Connect with us

celebrities

Billy, Labis na Humanga sa Sakripisyo ng Misis na si Coleen sa Pagpapadede Kay Baby Amari

Published

on

Para sa kahit sinong ama, talaga nga namang nakakaproud makita ang iyong anak at asawa na masaya. Kahit pa marami kayong sakripisyong pinagdaanan, hindi matutumbasan ang tuwa lalo na pag nakikita niyo na nasa maayos na kalagayan ang inyong anak. Ganito rin ang naging karanasan ng celebrity couple na sina Coleen Garcia at Billy Crawford.

Dahil first-time parents sila ay talaga namang hands-on si Billy at Coleen sa pag-aalaga sa kanilang unico hijo na si Baby Amari.

Kamakailan lang, nagbahagi si Billy ng larawan ni Coleen na nakatulog dahil sa pagpapadede kay Amari. Ayon kay Billy, labis siyang bumilib sa kanyang asawa.

Read More: Ellen Adarna, Labis ang Stress Matapos Di Makita ang Anak ng 20 Days Dahil sa False Positive Result ng Swab

Ibinahagi rin ng singer-host na maraming sakripisyo si Coleen para sa kanilang anak. Kaya naman labis siyang humahanga sa katatagan nito, lalo pa’t hindi madali ang kanilang journey sa pag-aalaga kay Amari. Nagpahayag rin siya ng appreciation at pasasalamat sa walang-sawang sakripisyo ni Coleen.

“Y’all don’t know how much this woman gives! I want Amari to see this when he grows up and realized how much mommy sacrificed for him. We both thank you mommy for being a wonderful mom and the best wife to a pasaway husband! Stay healthy and safe everyone! God bless us all.”

Sa kanyang nakaraang interview, ibinahagi rin ni Coleen na hindi naging madali ang kanyang padede journey kay Baby Amari.

Sa kabila nito, nagpapasalamat siya sa kanyang pamilya at mga kaibigan para sa suporta nila. At kahit pa mahirap ang kanyang pinagdaanan, masaya naman siyang makita na healthy at active ang kanyang baby boy.

“Breastfeeding has been a huge part of our journey. We started with Amari having the hardest time latching, and me crying often out of frustration and discomfort. It hasn’t been an easy ride, but hey they’re totally right when they say it gets better! I used to hate it, but I kept pushing on cause I was determined to see it through.”

Read Also: “Maging under ka!”- Nanay ni Neil Arce, Pinayuhan ang Anak sa Pag-aasawa Nito kay Angel Locsin

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

celebrities

Lolit Solis, Nag-Public Apology Matapos Ipagkalat ang Pribadong Pangyayari kay Alex Gonzaga at Mikee Morada

Published

on

Sa kauna-unahang pagkakataon, nagsalita si Mikee Morada tungkol sa panghuhusga na natanggap ng kanyang asawang si Alex Gonzaga. Kaugnay ito sa pahayag ng beteranang columnist na si Lolit Solis na di umano’y nagkaroon ng miscarriage si Alex. Nag-komento naman si Mikee dito, at nakiusap kay Lolit na irespeto ang privacy nilang mag-asawa.

“Mam masakit at nakakadismaya naman. Hindi lang patungkol kay Alex ang inyong sinulat, tungkol ito sa amin mag-asawa. Kaya hinihingi ko ang inyong pag-respeto. Huwag po kayong gumawa ng kwento sa ganitong klaseng sitwasyon lalo’t hindi niyo naman alam ang totoong pangyayari, salamat,” pahayag niya sa viral IG post ni Lolit.

Read Also: Julia at Gerald, Nagbigay ng Relationship Advice sa mga Couples na Pareho ng Sitwasyon Nila

Ito’y matapos ibahagi ni Lolit na di umano’y nagkaroon ng miscarriage si Alex. Kwinestyon rin niya ang usap-usapan na balak ibahagi ni Alex ang buong kwento sa kanyang Youtube channel. Ayon kay Lolit, tila nais pa raw pagkakitaan ni Alex ang trahedyang naganap sa kanya.

Matapos magbigay ng komento si Mikee, agad naman nag-issue ng public apology si Lolit tungkol sa kanyang write-up. Ayon sa 74-anyos na kolumnista, hindi niya intensyong makapanakit ng iba. Pinuri niya rin si Mikee dahil sa ‘respectful’ comment nito sa kabila ng kanyang nasabi tungkol kay Alex.

“So sorry if ito ang naging dating kay Alex Gonzaga at sa kanyang asawa. I will honestly say na I appreciate the very respectful comment of Morada. Hindi iyon ang motibo ko, hindi iyon ang gusto ko. If I have offended and hurt you, I deeply apologize. I understand what you mean na very trying ang experience na ito para sa inyong mag-asawa.”

Nanawagan rin si Lolit sa mga bashers na magpakita ng kaunting respeto. Ayon sa kanya, nagkakamali din siya, ngunit hindi niya deserve ang masasakit na salitang ibinabato sa kanya sa social media.

“Sabi nga nila, I don’t deserve respect, pero the way they treat me, meron ba silang respeto sa sarili nila. Parang mga bully sila na ang gamit na language kanto boys, parang kung ano atake nila sa akin, iyon din sila. Sama sama na kaming mga tsismosa, mukhang pera at bobo.”

