Connect with us

Local

Ex-Crew ng Jollibee, Ipinaliwanag ang ‘Foul Play’ na Nangyari sa Viral Jollitowel

Published

on

Usap-usapan ngayon sa social media ang viral na ‘Jollitowel.’ Isang customer ang nagreklamo dahil imbes na manok ay towel ang laman ng Chickenjoy na inorder niya. Ayon sa customer, nagtaka siya dahil matigas at halos hindi nila makagat ang manok.

Nang buksan nila ito, saka tumambad na towel na binudburan ng harina pala ang laman nito. Agad namang nag-post ang customer sa social media upang magpahayag ng awareness sa publiko.

Nakarating din sa programa ni Raffy Tulfo ang isyung ito, kung saan nilinaw ng customer na hindi siya humihingi ng danyos. Ang nais niya lang ay mas higpitan pa ng Jollibee ang safety standards nito.

Read More: John Lloyd Cruz, Kapuso na? Magiging Leading Man ni Andrea Torres sa Bagong Sitcom!

Pansamantalang isinara ang BGC Branch ng Jollibee kung saan galing ang manok habang iniimbestigahan ang isyu. Sa kabilang banda, raming netizens naman ang nag-komento tungkol sa isyung ito.

Ayon sa mga dating nagta-trabaho sa fastfood chain, maaaring may foul play na involved sa insidenteng ito.

Isa na sa kanila si Jokwa Gilhang, na dating naging fryman sa Jollibee. Sa Facebook, nag-viral din ang pahayag niya tungkol sa Jollitowel issue. Ayon kay Jowa, bilang isa sa mga top fast food chains sa Pinas, talagang napakahigpit ng standards ng Jollibee pagdating sa pagluluto.

Ayon kay Jokwa, imposible raw na hindi mapansin na may nalaglag na towel, dahil bubulwak ang mantika.

Kaya naman naisip niya na marahil ay sinadya ito, lalo pa’t balot na balot ng breading ang towel. Dagdag pa ni Jokwa, maaaring nilagyan ito ng pampabigat upang hindi lumutang ang towel.

“Isa lang masisigurado ko, yung crew na yon kung working student man siya or may pamilya, matatanggalan siya ng trabaho ng walang proper na investigation,” dagdag pa nito.

Sa kabila ng lahat, umaasa raw siya na magkakaroon ng due process upang malaman ang puno’t dulo ng insidente.

Read More: “It’s very obvious”- Maris, Inamin na ang Totoong Namamagitan sa Kanila ni Rico Blanco!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Local

Kasal ng Dalawang OFW, Nauwi sa Trahedya Matapos Pumanaw ang Groom Dahil sa COVID

Published

on

Imbes na masayang kasal ay malungkot na trahedya ang nangyari sa magkasintahang ito. July 31, 2021 ang nakatakdang petsa para sa pag-iisang dibdib nina Ralph Waldo Landicho at ng kanyang kasintahang si Raquel Panganiban. Parehong OFW ang dalawa; si Ralph ay isang seaman, samantalang sa Saudi Arabia naman nagta-trabaho si Raquel.

Sabik na ang dalawa sa kanilang nalalapit na kasal. Kahit pa nasa kalagitnaan ng pandemic ay inasikaso nila ito.

Ngunit dahil kulang na sa oras ay hindi na nagawa ng dalawa ang magpa-vaccine laban sa COVID-19. Sa kasamaang palad, hindi na natuloy ang pinapangarap nilang kasal dahil sa trahedyang ito.

Read More: Tiktoker na si Whamos, Labis ang Tuwa Matapos Sagutin ng Babaeng Pinapangarap Niya!

July 19 nang magsimulang makaramdam ng sintomas si Raplh. Una siyang nakaramdam ng pananakit ng katawan, hanggang sa makaranas na rin ito ng chills at fever.

Hindi nagtagal ay dinala na nila ito sa ospital, kung saan lumabas na positibo siya sa COVID-19. Ayon kay Raquel, pinapalakas niya pa ang loob ni Ralph upang malagpasan nito ang pagsubok.

“We encouraged one another. Ayaw pa mamatay ni hubby kasi dami pa niyang gustong mangyari sa buhay namin bilang mag-asawa, ganun din sa pamilya niya. Sinasabi nya palagi na, ‘Bebe, hinde pa ako mamamatay. Magiging official pa ako.’ Dream niya maging official sa barko.”

August 3 nang tuluyan nang mamaalam si Ralph. Labis rin ang hinagpis at lungkot ni Raquel, lalo pa’t hindi na matutupad ang mga pangarap nila bilang mag-asawa.

Nanawagan rin si Raquel sa ibang tao na hindi naniniwala sa COVID-19 pandemic. Ayon sa kanya, ang dapat sana’y ‘congratulations’ greetings sa kanilang kasal ay nauwi sa ‘condolence.’

“Totoo ang COVID-19. Kelan ka maniniwala? Kelan ka mag iingat? Kelan mo aalagaan ang katawan mo? Kelan mo iisipin na mag ingat para sa sarili mo at para sa mga kapamilya mo? Ang akala namin na simula ng pagmamahalan na pang habang buhay, nanakawin lang pala ng pandemyang ito. All the ‘CONGRATULATIONS’ turned to ‘CONDOLENCES.'”

