Connect with us

celebrities

Denise Laurel, Ibinunyag ang Matinding Karamdaman na Ininda Niya Dahil sa Pagpupuyat

Published

on

Karamihan sa atin ay hindi nakakakuha ng sapat na tulog araw-araw. Kadalasa’y binabalewala lamang natin ang kahalagahan nito hanggang sa huli na. Kamakailan lang, nagbahagi ng kanyang karanasan ang aktres na si Denise Laurel. Ayon kay Denise, hindi niya inaasahan na ang pagpupuyat niya ay hahantong sa matinding karamdaman.

Si Denise ang itinanghal na grand winner ng talent search program na “Your Face Sounds Familiar 2.” Ngunit sa kalagitnaan ng competition, naramdaman ni Denise na tila ba may malaking pagbabago ang katawan niya. Kahit pa aktibo siya ay kapansin-pansin di umano ang pagdagdag ng kanyang timbang.

Read More: “Pang jowa talaga siya”- Sanya Lopez, Aminadong Ready Jowain ang Hot Actor na ito Kahit pa May Girlfriend na!

“I couldn’t understand because I was so healthy, I was working out, I was doing soap and Your Face at the same time, pero I was gaining weight. Yun pala that’s my body, it’s stressed na. My body started acting up,” pahayag ng aktres sa kanyang exclusive interview sa Wellness Moms.

Dagdag pa nito, matapos niyang magpakonsulta sa doktor ay nakakita sila ng mga cysts sa iba’t-ibang parte ng katawan ni Denise. May na-detect silang mass sa kanyang dibdib, lymph nodes, at ovaries. Ipinaliwanag rin ng doktor na pagpupuyat ang maaaring sanhi ng karamdaman niya.

“Twenty-one years of non-stop working and pushing myself to the limits sometimes, which I love to do. No one is really invincible. I’ve been on a break, getting healthy, and today is a beautiful day because I just found out I do not have cancer. Do not take sleep for granted.”

Ipinaalala rin ni Denise ang kahalagahan ng sapat na pahinga at tulog. Dahil kahit gaano ka pa kalakas at active, mahalagang nakakakuha ka pa rin ng sapat na tulog araw araw. Sa ngayon ay malaki rin ang pasasalamat ni Denise dahil hindi humantong sa malalang karamdaman ang kanyang iniinda.

Read Also: Maxene Magalona, Ipinaliwanag ang Kanyang Namumugtong Mata na Ikinabahala ng mga Fans

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

celebrities

Mura, Idinaing ang Matinding Karamdaman na Matagal na Niyang Iniinda

Published

on

Naaalala niyo pa ba si Mura? Isa siya sa mga pinakasikat na komedyante noon sa showbiz. Si Allan Padua, o mas kilala sa kanyang screen name bilang Mura, ay gumanap sa ilang programa at pelikula bilang kapareha ni Mahal. Ngunit ilang taon na ring hindi lumalabas sa telebisyon si Mura kaya naman maraming fans ang curious sa kalagayan nito ngayon.

Mag-iisang dekada na rin simula ng magkaroon ng huling proyekto si Mura. Matatandaang noong taong 2010 ay may isang malaking dagok sa buhay niya, kung kaya naman napilitan siyang talikuran pansamantala ang kanyang career. Bumalik siya sa probinsya upang magkaroon ng tahimik na buhay kasama ang kanyang pamilya.

Read More: KC Concepcion, May Bwelta sa Basher na Tinawag Siyang ‘Mukhang Clown’ sa Social Media

Upang makatulong sa pang-araw araw na gastusin ni Mura ay nag-abot ng tulong ang vlogger na si Virgelyn matapos niya itong bisitahin.

P10,000 cash ang ibinigay niya kay Mura, at labis naman ang pasasalamat ng dating komedyante sa malaking tulong na ito. Dahil sa video na ito ay maraming netizens rin ang nais magpahatid ng tulong sa kanya.

Sa kanyang latest video, muli na namang binisita ni Virgelyn si Mura. Sa pagkakataong ito, ibinahagi ni Mura ang matinding karamdaman na iniinda niya ngayon. Ayon sa dating komedyante, mayroon siyang problema sa baga na naging dahilan ng kanyang matinding ubo.

“Yung baga ko po parang napupulutan ng ulap, inuubo po ako. Sana po tulungan niya po ako,” pahayag ni Mura. Sa kabilang banda, maraming netizens naman ang nais magpaabot ng tulong sa komedyante upang maibsan ang kanyang nararamdaman ngayon. Matatandaang bago pumanaw si Mahal o Noemi Tesorero ay binisita niya rin si Mura.

Ngayon ay edad 46 na si Mura. Kasalukuyan itong nakatira sa Ginubatan, Albay, kasama ang mga mahal niya sa buhay. Tuluyan na rin niyang kinalimutan ang kanyang showbiz career.

Upang kumita ng pera, nagtatanim si Mura ng gulay at prutas. Gumagawa rin siya ng uling upang may maipang-dagdag kita sa kanyang paghahanapbuhay.

