Connect with us

celebrities

Kathryn Bernardo, May Resbak sa mga Bashers na Tinatawag na ‘Sakang’ ang Legs Niya

Published

on

Isa si Kathryn Bernardo sa mga pinakasikat na aktres ngayon sa showbiz industry sa Pinas. Ngunit sa kabila ng kanyang angking talento sa pag-arte, mukhang hindi talaga makukuntento ang ibang kritiko. Gaya ng karamihan sa mga celebrities, nakakatanggap rin ng mga di magagandang komento si Kathryn mula sa mga bashers sa social media.

Isa sa mga laging pinupunto ng bashers ay ang legs ni Kathryn. Ipinanganak si Kathryn na bow-legged o sakang. Dahil dito, noon pa man ay nakakatanggap na siya ng mga masasakit na panlalait tungkol sa kanyang legs. Ngunit sa paglipas ng panahon ay natutunan rin ng aktres kung paano i-handle ang mga ito.

Read More: John Lloyd Cruz at Katrina Halili, Huling Nagba-Bonding sa Rest House ng Aktor sa Batangas

Isa sa mga paraan ni Kathryn kung paano i-handle ito ay ang pag-ignore sa kanyang mga bashers. Kaya rin dumating sa punto na tinurn-off ni Kathryn ang comments section sa kanyang Instagram account: “Kasi grabe yung negative energy. Ang daming time talaga ng bashers,” pahayag ni Kathryn sa kanyang vlog.

Ayon pa sa kanya, dati ay isa sa mga pinakamalaking insecurities niya ang kanyang legs. Ngunit sa tulong ng kanyang boyfriend na si Daniel Padilla, unti-unti niya ring natutunang mahalin ito. Nai-inspire raw si Kathryn na mas lalo pang ma-appreciate ang kanyang mga ‘flaws’ dahil kay Daniel.

“Before, sobrang insecurity ko ito. Pero alam niyo kung sino nagpa-realize sa akin na huwag magpa-insecure? Si DJ. Through DJ na-overcome ko insecurity ko about my legs. I love my legs! Si DJ love din legs ko! Ngayon tanggap ko siya 100 percent!”

Kaya naman ngayon ay dedma na lang siya sa kanyang mga bashers. Ayon pa sa aktres, mas pipiliin niyang magpalaganap ng positive vibes at mag focus na lamang sa ibang bagay kaysa isipin pa ang sinasabi sa kanya ng ibang tao.

Read More: Jean Garcia, Hindi na Nakatiis! Kinompronta si Alwyn at Sinabing Bastos Ito sa Social Media

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang viral na kwento at latest na balita, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

celebrities

Empress Schuck, Nagbabala sa Pagputok ng Pimples Dahil sa Nakakabahalang Sinapit Niya

Published

on

Mahilig ka rin bang pumutok ng pimples mo sa mukha? Karamihan sa atin ay hindi mapakali tuwing tinutubuan tayo ng tigyawat sa mukha. Talaga nga namang nakaka-conscious makita ito, kaya ang iba ay sinusubukang putukin ito upang mawala. Ngunit alam niyo ba na maaari palang magdulot ng panganib ang pagputok ng pimples?

Ayon sa mga dermatologist, hindi dapat pinuputok o hinahawakan ang tigyawat dahil maaari itong maging sanhi ng impeksyon. Bukod sa mas mapapatagal nito ang paghilom ng balat, maaaring malagyan din ito ng bacteria at dumi mula sa ating kamay. Kamakailan lang, binahagi rin ng aktres na si Empress Schuck ang karanasan niya dito.

Read More: “Hindi ka nga gusto ng boyfriend ko!”- Barbie Imperial, Tinawag na Kabit si AJ Raval!

Sa Instagram ay ibinahagi ni Empress kung bakit siya naospital kamakailan lang. Bigla na lamang daw namaga ang kanyang mukha, at ilang araw na ang nakakalipas ay hindi pa rin ito gumagaling. Hinala ni Empress ay dahil ito sa tigyawat sa taas ng kanyang ilong na pinutok niya.

Mabuti na lamang at naagapan ito ni Empress bago pa lumala ang pamamaga ng kanyang mukha. Sa tulong ng isang espesyalista ay agad nilang naagapan ito. Ayon kay Empress, mula ngayon ay matututo na siya na wag pisilin at hawakan ang mga pimples niya sa mukha.

“On a serious note, never try to squeeze and pop your pimple! Now part of my face is swollen and getting worse. Eng sheket, abot ulo yung kirot. Thank you ate Hazel Parfan and Dra. Sherry Ong Cunanan here in Baguio for the immediate action. So gratedul you’re all around,” dagdag pa ni Erich.

Sa ibang malalang kaso, maaaring maging sanhi ng brain damage ang pagputok ng tigyawat. Kapag ito ay naimpeksyon, maaari itong umabot sa utak dahil sa mga clot sa iyong ugat. Kaya naman mahigpit itong ipinagbabawal ng mga eksperto.

