Connect with us

Good Vibes

Jane de Leon, Nag-Abot ng Tulong sa Food Panda Rider na Nag-Aalaga ng Anak Habang May Duty!

Published

on

Kamakailan lang, isang Food Panda delivery rider ang umani ng papuri sa Facebook. Kahit pa nasa kalagitnaan ng duty, nagagawa niyang pagsabayin ang pag-aalaga ng kanyang anak at pagdedeliver! Humanga at sumaludo ang mga netizens sa kasipagan niya na makapaghanapbuhay habang kinakalinga ang kanyang anak.

Isang netizen ang nagbahagi ng larawan ng rider sa social media. Sa mga viral photos, makikitang naka-bike ang rider na si Hershey Manuel habang nagdedeliver ng mga orders ng customer. Isinakay niya sa basket ang kanyang sanggol na anak, at upang hindi mahulog ay naglagay siya ng unan at inaalalayan niya ito.

Read More: Ogie Diaz, Pinagsabihan si Andrea Brillantes sa ‘Plastik’ na Pahayag Nito Tungkol sa Showbiz

Dahil sa kasipagan ng Food Panda rider na ito, inulan naman siya ng papuri sa social media. Maraming netizens ang sumaludo sa kanya, lalo pa’t hindi rin madaling pagsabayin ang paghahanapbuhay at pag-aalaga sa isang sanggol. Ayon sa kanila, isang dakilang ama ang rider na ito.

Mayroon ring mga good Samaritan na nais mag-abot ng tulong para sa mag-ama. Bumuhos ang tulong mula sa mga netizens na humanga sa kasipagan ni Hershey. May mga nagbigay ng financial assistance, samantalang ang iba naman ay nag-abot ng grocery items gaya ng gatas, diapers, at iba pa.

Kabilang na sa mga tumulong sa kanya ay ang aktres na si Jane de Leon. Nag-ala real life “Darna” si Jane at personal niya mismong binisita si Hershey at ang anak nito. Sa isang video, makikitang labis na natuwa ang mag-anak sa tulong ng aktres. Nagbigay rin ito ng gatas at diapers para sa sanggol.

“Maraming maraming salamat din po kay Congresswoman Rep. Claudine Bautista at sa DAMPER Partylist sa binigay nyo pong gatas at diaper sa anak ko at kay Darna po Jane De Leon pati po sa Mom nya at buong team nila,” ito ang natutuwang pahayag ni Hershey sa kanyang Facebook page.

Read more: “Diet talaga ako, nagbawas ako sa carbs!”- Jane de Leon, Naiyak Matapos Sukatin ang Costume ni Darna

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Good Vibes

Labis ang Tuwa ng Nanay na Ito sa Simple Ngunit Espesyal na DIY Gift Mula sa kanyang Anak!

Published

on

Sa panahon ngayon, uso na ang pabonggahan ng mga birthday sa social media. Maraming nagbabahagi ng kanilang bonggang celebration, at may mga balloon decorations at nakakatakam na handa pa dito! Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, hindi naman kailangan ng bongga at sosyal na handaan upang maging masaya sa araw ng iyong kaarawan.

Sa katunayan, basta’t kasama mo ang iyong mga mahal sa buhay ay paniguradong magiging masaya ang iyong kaarawan.

Kagaya na lamang ng simpleng birthday celebration ng isang ina na ito. Kahit pa kapos sila sa pera, nagawa pa ring iparamdam ng anak na ito ang pagmamahal niya para sa kanyang ina sa pamamagitan ng espesyal na sorpresang ito!

Read More: Cristy Fermin, Tinawag na ‘Hitad’ si Nadine Lustre at ‘Lalaking Di Mabenta-Benta ang Bahay’ si James Reid!

Viral ngayon sa social media ang larawan ni mary Jane mula sa San Luis, Batangas na nag-celebrate ng kanyang kaarawan.

Sa espesyal na araw na ito ay sinorpresa rin siya ng kanyang anak na si Airiz Alcaraz, na isang Grade 10 student. Dahil kapos sa pera pambili ng bulaklak at decor, nag-DIY na lang si Airiz para sa kanyang ina.

Sa kanyang ika-37 na kaarawan, hindi inaasahan ni Mary Jane na may inihandang sorpresa pala sa kanya ang kanyang anak. Matyagang nag-drawing si Airiz ng “happy birthday” poster at isinabit ito sa kanilang kurtina upang may maayos na background ang kanyang ina.

Bukod sa birthday poster, nag-drawing rin ng makukulay na bulaklak si Airiz. Ito ang nagsilbing bouquet para sa kanyang ina. Mababakas naman sa mukha ni Mary Jane ang labis na tuwa nito matapos makita ang simpleng sorpresa ng kanyang anak. Patunay lang ito na hindi kailangan ng pera upang magpasaya ng ibang tao!

Silipin ang mga komento ng mga netizens dito:

“Material thing is just a fashion but the Love in our hearts always be remembered.”

“Thats a real love, not fake, tudo effort just to make her mom feeling loved and appreciated.”

“Napakabuting anak mo naman..siguradong matutuwa ang nanay mo. Sana all na lang talaga sinosorpresa tuwing may birthday.”

Read More: Friends nga lang ba? Ivana Alawi, Nilinaw ang Kumalat na PDA Moment Nila ni Marco Gumabao

Anong masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Good Vibes

Anak, Naiyak Matapos Makita ang Sakripisyo ng Kanyang Tatay na Hindi Sumasabay sa Hapunan Nila

Published

on

By

Kahit ano ay kayang isakripisyo ng mga ama para sa kanilang anak. Handa silang kumayod araw gabi para lamang matustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya. At kung pagtutuunan lamang natin ng pansin ay paniguradong makikita natin ang mga sakripisyo at pasakit ng ating dakilang ama.

