Connect with us

Local

Netizens, Kinilabutan sa Tumpak na Pangitain ni Rudy Baldwin sa Malakas na Pagyanig ng Lupa!

Published

on

Noong Sabado, ika-24 ng Hulyo, isang malakas na pagyanig ang naramdaman ng mga residente ng Occidental Mindoro. Ang 6.6 magnitude na lindol ay naitala 16 kilometro mula sa Calatagan, na mayroong lalim na 116 kilometro. Ang malakas na pagyanig ay naramdaman rin sa karatig na lalawigan gaya na lamang ng Cavite at Metro Manila.

Ilang minuto matapos ito, nasundan pa ito ng magnitude 5.5 na aftershock. Dahil sa malakas na pagyanig na ito, maraming kabahayan ang nasira sa Lubang island, Occidental Mindoro. Maraming netizens ang talagang natakot sa paglindol na ito, at mayroon ring naniniwala na nahulaan ito ni Rudy Baldwin.

Read More: Idol Raffy, Tinulungan ang Mag-Amang Pinagtatawanan Dahil Nagsasaka ng Walang Kalabaw

Si Rudy Baldwin ay kilalang manghuhula na sumikat sa social media dahil sa kanyang mga nakakakilabot na pangitain na di umano’y nagkakatotoo. At noong July 12 lamang, nagbabala rin siya sa Facebook na mayroong malaking pagyanig na magaganap sa probinsya ng Batangas.

“May bahagi ng lupa na malalim ang paglubog nito o tinatawag nating sinkhole. May nakita akong kalsada na lumubog o gumuho ng matindi. Nakikita ko ang isang bahagi ng tubig, madulas pero bumubula na parang sabon. Nakikita ko ang aksidenteng ito na mangyayari pa lamang sa Batangas,” pahayag ni Baldwin.

Ayon pa sa kanya, sa malagim na sakunang ito ay may taong mababawian ng buhay. Kaya naman pinag-iingat niya ang kanyang mga followers na maging mapanuri at laging maging alerto at handa. Kaya naman binalikan ng kanyang mga followers ang post na ito matapos lumindol noong Sabado.

“Maging maingat sa pagmamaneho upang ang aksidente ay maiwasan. Patuloy ang pagyanig ng tubig, halos sunod-sunod. Ngunit sa vision ay hindi pa din nagbago, patuloy na sasabog ang Taal. Maging maingat lamang at walang mawawala sa panalangin,” dagdag pa ni Rudy.

Dahil dito, mas lalo lamang tumibay ang paniniwala ng mga followers ni Baldwin sa kanyang mga propesiya. Agad ring nag-viral sa social media ang mga screenshots ng pangitain niyang ito.

Read More: Sila na nga ba? Bea Alonzo at Dominic Roque, Huli sa Kamera na Magka-Holding Hands!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Local

Kasal ng Dalawang OFW, Nauwi sa Trahedya Matapos Pumanaw ang Groom Dahil sa COVID

Published

on

Imbes na masayang kasal ay malungkot na trahedya ang nangyari sa magkasintahang ito. July 31, 2021 ang nakatakdang petsa para sa pag-iisang dibdib nina Ralph Waldo Landicho at ng kanyang kasintahang si Raquel Panganiban. Parehong OFW ang dalawa; si Ralph ay isang seaman, samantalang sa Saudi Arabia naman nagta-trabaho si Raquel.

Sabik na ang dalawa sa kanilang nalalapit na kasal. Kahit pa nasa kalagitnaan ng pandemic ay inasikaso nila ito.

Ngunit dahil kulang na sa oras ay hindi na nagawa ng dalawa ang magpa-vaccine laban sa COVID-19. Sa kasamaang palad, hindi na natuloy ang pinapangarap nilang kasal dahil sa trahedyang ito.

Read More: Tiktoker na si Whamos, Labis ang Tuwa Matapos Sagutin ng Babaeng Pinapangarap Niya!

July 19 nang magsimulang makaramdam ng sintomas si Raplh. Una siyang nakaramdam ng pananakit ng katawan, hanggang sa makaranas na rin ito ng chills at fever.

Hindi nagtagal ay dinala na nila ito sa ospital, kung saan lumabas na positibo siya sa COVID-19. Ayon kay Raquel, pinapalakas niya pa ang loob ni Ralph upang malagpasan nito ang pagsubok.

“We encouraged one another. Ayaw pa mamatay ni hubby kasi dami pa niyang gustong mangyari sa buhay namin bilang mag-asawa, ganun din sa pamilya niya. Sinasabi nya palagi na, ‘Bebe, hinde pa ako mamamatay. Magiging official pa ako.’ Dream niya maging official sa barko.”

August 3 nang tuluyan nang mamaalam si Ralph. Labis rin ang hinagpis at lungkot ni Raquel, lalo pa’t hindi na matutupad ang mga pangarap nila bilang mag-asawa.

Nanawagan rin si Raquel sa ibang tao na hindi naniniwala sa COVID-19 pandemic. Ayon sa kanya, ang dapat sana’y ‘congratulations’ greetings sa kanilang kasal ay nauwi sa ‘condolence.’

“Totoo ang COVID-19. Kelan ka maniniwala? Kelan ka mag iingat? Kelan mo aalagaan ang katawan mo? Kelan mo iisipin na mag ingat para sa sarili mo at para sa mga kapamilya mo? Ang akala namin na simula ng pagmamahalan na pang habang buhay, nanakawin lang pala ng pandemyang ito. All the ‘CONGRATULATIONS’ turned to ‘CONDOLENCES.'”

