Connect with us

celebrities

Confirmed! Matapos Mag-Deny, Nabuking Rin ang Tinatagong Relasyon ni Heaven Peralejo at Kiko Estrada

Published

on

Mukhang kumpirmado na nga ang umuugong na balita! Usap-usapan ngayon sa social media ang mga kumakalat na larawan ng Kapamilya actress na si Heaven Peralejo kasama ang kanyang rumored boyfriend na si Kiko Estrada. Sa mga larawan, makikitang mukhang ipinakilala na ni Heaven si Kiko sa kanyang pamilya.

Matatandaang kakagaling lamang sa break-up ni Kiko Estrada mula sa kanyang long-time girlfriend na si Devon Serron. Noon pa man ay umugong na ang usap-usapan na mayroong third party sa kanilang relasyon, at nadawit ang pangalan ni Heaven dahil noong mga panahong iyon ay nakatrabaho niya si Kiko sa isang programa.

Read More: AJ Raval, Nakatikim ng Sermon sa Amang si Jeric Dahil sa Malaswang Suot sa Carwash Video!

Idineny naman ni Kiko at Heaven na mayroong namamagitan sa kanila. Sa isang interview, pinabulaanan ni Heaven na siya ang dahilan ng hiwalayan ni Devon at Kiko. Ngunit mukhang time is the ultimate truth teller, ika nga ni Bea Alonzo na minsan na ring naloko ni Gerald Anderson.

Ilang buwan matapos ang hiwalayan ni Devon at Kiko, kumalat sa social media ang mga larawan ni Heaven at Kiko.

Sa family reunion, makikita rin na close na close ang dalawa, at tila ba pati pamilya ng young actress ay boto sa aktor. Kaya naman para sa karamihan, walang alinlangan na may relasyon nga ang dalawa.

Bago pa pumutok ang isyung ito, namataan na ring magkasama si Heaven at Kiko sa Boracay. Isang fan ang nakakita sa rumored couple na masayang nagbabakasyon sa beach. Agad namang kumalat ang mga larawan nila Heaven, at mas lalong umigting ang haka-haka ng mga netizens na si Heaven nga ang dahilan ng hiwalayan ni Kiko at Devon.

Silipin ang komento ng mga netizens tungkol dito:

“Yung todo deny at painterview pero sila pala talaga… Babagsak din career ng dalawa na ito kung meron man.”

“I don’t understand why some ppl have the gall to deny, when they know that what they are denying will eventually come out anyway.”

“Deny pa si girl na walang kinalaman sa break up a.”

“body language ni kiko, love na love nya c heaven.”

Read More: Jaclyn Jose, Labis na Humanga sa Simple at Tahimik Pamumuhay ng Anak na si Andi sa Siargao

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

celebrities

Mura, Idinaing ang Matinding Karamdaman na Matagal na Niyang Iniinda

Published

on

Naaalala niyo pa ba si Mura? Isa siya sa mga pinakasikat na komedyante noon sa showbiz. Si Allan Padua, o mas kilala sa kanyang screen name bilang Mura, ay gumanap sa ilang programa at pelikula bilang kapareha ni Mahal. Ngunit ilang taon na ring hindi lumalabas sa telebisyon si Mura kaya naman maraming fans ang curious sa kalagayan nito ngayon.

Mag-iisang dekada na rin simula ng magkaroon ng huling proyekto si Mura. Matatandaang noong taong 2010 ay may isang malaking dagok sa buhay niya, kung kaya naman napilitan siyang talikuran pansamantala ang kanyang career. Bumalik siya sa probinsya upang magkaroon ng tahimik na buhay kasama ang kanyang pamilya.

Read More: KC Concepcion, May Bwelta sa Basher na Tinawag Siyang ‘Mukhang Clown’ sa Social Media

Upang makatulong sa pang-araw araw na gastusin ni Mura ay nag-abot ng tulong ang vlogger na si Virgelyn matapos niya itong bisitahin.

P10,000 cash ang ibinigay niya kay Mura, at labis naman ang pasasalamat ng dating komedyante sa malaking tulong na ito. Dahil sa video na ito ay maraming netizens rin ang nais magpahatid ng tulong sa kanya.

Sa kanyang latest video, muli na namang binisita ni Virgelyn si Mura. Sa pagkakataong ito, ibinahagi ni Mura ang matinding karamdaman na iniinda niya ngayon. Ayon sa dating komedyante, mayroon siyang problema sa baga na naging dahilan ng kanyang matinding ubo.

“Yung baga ko po parang napupulutan ng ulap, inuubo po ako. Sana po tulungan niya po ako,” pahayag ni Mura. Sa kabilang banda, maraming netizens naman ang nais magpaabot ng tulong sa komedyante upang maibsan ang kanyang nararamdaman ngayon. Matatandaang bago pumanaw si Mahal o Noemi Tesorero ay binisita niya rin si Mura.

Ngayon ay edad 46 na si Mura. Kasalukuyan itong nakatira sa Ginubatan, Albay, kasama ang mga mahal niya sa buhay. Tuluyan na rin niyang kinalimutan ang kanyang showbiz career.

Upang kumita ng pera, nagtatanim si Mura ng gulay at prutas. Gumagawa rin siya ng uling upang may maipang-dagdag kita sa kanyang paghahanapbuhay.

