Connect with us

celebrities

Catriona Gray at Sam Milby, Sweet na Sweet sa Kanilang Romantic Getaway sa Mauritius!

Published

on

Karamihan sa atin ay naghahangad na makapag-travel kasama ang ating mahal sa buhay. Talagang wala ng mas nakakatuwa pa ang makasama silang gumawa ng bagong ala-ala sa mga lugar na pinapangarap niyong puntahan.

Kaya naman hindi na inaksaya pa ng celebrity couple na sina Catriona Gray at Sam Milby ang pagkakataon upang makapag-travel sila.

Dahil parehas na hectic ang schedule nila, minsan na lamang makahanap ng oras para sa isa’t-isa si Catriona at Sam. Kaya naman nang magkaroon sila ng time na mag-travel ay hindi na nila ito pinalampas pa. Kamakailan lang, nagkaroon sila ng romantic getaway sa Mauritius.

Read More: Axel Torres, Nagsalita na! Pinaringgan ang Ex na si AJ Raval Dahil sa Affair Nito kay Aljur

Ayon kay Cat, talagang excited siya sa kanilang travel adventure. Sa Instagram, nagbahagi rin siya ng mga larawan nila, kung saan makikitang enjoy na enjoy ang dalawa sa kanilang bakasyon.

Ayon pa sa dating beauty queen, kahit pa masama ang panahon ay nagawa pa rin nilang mag-tour sa mga tourists spots.

“It’s been a long trip but such a relaxing and seamless one. It was raining the entire drive over, but as soon as we came to the last part of our hike and stepped out to the head of the Waterfall, the sun came out and blessed us. God showing off all His beautiful creation,” pahayag ni Catriona.

Sa kabilang banda, excited na rin si Cat para sa kanilang bagong proyekto ni Sam. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magtatambal ang magkasintahan sa kanilang on-screen project. Ayon kay Cat, ang kanilang kaabang-abang na proyekto ay collaboration nila sa Global Child TV.

“An inspirational brand based around traveling with purpose that explores the world through amazing experiences as life lessons are shared with the help of international influencers, social media, and local communities.”

Read More: AJ Raval at Aljur Abrenica, Naaktuhang Magka-Holding Hands sa Mall Matapos i-Deny ang Relasyon!

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

celebrities

Lolit Solis, Nag-Public Apology Matapos Ipagkalat ang Pribadong Pangyayari kay Alex Gonzaga at Mikee Morada

Published

on

Sa kauna-unahang pagkakataon, nagsalita si Mikee Morada tungkol sa panghuhusga na natanggap ng kanyang asawang si Alex Gonzaga. Kaugnay ito sa pahayag ng beteranang columnist na si Lolit Solis na di umano’y nagkaroon ng miscarriage si Alex. Nag-komento naman si Mikee dito, at nakiusap kay Lolit na irespeto ang privacy nilang mag-asawa.

“Mam masakit at nakakadismaya naman. Hindi lang patungkol kay Alex ang inyong sinulat, tungkol ito sa amin mag-asawa. Kaya hinihingi ko ang inyong pag-respeto. Huwag po kayong gumawa ng kwento sa ganitong klaseng sitwasyon lalo’t hindi niyo naman alam ang totoong pangyayari, salamat,” pahayag niya sa viral IG post ni Lolit.

Read Also: Julia at Gerald, Nagbigay ng Relationship Advice sa mga Couples na Pareho ng Sitwasyon Nila

Ito’y matapos ibahagi ni Lolit na di umano’y nagkaroon ng miscarriage si Alex. Kwinestyon rin niya ang usap-usapan na balak ibahagi ni Alex ang buong kwento sa kanyang Youtube channel. Ayon kay Lolit, tila nais pa raw pagkakitaan ni Alex ang trahedyang naganap sa kanya.

Matapos magbigay ng komento si Mikee, agad naman nag-issue ng public apology si Lolit tungkol sa kanyang write-up. Ayon sa 74-anyos na kolumnista, hindi niya intensyong makapanakit ng iba. Pinuri niya rin si Mikee dahil sa ‘respectful’ comment nito sa kabila ng kanyang nasabi tungkol kay Alex.

“So sorry if ito ang naging dating kay Alex Gonzaga at sa kanyang asawa. I will honestly say na I appreciate the very respectful comment of Morada. Hindi iyon ang motibo ko, hindi iyon ang gusto ko. If I have offended and hurt you, I deeply apologize. I understand what you mean na very trying ang experience na ito para sa inyong mag-asawa.”

Nanawagan rin si Lolit sa mga bashers na magpakita ng kaunting respeto. Ayon sa kanya, nagkakamali din siya, ngunit hindi niya deserve ang masasakit na salitang ibinabato sa kanya sa social media.

“Sabi nga nila, I don’t deserve respect, pero the way they treat me, meron ba silang respeto sa sarili nila. Parang mga bully sila na ang gamit na language kanto boys, parang kung ano atake nila sa akin, iyon din sila. Sama sama na kaming mga tsismosa, mukhang pera at bobo.”

