Connect with us

celebrities

Heart Evangelista, Ibinuking ang Pinoy Designer na May Attitude at Inokray Siya!

Published

on

Isa si Heart Evangelista sa mga hinahangaang fashion icon sa Pinas. Kilala si Heart sa buong mundo dahil sa kanyang style, kaya naman nag-aagawan rin ang mga local at international designers at brands para maka-trabaho siya. Ngunit nakakalungkot isipin na kapwa Pinoy niya pa ang magda-down kay Heart.

Sa kanyang nakaraang vlog, inalala ni Heart ang masamang experience niya sa isang sikat na Filipino designer. Nakarating daw sa kanya na minamaliit siya nito tuwing nakatalikod siya. Tumanggi rin ang “I Left My Heart in Sorsogon” actress na pangalanan kung sino ang designer na may attitude.

Read More: Mariel Rodriguez, Nagulat Matapos Malaman na May Baril ang 70-Anyos na Byenan na si Mommy Eva!

“There is this Filipino designer I’m not going to name, but a lot of my friends would tell me that he would always say bad things about me, and he would say, ‘Oh she only has one pair.’ Fashion is all about having key pieces that will last you forever that you could still use and mix with new and old,” pagbabahagi ng aktres.

Ayon kay Heart, labis siyang na-offend sa pang-ookray sa kanya ng designer. Nalaman niya na lang daw sa kanyang mga malalapit na kaibigan ang mga sinasabi nitong bagay tungkol sa kanya. Gayunpaman, hindi niya hinayaang mabahiran nito ang reputasyon niya.

Paglilinaw pa ni Heart, hindi naman mahalaga kung bago o luma ang iyong mga gamit, hangga’t napapasaya ka nito. Hindi rin daw dapat masyadong intindihin ang sinasabi ng ibang tao, dahil sa huli, ikaw lang rin naman ang magpapasya kung anong nagpapasaya sayo pagdating sa style at fashion.

“I really don’t believe in that. I think it’s so nouveau riche. Fashion is made for a lifetime. It’s not just for the season. So when people tell you that ‘luma na yan,’ forget it. To hell with that they say. It’s about how you feel. There’s always going to be something beautiful, something on trend. You can’t buy everything.”

Read Also: Masyadong Strikto? Toni Gonzaga, Pinuna ng mga Netizens Dahil sa Video ni Seve!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

celebrities

Maarte Daw? Mariel, Umani ng Iba’t-Ibang Komento Matapos Amining Hindi Kayang Matulog ng Walang Aircon

Published

on

Sa panahon ngayon, nauuso na ang outdoor camping. Talagang nakaka-relax nga naman ma-experience ang napakagandang kapaligiran. Maganda rin itong activity para sa mga bata, dahil mas mae-expose sila sa nature. Ngunit sadyang may mga tao na ayaw sa camping dahil sa iba’t-ibang rason.

Kabilang na sa kanila ang celebrity mom na si Mariel Padilla. Bilang mom-of-two, sinisigurado ni Mariel na lagi niyang nakakabonding ang mga anak niya na sina Isabella at Gabriella.

Sa katunayan, bago ang pandemic ay nakarating na rin sila sa iba’t-ibang bansa. Ngunit aminado si Mariel na may isang bagay pa silang hindi nagagawa.

Read More: “I miss her talaga”- Rob Moya, Malaki ang Pagsisisi na Pinakawalan pa si Toni Fowler

Kamakailan lang, kumalat sa social media ang naging usapan ni Mariel at ng kanyang panganay na si Isabella.

Tinanong ni Isabella kung pwede ba silang mag-camping o mag outdoor trips. Ngunit agad naman daw tumutol dito si Mariel, dahil aminado siya na hindi siya nakakatulog ng walang aircon.

Ayon kay Mariel, naisin man niyang lumahok sa mga outdoor activities kasama ang kanyang anak ay hindi niya ito magawa. Aminado si Mariel na hindi siya sanay matulog ng walang aircon. Bukod pa dito, nag-aalanganin rin daw siyang mag-camping dahil maraming lamok.

“No! I need aircon. There are lots of mosquitoes. This is my truth, as much as I want to do outdoorsy stuff with my kids, I need aircon!”

Sa kabilang banda, umani naman ito ng iba’t-ibang reaksyon sa social media. Ayon sa ibang netizens, maaaring may health condition si Mariel kung kaya’t nahihirapan itong matulog nang hindi malamig. Ngunit may iba rin na nag-iwan ng di magandang komento.

Ayon sa iba, masyadong maselan si Mariel at dapat lang na tiisin niya ito para na rin ma-experience ng mga anak niya ang camping trip.

Read Also: Miss Bahrain, Ayaw Patulan ang mga Pinoy Bashers na Nanlait sa Kanyang Larawan

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

celebrities

Sikat na Aktres, Ginulat ang mga Fans sa Bagong Trabaho Niya Ngayon sa Amerika!

Published

on

Hindi permanente ang trabaho sa showbiz. Maaring ngayon ay sikat ka, ngunit may mga pagkakataon na lalamlam ang kinang ng iyong career.

