Connect with us

Trending

“Hindi marunong mag-isip yung judge na yun”- Contestant na Pinahiya ni Ruffa G, May Pasaring sa Social Media!

Published

on

Kamakailan lang ay nag-viral sa social media ang isang contestant na sumali sa Reina ng Tahanan segment sa “It’s Showtime.” Naimbyerna ang mga netizens kay Marilyn Lagsa, na di umano’y iniwan ang mga anak niya sa kanyang magulang at hindi nagsuporta sa loob ng sampung taon. Isa sa mga nainis sa kanya ay ang judge na si Ruffa Gutierrez.

Sampung taon ring iniwan ni Marilyn ang mga anak niya sa kanyang senior citizen na ama at ina. Bilang isang nanay, hindi naman maisip ni Ruffa kung paano nakayanan ng contestant na gawin ito sa kanyang mga anak. Ayon pa sa aktres at host, na ‘high blood’ siya dahil sa inis niya kay Marilyn.

Read Also: Kris Aquino, May Prangkang Bwelta sa Netizen na Nagsabi sa Kanya ng “Eat More”

“Alam mo Marilyn, habang pinapakinggan kita, naha-high blood ako. Iniwan mo lang yung mga anak mo sa nanay mo for 10 years tapos di mo susustentuhan? Alam kong mahadera ka sumagot kila Vice kanina, pero na-high blood ako dahil maawa ka naman sa nanay mo. Nakita mo naman itsura niya,” pahayag ni Ruffa.

Ayon naman kay Marilyn, hindi niya nagustuhan ang pagpapahiyang ginawa sa kanya ng judge. Pakiramdam niya rin daw ay ‘nilaglag’ ang buong pagkatao niya sa national television. Kaya naman matapos ang programa ay nagpasaring si Marilyn sa social media upang ipahayag ang damdamin niya.

Hindi man niya direktang pinangalanan si Rufa Gutierrez, malinaw na ang aktres ang tinutukoy ni Marilyn. Sa kanyang pahayag, ibinahagi ng contestant ang kanyang disappointment dahil sa sermon sa kanya ni Ruffa. Matatandaang lantaran ring ipinahayag ng aktres ang pagkainis niya kay Marilyn matapos nitong abandonahin ang mga anak niya.

“May isang judge na hindi rin po marunong umintindi. Pinahiya rin po ako. Sana noong time rin po na yun, naisip din niya na naka-live din kami. Hindi rin ho marunong mag-isip yung judge na yun. Sa halagang limang libo na hindi ko pa narereceive, sa halagang ganun lang, nilaglag yung pagkatao ko,” dagdag pa nito.

Read More: Mark Herras, Lalong Naging Lapitin ng mga Bading Dahil sa Isyu ng Pangungutang

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Trending

“Labas na!”- Kaibigan ni Brenda Mage, Bakit nga ba Nanawagan na Lumabas na Siya sa PBB House?

Published

on

Buong sambayanan ngayon ang nakatutok sa reality program na “Pinoy Big Brother.” At habang mas tumatagal, mas lalo ring lumalabas ang totoong kulay ng mga housemates. Kabilang na sa kanila ang comedian na si Brenda Mage, na kamakailan lang ay umani ng batikos sa social media dahil sa di umano’y attitude nito.

Maraming viewers at netizens ang nakapansin sa attitude ni Brenda sa loob ng bahay ni Kuya. Ayon sa kanila, kapansin-pansin ang pangba-backstab nito sa ibang housemates. Sa ilang episodes, makikita ring laging pinag-uusapan ni Brenda ang ibang housemates tuwing wala ang mga ito.

Read More: “I miss her talaga”- Rob Moya, Malaki ang Pagsisisi na Pinakawalan pa si Toni Fowler

Dahil dito, nabansagan siyang ‘Marites’ ng mga netizens. Ayon pa sa kanila, karapat-dapat na inominate si Brenda para sa eviction dahil lumalabas na ang tunay na kulay nito.

Ngunit mayroon namang nagtatanggol sa kanya, at kabilang na dito ay ang kaibigan niya at pawang influencer na si Juliana Segovia.

Sa kanyang viral Facebook post, ibinahagi ni Juliana na masakit para sa kanyang makitang naba-bash ang kanyang kaibigan. Aminado rin siya na mayroong pagkakamali si Brenda, ngunit maaari pa daw itong maitama pag nakalabas na siya sa bahay ni Kuya.

“Labas na Brends! Tulad ng sinasabi ko lagi sayo noon, sa isang pagkakamali mo malilimutan nila kung ilang beses mo sila napasaya. Yan ang masakit na realidad ng buhay. Masakit bilang isang kaibigan na makita yung mga masasakit na salita na binibitawan nila sayo, pero yun lang kasi nakikita nila,” dagdag pa niya.

Nanawagan rin siya kay Brenda na kusa na itong lumabas sa Bahay ni Kuya. Ayon kay Juliana, kahit pa madami itong bashers, mananatili pa rin siyang tapat na kaibigan ni Brenda sa paglabas nito. Sa kabilang banda, umani naman ito ng iba’t-ibang reaksyon mula sa mga netizens.

