Connect with us

celebrities

Mark Herras, Nagsalita na! Pinaringgan si Lolit Solis sa Isyung Pangungutang Niya

Published

on

Kamakailan lang, naging usap-usapan sa social media ang isiniwalat ni Lolit Solis tungkol sa kanyang dating talent na si Mark Herras. Sa Instagram, ibinunyag ng 72-anyos na talent manager na nangutang sa kanya ang aktor ng P30,000 para ipambili ng gatas ng anak nito.

Ayon kay Lolit, bago niya pahiramin ay katakot-takot na sermon muna ang narinig ni Mark mula sa kanya. Pinangaralan niya daw ang aktor na wag maging kampante sa kanyang trabaho sa showbiz. Matapos ito ay ipinost pa ni Lolit sa Instagram ang pangyayaring ito.

Read Also: Lyca Gairanod, Isiniwalat ang Nakakaiyak na Dahilan Kung Bakit Ibinenta Niya ang House and Lot Prize sa “The Voice”

“Naku, talagang inalipusta ko siya! Ang ending, um-oo na ‘ko. But for sure, with all these revelations nagsisisi siya kung bakit ako pa ang tinawagan at inutangan niya. And for sure, naghahanap siya ngayon ng mauutangan niya para mabayaran na niya‚ ko!”

Matapos ang mahabang pananahimik, sa wakas ay nagsalita na rin si Mark Herras tungkol dito. Hindi kinumpirma o itinanggi ng dating “Starstruck” actor ang isyung pangungutang niya sa kanyang manager. Sa halip ay nagbahagi ito ng larawan ng kanyang anak.

“Wag mo pansinin mga tsismis anak hindi ka namin palalakihin dyan don’t worry. We love you!” Nagpasaring rin si Mark Herras na breastfed si Baby Corky, na tila ba sagot sa paratang ni Lolit Solis na umutang ito sa kanya upang may pambili ng gatas ng kanyang sanggol.

Sa kabilang banda, matapos makatanggap ng pangba-bash sa social media ay pormal ng ibinahagi ni Lolit na hindi na siya manager ni Mark Herras. Ngunit bago pa man niya ito bitawan, binuking niya rin na ayaw na niyang makihati sa di umano’y malaking cash advance ng aktor sa GMA 7.

Read More: Nanay ni Vice Ganda, Napaiyak Matapos Makita ang Bagong Bahay na Ipinagawa ni Vice Para sa Kanya!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

celebrities

Maarte Daw? Mariel, Umani ng Iba’t-Ibang Komento Matapos Amining Hindi Kayang Matulog ng Walang Aircon

Published

on

Sa panahon ngayon, nauuso na ang outdoor camping. Talagang nakaka-relax nga naman ma-experience ang napakagandang kapaligiran. Maganda rin itong activity para sa mga bata, dahil mas mae-expose sila sa nature. Ngunit sadyang may mga tao na ayaw sa camping dahil sa iba’t-ibang rason.

Kabilang na sa kanila ang celebrity mom na si Mariel Padilla. Bilang mom-of-two, sinisigurado ni Mariel na lagi niyang nakakabonding ang mga anak niya na sina Isabella at Gabriella.

Sa katunayan, bago ang pandemic ay nakarating na rin sila sa iba’t-ibang bansa. Ngunit aminado si Mariel na may isang bagay pa silang hindi nagagawa.

Read More: “I miss her talaga”- Rob Moya, Malaki ang Pagsisisi na Pinakawalan pa si Toni Fowler

Kamakailan lang, kumalat sa social media ang naging usapan ni Mariel at ng kanyang panganay na si Isabella.

Tinanong ni Isabella kung pwede ba silang mag-camping o mag outdoor trips. Ngunit agad naman daw tumutol dito si Mariel, dahil aminado siya na hindi siya nakakatulog ng walang aircon.

Ayon kay Mariel, naisin man niyang lumahok sa mga outdoor activities kasama ang kanyang anak ay hindi niya ito magawa. Aminado si Mariel na hindi siya sanay matulog ng walang aircon. Bukod pa dito, nag-aalanganin rin daw siyang mag-camping dahil maraming lamok.

“No! I need aircon. There are lots of mosquitoes. This is my truth, as much as I want to do outdoorsy stuff with my kids, I need aircon!”

Sa kabilang banda, umani naman ito ng iba’t-ibang reaksyon sa social media. Ayon sa ibang netizens, maaaring may health condition si Mariel kung kaya’t nahihirapan itong matulog nang hindi malamig. Ngunit may iba rin na nag-iwan ng di magandang komento.

Ayon sa iba, masyadong maselan si Mariel at dapat lang na tiisin niya ito para na rin ma-experience ng mga anak niya ang camping trip.

Read Also: Miss Bahrain, Ayaw Patulan ang mga Pinoy Bashers na Nanlait sa Kanyang Larawan

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

celebrities

Sikat na Aktres, Ginulat ang mga Fans sa Bagong Trabaho Niya Ngayon sa Amerika!

Published

on

Hindi permanente ang trabaho sa showbiz. Maaring ngayon ay sikat ka, ngunit may mga pagkakataon na lalamlam ang kinang ng iyong career.