Read More: Ate Gay, Nagsusumamo na Patawarin ni Vice Ganda Matapos Ibunyag ang P20K na Itinulong Nito sa Kanya

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

celebrities

Matapos Magloko, Paolo Contis, May Balak Pang Ayusin ang Gusot Nila ni LJ Reyes

Published

on

May pag-asa pa nga bang maayos ang pagsasama ni LJ Reyes at Paolo Contis? Yan ang tanong na bumabagabag ngayon sa mga fans. Kamakailan lang, naging usap-usapan sa social media ang nakakalungkot na hiwalayan ng celebrity couple. Nadawit sa hiwalayan ng dalawa ang leading lady ni Paolo na si Yen Santos.

Sa ngayon ay hiwalay na ang dalawa, at pansamantala munang naninirahan si LJ kasama ang kanyang dalawang anak sa New York.

Sa kabilang banda, si Paolo naman ay balik taping na para sa bagong teleserye na “I Left My Heart in Sorsogon.” Kasalukuyan itong nasa lock-in taping.

Read More: “Parang kambal tuko!”- Netizens, Kinilabutan Dahil sa Pagkakahawig ni Bea Alonzo sa Lola ni Dominic Roque!

Ayon sa report ng Philippine Star, nagpo-focus muna ngayon si Paolo sqa kanyang trabaho. Mukhang hindi rin daw nito masyadong dinadamdam ang kontrobersyang kinakaharap niya. Sa katunayan, nagagawa pa raw nitong sakyan ang mga ‘as a friend’ jokes ng kanyang fellow cast.

Sa kanyang nakaraang pahayag, ibinahagi rin ni Paolo na marami pa silang dapat pag-usapan ni LJ. Kasama na dito ang co-parenting sa kanilang anak na si Summer.

Nilinaw niya raw kay LJ na nais niya pa ring makita at maalagaan si Summer, ngunit nirerespeto niya ang desisyon nito na mapag-isa muna sa States.

“I was very clear to LJ when I told her I want to see and take care of Summer kahit hindi kami okay. But I understand and respect her decision to go to the States muna. Sana balang araw makapag usap kami ng maayos para sa bata. Madami pang kailangang pag usapan pero sa amin na lang ni LJ yun at sana respetuhin niyo yun.”

Sa kabilang banda, na-amaze naman ang mga netizens sa laki ng ipinagbago ni LJ ngayon. Kamakailan lang ay umattend ito ng New York Fashion Week, at talagang kapansin-pansin na nag glow up ito.

Ayon pa sa ibang fans, mukhang unti-unti na ring nakaka move on si LJ mula sa hiwalayan nila.

Read Also: Luis Manzano, Nagmakaaawa sa mga Netizens na Panoorin ang Kanyang Vlog! Bakit Kaya?

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

celebrities

Hirit ni Lolit Solis, Hindi Afford ni Paolo Contis ang Ticket Papuntang New York Para Makita si LJ

Published

on

Hanggang ngayon ay mainit na usapan pa rin ang biglaang hiwalayan ng celebrity couple na sina LJ Reyes at Paolo Contis. Isiniwalat ni LJ na ilang buwan na rin silang hiwalay at kasalukuyan siyang nasa New York kasama ang kanilang anak. Ito’y matapos ma-link si Paolo sa kanyang latest leading lady na si Yen Santos.

May pag-asa pa nga bang maayos ang pagsasama ni LJ at Paolo? Yan ang tanong na bumabagabag ngayon sa fans ng celebrity couple.

Ayon sa mga netizens, si Paolo lamang ang susi upang maayos pa ang nasira nilang pagsasama. Bukod sa pag-amin sa kanyang pagkakamali, dapat ay ipakita niya rin kay LJ ang kanyang sincerity.

Read More: KC Concepcion, May Bwelta sa Basher na Tinawag Siyang ‘Mukhang Clown’ sa Social Media

Ngunit mukhang malabo pa ito sa ngayon, lalo pa’t kasalukuyang nasa New York si LJ at ang kanyang mga anak. Nag-comment rin ang manager ni Paolo na si Lolit Solis.

Sa kanyang online show kasama si Cristy Fermin, nagbiro si Lolit na baka mangutang pa sa kanya si Paolo ng pambili ng plane ticket papuntang New York.

Sa ngayon ay mas pipiliin daw muna ni Paolo na mag-focus sa kanyang career. Kasalukuyan itong nasa lock-in taping para sa kanyang bagong teleserye na “I Left My Heart in Sorsogon. Gayunman, hindi daw nawala sa isip ni Paolo ang anak nila ni LJ na si Baby Summer.

Sa kanyang statement sa Instagram, inamin ni Paolo na naging ‘marupok’ siya. Nagbigay rin siya ng mensahe para sa pamilyang nasira niya.

Isa isang nagdedicate si Paolo ng message para sa anak nila ni LJ na si Summer, sa anak ni LJ na si Aki, at kay LJ. Humingi siya ng tawad sa kanila.

“To Summer, I’m sorry my Ganda. I love and miss you so much. Papa will do his best to be better. I will always be here for you. I promise. To Aki, I wish I could’ve done things differently and listened to you more. I’m sorry I failed you. To LJ, I’m very sorry. For everything. Sa lahat lahat.”

Read More: Ate Gay, Nagsusumamo na Patawarin ni Vice Ganda Matapos Ibunyag ang P20K na Itinulong Nito sa Kanya

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Trending