Read Also: Mygz Molino, Hindi Pinabayaan si Mahal sa mga Huling Sandali Nito

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

celebrities

Mygz Molino, Hindi Pinabayaan si Mahal sa mga Huling Sandali Nito

Published

on

‘You and me against the world’ ang peg ng celebrity couple na sina Mahal at Mygz Molino. Kahit pa tutol ang mga kamag-anak ni Mahal sa kanilang relasyon, nanindigan ito na patuloy pa rin niyang mamahalin ang 35-year-old na Youtuber.

Ngunit sa kabila ng pambabatikos na natanggap nila, nanatiling tapat si Mygz hanggang sa huli. Nitong August 31 lamang ay nagluksa ang mga netizens sa biglaang pagpanaw ni Mahal, o mas kilala bilang Noemi Tesorero sa totoong buhay.

Sa edad na 46 ay tuluyan na itong pumanaw, at hinihinalang may kinalaman sa gastric problems ang sanhi ng biglaang pagpanaw nito. Sa kanyang mga huling sandali ay hindi naman siya iniwan ng kanyang rumored partner na si Mygz.

Read More: “Totoong iyak ako nun..” -Paolo Contis, May Hugot sa Kanyang Bagong Movie kay Yen Santos!

Sumikat ang mag-tandem sa kanilang Youtube channel dahil sa kanilang mga nakakatuwang vlogs.

Kapansin-pansin rin ang pagiging malapit ng dalawa sa isa’t-isa. Sa katunayan, sa kanyang nagdaang interview, ibinahagi naman ni Mahal na kahit pa tumanda siya ay hindi siya iiwan ni Mygz.

“Hindi ako ginagamit ni Mygz! Ang masasabi ko diyan, magka-tandem kami ni Mygz. Huwag niyo po kaming husgahan, huwag po ninyo kaming pakialaman. Habang buhay na ang tandem namin, hanggang sa uugod-ugod na ako, hanggang sa mawala ako sa mundo,” pahayag ni Mahal sa kanyang exclusive interview.

Ngunit kahit pa tutol ang mga kamag-anak ni Mahal sa kanilang relasyon, makikita naman ang concern at support ni Mygz para dito.

Sa katunayan, hanggang sa mga huling sandali ng komedyante ay hindi ito pinabayaan at iniwan ni Mygz. Hanggang sa pagpanaw ni Mahal ay nasa tabi niya ito.

Isa rin si Comedy Queen Ai-Ai delas Alas sa mga saksi kung paano minahal ni Mygz si Mahal. Sa katunayan, sa isang interview ay inilarawan ni Ai-Ai na hulog ng langit si Mygz sa kanyang kaibigan. Naniniwala rin daw siya na taos-puso at unconditional ang pagmamahal nito.

Read Also: May Kakaibang Napansin ang mga Netizens sa Tiktok Video ni Raymond Gutierrez at Tony Labrusca

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Inspiring

Lola na Balut Vendor, Tinanggihan ang Regalong Magandang Bahay Mula sa Kanyang Anak! Bakit Kaya?

Published

on

Talagang hindi matutumbasan ang sakripisyo at paghihirap ng ating mga magulang. Buong buhay natin ay iginapang nila tayo sa hirap para lamang mabigyan tayo ng magandang kinabukasan. Kaya naman kadalasan, paglaki ng mga anak ay nais rin nilang suklian ang kabutihan ng kanilang nanay at tatay.

Kamakailan lang, itinampok sa programang “Kapuso Mo, Jessica Soho” ang nakaka-inspire na kwentong ito ng isang balut vendor na nagngangalang Amelia Madriaga.

Si Nanay Amelia ay tubong Urdaneta City, Pangasinan. Sa kabila ng kanyang katandaan ay patuloy pa rin itong nagbebenta ng balut.

Read More: Nanay ni Vice Ganda, Napaiyak Matapos Makita ang Bagong Bahay na Ipinagawa ni Vice Para sa Kanya!

Kahit pa noong bata pa lamang ang kanyang mga anak, pagbebenta na ng balut ang ikinabubuhay nila. Araw-gabi ay nagbebenta siya ng balut para lamang may maipangtustos sila sa kanilang araw-araw na pangangailangan. Hanggang sa pumanaw ang kanyang asawa noong 2016 ay patuloy pa rin si Nanay Amelia sa pagtitinda.

Hindi nagtagal ay nagkaroon na rin ng kanya-kanyang buhay ang kanyang mga anak. Isa-isa rin silang umalis sa poder ni Nanay Amelia, at patuloy itong nagbebenta ng balut para makaraos.

Ngunit hindi alam ni Nanay Amelia na nag-iipon pala ng pera ang isa sa kanyang mga anak upang mapatayuan siya ng bahay.

Matapos ang limang taon ay nakapagpatayo rin ito ng magandang bahay. Ngunit tinanggihan naman ni Nanay Amelia na tumira dito.

Sa halip ay mas pinili niyang bumalik sa kanyang dating bahay, dahil ayon sa kanya ay kahit sira-sira na ito ay narito pa rin ang kanilang mga alaala. Sapat na rin daw sa kanya na lagi siyang naaalala ng kanyang mga anak.

Nangako naman ang mga anak ni Nanay Amelia na hindi nila ito papabayaan sa kanyang pagtanda. Ayon pa sa kanya, hindi siya titigil sa pagtitinda ng balut, lalo pa’t ito na lang ang pinagkakaabalahan niya ngayon.

Read Also: Lyca Gairanod, Isiniwalat ang Nakakaiyak na Dahilan Kung Bakit Ibinenta Niya ang House and Lot Prize sa “The Voice”

Silipin ang buong video dito:

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag follow at mag like sa aming Facebook page.

Continue Reading

Trending