Connect with us

Viral

Real-Life Mara Clara! Dalawang Babae sa Spain, Napagpalit sa Ospital Noong Sanggol pa Lamang Sila!

Published

on

Akala natin ay sa pelikula at teleserye lamang nangyayari ang mga sanggol na ipinagpapalit. Ito rin ang kwento ng sikat na Pinoy teleserye na ‘Mara Clara,’ kung saan sinadyang ipagpalit ang dalawang sanggol sa ospital at lumaki sa magkaibang magulang. Ngunit alam niyo bang nangyayari rin pala ito sa totoong buhay?

Kamakailan lang, naging usap-usapan ang mala-teleseryeng buhay ng dalawang babaeng ito matapos mapagpalit sa ospital.

Ayon sa ulat ng Reuters, halos dalawang dekada na ang nakalipas ng mapagpalit ang dalawang sanggol na ito mula sa Rioja, Spain, at ngayon lamang nabunyag ang katotohanan.

Read More: “Hindi Lahat ng Totoo ay Kailangang Aminin”- Julia, Ipinaliwanag ang Linya Niya sa Teleserye

Isang 19-anyos na babae ang nagsumita ng reklamo laban sa regional health department. Ayon dito, nais niyang magbayad ng mahigit 3 million euros, o P177 million ang health department ng La Rioja para sa perwisyong naidulot nito matapos siyang maipagpalit sa ibang sanggol 19 na taon na ang nakalilipas.

Ayon naman sa internal investigation ng health department, aminado silang nagkaroon nga ng birth switching. Ngunit isa lamang daw itong “one-off human error.” Handa rin daw silang harapin at sundin ang judicial proceedings kaugnay ng reklamo na inihain ng babae laban sa kanila.

Ang complainant ay isinilang sa San Millan de Logrono Hospital noong 2002, at limang oras matapos nito ay isinilang rin ang isa pang babaeng sanggol. Pareho rin silang inilagay sa incubator room, at dahil dito ay napagpalit ang dalawa nang ibigay sila sa kani-kanilang mga pamilya.

Sa kasamaang palad, ang complainant ay lumaki sa isang ‘dysfunctional’ family, kaya naman lola niya ang nagpalaki sa kanya.

Nalaman na lamang niya ang katotohanan matapos silang magkaroon ng paternity test dahil sa isyu ng child support ng kanyang ama. Dito na napagtanto na hindi niya kadugo ang dalawa.

Read Also: Netizen, Binatikos si Sharon Cuneta Dahil sa Pagtrato Nito sa Kasambahay Niya sa Publiko!

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

celebrities

Tatlong Beki, Binatikos sa Social Media Matapos Murahin si Vice Ganda at Ion Perez!

Published

on

Tunay ngang pinagpala ang ‘Unkabogable Star’ na si Vice Ganda. Bukod sa kanyang matagumpay na career, hindi rin maipagkakaila na blessed ito sa kanyang long-time boyfriend na si Ion Perez. Matapos silang magtagpo sa noontime show na “It’s Showtime” ay unti-unting nahulog ang loob nila sa isa’t-isa, at magpa hanggang ngayon ay nananatiling matatag ang kanilang pagsasama.

Pinatunayan rin ni Ion kung gaano niya kamahal si Vice. Noong nagsisimula pa lamang sila ay duda ang mga tao sa totoong intensyon ni Ion sa komedyante.

Ngunit matapos ang ilang taon, pinatunayan ni Ion na wagas at tapat ang pagmamahal niya kay Vice, at ganun din naman ito sa kanya.

Read More: AJ Raval at Aljur Abrenica, Naaktuhang Magka-Holding Hands sa Mall Matapos i-Deny ang Relasyon!

Ngunit hindi pa rin maiwasang magkaroon ng bashers ang dalawa. Sa katunayan, kung sino pa ang miyembro ng mga LGBTQ community ay sila pa mismo ang humuhusga sa pagsasama ni Ion at Vice.

Masakit isipin na imbes na suportahan na lamang nila kung saan masaya si Vice, nagagawa pa nilang isipan ito ng masama.

Kamakailan lang, umani ng batikos sa social media ang video ng mga beking ito. Sa viral na Facebook video, tila ba nakainom sila at ang topic nila ay ang relasyon ni Vice at ion. Ayon sa kanila, hindi sila naniniwalang true love ito, at halata naman daw na pera lang ang habol ni Ion kay Vice. Nagawa pa nilang ungkatin ang nakaraan ni Ion. Ayon sa isa sa mga beki, dati raw ay sumasali si Ion sa mga bikini open sa Pampanga.

Kaya naman nang makilala na nito si Vice sa “It’s Showtime” ay hindi na niya ito binitawan pa. Dagdag pa nila, hindi malabong ipagpalit ni Ion si Vice para sa isang tunay na babae.

Maraming netizens at fans naman ang hindi nagustuhan ang pambabastos ng tatlong beking ito. Ayon sa kanila, bitter at inggit lamang ang mga ito dahil nakatagpo si Vice ng lalaking tunay na magmamahal sa kanya.

Read Also: “Desperado na ko”- John Wayne Sace, Ibinuking na Muntik na Siyang Mang-Holdap Dati

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Trending

Kilalanin si Migs Bustos, ang Napakagwapong Reporter na Papalit kay Kuya Kim sa TV Patrol!