Read More: “Walang Pahinga”- Netizens, Nagbiro Matapos Itong Sabihin ni AJ Raval kay Wilbert Ross

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

celebrities

“Hindi ka nga gusto ng boyfriend ko!”- Barbie Imperial, Tinawag na Kabit si AJ Raval!

Published

on

Mas lalong tumitindi ang iringan sa pagitan ni Barbie Imperial at AJ Raval. Matatandaang noong nakaraan lamang ay isiniwalat ni Xian Gaza na di umano’y nililigawan ng boyfriend ni Barbie na si Diego Loyzaga si AJ Raval. Ayon pa kay Xian, pinuntahan pa mismo ni Diego si AJ sa kanilang bahay kahit pa hinihintay siya ni Barbie sa Manila.

Dahil dito, di umano’y nagkaroon ng matinding komprontasyon si Barbie at Diego sa isang kilalang hotel. Ngunit sa kabila ng mga isyung ito, nananatili namang tikom ang bibig ni AJ Raval, na dati na ring nasangkot sa isyu ng hiwalayan ni Aljur Abrenica at ni Kylie Padilla.

Read More: “Walang Pahinga”- Netizens, Nagbiro Matapos Itong Sabihin ni AJ Raval kay Wilbert Ross

Sa kabilang banda, nagsalita naman si Barbie tungkol sa usaping ito. Ayon kay Barbie, nagtataka siya dahil tila gustong gusto ni AJ Raval na pinag-uusapan lagi siya. Nakakapagtaka rin daw dahil hindi ito nagsasalita sa pagka-link nito sa kanyang boyfriend na si Diego.

“Yung about kay AJ Raval, if wala kang kinalaman, or alam mo na hindi ka kabit ni Diego, magsalita ka. Bakit parang gusto mo na nangyayari to lahat, na nagka-‘thing’ kayo ni Diego? And I heard, I have proof na AJ and Xian Gaza are friends. And they really talked about, she feeds him info ng mga tsismis.”

Dagdag pa ni Barbie, itinuring niyang kaibigan noon si AJ. Ngunit hindi siya makapaniwala na magagawa nitong sumira ng relasyon. Idiniin rin ni Barbie na walang interes ang boyfriend niya sa Viva starlet.

“Actually friend ko siya noon. Tinanggap namin siya, sobrang bineybi naman siya sa grupo kasi nga girlfriend siya ng bestfriend ko na si Axel. Nagulat na lang ako na ang daming nangyayari, na okay gusto mong maging kabit, eh hindi ka nga gusto ng boyfriend ko.”

Read Also: Babaeng Nanganak sa Eroplano, Hindi Raw Inakalang Nagdadalang-Tao Pala Siya!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

celebrities

Mahirap nga ba Pakisamahan? Dating Kasambahay, Isiniwalat ang Totoong Ugali ni Mommy Divine!

Published

on

Noong November 2020, muling naungkat ang isyu ni Sarah Geronimo at ng kanyang ina na si Mommy Divine. Marami ang naniniwala na si Mommy Divine ang tinutukoy sa kontrobersyal na blind item ng kolumnistang si Cristy Fermin. Sa blind item na ito, binaggit ni Fermin na may isang dating kasambahay ang nagsalita tungkol sa pagiging strikta ni Mommy Divine.

Ayon sa source, halos hindi nakakatagal ang mga bagong kasambahay dahil hindi nila kayang pakisamahan ang ugali ni Mommy. Mabait naman daw ang ibang miyembro ng pamilya, lalo na ang singer, ngunit aminado siya na masyadong strikta ito pagdating sa kanilang mga kasambahay.

Read More: “Walang Pahinga”- Netizens, Nagbiro Matapos Itong Sabihin ni AJ Raval kay Wilbert Ross

“May mga kasambahay silang hindi nagtatagal, nahihirapan silang makisama kay mommy dahil sobrang mahigpit. Tasado kasi ang food nila, kung ano lang ang budget na ibinibigay sa kanila ni mommy, yun lang ang pwede nilang pagkasyahin,” pahayag ng source ni Fermin.

Bukod sa pagiging istrikta, mahigpit rin daw sa pagkain si mommy. Tuwing may pagkain raw itong inuuwi galing sa mga events ng kanyang anak, hindi raw ito maaaring kainin ng mga kasambahay. Sa halip ay naka reserve lamang daw ang mga ito para sa family, kahit pa sobra sobra ang pagkain.

“E, mahilig mag-uwi si mommy ng food sa mga pinupuntahan nila ng anak niya, hindi nila puwedeng galawin yun, para sa family lang nila ang food, hindi puwedeng kainin ng mga kasambahay. Para sa kanila lang lahat yun kahit sobra sobra naman,” dagdag pa ng source.

Ayon naman sa iba, hindi lingid sa kaalaman ng publiko na nakaranas rin ng hirap ng buhay si mommy noon. Ito marahil ang dahilan kung bakit matipid siya sa pera, at kung bakit kahit isang butil ng bigas ay napakahalaga sa kanya. Dahil dito, nais niya lang raw pahalagahan ang kinikita ng kanyang anak.

Read Also: Babaeng Nanganak sa Eroplano, Hindi Raw Inakalang Nagdadalang-Tao Pala Siya!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Trending