Read Also: Mygz Molino, Hindi Pinabayaan si Mahal sa mga Huling Sandali Nito

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

celebrities

Mygz Molino, Hindi Pinabayaan si Mahal sa mga Huling Sandali Nito

Published

on

‘You and me against the world’ ang peg ng celebrity couple na sina Mahal at Mygz Molino. Kahit pa tutol ang mga kamag-anak ni Mahal sa kanilang relasyon, nanindigan ito na patuloy pa rin niyang mamahalin ang 35-year-old na Youtuber.

Ngunit sa kabila ng pambabatikos na natanggap nila, nanatiling tapat si Mygz hanggang sa huli. Nitong August 31 lamang ay nagluksa ang mga netizens sa biglaang pagpanaw ni Mahal, o mas kilala bilang Noemi Tesorero sa totoong buhay.

Sa edad na 46 ay tuluyan na itong pumanaw, at hinihinalang may kinalaman sa gastric problems ang sanhi ng biglaang pagpanaw nito. Sa kanyang mga huling sandali ay hindi naman siya iniwan ng kanyang rumored partner na si Mygz.

Read More: “Totoong iyak ako nun..” -Paolo Contis, May Hugot sa Kanyang Bagong Movie kay Yen Santos!

Sumikat ang mag-tandem sa kanilang Youtube channel dahil sa kanilang mga nakakatuwang vlogs.

Kapansin-pansin rin ang pagiging malapit ng dalawa sa isa’t-isa. Sa katunayan, sa kanyang nagdaang interview, ibinahagi naman ni Mahal na kahit pa tumanda siya ay hindi siya iiwan ni Mygz.

“Hindi ako ginagamit ni Mygz! Ang masasabi ko diyan, magka-tandem kami ni Mygz. Huwag niyo po kaming husgahan, huwag po ninyo kaming pakialaman. Habang buhay na ang tandem namin, hanggang sa uugod-ugod na ako, hanggang sa mawala ako sa mundo,” pahayag ni Mahal sa kanyang exclusive interview.

Ngunit kahit pa tutol ang mga kamag-anak ni Mahal sa kanilang relasyon, makikita naman ang concern at support ni Mygz para dito.

Sa katunayan, hanggang sa mga huling sandali ng komedyante ay hindi ito pinabayaan at iniwan ni Mygz. Hanggang sa pagpanaw ni Mahal ay nasa tabi niya ito.

Isa rin si Comedy Queen Ai-Ai delas Alas sa mga saksi kung paano minahal ni Mygz si Mahal. Sa katunayan, sa isang interview ay inilarawan ni Ai-Ai na hulog ng langit si Mygz sa kanyang kaibigan. Naniniwala rin daw siya na taos-puso at unconditional ang pagmamahal nito.

Read Also: May Kakaibang Napansin ang mga Netizens sa Tiktok Video ni Raymond Gutierrez at Tony Labrusca

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Inspiring

Lola na Balut Vendor, Tinanggihan ang Regalong Magandang Bahay Mula sa Kanyang Anak! Bakit Kaya?

Published

on

Talagang hindi matutumbasan ang sakripisyo at paghihirap ng ating mga magulang. Buong buhay natin ay iginapang nila tayo sa hirap para lamang mabigyan tayo ng magandang kinabukasan. Kaya naman kadalasan, paglaki ng mga anak ay nais rin nilang suklian ang kabutihan ng kanilang nanay at tatay.

Kamakailan lang, itinampok sa programang “Kapuso Mo, Jessica Soho” ang nakaka-inspire na kwentong ito ng isang balut vendor na nagngangalang Amelia Madriaga.

Si Nanay Amelia ay tubong Urdaneta City, Pangasinan. Sa kabila ng kanyang katandaan ay patuloy pa rin itong nagbebenta ng balut.

Read More: Nanay ni Vice Ganda, Napaiyak Matapos Makita ang Bagong Bahay na Ipinagawa ni Vice Para sa Kanya!

Kahit pa noong bata pa lamang ang kanyang mga anak, pagbebenta na ng balut ang ikinabubuhay nila. Araw-gabi ay nagbebenta siya ng balut para lamang may maipangtustos sila sa kanilang araw-araw na pangangailangan. Hanggang sa pumanaw ang kanyang asawa noong 2016 ay patuloy pa rin si Nanay Amelia sa pagtitinda.

Hindi nagtagal ay nagkaroon na rin ng kanya-kanyang buhay ang kanyang mga anak. Isa-isa rin silang umalis sa poder ni Nanay Amelia, at patuloy itong nagbebenta ng balut para makaraos.

Ngunit hindi alam ni Nanay Amelia na nag-iipon pala ng pera ang isa sa kanyang mga anak upang mapatayuan siya ng bahay.

Matapos ang limang taon ay nakapagpatayo rin ito ng magandang bahay. Ngunit tinanggihan naman ni Nanay Amelia na tumira dito.

Sa halip ay mas pinili niyang bumalik sa kanyang dating bahay, dahil ayon sa kanya ay kahit sira-sira na ito ay narito pa rin ang kanilang mga alaala. Sapat na rin daw sa kanya na lagi siyang naaalala ng kanyang mga anak.

Nangako naman ang mga anak ni Nanay Amelia na hindi nila ito papabayaan sa kanyang pagtanda. Ayon pa sa kanya, hindi siya titigil sa pagtitinda ng balut, lalo pa’t ito na lang ang pinagkakaabalahan niya ngayon.

Read Also: Lyca Gairanod, Isiniwalat ang Nakakaiyak na Dahilan Kung Bakit Ibinenta Niya ang House and Lot Prize sa “The Voice”

Silipin ang buong video dito:

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag follow at mag like sa aming Facebook page.

Continue Reading

Trending