Published

on

Sa larangan ng reporting, maituturing na isa ng ‘icon’ ang resident weatherman ng ABS-CBN na si Kim Atienza. Taong 2005 simula ng maging newcast ito sa TV Patrol. Di nagtagal ay nagkaroon rin siya ng sariling educational program na “Matanglawin,” kung saan mas sumikat siya bilang Kuya Kim.

At kamakailan lang, isang malaking pagbabago ang naganap sa career ni Kim Atienza. Matapos ang ilang taong pamamalagi sa ABS-CBN, nagpasya si Kuya Kim na lilipat na siya ng istasyon.

Masaya siyang winelcome ng GMA Network. Ngunit nilinaw din ni Kuya Kim na hindi niya papalitan si Mang Tani sa pagiging weatherman nito.

Read More: Mariel Rodriguez, Nagulat Matapos Malaman na May Baril ang 70-Anyos na Byenan na si Mommy Eva!

“I will not be doing weather because you have the best weatherman in the Philippines. You have Mang Tani,” bungad ni Kuya Kim sa kanyang nakaraang online interview. Ngunit maraming fans naman ang naku-curious, sino kaya ang papalit kay Kuya Kim bilang weatherman ng TV Patrol?

Matapos i-anunsyo ni Kuya Kim ang kanyang network transfer ay ipinakilala naman ng ABS-CBN ang isa sa mga maaaring pumalit kay Kuya Kim.

Ito’y walang iba kundi si Migs Bustos, na matagal na ring reporter sa ABS-CBN News Channel. Agad namang naging usap-usapan sa Twitter ang balitang ito.

Bago pa man maging reporter, matatandaang naging commentator rin si Migs Bustos sa National Collegiate Athletic Association. Mayroon din siyang experience sa pagiging field reporter sa “Bandila” at “TV Patrol.” Sa Tiwtter ay nagbigay rin siya ng komento tungkol dito.

“Ang dami ko pong nakuhang tweets, messages, at follows today na honestly, hindi ko po alam kung saan nanggaling. Pero nagpapasalamat po ako sa lahat ng mga nag-tweet, nagtanong, at lahat ng sumusuporta. Pero, who knows? Diyos lang ang makakasagot niya. Good night, Kapamilya!”

Read Also: Masyadong Strikto? Toni Gonzaga, Pinuna ng mga Netizens Dahil sa Video ni Seve!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Trending

“Dinamay pa yung bata”- Toni Fowler at Rob Moya, Binatikos ng mga Netizens Dahil sa Pakulong Proposal!

Published

on

Isang malaking plot twist na naman ang nangyari sa tambalan ni Toni Fowler at Rob Moya. Nitong nakaraang buwan lamang ay inakala ng mga netizens na magkakaayos na ang dalawang social media influencers, na dating magka-live in partner. Ngunit nawindang ang mga fans matapos ipakilala ni Rob Moya sa publiko ang bago niyang girlfriend.

Ang mas nakakagulat pa, kahit ilang buwan pa lamang silang magkasintahan ay napagdesisyunan na ni Rob na mag-propose sa kanyang bagong girlfriend na si Jennifer del Rosario.

Kamakailan lang, ibinahagi ni Rob Moya ang video ng kanyang proposal kay Jennifer, na si Toni mismo ang nagplano at gumastos.

Read More: Netizens, Na-Curious sa Bagong ‘Mystery Woman’ na Kasama ni King Badger sa Picture!

Ayon kay Toni, masakit man ay nais niyang patunayan na kahit pa nasa piling na ng ibang babae si Rob ay nananatili pa rin ang pagmamahal niya dito. Kaya naman sa proposal ni Rob ay isinama rin ni Toni ang anak niyang si Tyronia, na kinilala na ring ama si Rob sa loob ng ilang taon nilang pagsasama.

Ngunit mukhang hindi lahat ng netizens ay kinilig sa proposal na ito. Nakamit man ni Rob ang matamis na oo ni Jennifer, umani naman siya ng batikos sa social media.

Ayon sa mga fans, hindi na dapat pa idinamay ni Toni at Rob si Tyronia sa proposal na ito dahil bakas sa mukha ng bata na nalilito na ito sa mga pangyayari.

Dagdag pa nila, hindi rin madali para kay Tyronia ang ma-expose sa drama ng kanyang ina at ng ex-boyfriend nito. Hiling nila ay iiwas na lang sa mga vlogs at pakulo si Tyronia upang hindi rin masaktan ang bata. Silipin ang komento ng mga netizens dito:

“Ang awkward para kay Toni! Na-hurt rin ako for Tyronia, sana hindi na pina-witness sa bata mga ganyang klaseng event.”

“Mukhang tanga lang. Gagawa kayo ng kalokohan idadamay niyo pa bata eh anong alam niyan.”

“Too insensitive! Kawawa lang yung bata dahil dinamay pa nila para lang mapag-usapan ng tao.”

“For Tyronia I think red flag ito, I don’t think kaya ng isang bata i-absorb yung mga ganitong bagay. Nakaka-trauma ang kita sa mukha ni Tyronia na nalilito siya sa ginagawa nila.”

Read Also: “Kami Bahala Sayo”- Neri Miranda, Sinagot ang Reception ng Bagong Kasal na Na-Scam!

Panoorina ng buong proposal dito:

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Trending