Connect with us

Video

“Ayoko talaga sayo!”- Donita Nose, Prangkang Inamin kay Michelle na Ayaw Niya Dito Para Kay Tekla

Published

on

Sa kauna-unahang pagkakataon, muling humarap sa publiko ang dating live-in partner ni Super Tekla na si Michelle Lhor Bana-ag. Matatandaang noong 2020 ay lumantad si Michelle sa programa ni Raffy Tulfo upang ireklamo ang di umano’y pang-aabuso sa kanya ng komedyante. Ngunit tahasan naman itong itinanggi ni Tekla.

Kamakailan lang, nagpaunlak ng panayam si Michelle sa Youtune channel ni Tekla at Donita Rose. Ayon kay Michelle, nais niyang magkaroon ng closure ang relasyon nila ni Tekla.

Kahit pa hindi na sila nagsasama, patuloy pa ring nagsusustento si Tekla para sa anak nilang si Baby Angelo.

Read Also: Cassy Legaspi, Ibinuking ang Kanyang Ideal Man na Singer-Dancer! Si Darren Espanto nga ba ang Tinutukoy Niya?

Hindi rin pinalagpas ni Donita Nose ang pagkakataong ito upang prangkahin si Michelle. Ayon kay Donita, na isa sa mga pinakamalapit na kaibigan ni Tekla, noong una pa man ay hindi na siya boto kay Michelle. Hindi niya raw nagustuhan ang paulit-ulit na panlolokong ginawa nito kay Tekla dati.

“Ako straightforward ako sayo di ba. Ayoko talaga sayo for Super Tekla. Sobrang mahal ka niya, saksi ako noon pa, kahit anong gawin mo sa kanya, anomang isyu niyo, problema sayo, mag-away kayo, mahal ka talaga ng tao. Sobrang mahal ka niya,” paliwanag ni Donita matapos makaharap si Michelle.

Ibinahagi rin ni Michelle ang totoong dahilan kung bakit niya pina-Tulfo si Tekla. Ayon dito, labis siyang na-stress sa problemang pinagdadaanan nila noon. Gayunpaman, sa huli’y mas pinili nilang magka-ayos na lang para na rin sa kapakanan ng kanilang anak na si Baby Angelo.

Ngunit ilang araw matapos ma-upload ang video, agad rin itong binura mula sa Youtube. Ayon kay Donita at Tekla, tinanggal nila ito dahil sa mga negatibong komento tungkol kay Michelle. Ngunit binalik rin nila ito noong July 28.

Read More: Basher, Natameme Matapos Diretsahang Sagutin ni Ai-Ai delas Alas ang Pambabatikos Nito kay Gerald

Panoorin ang buong interview dito:

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Trending

Mona Alawi, Isinugod sa Ospital Bago ang Kanyang 17th Birthday Dahil sa Matinding Karamdaman Niya

Published

on

Imbes na masayang celebration, isang nakakalungkot na pangyayari ang naranasan ng dating child star na si Mona Alawi. Bago sumapit ang kanyang ika-17 na kaarawan, hindi inaasahan ni Mona na magkakaroon siya ng nakakatakot na karanasan. Muntik na siyang mag-agaw buhay dahil sa kanyang karamdaman.

Sa kanilang latest vlog kasama ang kanyang ate na si Ivana Alawi, ibinahagi ni Mona na isinugod siya sa ospital matapos bumaba ang kanyang blood sugar.

Ayon kay Mona, mayroon siyang type 1 diabetes, kaya naman kinailangan niyang isugod sa ospital upang malunasan ang kanyang karamdaman.

Read More: Lola na Balut Vendor, Tinanggihan ang Regalong Magandang Bahay Mula sa Kanyang Anak! Bakit Kaya?

“Sobrang bumagsak yung blood sugar ko nun kasi sumobra yung nilagay kong insulin. Akala ko at that time inaantok lang ako so nagko-computer pa ako. Ilang minutes later, nalaglag ako sa kama kasi tina-try kong gumalaw pero kasi wala akong control sa body ko noon like yung buto ko, hindi ko talaga magalaw kahit daliri ko.”

Ayon pa kay Mona, noong una’y inaakala niya lang na na nananaginip lamang siya dahil nagko-computer lamang siya ng mawalan siya ng malay. Nagising lamang siya na nakapalibot na sa kanya ang kanyang pamilya. Hindi niya rin daw maigalaw ang kanyang katawan.

Sa kabilang banda, maraming fans naman sa social media ang nagpahayag ng kanilang prayers at suporta para kay kapatid ni Ivana. Hindi rin nila mapigilang mag-alala para kay Mona, na talaga namang napakabata pa para magkaroon ng matinding karamdaman. Silipin ang mga komento nila dito:

“Get well soon Mona! Iwas na muna sa mga mukbang videos niyo ni Ivana para di masyadong maapektuhan health mo.”

“Minsan talaga sa sobrang busy natin nakakalimutan na nating pagtuunan ng pansin kalusugan natin. Ingat palaga Alawi sisters.”

Read Also: Mark Herras, Nagsalita na! Pinaringgan si Lolit Solis sa Isyung Pangungutang Niya

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

celebrities

Ethel Booba, Napaiyak na Lang Matapos Mabasag ang Luxury Cup Worth P378,000!

