Connect with us

Trending

Jamill, Nagbalik na! Inamin ang Katotohanan Kung Bakit Dinelete ang Youtube Channel

Published

on

Halos isang buwan na ang nakalilipas nang isiwalat ng Jamill na titigil na sila sa pagba-vlog. Labis itong ikinagulat ng mga fans, lalo pa’t kabilang sila sa mga pinakasikat na vloggers sa Pinas. Sa katunayan, umabot na sa mahigit 12 million ang kanilang subscribers sa Youtube matapos nilang i-delete ang kanilang channel.

Ayon kay Camille, nais muna nilang mag focus sa kanilang personal na relasyon ni Jayzam. Ngunit may mga netizens na naniniwalang may kaugnay ang pagdi-delete nila ng vlog sa imbestigasyon ng Bureau of Internal Revenue tungkol sa kanilang taxes.

Ngunit patuloy naman itong idineny ng dalawa. Mukhang agad naman nilang namiss ang vlogging, dahil wala pang isang buwan ay muling nagbabalik sa Youtube ang dalawa.

Read More: Yen Santos, Feeling ‘Down’ Ngayon Matapos Mabansagang Third Party sa Hiwalayan ni Paolo at LJ!

Noong September 15 ay muli na namang naglabas ng vlog ang Jamill upang isiwalat sa mga fans ang totoong dahilan kung bakit nila dinelete ang kanilang Youtube channel. Ayon kay Camille, siya ang nag-delete ng channel nila.

Noong una’y hindi daw pumayag si Jayzam, at ikinagalit niya ang desisyon ni Camille na pag-delete sa channel nila.

Ngunit hindi nagtagal ay nakontrol din daw niya ang damdamin niya at naintindihan niya ang rason ni Camille. Ayon dito, nais lamang makita ni Camille kung kakayanin pa rin ba nila kahit wala ang kanilang vlog.

Muli silang gumawa ng bagong vlog, at sa ngayon ay mahigi 200,000 na agad ang bagong subscribers nila. Sa ngayon ay lagpas 665,000 views na rin ang kanilang ‘comeback vlog’ sa Youtube. Inulan rin ito ng samu’t-saring komento mula sa mga fans:

“May nalalaman pa kayong “dont cry because its over, smile because it happened” tas nagvlog uli.”

“Ang importantante masaya at nagkaayos na kau, masaya kami bumalik na kau, wag niyo lang pansinin mga bashers.”

“Sayang yung ilang million, but welcome back mga mandirigma!”

Read Also: Netizens, May Patunay na Mas Matagal sa 1 Day ang ‘Bebe Time’ ni Paolo at Yen sa Baguio!

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Trending

“Hindi marunong mag-isip yung judge na yun”- Contestant na Pinahiya ni Ruffa G, May Pasaring sa Social Media!

Published

on

Kamakailan lang ay nag-viral sa social media ang isang contestant na sumali sa Reina ng Tahanan segment sa “It’s Showtime.” Naimbyerna ang mga netizens kay Marilyn Lagsa, na di umano’y iniwan ang mga anak niya sa kanyang magulang at hindi nagsuporta sa loob ng sampung taon. Isa sa mga nainis sa kanya ay ang judge na si Ruffa Gutierrez.

Sampung taon ring iniwan ni Marilyn ang mga anak niya sa kanyang senior citizen na ama at ina. Bilang isang nanay, hindi naman maisip ni Ruffa kung paano nakayanan ng contestant na gawin ito sa kanyang mga anak. Ayon pa sa aktres at host, na ‘high blood’ siya dahil sa inis niya kay Marilyn.

Read Also: Kris Aquino, May Prangkang Bwelta sa Netizen na Nagsabi sa Kanya ng “Eat More”

“Alam mo Marilyn, habang pinapakinggan kita, naha-high blood ako. Iniwan mo lang yung mga anak mo sa nanay mo for 10 years tapos di mo susustentuhan? Alam kong mahadera ka sumagot kila Vice kanina, pero na-high blood ako dahil maawa ka naman sa nanay mo. Nakita mo naman itsura niya,” pahayag ni Ruffa.

Ayon naman kay Marilyn, hindi niya nagustuhan ang pagpapahiyang ginawa sa kanya ng judge. Pakiramdam niya rin daw ay ‘nilaglag’ ang buong pagkatao niya sa national television. Kaya naman matapos ang programa ay nagpasaring si Marilyn sa social media upang ipahayag ang damdamin niya.

Hindi man niya direktang pinangalanan si Rufa Gutierrez, malinaw na ang aktres ang tinutukoy ni Marilyn. Sa kanyang pahayag, ibinahagi ng contestant ang kanyang disappointment dahil sa sermon sa kanya ni Ruffa. Matatandaang lantaran ring ipinahayag ng aktres ang pagkainis niya kay Marilyn matapos nitong abandonahin ang mga anak niya.

“May isang judge na hindi rin po marunong umintindi. Pinahiya rin po ako. Sana noong time rin po na yun, naisip din niya na naka-live din kami. Hindi rin ho marunong mag-isip yung judge na yun. Sa halagang limang libo na hindi ko pa narereceive, sa halagang ganun lang, nilaglag yung pagkatao ko,” dagdag pa nito.

