Connect with us

news

Babaeng Nanganak sa Eroplano, Hindi Raw Inakalang Nagdadalang-Tao Pala Siya!

Published

on

Kung ikaw ay manganganak, wala na sigurong mas ligtas na lugar pa kaysa sa ospital. Narito na lahat ng iyong kailangan, kabilang na ang magagaling na doktor at mga gamot na kakailanganin mo. Ngunit may mga pagkakataon ring hindi na umaabot pa sa ospital ang panganganak. Kagaya na lamang ng nangyari sa isang babaeng ito.

Naantala ang isang flight papuntang Honolulu, Hawaii matapos manganak ang pasaherong babaeng ito! Sa kalagitnaan ng flight, nagulat na lamang ang babae dahil biglang sumakit ang kanyang tyan. Hindi niya akalain na manganganak pala siya, dahil ayon sa pasahero ay wala siyang kaideya-ideya na buntis pala siya!

Read More: Caught on Cam: Sachzna Laparan, Isiniwalat ang Mayabang Pulis na Nagwala sa Isang Restaurant!

Kinilala ang babae bilang si Lavinia Mounga mula sa Salt Lake City, Utah. Maswerte si Lavinia at ang kanyang asawa dahil may kasabay silang magaling na doktor at tatlong nurse sa flight na papuntang Hawaii. Sila rin ang tumulong kay Lavinia upang ligtas na maisilang ang kanyang baby.

Ayon sa news release ng Hawaii Pacific Health, hindi alam ni Lavinia na nagdadalang tao pala siya. Nang manganak siya ay tinatayang nasa 29 weeks pa lamang ang sanggol sa kanyang sinapupunan.

Sa kabilang banda, kinilala rin ang doktor na si Dr. Dale Glenn na tumulong sa pasahero. Katuwang niya rin ang tatlong nurses na sina Lani Bamfield, Amanda Beeding, at Mimi Ho.

Dahil kulang sa kagamitan ang eroplano para sa mga premature babies, ginamit ng doctor at mga nurses ang shoelaces para putulin ang umbilical cord ng sanggol at gumamit rin sila ng microwaved bottles para magbigay ng init sa bagong silang na bata. Isang relo rin ang ginamit nila upang ma-measure ang heart rate ng sanggol.

Sa kabila ng kakulangan sa gamit ay ligtas namang na-ideliver ang sanggol. Agad rin silang dumiretso sa ospital matapos lumapag ang eroplano. Naging stable naman ang lagay ng mag-ina sa loob ng tatlong oras hanggang sa dumating sila sa airport.

Read More: OFW na Nagpapakahirap sa Dalawang Trabaho, Niloloko Lang Pala ng Gold Digger na Girlfriend sa Pinas!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

news

Pitong Tao, Binawian ng Buhay Matapos Kumain ng Noodles na Isang Taon na Naka-Imbak!

Published

on

Isang buong pamilya mula sa China ang binawian ng buhay matapos makakain ng sirang noodles. Ayon sa mga reports, pitong miyembro ng pamilya ang nasawi matapos kumain ng homemade noodles na mahigit isang taon na nakaimbak sa loob ng freezer. Napag-alaman ng mga imbestigador na nalason ang mga biktima.

Ayon sa mga reports, dahil sa tagal na pagkakaimbak ng noodles sa freezer ay may namuong toxin na dito na kilala bilang “bongkrekic acid.”

Ito ay ang nakamamatay na toxin mula sa bacterium pseudomonas, ayon sa China Global Times. Ito rin ang hinihinalang sanhi ng pagpanaw ng pamilya.

Read More: “Walang Pahinga”- Netizens, Nagbiro Matapos Itong Sabihin ni AJ Raval kay Wilbert Ross

Labindalawang miyembro ng pamilya ang naninirahan sa Heilonjiang Province. Oktubre 2020 nang magtipon tipon sila upang kumain ng agahan.

Ayon sa mga saksi, siyam na miyembro ang kumain ng homemade noodles o mas kilala sa tawag na Suantangzi. Samantalang ang iba naman ay tumangging kumain nito dahil pangit na raw ang lasa.

Matapos ang ilang oras, nagsimulang sumama ang pakiramdam ng mga nakakain ng noodles. Sumakit ang kanilang tyan at nagsuka rin sila.

Agad silang isinugod sa ospital, ngunit binawian na ng buhay ang pito sa kanila. Ayon sa provincial health commission, natagpuan ang mataas na konsentrasyon ng bongkrekic acid sa kanilang tyan.

Dagdag pa ng mga otoridad, maaaring magresulta sa malubhang pinsala sa atay, bato, puso, at maging sa utak ang toxin na ito. At dahil pinag-aaralan pa lang ito ng mga eksperto, sa ngayon ay wala pang antidote o gamot para dito, kaya naman mataas rin ang fatality rate nito.

Ang mga sintomas nito ay nagsisimula ilang oras matapos kumain ng kontaminadong pagkain. Kabilang na dito ang pananakit ng tyan, pagpapawis, pagigin mahina, at pagkawala ng malay. Ang pagkamatay ay maaari ring mangyari sa loob lamang ng isang araw.

