga kaibigan niya sa showbiz, upang kahit papaano ay maibsan ang kanilang lumolobong hospital bill na lagpas na ng dalawang milyong piso.

Read More: OFW na Nagpapakahirap sa Dalawang Trabaho, Niloloko Lang Pala ng Gold Digger na Girlfriend sa Pinas!

“Nangangailangan po sha ngayon ng malaking halaga upang maipagpatuloy po ang kayang mga medications sa icu, kaya naman po mapasa hanggang ngaun ay lumilikom po ng pera ang knyang buong pamilya at mga kaibigan upang matugunan po namin ang kanyang mga medical needs,” pahayag ni Andrew.

Ibinahagi rin ni Andrew ang matinding karamdaman ng kanyang asawa. Ayon dito, na-diagnose ang kanyang misis ng severe hypoxemia. Ayon naman sa Cleveland Clinic, ang severe hypoxemia ay nangyayari kapag ang level ng oxygen sa dugo ay mas mababa sa normal.

Dagdag pa ng aktor, patuloy nilang ipinagdarasal ang kalagayan ng kanyang asawa. Sa ngayon ay mahigit tatlong linggo na itong nakaratay sa ospital. Patuloy rin daw itong lumalaban para na rin sa kapakanan ng kanilang mga anak.

“Mag three weeks na po sha sa NCCU ng st.lukes global medical center, at hanggang ngayon ay lumalaban parin po sha pra sa kanyang buhay, gayon narin po kme ng aming mga anak, at ang kanyang buong pamilya at mga mabubuting kaibigan ay lumalaban din para sa kanya.”

Read More: Danica Sotto, Ano nga ba ang Tawag sa Stepmom na si Pauleen Luna? Silipin Dito!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Uncategorized

Mika Salamanca, Umani ng Batikos Matapos ‘Gatasan’ sa Social Media ang Car Crash Niya

Published

on

Kamakailan lang, naging usap-usapan sa social media si Mika Salamanca, isang social media influencer dahil sa car crash na kinasangkutan nito. Wala pang isang linggo matapos ang car reveal ni Mika, ngunit sa di inaasahang pangyayari ay nabangga ng isang motor ang kanyang Raptor. Agad naman niya itong ipinagbigay alam sa kanyang mga fans.

Ayon sa 20-anyos sa influencer, madaling araw nang naganap ang aksidenteng ito. Kaibigan niya ang nagmamaneho ng sasakyan at wala siya doon sa mga oras na iyon.

Di umano’y lasing daw ang driver na nakabangga at wala pang suot na helmet ang angkas nito nang mangyari ang insidente.

Read Also: Rob Moya, Ibinahagi ang Reaksyon ni Toni at Tyronia sa Regalo Niyang Gold na Alahas

“3 AM po nung nabangga car ko ng isang motor. Yung driver is walang license, walang helmet yung angkas, walang plate number and ID! Lasing! Please, if lasing kayo wag na kayo mag maneho kasi nakakadamay pa kayo ng ibang tao. Super heart breaking, kakalabas lang ng car ko, kaka-reveal ko lang. Sad.”

Dagdag pa ni Mika, ilalabas niya ang buong kwento kinabukasan sa social media. Ngunit umani naman ito ng samu’t-saring reaksyon sa social media.

Imbes na makisimpatya, hindi mapigilang makaramdam ng inis ng ibang mga netizens. Ayon sa kanila, tila ba ginagatasan ni Mika ang insidenteng ito.

Silipin ang kanilang mga komento dito:

“Oks lang yan mika i content mo nalang yan sa yt mo tapos ung pera na yon pam paaayos ng car mo.”

“Dapat po concern man lang kayo sa mga nakasakay, bat parang inuuna niyo pa lagay ng sasakyan nyo?”

“Haha may sumpa talaga pag nag car reveal daw. Sa susunod wag na lang i-post online.”

“Grabe naman kailangan pa talaga ng full story? Mika Salamanca wag masyado pa-fame, may investigation pa yan hintayin muna bago ilabas lahat ng details.”

Read Also: Coco Martin, Ninenerbyos Muling Makatrabaho si Julia Montes sa “Ang Probinsyano”

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Uncategorized

Julia Barretto, May Gusto Nga Bang Patunayan Kay Bea Dahil sa Mirror Selfie na Ito?

Published

on

By

Kamakailan lang ay ibinunyag na ni Julia Barretto at Gerald Anderson ang kanilang relasyon. Matapos ang ilang taong pagtatago, kinumpirma na ni Gerald ang matagal nang pinagsususpetsahan ng mga netizens. Napatunayan rin na tama pala si Bea Alonzo sa kanyang hinala. Taong 2019 nang akusahan ni Bea ang kanyang ex-boyfriend ng ‘ghosting’ matapos nitong makilala si Julia.