Published

on

Kung ikaw ay isang coffee lover, malamang ay narinig mo na rin ang sikat na coffee shop kung saan puro luxury cups ang kanilang ginagamit. Ngunit dahil puro branded ang mga gamit nilang cups, hindi na rin nakakapagtaka kung bakit napakamahal ng kanilang mga kape. Ang pinakamura nilang isang tasa ng kape ay nagkakahalaga ng P8,000!

Ngunit sa kabila ng napakamahal na presyo, patuloy pa ring dinadayo ang luxury cafe na ito. Nais ng mga guests na maranasang mag-kape gamit ang mga mamahaling tasa ng mga internationally renowned brands gaya ng Versace, Hermes, at Gucci. At kamakailan lang, maging ang comedian na si Ethel Booba ay nakisabay sa usong ito.

Read More: VIDEO: Bagong Silang na Sanggol sa Mindanao, Nakakapagsalita at Nakakatayo nga ba Mag-Isa?

Sa kanyang latest na vlog, ibinahagi ni Ethel na matalik niyang kaibigan ang may-ari ng cafe na ito, kaya naman nagpasya siyang dalawin ito.

Ngunit hindi alam ng kanyang kaibigan na ipa-prank pala siya ni Ethel, at magkukunwari ito na nabasag ang isa sa kanyang mga prized cups.

Habang nag-uusap sila ay inilabas na ng cafe owner ang kanyang mga mamahaling cups. Tuwang-tuwa naman si Ethel na masilayan ang mga ito, at hindi niya mapigilang ikumpara ito sa collection ng actress na si Heart Evangelista, na isa ring avid collector ng luxury cups. Maya-maya pa, nagkunwari si Ethel na nasagi ito at nabasag.

Labis naman ang panghihinayang ng kanyang kaibigan, at sinabi pang halos dalawang taon na niyang iniingatan ito. Agad ring sinabi ni Ethel na prank lamang ito, at peke ang nabasag niya. Ngunit nang silipin ito ng may-ari, ang totoong cup pala talaga ang nabasag!

Dahil dito, si Ethel naman ang napaiyak matapos malamang P378,000 ang halaga ng cup na ito. Hindi niya mapigilang maging emosyonal sa ‘prank gone wrong na ito,’ ngunit bigla siyang nagulat nang sabihin ng kanyang kaibigan na prank lamang ito. Nagsabwatan ang asawa at kaibigan ni Ethel upang siya naman ang maloko.

Read Also: Paolo Gumabao, Hindi Inatrasan ang Mapangahas na Role sa Bagong Pelikula Kahit pa Kailangang Maghubad

Panoorin ang reaksyon ni Ethel dito:

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Video

Student, Di Makapaniwala sa Sinabi ng Guro Nang Malimutan Nitong Mag-Mute ng Mic

Published

on

Bago pa man ang pandemic, usong-uso na ang online learning. Maraming guro ang nakakahanap ng sideline online sa pamamagitan ng pagtututor. Isa sa mga pinaka in-demand na trabaho ay ang pagtuturo ng English sa mga bata mula sa ibang Asian countries. At kahit pa medyo stressful, nakakatulong rin ito upang pangdagdag kita.

Upang maging English tutor, mahigpit ang mga requirements na ipinapatupad ng mga online learning platforms. Bukod sa pagiging knowledgeable sa lenggwahe, kailangan ay professional rin ang tutor. Ngunit sa kabila ng lahat, tao rin ang mga guro at nagkakamali rin sila.

Read More: Angel Locsin, Balik Alindog na! Ibinahagi ang Simula ng Kanyang Fitness Journey

Gaya na lamang ng online tutor na ito na gumawa ng ingay sa social media matapos mag-viral ang kanyang blunder. Ibinahagi ng netizen na si Reynante Tammidao ang kanyang memorable na tutorial session. Sa maikling video, makikitang tinuturuan niya ang kanyang batang estudyante ng English.

Ngunit sa kalagitnaan ng lesson, bigla na lamang nakapagsabi ng bad words si teacher! Ang masaklap pa dito, hindi niya na-mute ang kanyang mic kaya agad siyang narinig ng estudyante. Labis ang pagtataka ng bata at tinanong nito ang kanyang guro kung ano ang ibig sabihin ng salitang iyon.

Sa kabilang banda, agad namang nag-viral ang video na ito. Sa ngayon ay mahigit sa 1.2 million views na ito sa Facebook. Maraming netizens ang talagang naaliw at natawa dahil sa reaksyon ni teacher. Talagang may mga pagkakataon nga naman na hindi mo inaasahan ang lalabas sa iyong bibig!

Silipin ang mga komento nila dito:

“Hahaha laughtrip si teacher, nakalimutang mag-mute ng mic. Only online teacher knows.”

“Nangyayari talaga yan lalo na pag nagloloko system. Sana lang di ma-QA si teacher para di magka-penalty.”

“Nakakaaliw reaksyon nung bata! Walang kamuwang-muwang.”

Read Also: Dating Goin’ Bulilit Child Star, Pinanganga ang mga Fans sa Nakakagulat na Transformation Nito!

Panoorin ang buong video dito:

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Trending