Connect with us

Inspiring

Bagong Kasal, Binalutan ng Tumataginting na P1.6 Million sa Kanilang Prosperity Dance!

Published

on

Para sa kahit sinong couple, ang araw ng kasal ang isa sa pinakamahalagang kaganapan sa buhay nila. Sa araw ng pag-iisang dibdib nila, magsusumpaan sila na mamahalin at aalagaan ang isa’t-isa habang buhay. Hindi rin makukumpleto ang seremonya na ito kung wala ang mga kapamilya at malalapit na kaibigan ng bride at groom, na saksi sa kanilang pag-iibigan.

Sa Pilipinas, kasama na sa ating tradisyon ang pagbibigay ng regalo sa bagong kasal. Nakaugalian na nating mag-abot ng regalo o ng maliit na halaga.

Kasama ito sa paniniwala natin na makatulong para sa pagsasama ng bagong kasal. Ngunit naka-attend ka na ba ng kasal kung saan nag-uumapaw ang cash ng bride at groom?

Read More: Cristine Reyes, Binalikan ang Masalimuot na Pagkabata na Naranasan Niya sa Kamay Mismo ng Kanyang Sariling Ina

Usap-usapan ngayon sa social media ang bonggang kasalan na ito. Ayon sa report ng Inquirer sa Facebook, naganap ang pag-iisang dibdib na ito sa Quezon province. Isang larawan ng bride at groom ang nag-viral dahil sa napakahabang money train na nakakabit sa kanilang wedding gown at suit!

Paniguradong mapapa-sana all na lang ang mga netizens sa bonggang kasalan na ito. Ayon sa Inuqirer, mahigit P1.6 million ang perang natanggap ng couple sa kanilang prosperity dance.

Halos matabunan na rin ng tig-iisang libong papel ang wedding gown ng bride. Galing ang mga perang ito sa bisita ng bagong kasal.

Sa kabilang banda, maraming netizens naman ang namangha sa bonggang prosperty dance na ito. Silipin ang mga komento nila dito:

“Ganyan talaga sa quezon province ang kasalan nagsasabit ng pera.”

“Normal na yan dito sa Quezon Province pabonggahan ang kasal pero mukhang mayaman talaga pamilya ng groom.”

“Galing yung 1M sa Lola niya. Gusto lang nya maging maayos ang bagong chapter sa buhay mag asawa ng kanyang apo.”

“Makapag pakasal na at baka ako ay sabitan ng mga titulo ng lupa HAHAHAHAHA.”

Read Also: Ivana Alawi, Diretsahang Sinagot Kung Nililigawan nga ba Siya ni Joshua Garcia!

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Good Vibes

Anak, Naiyak Matapos Makita ang Sakripisyo ng Kanyang Tatay na Hindi Sumasabay sa Hapunan Nila

Published

on

By

Kahit ano ay kayang isakripisyo ng mga ama para sa kanilang anak. Handa silang kumayod araw gabi para lamang matustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya. At kung pagtutuunan lamang natin ng pansin ay paniguradong makikita natin ang mga sakripisyo at pasakit ng ating dakilang ama.

Gaya na lamang ng nakakaiyak na kwento ng isang netizen na ito. Agad nag-viral sa social media ang kwento ni Aldi Relqno, kung saan ibinahagi niya ang ‘sikreto’ ng kanyang ama.

Ang kwentong ito ang nagpapatunay na kayang isakripisyo ng tatay ang kanyang sarili upang unahin ang kanyang mga anak.

Read More: Yen Santos, Pinaghinalaang ‘Mystery Woman’ na Ka-Holding Hands ni Paolo Contis sa Baguio!

Ayon kay Aldi, ilang linggo na niyang napapansin na hindi sumasabay sa pagkain nila ang kanyang ama. Tuwing naghahapunan silang magkapapatid ay nagpapahuli ito.

Kaya naman isang gabi ay inabangan ito ni Aldi upang malaman kung bakit nagpapahuling kumain ang kanyang ama, at nagulat sya sa kanyang natuklasan.

“Si papa Kasi nasagasahan ng truck noong MARCH 18, 2021 na Hanggang Ngayon ay Wala pang nangyayari sa kanyang Kaso Ang pag ka alam ko ay di pa tapos mag-aanim na buwan na Hanggang ngayon Halata ko Kay papa na hirap syang kumilos dahil sa kanyang pilay na hindi pinapahalata sa Amin mag kapatid.”

Ayon kay Aldi, mas gusto pa ng kanyang ama na paunahin silang kumain magkakapatid upang hindi na siya makihati pa sa ulam.

Ilang oras matapos nito ay namataan naman siya ni Aldi na kumakain mag isa at ginamos lamang ang inuulam. Kaya naman hindi mapigilang maluha ni Aldi sa kalagayan ng ama.

Sa kabilang banda, maraming netizens ang naantig sa kwentong ito. Humanga rin sila sa katatagan ng ama ni Aldi. Ayon sa mga netizens, nagpapatunay lamang ito na handang magtiis ang mga ama para lamang unahin ang pangangailangan ng kanilang mga anak.

Read Also: Rudy Baldwin, May Kakila-Kilabot na Pangitain sa Pagpanaw ng Komedyanteng si Mahal

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Inspiring

Lola na Balut Vendor, Tinanggihan ang Regalong Magandang Bahay Mula sa Kanyang Anak! Bakit Kaya?