Read Also: Miss Bahrain, Ayaw Patulan ang mga Pinoy Bashers na Nanlait sa Kanyang Larawan

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Trending

“I miss her talaga”- Rob Moya, Malaki ang Pagsisisi na Pinakawalan pa si Toni Fowler

Published

on

Bakas ang pagkalungkot at pagsisisi sa mga mata ni Rob Moya habang inamin nito na mahal niya pa si Toni Fowler. Kamakailan lang, ibinahagi ni Rob na ang hiwalayan nila ang isa sa mga pinakamalaking pagsisisi niya sa kanyang buhay. Ito’y matapos niyang muling makausap si Toni sa isang video call.

Matapos ang pag-uusap nila, inalala ni Rob ang mga masasayang araw nila ni Toni. Ayon sa social media influencer, mahirap kalimutan at itapon na lang basta basta ang kanilang pinagsamahan bilang ‘ToRo family.’

Read Also: Miss Bahrain, Ayaw Patulan ang mga Pinoy Bashers na Nanlait sa Kanyang Larawan

“Sad talaga ako. Kahit meron akong lahat nito, yung fame o money, I’m not happy. I miss them. I miss her talaga. Alam naman niyang mahal ko siya siyempre, pero hindi ko naman mababalik yung oras na sana hindi na lang ako umalis. Yan yung pinaka malaki kong pagsisisi, na hindi ko man lang sinubukan ulit, na hindi ko man lang nilaban yung relasyon namin.”

Ayon kay Rob, labis ang pagsisisi niya sa kanyang mga pagkakamali. Malaki rin ang pasasalamat niya kay Toni dahil sa kabila ng kanyang mga imperfections, buong-loob pa rin siyang tinanggap at pinatawad nito. Kahit pa nakagawa siya ng mga pagkakamali ay hindi nagkulang si Toni sa pag-intindi at pagsuporta sa kanya.

Dagdag pa ni Rob, isa sa mga malaking pagsisisi niya ay hindi man lang niya nasamahan si Toni noong nagdiwang ito ng kaarawan nito.

Bagkus ay si Tito Vince ang yumakap kay Toni. Ibinahagi rin ni Rob ang kanyang saloobin sa social media: “Hindi man lang kita nayakap sa birthday mo. Sana hindi kita binitawan,” dagdag pa niya.

Sa kabilang banda, halo-halo naman ang reaksyon ng mga netizens sa madamdaming pahayag na ito ni Rob. Karamihan sa kanila ay talagang disappointed, lalo pa’t mukhang masaya nang magmo-move on si Toni ngayon.

Dagdag pa ng iba, dapat lamang na tuluyan nang kalimutan ni Toni ang kanyang ex-boyfriend dahil wala itong mabuting maidudulot sa kanya at sa kanyang anak na si Tyronia.

Read More: Anak ng Grab Driver na Binuhusan ng Mainit na Sabaw ng Customer, Naglabas ng Sama ng Loob!

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Trending

Sa mga Huling Sandali Niya, Humiling ang Batang May Sakit na ito na Makarga Siya ng Kanyang Ama

Published

on

Para sa kahit kaninong magulang, wala na siguro ang mas sasakit pa ang masilayang may sakit ang iyong anak. Lagi nilang inaalagaan ang kanilang mga anak upang malayo ito sa panganib. Ngunit minsan, may mga pangyayaring hindi natin inaasahan, gaya na lamang ng pagkakaroon ng malalang sakit ng ating mga mahal sa buhay.

Ano ang iyong gagawin kung dumating sa oras na bilang na ang mga sandali ng iyong anak? Para sa kahit sinong magulang ay talagang bangungot ang pangyayaring ito.

Ito rin ang naging karanasan ng mag-amang ito. Kamakailan lang, nag-viral sa social media ang larawan ng isang tatay na kinakarga ang kanyang anak.

Read More: Sikat na Aktres, Ginulat ang mga Fans sa Bagong Trabaho Niya Ngayon sa Amerika!

Bilang na lamang ang mga natitirang sandali ng munting anghel na ito. Sa kanyang murang edad ay nagkaroon siya ng malubhang sakit na hindi na kayang lunasan ng mga doktor. Dahil dito, kinausap na ng mga doktor ang mga magulang ng bata upang ihanda ang kanilang sarili dahil kahit anong oras ay maaari itong pumanaw.

Sa kanyang mga huling sandali, nag-request ang bata sa kanyang tatay na kargahin siya nito. Kahit pa dumudugo ang ilong ng bata at maraming nakakabit na aparato dito, pinagbigyan pa rin ng tatay niya ang kanyang hiling. Sa huling pagkakataon ay kinarga niya ang kanyang anak upang samahan ito.

Sa ganitong paraan, kahit papaano ay naibsan rin ang sakit na dinaranas ng bata. Sa kanyang mga huling oras, nais niya lang maranasan muli ang makarga siya ng kanyang tatay.

Napakasakit nito para sa ama, lalo pa’t alam niyang ito na ang huling sandali na makakarga niya ang kanyang anak. Naroon rin ang kanyang misis sa tabi nila, at kinuhanan niya ng larawan ang mga pangyayaring ito. Maraming netizens rin sa social media ang naantig sa mga larawang ito.

Read Also: Dra. Belo, Ibinahagi ang Mapait na Karanasan Kung Bakit Ayaw Niyang Nagse-Celebrate ng Birthday

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Trending