Read More: Arci Munoz, Ipinasilip ang Hirap ng Kanyang Training Bilang Isang Army Reservist

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

celebrities

Arci Munoz, Ipinasilip ang Hirap ng Kanyang Training Bilang Isang Army Reservist

Published

on

Kamakailan lang, nagbalik tanaw si Arci Munoz sa kanyang training days upang maging army reservist. Matatandaang noong October 2020 nang magtapos ang aktres sa kanyang training bilang isang sergeant. Hindi rin biro ang training na pinagdaanan niya sa loob ng anim na buwan, kaya naman ibinahagi niya ito sa mga netizens.

Ayon kay Arci, kadalasan ay isa o dalawang buwan lamang ang itinatagal ng training. Ngunit dahil sa kanyang conflict of schedule ay na-extend ito ng six months. Kasama sa mga pinagdaanan niya ay ang HADR training, marksmanship training, obstacle course, field training exercise, at marami pang iba.

Read More: Ruffa Gutierrez, Tumutol Matapos Magpabili ang mga Anak ng Pusang Nagkakahalaga ng P300,000

“Ako, nagte-train ako actually during the pandemic so nag-start ako ng mga, of course, the markmanship training, lahat ng pwede kong gawin muna sa Manila. Usually it takes talaga the training kapag mga reservist, a few months, siguro mga one to two, mine took six. So it took me six months to finish and graduate as a sergeant.”

At dahil hindi biro ang training, pawis at puyat ang puhunan ni Arci dito. Kaya naman labis siyang naging proud matapos makumpleto ang kanyang training at hirangin bilang isang sergeant.

Ayon pa sa Kapamilya star, bilang isang artista at influencer, nais niya ring gamitin ang kanyang boses upang hikayatin ang ibang tao na sumali sa pagiging reservist. Malaki ang maitutulong ng pagte-training, kaya naman daw ginawa niya itong parte ng kanyang advocacy sa social media.

“Alam niyo, yun pa lang bilang isang influencer, kasi that’s what we call ourselves somehow, we influence people. Yun pa lang pagsali nila bilang isang reservist, undergoing that training, malaking bagay na yun, malaking tulong na. Para ma-influence yung mga tao also because it is also my advocacy, and I really want this to be mandatory.”

Read More: “Pag di kayang panindigan, wag magsalita”- Cristy Fermin, Nakisawsaw sa Isyu ng Network Transfer ni Kuya Kim

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

celebrities

Julia at Gerald, Nagbigay ng Relationship Advice sa mga Couples na Pareho ng Sitwasyon Nila

Published

on

Matatandaang ngayong taon lamang nang isapubliko ni Gerald Anderson at Julia Barretto ang kanilang relasyon. Taong 2019 pa lamang ay na-link na sila sa isa’t-isa, matapos mag-film ng pelikulang “Between Maybes” sa Japan. Matapos ang matagal na pagtatago, sa wakas ay ganap nang maipagsisigawan ni Julia at Gerald ang pagmamahal nila sa isa’t isa!

Nabalot man sa kontrobersya ang kanilang pagsasama, dedma lang sila Julia at Gerald sa mga bashers. Matapos masangkot ang aktres bilang third party sa hiwalayan ni Gerald at Bea Alonzo, sunod sunod na ang pamba-bash na natatanggap ni Julia sa social media. Gayunpaman, hindi ito naging hadlang sa pagmamahalan ng dalawa.

Read More: “Parang kambal tuko!”- Netizens, Kinilabutan Dahil sa Pagkakahawig ni Bea Alonzo sa Lola ni Dominic Roque!

Kamakailan lang, nagbigay rin ng relationship advice si Julia at Gerald sa iba pang couples na kagaya nila. Supportive friend ang dalawa sa bagong Youtube channel ng kanilang kaibigang si Dave Dalisay. Naging special guests sila nito at nagpaunlak pa sila ng interview.

Sa interview ay napag-usapan ang love and relationships ng dalawa. Tinanong ni Dave si Julia at Gerald kung masaya nga ba sila sa piling ng isa’t-isa. Iisa lamang ang naging sagot ng dalawa. Ayon kay Gerald, kung masaya ka sa relasyon mo at ito ang nagsisilbing inspirasyon mo ay dapat mo itong i-pursue.

Agree naman si Julia sa bagay na ito, at aminado ang aktres na kahit pa may mga hindi sila pinagkakasunduan ni Gerald ay agad nila itong naaayos. Ang susi raw sa matatag na pagsasama ay tiwala at maayos na komunikasyon, kaya naman agad nilang nalulutas ang mga problema.

Dagdag pa ni Julia, hindi nila masyadong pinagtutuunan ng pansin ang kanilang mga bashers sa social media. Tanging social media lamang ang basehan ng mga ito, at hindi nila alam ang tunay na pangyayari sa likod ng camera. “Social media is different from real life, so be you,” dagdag pa ni Julia.

Read Also: Luis Manzano, Nagmakaaawa sa mga Netizens na Panoorin ang Kanyang Vlog! Bakit Kaya?

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Trending