Connect with us

Viral

Business Tycoon, Nag-Regalo ng P700 Million sa Anak na Nakapagbigay sa Kanya ng Lalaking Apo

Published

on

Ayon sa kasabihan, hindi mo kasalanan ang ipanganak kang mahirap. Kung ikaw naman ay mahirap pa rin sa iyong pagpanaw, kasalanan mo na ito. Ngunit hindi maikakaila na may mga tao talagang isinilang na maswerte. Isinilang sila sa marangyang pamilya, kaya naman kahit bata pa lang ay namulat na sila sa karangyaan.

Marahil ay sa ganitong pamumuhay rin mamumulat ang bagong-silang na sanggol na ito. Isang business tycoon sa China ang matagal nang nangangarap na magkaroon ng lalaking apo na magiging tagapagmana niya. Ngunit ilang taon ang lumipas ay puro babae lamang ang dumadagdag sa kanilang pamilya.

Read More: “Lumalapit siya, bumebeso siya”- Jessy Mendiola at Ex-BF JM De Guzman, Magkaibigan na nga ba Ulit?

Kaya naman nagbigay ito ng kondisyon. Ayon sa business tycoon, magbibigay siya ng tumataginting na $14.2 million o P683 million sa anak niya na makakapagbigay sa kanya ng lalaking apo! At matapos ang mahabang paghihintay, sa wakas ay natupad na rin ang matagal niyang pinapangarap.

Ang anak niyang si Mario Ho ay nakapangasa ng isang Victoria’s Secret supermodel, at di nagtagal ay biniyayaan sila ng lalaking anak. Labis ang tuwa ng lolo nito, lalo pa’t ito ang kauna-unahan niyang apong lalaki. Kaya naman buong pamilya nila ay bumisita sa ospital nang ipanganak ito.

At gaya ng kanyang pangako, binigyan ng business tycoon ang mag-asawa ng $14.2 million na regalo. Pinangalanan naman nilang Ronaldo ang kanilang anak, at ayon sa mag-asawa ay labis silang natutuwa dahil maraming nagmamahal dito.

Matatandaang tatlong buwan pa lamang ang nakakalipas simula nang ikasal si Mario at Xi Mengyao. Sa araw ng kanilang kasal ay nakatanggap rin sila ng milyones na regalo mula sa kanilang mga bisita.

Read More: Isang Ina, Lumuhod na Nagmakaawa sa Dalagang Anak na Nakipagtanan sa 30-Anyos na Lalaki

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Trending

Rob Moya, May Isang Malaking Pinagsisisihan Matapos Silang Magkabalikan ni Toni Fowler

Published

on

By

Comeback is real! Maraming netizens ang talagang nagulat sa pagbabalikan ng social media influencers na sina Toni Fowler at Rob Moya. Kamakailan lang, ibinahagi ni Rob at Toni sa kanilang mga fan sa social media na muli na silang nagkabalikan matapos ang ilang buwang hiwalayan nila na isiniwalat rin nila online.

Sa pagkakataong ito, mukhang mas minabuti ni Toni at Rob na kalimutan na ang nakaraan at magsimulang uli. Matatandaang noong January nang ibahagi ni Toni na single na ulit siya, matapos di umano’y mambabae si Rob. Nasangkot rin sa kanilang hiwalayan ang modelong si Lai Austria, na naging short-time girlfriend ni Rob.

Read Also: Netizens, Kinilabutan sa Tumpak na Pangitain ni Rudy Baldwin sa Malakas na Pagyanig ng Lupa!

Ayon kay Rob, labis ang pagsisisi niya sa kanyang mga pagkakamali. Malaki rin ang pasasalamat niya kay Toni dahil sa kabila ng kanyang mga imperfections, buong-loob pa rin siyang tinanggap at pinatawad nito. Tuwang-tuwa rin daw ang anak ni Toni na si Tyronia sa comeback ng kanilang ‘Toro Family.’

Matatandaang nitong Biyernes lamang ay nagdiwang si Toni ng kanyang kaarawan. Sa kanyang selebrasyon, nakasama naman ni Toni ang kanyang boy best friend na si Tito Vince. Si Tito Vince rin ang nagsilbing sandalan ni Toni noong mga panahong hiwalay sila ni Rob, at maraming fans rin ang boto para kay Tito Vince.

Dagdag pa ni Rob, isa sa mga malaking pagsisisi niya ay hindi man lang niya nasamahan si Toni noong kaarawan nito. Bagkus ay si Tito Vince ang yumakap kay Toni. Ibinahagi rin ni Rob ang kanyang saloobin sa social media: “Hindi man lang kita nayakap sa birthday mo. Sana hindi kita binitawan.”

Sa kabilang banda, halo-halo naman ang reaksyon ng mga netizens sa pagbabalikan nila. Karamihan ay disappointed, lalo pa’t hindi madaling kalimutan ang pagta-traydor na ginawa ni Rob kay Toni. May mga fans rin naman na masayang makita na muling mabubuo ang pagsasama nila.

Read Also: Walang Pusong Ama, Pinabayaan ang Isang-Taong-Gulang na Anak Habang Nagpapakasarap sa Bagong Jowa!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Trending

Walang Pusong Ama, Pinabayaan ang Isang-Taong-Gulang na Anak Habang Nagpapakasarap sa Bagong Jowa!