Gaya na lamang ng nakakaiyak na kwento ng isang netizen na ito. Agad nag-viral sa social media ang kwento ni Aldi Relqno, kung saan ibinahagi niya ang ‘sikreto’ ng kanyang ama.

Ang kwentong ito ang nagpapatunay na kayang isakripisyo ng tatay ang kanyang sarili upang unahin ang kanyang mga anak.

Read More: Yen Santos, Pinaghinalaang ‘Mystery Woman’ na Ka-Holding Hands ni Paolo Contis sa Baguio!

Ayon kay Aldi, ilang linggo na niyang napapansin na hindi sumasabay sa pagkain nila ang kanyang ama. Tuwing naghahapunan silang magkapapatid ay nagpapahuli ito.

Kaya naman isang gabi ay inabangan ito ni Aldi upang malaman kung bakit nagpapahuling kumain ang kanyang ama, at nagulat sya sa kanyang natuklasan.

“Si papa Kasi nasagasahan ng truck noong MARCH 18, 2021 na Hanggang Ngayon ay Wala pang nangyayari sa kanyang Kaso Ang pag ka alam ko ay di pa tapos mag-aanim na buwan na Hanggang ngayon Halata ko Kay papa na hirap syang kumilos dahil sa kanyang pilay na hindi pinapahalata sa Amin mag kapatid.”

Ayon kay Aldi, mas gusto pa ng kanyang ama na paunahin silang kumain magkakapatid upang hindi na siya makihati pa sa ulam.

Ilang oras matapos nito ay namataan naman siya ni Aldi na kumakain mag isa at ginamos lamang ang inuulam. Kaya naman hindi mapigilang maluha ni Aldi sa kalagayan ng ama.

Sa kabilang banda, maraming netizens ang naantig sa kwentong ito. Humanga rin sila sa katatagan ng ama ni Aldi. Ayon sa mga netizens, nagpapatunay lamang ito na handang magtiis ang mga ama para lamang unahin ang pangangailangan ng kanilang mga anak.

Read Also: Rudy Baldwin, May Kakila-Kilabot na Pangitain sa Pagpanaw ng Komedyanteng si Mahal

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Good Vibes

Parking Boy, Ginamit ang Sariling Pera Upang Makakain ang Babaeng Naghihintay sa Sasakyan

Published

on

Minsan, kung sino pa ang mga taong salat, sila pa ang bukas palad na tumutulong sa iba. Alam nila ang pakiramdam ng walang-wala, kaya naman tuwing may nangangailangan, hindi sila nag-aalinlangan na tumulong sa abot ng kanilang makakaya. Gaya na lamang ng batang kalye na ito, na kamakailan lang ay nag-viral dahil sa kabutihang loob nito!

Isang netizen na nagngangalang Joy Anne Vicente ang nagbahagi ng nakakaantig na kwento sa social media. Ayon kay Joy, naghihintay siya sa loob ng kanyang sasakyan sa parking lot ng OWWA. Biglang may lumapit sa kanyang batang lalaki, at hindi nagtagal ay nag-usap ang dalawa habang hinihintay ni Joy ang nanay niya.

Read More: Sikat na Aktres Noon na si Janelle Manahan, Bakit Nga ba Na-Blacklisted sa Star Magic?

Ayon sa bata, sanay na siyang magpunta sa lugar na iyon. Sa katunayan, kilala na rin siya ng mga security guard at hindi siya pinapaalis dahil hindi naman siya nanggugulo sa mga tao. Tuwing tanghalian, dito na rin daw siya tumatambay dahil binibigyan siya ng pagkain ng mga security guard.

At kahit pa salat sa pera ang bata, hindi naman ito nagkulang sa kabutihang loob. Tinanong nito ang babae kung kumain na ba ito:

“Nakisubo lang po ako sa mga guard, kakatapos langt. Dito lang talaga ako sa parking. Ikaw di ka pa ba kakain?” Nang sumagot ang babae na hindi pa, agad namang nag-volunteer ang bata.

Sinubukang manghingi ng bata ng bente pesos upang makabili siya ng pagkain para sa babae, ngunit tumanggi naman si Joy. Ayon dito, hihintayin niya na lamang ang kanyang nanay na makabalik. Ngunit nagulat na lamang siya nang biglang mawala ang bata, at pagbalik nito ay mayroon na itong hawak hawak na turon!

Pilit na ibinigay ng bata ang turon kay Joy upang hindi siya magutom. Ayon sa babae, sariling pera mismo ng bata ang ginamit nito upang mabilhan lamang siya ng pagkain. Labis rin daw siyang natuwa dahil sa kabutihang loob na ipinakita nito kahit na wala ng natira para sa kanya.

“Pinipilit ko na sya nalang yung kumain ng turon kasi nakisubo lang sya sa mga guard na nag-aalaga sa kanya. Pero yung 10 pesos na inabot ko earlier pinangbili nya pa ng turon kasi gutom na daw ako. I’m so touched. May mga tao pa rin talagang ganito. Minsan kung sino pa yung walang wala, sila pa yung nagbibigay.”

Read More: Haba ng Hair! China Roces, Kinilig sa Bagong Surprise sa Kanya ni Mr. Anonymous

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Trending