Sa kanyang nakaraang interview kasama si Ethel Booba, ibinahagi ni Bea na alam niyang wala siyang sexy na katawan. Dahil dito, hindi madali ang magiging pag-angat niya sa showbiz.

Ito rin daw ang nag-push kay Bea na mas magsikap upang maipamalas ang kanyang talento sa pag-arte. Ito rin ang naging tulay para mas patunayan niya ang kanyang sarili.

Read Also: Maja Salvador, Nanindigan sa mga Boss ng ABS-CBN sa Desisyon Niyang Mag-Lipat Network

Isang araw matapos ang interview ni Bea, nagpost naman ng larawan si Julia Barretto sa social mrcoa. Ngunit kahit walang caption, napaisip ang mga netizens kung sagot nga ba ito ni Julia sa interview ni Bea, dahil mukhang ‘weird coincidence’ daw ito. Matatandaan ang sinabi ni Bea kay Ethel na: “Hindi kasi ako sexy.”

Sa Instagram, nagbahagi si Julia ng isang larawan na talaga nga namang nakakabighani sa mga fans. Sa selfie na ito, nagpose si Julia sa harap ng salamin at ipinakita ang kanyang toned na abs! Talagang nakakamangha kung paano napapanatili ni Julia ang kanyang toned at sexy figure na hinahangaan ng mga fans.

Hindi mapigilang ipagkumpara ng mga netizens si Julia Barretto at Bea Alonzo sa isa’t-isa. Hindi maikakailang mas beteranang aktres na si Bea sa industriya ng showbiz. Kilala rin si Bea sa versatility nito sa pag-arte kaya naman humahakot ito ng awards. Ayon sa ibang fans, di hamak na mas ‘better catch’ si Bea.

Sa kabilang banda, marami rin ang humahanga kay Julia. Kahit pa baguhan lamang ito sa showbiz ay pinatunayan na ng aktres ang kanyang taglay na talento sa pag-arte. Ayon rin sa ibang netizens, mas bagay kay Gerald ang mas batang kapareha na katulad ni Julia dahil sa kanilang chemistry.

Read Also: Kapuso Hunk Actor Jeric Gonzales, Mas Gusto Raw ang Matandang Kapareha sa Kanyang Relasyon!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na kwento o viral na balita, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.

Continue Reading

Uncategorized

“Probably not”- Andrea Torres, Iginiit na Hinding-Hindi na Niya Babalikan ang Ex na si Derek Ramsay!

Published

on

By

Isa sa mga pinakamemorableng celebrity break-up noong 2020 ay sina Andrea Torres at Derek Ramsay. Matapos ang mahigit isang taon na relasyon, sa hiwalayan rin nauwi ang pagmamahalan ng dalawa. Sa kabila ng lahat, mas pinili namang manahimik ng Kapuso aktres tungkol sa dahilan ng hiwalayan nila.

Ngunit sa unang pagkakataon, nagsalita na si Andrea tungkol dito. Sa kanyang nakaraang interview, tinanong si Andrea kung willing pa ba siyang balikan ang kanyang mga naging ex.

Ayon sa aktres, hindi siya ang tipo ng tao na binabalikan pa ang nakaraan. Dahil dito, mas pipiliin na lamang daw niyang mag move on at matuto mula sa mga life experiences niya kesa balikan ang nakaraan.

Read Also: Kapuso Hunk Actor Jeric Gonzales, Mas Gusto Raw ang Matandang Kapareha sa Kanyang Relasyon!

“Probably not. I’m always 100 percent invested in my relationships. I will fight for it with all I have because I don’t like having ‘what ifs’ in life. So, it takes a lot for me to decide to walk away. If that happens, if we end up parting ways, I know I already did everything,” pahayag ni Andrea.

Kamusta naman ang single life niya? Aminado ang aktres na nasaktan rin siya sa biglaang break-up nila. Gayunpaman, mas pinili niya raw na mag-focus sa kanyang sarili. Hindi pa rin daw ready si Andrea na buksan ang puso niya ulit, kaya naman mas pinagtutuunan niya ng pansin ang kanyang pamilya at career sa ngayon.

Bukod pa dito, matapos ang hiwalayan nila ni Derek ay nabigyan rin daw si Andrea ng pagkakataon para mag-reflect sa kanyang karanasan. Ito rin daw ang pinakamainam na oras para manalig siya sa Diyos, at umasa na may plano sa kanya si Lord.

“Reflect on what happened, get the lesson, and allow yourself to grow. I truly believe that everything that happens in our lives has a purpose. You’re hurt because you loved, so now you have to focus that love on yourself. Do things that make you happy, feed your soul, take care of yourself so that the next time you fall in love, you will have so much more to give.”

Read Also: Maja Salvador, Nanindigan sa mga Boss ng ABS-CBN sa Desisyon Niyang Mag-Lipat Network

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.

Continue Reading

Trending