Published

on

Sa panahon ngayon, maaari ng makasuhan ang mga lalaking hindi ginagampanan ang responsibilidad nila bilang ama. Kumakampi ang batas sa mga single mother na mag-isang kumakayod upang maitaguyod ang kanilang anak kahit pa wala silang katuwang sa buhay. Kagaya na lamang ng naging mapait na karanasan ng isang single mom na ito.

Kamakailan lang, viral sa social media ang post ni Claire Khis Sunio tungkol sa ama ng batang dinadala niya. Idinetalye ng single mom kung paano pabayaan ni Wilfer Gutierrez ang kanyang anak. Ayon dito, hindi ito nagpapadala ng kahit sentimo man lang para sa isang taong gulang na anak nila.

Read More: Sila na nga ba? Bea Alonzo at Dominic Roque, Huli sa Kamera na Magka-Holding Hands!

“Hindi pwedeng tumahimik lang ako! Nasa batas ng Pinas ang hindi pagsusustento ng sariling tatay sa sarili niyang anak. Wala akong pake kung ano sasabihin niyo sa akin dahil nanay ako! Wilfer Gutierrez, sobrang tagal ko nagtitimpi sayo, punong puno na ko! Kelan ka magkakaroon ng konsensya sa pagkatao mo?”

Nagpapadala ng pera ang nanay ni Wilfer, ngunit aabot lamang ito ng P1,500 kada buwan. Giit ni Claire, hindi ito kasya lalo pa’t naggagatas pa lang ang kanilang anak. Samantalang si Wilfer naman ay nagpapakasaya lang sa piling ng kanyang bagong girlfriend ngayon na nagdadalang-tao rin.

“Eh di kawawa na kung kawawa. Pera lang ba gusto mo? Bakit ka sakin nagrereklamo, ako ba nagpapadala? Diba sinabi ko sayo napag-usapan naman na to na hindi pa nga stable work ko. Kita mong may pandemic pa, di mo ba naiintindihan yon?”

Ang masakit pa dito, kahit katiting na pagmamahal at suporta ay walang natatanggap ang kanilang anak mula sa ama nito.

Ayon kay Claire, lumipas na ang birthday ng kanyang anak ngunit kahit pagbati man lang ay wala itong natanggap mula kay Wilfer. Kahit pa noong nagkasakit ito ay hindi rin niya maalalang kamustahin ang bata.

Read Also: Confirmed! Matapos Mag-Deny, Nabuking Rin ang Tinatagong Relasyon ni Heaven Peralejo at Kiko Estrada

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Trending

Vlogger, Ginulat ang Lahat Matapos Itong Gawin sa Lalaking May Sakit!

Published

on

Ayon nga sa kasabihan, wag mong husgahan ang tao base sa kanyang panlabas na kaanyuan. Ngunit nakakalungkot isipin na maraming tao pa rin ang judgmental sa panahon ngayon. Ibinabase nila sa panlabas na kaanyuan ng isang tao kung paano nila ito tatratuhin. Ngunit pinatunayan naman ng huwarang vlogger na ito na hindi ito tama.

Hinangaan ng mga netizens ang vlogger na si Virgelyn Cares dahil sa makabagbag-damdaming content nito. Kamakailan lang, ibinahagi nito ang nakakaantig na kwento ng buhay ng isang matandang lalaking may karamdaman. Ayon kay Virgelyn, labis siyang naantig sa kwento ni Tatay Domingo.

Read Also: Confirmed! Matapos Mag-Deny, Nabuking Rin ang Tinatagong Relasyon ni Heaven Peralejo at Kiko Estrada

Ayon kay Tatay Domingo, 12-anyos pa lamang siya nang simula siyang tubuan ng mga bukol bukol sa kanyang buong katawan. Dahil dito, hindi na siya nakabalik sa paaralan dahil sa pangungutyang natatanggap niya mula sa kanyang mga kaklase. Dahil sa kakulangan ng pera ay hindi niya rin ito naipa-konsulta sa doktor.

Giit ni Tatay Domingo, hindi naman nakakahawa ang kanyang sakit. Sa katunayan, mayroon siyang asawa at mga anak, ngunit hindi naman sila nagkaroon ng bukol sa katawan. Sa kabila nito, hindi mapigilang husgahan at pandirian siya ng ibang taong nakakasalamuha niya sa publiko.

Upang kumita ng pera, naghahanap ng kalakal ni Tatay Domingo at ibinebenta niya ito sa junkshop. Ngunit kakaunti lamang ang nalilikom niyang basura dahil nahihirapan siyang maglakad at wala silang tricycle. Kaya naman tinulungan ni Virgelyn si Tatay Domingo na makaraos sa kanyang pang-araw araw na pasakit.

Mula sa donasyon ng kanyang mga subscribers, binigyan ni Virgelyn si Tatay Domingo ng tulong upang may maipangtustos ito sa kanyang pamilya.

Hindi rin nagdalawang isip si Virgelyn na yakapin si Tatay Domingo, bagay na nagpaluha naman dito. Labis rin ang pasasalamat niya sa tulong na natanggap niya mula sa vlogger.

Read More: AJ Raval, Nakatikim ng Sermon sa Amang si Jeric Dahil sa Malaswang Suot sa Carwash Video!

Silipin ang buong vlog dito:

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Trending