Read More: Mark Herras, Lalong Naging Lapitin ng mga Bading Dahil sa Isyu ng Pangungutang

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Trending

Rob Moya, Ipinakilala na sa Publiko ang Bagong Babaeng Nagpapatibok sa Puso Niya!

Published

on

Mukhang wala na talagang pag-asa na magkabalikan pa si Toni Fowler at Rob Moya. Noong una’y umasa pa ang mga fans ng dalawa sa social media na maaayos nila ang kanilang relasyon na nagtagal rin ng ilang taon. Ngunit kamakailan lang, pinatunayan ni Rob Moya na tuluyan na siyang nakamove-on mula kay Toni.

Matatandaang muli nang nagka-ayos si Toni at Rob nitong nakaraan lamang. Ayon kay Rob, marami silang magagandang ala-ala ni Toni at ayaw naman niyang itapon na lang ito basta-basta.

Ngunit mukhang hanggang kaibigan na lamang ang kanilang relasyon, dahil nakahanap na siya ng bagong babaeng mamahalin.

Read Also: “There is hope”- Baron Geisler, May Mensahe sa mga Tulad Niyang Nalugmok sa Bisyo

Kamakailan lang, nagulat ang mga fans matapos mag-post ng sweet messages si Rob sa Facebook. Noong una’y wala pa siyang tina-tag, ngunit di nagtagal ay ipinakilala niya rin sa mga fans ang kanyang bagong girlfriend. Ito ay walang iba kundi ang business owner na si Jennifer del Rosario.

Ayon kay Rob Moya, ipinagdadasal niya na si Jennifer na sana ang kanyang “the one.” Sa mga photos at videos na ibinabahagi nila sa social media, makikitang sweet na sweet ang dalawa. Kinilig rin ang mga fans matapos makita ang chemistry sa pagitan ni Rob at Jennifer.

Gaya ni Rob ay active rin sa social media ang kanyang bagong girlfriend na si Jennifer. Isa siyang successful business owner ng jewelry shop na ‘Shamreen Pearls & Jewelry.’

Sa ngayon ay mahigit 88,000 na ang followers nito sa Facebook. Karamihan sa kanila ay nais ring matunghayan ang love story ni Jennifer at Rob.

Silipin ang komento ng mga netizens dito:

“Sa una okay pa boy sa huli nagiging basura ang babae sayo.”

“Pag ang lalake cheater always a cheater yan hays, sana nga totoo na yan boy.”

“Basta c daddy rob bumanat nkakakilig. paiba2 nga lng ng babae.”

“Galit n galit whaha move on n oi maging masaya n lng tau wag puro bash.”

Read Also: Jamill, Nagbalik na! Inamin ang Katotohanan Kung Bakit Dinelete ang Youtube Channel

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

celebrities

Ex-BF ni Rabiya Mateo na si Neil Salvacion, Isiniwalat ang Totoong Dahilan ng Hiwalayan Nila sa Kanyang PBB Audition

Published

on

Kabilang si Miss Universe Philippines Rabiya Mateo sa mga nag-trending na personalities noong 2020. Hindi man niya nasungkit ang korona, tumatak naman si Rabiya sa puso ng mga fans dahil sa kanyang dedikasyon at tiyaga. Ngunit nasangkot rin siya sa kontrobersya matapos silang maghiwalay ng kanyang boyfriend na si Neil Salvacion.

Bago pa man sumabak si Rabiya sa Miss Universe ay nangako pa ito sa boyfriend na hindi sila maghihiwalay.

Ngunit hindi rin napigilan ang kanilang break-up. Sa kabila ng lahat, unti-unti na ring naka-move on si Neil. Sa katunayan, kamakailan lang ay nagawa pa nitong mag audition para sa “Pinoy Big Brother.”

Read More: “Aamin ko, naging marupok ako”- Paolo Contis, Inamin na Pambababae Niya ang Dahilan ng Hiwalayan Nila

Sa kanyang audition video para sa Season 10, ipinakilala ni Neil ang sarili niya bilang 27-anyos na frontliner sa Iloilo.

Nakasuot pa siya ng hospital uniform at ipinamalas ang galing niya sa pagsayaw. Ibinahagi rin ni Neil ang kwento ng kanyang buhay bilang isang frontliner.

Hindi rin maiwasan na mag-komento si Neil tungkol sa kanyang love life. Ayon dito, labis siyang nasaktan matapos siyang iwan ng taong mahal niya. Hindi man niya nabanggit ang pangalan ni Rabiya, malinaw sa mga fans na ang beauty queen ang tinutukoy ni Neil sa kanyang pahayag.

“Mas nakakalungkot pala na maiwan ka ng taong minamahal mo dahil sa pangarap nitong korona. Ang coronavirus at korona sa patimpalak ay ilan lamang sa mga hamon sa aking buhay. It’s about time to share my story, how I coonquered them, and how I will inspire other people,” dagdag pa ni Neil.

Sa kabilang banda, maraming netizens naman ang excited sa audition piece na ito ni Neil. Kung sakali mang magiging mapalad siyang makasali sa PBB, paniguradong aabangan rin ng mga fans ang kanyang kwento.

Read More: Chiz, Diretsahang Sinagot Kung Payag ba Siyang Makatrabaho ni Heart ang Ex Nitong si Jericho Rosales

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Trending