Kaya naman may mga Pinoy celebrities na mas pumiling tumahak sa ibang karera at tuluyang iwan ang industriya, gaya na lamang ng batikang aktres na si Donita Rose.

Sa loob ng ilang dekada ay naging makulay rin ang career ni Donita Rose bilang MTV VJ, host, at aktres. Ngunit nitong 2020 lamang, hindi lingid sa kaalaman ng lahat na tuluyan na siyang namaalam sa kanyang career bilang aktres. Sa halip ay mas pinili nitong manatili sa United States upang maging chef.

Read More: Barbie Imperial, Mataray na Pinangaralan si AJ Raval Matapos Itong Mag-Sorry sa Kanya

Noong 2020, ibinahagi ni Donita sa kanyang mga fans sa social media na permanente na siyang maninirahan sa Amerika.

Mas pinili niyang magkaroon ng tahimik at payapang buhay abroad. Dito na rin daw niya ipagpapatuloy ang kanyang pangarap na maging isang chef.

Bago siya umalis, nagpa-despedida party pa sa kanya ang mga malalapit niyang kaibigan kabilang na sina Ruffa Gutierrez, Karla Estrada, Sunshine Cruz, Vina Morales, at Jackie Forster.

Ngunit kahit pa wala na siya sa Pilipinas, patuloy pa ring ina-update ni Donita Rose ang kanyang mga fans sa pamamagitan ng social media.

Noong April, masayang ibinalita ni Donita na na-promote siya sa kanyang trabaho bilang corporate R&D Chef ng Island Pacific’s Market.

Mayroon din daw siyang team, kung saan kasama niya si G Tongi. Nais nilang mas pasikatin pa ang mga Filipino cuisines sa ibang bansa.

Sa kabilang banda, masaya naman ang mga fans sa bagong direksyong tinahak ngayon ni Donita Rose. Paniguradong marami ang nakaka-miss na mapanood siyang muli sa telebisyon, ngunit hindi maikakaila na mukhang mas masaya at fulfilled si Donita sa kanyang bagong role ngayon.

Read Also: Dra. Belo, Ibinahagi ang Mapait na Karanasan Kung Bakit Ayaw Niyang Nagse-Celebrate ng Birthday

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

celebrities

Dra. Belo, Ibinahagi ang Mapait na Karanasan Kung Bakit Ayaw Niyang Nagse-Celebrate ng Birthday

Published

on

Isa si Dra. Vicki Belo sa mga sikat na figures sa showbiz. Hindi man siya sumabak sa larangan ng pag-akting, kilala naman si Dra. Belo bilang beauty doctors ng mga sikat na artista. Dahil sa kanyang grace at elegance, hindi na nakakapagtaka na na-achieve na rin ni Dra. Belo ang celebrity status.

Bukod sa kanyang namamayagpag na career at business, masaya rin si Dra. Belo sa kanyang personal life. Biniyaan siya ng mapagmahal na asawa na si Hayden Kho, at ang unica hija nila na si Scarlet Snow. Ngunit sa kabila nito, alam niyo bang may tinatago palang mapait na karanasan noon si Dra. Belo?

Read More: Magandang Aktres, Aminadong Naghirap Ngayong Pandemic Matapos Mawalan ng Trabaho

Sa kanyang nagdaang interview kay Ogie Diaz, ibinahagi ng celebrity doctor kung bakit ayaw niyang nakakarinig ng birthday greetings.

Ayon sa kanya, masaklap sa kanya ang karanasang ito dahil bagong silang pa lamang siya ay ipinamigay na siya ng kanyang ina. Lumaki siya sa piling ng kanyang tiyahin na tumayong ina niya.

“Nung pinanganak ako, never akong hinawakan ng nanay ko. So in my head, it was not a happy… parang ipinanganak ka pa lang, ipinamigay ka na. So when I think of that, since I have so many issues about adoption, about not being good enough, about not being lovable, I thought, I don’t like to be greeted,” pahayag ni Dra. Belo.

Kahit isang birthday man lang ay hindi nakasama ni Dra. Belo ang kanyang tunay na nanay. Ito rin daw ang dahilan kung bakit hanggang pagtanda niya, ayaw niyang inaalala ang kanyang kaarawan. Nagpapaalala lang daw ito sa kanya ng araw na ipinaampon siya ng kanyang sariling ina.

Sa kabila nito, pinatawad na daw niya ang kanyang mga biological parents. Malaki rin ang pasasalamat niya dahil pinalaki siya nang maayos ng kanyang mga adopted parents.

“I accept it na, one day lang naman ‘yun, so kaya ko na ‘yun palagpasin. It still really hurts, the rest of the time naman I’m okay. Pinatawad ko na ‘yung aking biological mom and dad. But I was never able to tell her na it’s okay mom, masakit nga, pero sobra akong grateful sa’yo kasi you made sure you gave me the right people, my most wonderful parents.”

Read Also: Pitong Tao, Binawian ng Buhay Matapos Kumain ng Noodles na Isang Taon na Naka-Imbak!

Panoorin ang buong interview dito:

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Trending