Read More: Arci Munoz, Ipinasilip ang Hirap ng Kanyang Training Bilang Isang Army Reservist

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

celebrities

Arci Munoz, Ipinasilip ang Hirap ng Kanyang Training Bilang Isang Army Reservist

Published

on

Kamakailan lang, nagbalik tanaw si Arci Munoz sa kanyang training days upang maging army reservist. Matatandaang noong October 2020 nang magtapos ang aktres sa kanyang training bilang isang sergeant. Hindi rin biro ang training na pinagdaanan niya sa loob ng anim na buwan, kaya naman ibinahagi niya ito sa mga netizens.

Ayon kay Arci, kadalasan ay isa o dalawang buwan lamang ang itinatagal ng training. Ngunit dahil sa kanyang conflict of schedule ay na-extend ito ng six months. Kasama sa mga pinagdaanan niya ay ang HADR training, marksmanship training, obstacle course, field training exercise, at marami pang iba.

Read More: Ruffa Gutierrez, Tumutol Matapos Magpabili ang mga Anak ng Pusang Nagkakahalaga ng P300,000

“Ako, nagte-train ako actually during the pandemic so nag-start ako ng mga, of course, the markmanship training, lahat ng pwede kong gawin muna sa Manila. Usually it takes talaga the training kapag mga reservist, a few months, siguro mga one to two, mine took six. So it took me six months to finish and graduate as a sergeant.”

At dahil hindi biro ang training, pawis at puyat ang puhunan ni Arci dito. Kaya naman labis siyang naging proud matapos makumpleto ang kanyang training at hirangin bilang isang sergeant.

Ayon pa sa Kapamilya star, bilang isang artista at influencer, nais niya ring gamitin ang kanyang boses upang hikayatin ang ibang tao na sumali sa pagiging reservist. Malaki ang maitutulong ng pagte-training, kaya naman daw ginawa niya itong parte ng kanyang advocacy sa social media.

“Alam niyo, yun pa lang bilang isang influencer, kasi that’s what we call ourselves somehow, we influence people. Yun pa lang pagsali nila bilang isang reservist, undergoing that training, malaking bagay na yun, malaking tulong na. Para ma-influence yung mga tao also because it is also my advocacy, and I really want this to be mandatory.”

Read More: “Pag di kayang panindigan, wag magsalita”- Cristy Fermin, Nakisawsaw sa Isyu ng Network Transfer ni Kuya Kim

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

celebrities

Julia at Gerald, Nagbigay ng Relationship Advice sa mga Couples na Pareho ng Sitwasyon Nila

Published

on

Matatandaang ngayong taon lamang nang isapubliko ni Gerald Anderson at Julia Barretto ang kanilang relasyon. Taong 2019 pa lamang ay na-link na sila sa isa’t-isa, matapos mag-film ng pelikulang “Between Maybes” sa Japan. Matapos ang matagal na pagtatago, sa wakas ay ganap nang maipagsisigawan ni Julia at Gerald ang pagmamahal nila sa isa’t isa!

Nabalot man sa kontrobersya ang kanilang pagsasama, dedma lang sila Julia at Gerald sa mga bashers. Matapos masangkot ang aktres bilang third party sa hiwalayan ni Gerald at Bea Alonzo, sunod sunod na ang pamba-bash na natatanggap ni Julia sa social media. Gayunpaman, hindi ito naging hadlang sa pagmamahalan ng dalawa.

Read More: “Parang kambal tuko!”- Netizens, Kinilabutan Dahil sa Pagkakahawig ni Bea Alonzo sa Lola ni Dominic Roque!

Kamakailan lang, nagbigay rin ng relationship advice si Julia at Gerald sa iba pang couples na kagaya nila. Supportive friend ang dalawa sa bagong Youtube channel ng kanilang kaibigang si Dave Dalisay. Naging special guests sila nito at nagpaunlak pa sila ng interview.

Sa interview ay napag-usapan ang love and relationships ng dalawa. Tinanong ni Dave si Julia at Gerald kung masaya nga ba sila sa piling ng isa’t-isa. Iisa lamang ang naging sagot ng dalawa. Ayon kay Gerald, kung masaya ka sa relasyon mo at ito ang nagsisilbing inspirasyon mo ay dapat mo itong i-pursue.

Agree naman si Julia sa bagay na ito, at aminado ang aktres na kahit pa may mga hindi sila pinagkakasunduan ni Gerald ay agad nila itong naaayos. Ang susi raw sa matatag na pagsasama ay tiwala at maayos na komunikasyon, kaya naman agad nilang nalulutas ang mga problema.

Dagdag pa ni Julia, hindi nila masyadong pinagtutuunan ng pansin ang kanilang mga bashers sa social media. Tanging social media lamang ang basehan ng mga ito, at hindi nila alam ang tunay na pangyayari sa likod ng camera. “Social media is different from real life, so be you,” dagdag pa ni Julia.

Read Also: Luis Manzano, Nagmakaaawa sa mga Netizens na Panoorin ang Kanyang Vlog! Bakit Kaya?

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Trending