Read Also: Babaeng Nanganak sa Eroplano, Hindi Raw Inakalang Nagdadalang-Tao Pala Siya!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

celebrities

Empress Schuck, Nagbabala sa Pagputok ng Pimples Dahil sa Nakakabahalang Sinapit Niya

Published

on

Mahilig ka rin bang pumutok ng pimples mo sa mukha? Karamihan sa atin ay hindi mapakali tuwing tinutubuan tayo ng tigyawat sa mukha. Talaga nga namang nakaka-conscious makita ito, kaya ang iba ay sinusubukang putukin ito upang mawala. Ngunit alam niyo ba na maaari palang magdulot ng panganib ang pagputok ng pimples?

Ayon sa mga dermatologist, hindi dapat pinuputok o hinahawakan ang tigyawat dahil maaari itong maging sanhi ng impeksyon. Bukod sa mas mapapatagal nito ang paghilom ng balat, maaaring malagyan din ito ng bacteria at dumi mula sa ating kamay. Kamakailan lang, binahagi rin ng aktres na si Empress Schuck ang karanasan niya dito.

Read More: “Hindi ka nga gusto ng boyfriend ko!”- Barbie Imperial, Tinawag na Kabit si AJ Raval!

Sa Instagram ay ibinahagi ni Empress kung bakit siya naospital kamakailan lang. Bigla na lamang daw namaga ang kanyang mukha, at ilang araw na ang nakakalipas ay hindi pa rin ito gumagaling. Hinala ni Empress ay dahil ito sa tigyawat sa taas ng kanyang ilong na pinutok niya.

Mabuti na lamang at naagapan ito ni Empress bago pa lumala ang pamamaga ng kanyang mukha. Sa tulong ng isang espesyalista ay agad nilang naagapan ito. Ayon kay Empress, mula ngayon ay matututo na siya na wag pisilin at hawakan ang mga pimples niya sa mukha.

“On a serious note, never try to squeeze and pop your pimple! Now part of my face is swollen and getting worse. Eng sheket, abot ulo yung kirot. Thank you ate Hazel Parfan and Dra. Sherry Ong Cunanan here in Baguio for the immediate action. So gratedul you’re all around,” dagdag pa ni Erich.

Sa ibang malalang kaso, maaaring maging sanhi ng brain damage ang pagputok ng tigyawat. Kapag ito ay naimpeksyon, maaari itong umabot sa utak dahil sa mga clot sa iyong ugat. Kaya naman mahigpit itong ipinagbabawal ng mga eksperto.

Read More: “Walang Pahinga”- Netizens, Nagbiro Matapos Itong Sabihin ni AJ Raval kay Wilbert Ross

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Local

Mag-Aaral na Pumanaw Isang Araw Bago ang Graduation, Tinupad ng Pamilya ang Hiling

Published

on

Para sa isang mag-aaral, wala na sigurong mas exciting pa sa araw ng kanyang pagtatapos. Sa espesyal na araw na ito ay makakamit na niya ang bunga ng ilang taon niyang pagsisikap. Kaya naman karamihan ay pinaghahandaan talaga ang kanilang graduation day. Ngunit dahil sa di inaasahang pangyayari ay hindi naka-attend ng sarili niyang graduation party ang estudyanteng ito.

Kamakailan lang ay ibinahagi ng GMA News ang nakakaantig na kwento ni Hemenz Luzada, isang 25-anyos na dapat ay magtatapos na ng kanyang pag-aaral noong June 26.

Ayon sa kanyang pamilya, excited na si Luzada na magtapos sa kanyang kursong business administration, ngunit isang trahedya ang pipigil sa mga plano niya.

Read More: Coleen Garcia, Binalaan ang mga Netizens sa Contractor na Nang-Scam sa Kanila ni Billy!

Isang araw bago ang kanyang graduation day ay nagkaroon ng cardiac arrest si Luzada, na naging sanhi ng maagang pagpanaw nito.

Labis na nasaktan ang mga mahal niya sa buhay, lalo pa’t pangarap ni Luzada na maka-attend sa kanyang graduation ceremony. Ngunit kahit pa pumanaw na siya ay itinuloy pa rin ng kanyang pamilya ang hiling niya.

Naghanda sila ng espesyal na graduation ceremony na talagang nagpa-antig sa puso ng mga netizens sa social media. Sa isang video, makikitang tumugtog ang graduation march habang nagmartsa ang mga magulang niya at suot suot ang togang sana’y susuotin ni Luzada. Mayroon din silang family picture sa tapat ng kanyang kabaong.

Ayon sa girlfriend ni Luzada na si Vanesa Encila, masipag at determinado ito. Noon pa man daw ay pangarap na nitong makapagtapos ng pag-aaral, kaya naman nag-working student ito sa isang fastfood chain para lamang matustusan ang kanyang mga pangangailangan.

Labis rin daw silang nabigla sa pagpanaw nito, lalo pa’t malusog at malakas ito at wala rin daw bisyo. “He didn’t have any vices, he didn’t smoke, it hurts so much,” pahayag nito.

Read Also: Andi Eigenmann, Balik Alindog na Matapos i-Bodyshame ng Ex-Boyfriend na si Albie Casino

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang altest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Trending