Published

on

Talagang hindi matutumbasan ang sakripisyo at paghihirap ng ating mga magulang. Buong buhay natin ay iginapang nila tayo sa hirap para lamang mabigyan tayo ng magandang kinabukasan. Kaya naman kadalasan, paglaki ng mga anak ay nais rin nilang suklian ang kabutihan ng kanilang nanay at tatay.

Kamakailan lang, itinampok sa programang “Kapuso Mo, Jessica Soho” ang nakaka-inspire na kwentong ito ng isang balut vendor na nagngangalang Amelia Madriaga.

Si Nanay Amelia ay tubong Urdaneta City, Pangasinan. Sa kabila ng kanyang katandaan ay patuloy pa rin itong nagbebenta ng balut.

Read More: Nanay ni Vice Ganda, Napaiyak Matapos Makita ang Bagong Bahay na Ipinagawa ni Vice Para sa Kanya!

Kahit pa noong bata pa lamang ang kanyang mga anak, pagbebenta na ng balut ang ikinabubuhay nila. Araw-gabi ay nagbebenta siya ng balut para lamang may maipangtustos sila sa kanilang araw-araw na pangangailangan. Hanggang sa pumanaw ang kanyang asawa noong 2016 ay patuloy pa rin si Nanay Amelia sa pagtitinda.

Hindi nagtagal ay nagkaroon na rin ng kanya-kanyang buhay ang kanyang mga anak. Isa-isa rin silang umalis sa poder ni Nanay Amelia, at patuloy itong nagbebenta ng balut para makaraos.

Ngunit hindi alam ni Nanay Amelia na nag-iipon pala ng pera ang isa sa kanyang mga anak upang mapatayuan siya ng bahay.

Matapos ang limang taon ay nakapagpatayo rin ito ng magandang bahay. Ngunit tinanggihan naman ni Nanay Amelia na tumira dito.

Sa halip ay mas pinili niyang bumalik sa kanyang dating bahay, dahil ayon sa kanya ay kahit sira-sira na ito ay narito pa rin ang kanilang mga alaala. Sapat na rin daw sa kanya na lagi siyang naaalala ng kanyang mga anak.

Nangako naman ang mga anak ni Nanay Amelia na hindi nila ito papabayaan sa kanyang pagtanda. Ayon pa sa kanya, hindi siya titigil sa pagtitinda ng balut, lalo pa’t ito na lang ang pinagkakaabalahan niya ngayon.

Read Also: Lyca Gairanod, Isiniwalat ang Nakakaiyak na Dahilan Kung Bakit Ibinenta Niya ang House and Lot Prize sa “The Voice”

Silipin ang buong video dito:

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag follow at mag like sa aming Facebook page.

Continue Reading

Inspiring

Sinaktan, Nag-Move on, Gumanda! OFW, Halos Di na Makilala Ngayon Matapos Iwan ang Mapanakit na Asawa Niya

Published

on

By

Sabi nga nila, kapag nasa tamang tao ka, maggo-glow ka talaga! Kagaya na lamang ng nakakamanghang kwento ng babaeng ito, na kamakailan lang ay itinampok sa programang “Kapuso Mo, Jessica Soho.” Maraming netizens rin ang humanga sa kanyang katatagaan sa buhay, na talaga namang nagsilbing inspirasyon sa mga kababaihan.

Si Michelle ay nagta-trabaho ngayon bilang isang domestic worker sa UAE. Sa kanyang postura, hindi mo aakalaing anim na pala ang anak ni Michelle! Talagang napakakinis ng balat niya, at kadalasa’y pinagkakamalan pa siyang dalaga. Ngunit alam niyo ba na may masalimuot rin siyang pinagdaanan noon?

Read Also: Aljur Abrenica, Masaya Raw sa Buhay Ngayon sa Kabila ng Hiwalayan Nila ni Kylie

Bago pa man umasenso at mag-glow up si Michelle, labis na pighati ang dinanas niya sa piling ng dati niyang asawa.

Mahirap lamang ang buhay nila noon, at di umano’y lagi pa siyang sinasaktan ng kanyang asawa. Hindi niya naman ito magawang iwan dahil sa kanilang mga anak na maliliit pa.

“Binubugbog po ako ng asawa ko! Sinusuntok niya ako sa mukha, sa sikmura at sinasakal. Umagang-umaga, may mga pasa na ako. Tiniis ko lahat yun, pero nung sinaktan na niya yung mga anak ko, doon na ako nag-isip kung paano kami makakaalis,” pahayag ni Michelle.

Upang makapagtrabaho, ipinaalaga ni Michelle sa kanyang ina ang kanyang anim na anak. Lumipad naman siya patungong UAE upang maghanapbuhay, at hindi nagtagal ay unti-unti na ring naalagaan ni Michelle ang kanyang sarili. Nakakapagpadala rin siya ng pera sa kanyang mga anak.

Ngayon ay talagang nag glow up na siya! Ayon kay Michelle, hindi siya nagparetoke o umiinom ng mga gamot, bagkus ay self-love ang talagang nagpaganda sa kanya.

Tuluyan na niyang tinalikuran ang kanyang mapanakit na asawa at ang kanyang masalimuot na nakaraan para sa kinabukasan nila ng kanyang mga anak.

Read More: Ogie Diaz, May Prangkang Advice kay Dani Barretto Tungkol kay Kier: “Mag-Ama pa rin Kayo”

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Trending