Read More: Ate Gay, Nagsusumamo na Patawarin ni Vice Ganda Matapos Ibunyag ang P20K na Itinulong Nito sa Kanya

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

celebrities

Matapos Magloko, Paolo Contis, May Balak Pang Ayusin ang Gusot Nila ni LJ Reyes

Published

on

May pag-asa pa nga bang maayos ang pagsasama ni LJ Reyes at Paolo Contis? Yan ang tanong na bumabagabag ngayon sa mga fans. Kamakailan lang, naging usap-usapan sa social media ang nakakalungkot na hiwalayan ng celebrity couple. Nadawit sa hiwalayan ng dalawa ang leading lady ni Paolo na si Yen Santos.

Sa ngayon ay hiwalay na ang dalawa, at pansamantala munang naninirahan si LJ kasama ang kanyang dalawang anak sa New York.

Sa kabilang banda, si Paolo naman ay balik taping na para sa bagong teleserye na “I Left My Heart in Sorsogon.” Kasalukuyan itong nasa lock-in taping.

Read More: “Parang kambal tuko!”- Netizens, Kinilabutan Dahil sa Pagkakahawig ni Bea Alonzo sa Lola ni Dominic Roque!

Ayon sa report ng Philippine Star, nagpo-focus muna ngayon si Paolo sqa kanyang trabaho. Mukhang hindi rin daw nito masyadong dinadamdam ang kontrobersyang kinakaharap niya. Sa katunayan, nagagawa pa raw nitong sakyan ang mga ‘as a friend’ jokes ng kanyang fellow cast.

Sa kanyang nakaraang pahayag, ibinahagi rin ni Paolo na marami pa silang dapat pag-usapan ni LJ. Kasama na dito ang co-parenting sa kanilang anak na si Summer.

Nilinaw niya raw kay LJ na nais niya pa ring makita at maalagaan si Summer, ngunit nirerespeto niya ang desisyon nito na mapag-isa muna sa States.

“I was very clear to LJ when I told her I want to see and take care of Summer kahit hindi kami okay. But I understand and respect her decision to go to the States muna. Sana balang araw makapag usap kami ng maayos para sa bata. Madami pang kailangang pag usapan pero sa amin na lang ni LJ yun at sana respetuhin niyo yun.”

Sa kabilang banda, na-amaze naman ang mga netizens sa laki ng ipinagbago ni LJ ngayon. Kamakailan lang ay umattend ito ng New York Fashion Week, at talagang kapansin-pansin na nag glow up ito.

Ayon pa sa ibang fans, mukhang unti-unti na ring nakaka move on si LJ mula sa hiwalayan nila.

Read Also: Luis Manzano, Nagmakaaawa sa mga Netizens na Panoorin ang Kanyang Vlog! Bakit Kaya?

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

celebrities

Hirit ni Lolit Solis, Hindi Afford ni Paolo Contis ang Ticket Papuntang New York Para Makita si LJ

Published

on

Hanggang ngayon ay mainit na usapan pa rin ang biglaang hiwalayan ng celebrity couple na sina LJ Reyes at Paolo Contis. Isiniwalat ni LJ na ilang buwan na rin silang hiwalay at kasalukuyan siyang nasa New York kasama ang kanilang anak. Ito’y matapos ma-link si Paolo sa kanyang latest leading lady na si Yen Santos.

May pag-asa pa nga bang maayos ang pagsasama ni LJ at Paolo? Yan ang tanong na bumabagabag ngayon sa fans ng celebrity couple.

Ayon sa mga netizens, si Paolo lamang ang susi upang maayos pa ang nasira nilang pagsasama. Bukod sa pag-amin sa kanyang pagkakamali, dapat ay ipakita niya rin kay LJ ang kanyang sincerity.

Read More: KC Concepcion, May Bwelta sa Basher na Tinawag Siyang ‘Mukhang Clown’ sa Social Media

Ngunit mukhang malabo pa ito sa ngayon, lalo pa’t kasalukuyang nasa New York si LJ at ang kanyang mga anak. Nag-comment rin ang manager ni Paolo na si Lolit Solis.

Sa kanyang online show kasama si Cristy Fermin, nagbiro si Lolit na baka mangutang pa sa kanya si Paolo ng pambili ng plane ticket papuntang New York.

Sa ngayon ay mas pipiliin daw muna ni Paolo na mag-focus sa kanyang career. Kasalukuyan itong nasa lock-in taping para sa kanyang bagong teleserye na “I Left My Heart in Sorsogon. Gayunman, hindi daw nawala sa isip ni Paolo ang anak nila ni LJ na si Baby Summer.

Sa kanyang statement sa Instagram, inamin ni Paolo na naging ‘marupok’ siya. Nagbigay rin siya ng mensahe para sa pamilyang nasira niya.

Isa isang nagdedicate si Paolo ng message para sa anak nila ni LJ na si Summer, sa anak ni LJ na si Aki, at kay LJ. Humingi siya ng tawad sa kanila.

“To Summer, I’m sorry my Ganda. I love and miss you so much. Papa will do his best to be better. I will always be here for you. I promise. To Aki, I wish I could’ve done things differently and listened to you more. I’m sorry I failed you. To LJ, I’m very sorry. For everything. Sa lahat lahat.”

Read More: Ate Gay, Nagsusumamo na Patawarin ni Vice Ganda Matapos Ibunyag ang P20K na Itinulong Nito sa Kanya

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Trending