Kaya naman may mga Pinoy celebrities na mas pumiling tumahak sa ibang karera at tuluyang iwan ang industriya, gaya na lamang ng batikang aktres na si Donita Rose.

Sa loob ng ilang dekada ay naging makulay rin ang career ni Donita Rose bilang MTV VJ, host, at aktres. Ngunit nitong 2020 lamang, hindi lingid sa kaalaman ng lahat na tuluyan na siyang namaalam sa kanyang career bilang aktres. Sa halip ay mas pinili nitong manatili sa United States upang maging chef.

Read More: Barbie Imperial, Mataray na Pinangaralan si AJ Raval Matapos Itong Mag-Sorry sa Kanya

Noong 2020, ibinahagi ni Donita sa kanyang mga fans sa social media na permanente na siyang maninirahan sa Amerika.

Mas pinili niyang magkaroon ng tahimik at payapang buhay abroad. Dito na rin daw niya ipagpapatuloy ang kanyang pangarap na maging isang chef.

Bago siya umalis, nagpa-despedida party pa sa kanya ang mga malalapit niyang kaibigan kabilang na sina Ruffa Gutierrez, Karla Estrada, Sunshine Cruz, Vina Morales, at Jackie Forster.

Ngunit kahit pa wala na siya sa Pilipinas, patuloy pa ring ina-update ni Donita Rose ang kanyang mga fans sa pamamagitan ng social media.

Noong April, masayang ibinalita ni Donita na na-promote siya sa kanyang trabaho bilang corporate R&D Chef ng Island Pacific’s Market.

Mayroon din daw siyang team, kung saan kasama niya si G Tongi. Nais nilang mas pasikatin pa ang mga Filipino cuisines sa ibang bansa.

Sa kabilang banda, masaya naman ang mga fans sa bagong direksyong tinahak ngayon ni Donita Rose. Paniguradong marami ang nakaka-miss na mapanood siyang muli sa telebisyon, ngunit hindi maikakaila na mukhang mas masaya at fulfilled si Donita sa kanyang bagong role ngayon.

Read Also: Dra. Belo, Ibinahagi ang Mapait na Karanasan Kung Bakit Ayaw Niyang Nagse-Celebrate ng Birthday

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

celebrities

Dra. Belo, Ibinahagi ang Mapait na Karanasan Kung Bakit Ayaw Niyang Nagse-Celebrate ng Birthday

Published

on

Isa si Dra. Vicki Belo sa mga sikat na figures sa showbiz. Hindi man siya sumabak sa larangan ng pag-akting, kilala naman si Dra. Belo bilang beauty doctors ng mga sikat na artista. Dahil sa kanyang grace at elegance, hindi na nakakapagtaka na na-achieve na rin ni Dra. Belo ang celebrity status.

Bukod sa kanyang namamayagpag na career at business, masaya rin si Dra. Belo sa kanyang personal life. Biniyaan siya ng mapagmahal na asawa na si Hayden Kho, at ang unica hija nila na si Scarlet Snow. Ngunit sa kabila nito, alam niyo bang may tinatago palang mapait na karanasan noon si Dra. Belo?

Read More: Magandang Aktres, Aminadong Naghirap Ngayong Pandemic Matapos Mawalan ng Trabaho

Sa kanyang nagdaang interview kay Ogie Diaz, ibinahagi ng celebrity doctor kung bakit ayaw niyang nakakarinig ng birthday greetings.

Ayon sa kanya, masaklap sa kanya ang karanasang ito dahil bagong silang pa lamang siya ay ipinamigay na siya ng kanyang ina. Lumaki siya sa piling ng kanyang tiyahin na tumayong ina niya.

“Nung pinanganak ako, never akong hinawakan ng nanay ko. So in my head, it was not a happy… parang ipinanganak ka pa lang, ipinamigay ka na. So when I think of that, since I have so many issues about adoption, about not being good enough, about not being lovable, I thought, I don’t like to be greeted,” pahayag ni Dra. Belo.

Kahit isang birthday man lang ay hindi nakasama ni Dra. Belo ang kanyang tunay na nanay. Ito rin daw ang dahilan kung bakit hanggang pagtanda niya, ayaw niyang inaalala ang kanyang kaarawan. Nagpapaalala lang daw ito sa kanya ng araw na ipinaampon siya ng kanyang sariling ina.

Sa kabila nito, pinatawad na daw niya ang kanyang mga biological parents. Malaki rin ang pasasalamat niya dahil pinalaki siya nang maayos ng kanyang mga adopted parents.

“I accept it na, one day lang naman ‘yun, so kaya ko na ‘yun palagpasin. It still really hurts, the rest of the time naman I’m okay. Pinatawad ko na ‘yung aking biological mom and dad. But I was never able to tell her na it’s okay mom, masakit nga, pero sobra akong grateful sa’yo kasi you made sure you gave me the right people, my most wonderful parents.”

Read Also: Pitong Tao, Binawian ng Buhay Matapos Kumain ng Noodles na Isang Taon na Naka-Imbak!

Panoorin ang buong interview dito:

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Trending