Connect with us

Inspirational

Batang Babae na Di Umano’y Pinaglihi sa Barbie, Hinangaan Dahil sa Kakaibang Itsura Nito!

Published

on

Bahagi na ng pagbubuntis ang paglilihi o cravings. At sa ating kultura, naniniwala tayo na kung ano man ang pinaglilihian ng nanay ay maaaring makaapekto sa kanyang ipinagbubuntis. Ayon pa sa paniniwala, maaaring maging kamukha ng sanggol ang pinaglilihian ng kanyang ina. Naniniwala rin ba kayo dito?

Kamakailan lang, isang bata ang pumukaw sa atensyon ng mga netizens sa social media. Agad na nag-viral ang mga selfie ng batang babae ito na di umano’y pinaglihi sa barbie doll ng kanyang ina! Sa unang tingin, aakalain mong may ibang lahi ang batang ito dahil sa kanyang napakagandang mata.

Read More: Isang Ina, Lumuhod na Nagmakaawa sa Dalagang Anak na Nakipagtanan sa 30-Anyos na Lalaki

Katulad ng Barbie doll, kapansin-pansin na light blue ang mata ng batang ito. Nagsimula itong sumikat sa social media matapos ibahagi ng netizen na si Mark Chews ang mga larawan nito. Ang bata ay kinilalang si Jhopye Ventura mula sa Esperanza, Sultan Kudarat.

Ngunit bukod sa mata nito ay may isa pang kakaibang katangian si Jhopye. Ayon sa photographer ay mayroon itong speech impediment.

Naapektuhan daw si Jhopye dahil noong nasa sinapupunan pa lamang ito ay kulang sa nutrisyon ang kanyang ina dahil sa kakapusan nila sa buhay.

Sa kabila ng kanilang kakapusan, masipag at mabait na bata daw ito. Masikap rin itong nag-aaral dahil nais niyang maiahon sa hirap ang kanyang pamilya balang araw.

Kung siyensya naman ang pag-uusapan, walang kinalaman ang kinakain o pinaglilihian ng nanay sa magiging itsura ng kanyang anak.

Dahil ang kaanyuan ng sanggol ay magmumula sa genes o lahi ng kanyang nanay at tatay, at hindi ito naaapektuhan ng kinakain ng nanay sa kanyang paglilihi.

Read Also: Hinahangaang Beauty Queen, Ibinuking ang Matinding Karamdaman na Pinagdaraanan Niya Ngayon

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Inspirational

Donya Noon, OFW Ngayon: Babaeng Marangya ang Pamumuhay Dati, Nauwi sa Pagiging Kasambahay Abroad

Published

on

Hindi natin hawak ang ating kapalaran. Kung ngayon man ay nasa itaas tayo, sa isang iglap ay maaari tayong malugmok sa ibaba. Kaya naman mahalagang mayroon tayong lakas ng loob anuman ang ating hinaharap sa buhay. Gaya na lamang ng kwento ng isang overseas Filipino worker na ito na talaga namang nagpaluha sa mga netizens sa social media.

Isang netizeng nagngangalang Joh Bagundol Sese ang nagbahagi ng kwento ng kanyang buhay. Ayon kay Joh, noong una ay masagana ang kanilang pamumuhay.

Mapalad siyang nakapangasawa ng isang businessman mula sa Hagonoy, Bulacan na mayroong sariling good exports business. Mayroon rin silang sariling grocery store, manukan, at maging kasambahay.

Read More: Kampo ni Katrina Halili, Nilinaw na ang Totoong Namamagitan sa Kanila ni John Lloyd Matapos Kumalat ang Larawan Nila Online

Sa ilang taon ay namuhay sila ng marangya, ngunit hindi nila inaasahan na magkakaroon ng balakid sa kanilang negosyo. Tuluyan silang nabaon sa utang, na nagresulta sa pagkakalugi ng kanilang mga negosyo. Nag-declare sila ng bankruptcy at kinailangan nilang ibenta ang ilan sa kanilang mga ari-arian.

Dumating na rin sa punto na kinasuhan sila ng ibang pinagka-utangan nila, kaya naman kinailangan ni Joh na mag-abroad upang kumita.

Nais niya ring wag mahinto sa pag-aaral ang dalawa nilang anak, kaya naman nagtrabaho siya bilang domestic worker kahit pa dati ay mayroon siyang sariling katulong.

Sa kabila ng kanyang homesickness, tiniis ni Joh ang dalawang taong kontrata niya. Labis na hirap rin ang naranasan niya habang nagta-trabaho sa ibang bansa. Ngunit dahil sa kanyang kasipagan, unti-unti ay nabawasan nila ang kanilang mga utang at naipagpatuloy ng kanyang mga anak ang pag-aaral nila.

Ayon pa kay Joh, hindi siya magdadalawang isip na muling bumalik sa ibang bansa para lamang sa kapakanan ng kanyang pamilya.

Kahit pa nalugmok ang kanilang negosyo, hindi ibig sabihin noon ay nawalan na sila ng lakas ng loob na sumubok ulit. Kaya naman todo sikap siya upang muling makamit ang kanilang marangyang buhay noon.

Read Also: Jake Zyrus, Aminadong 5-Anyos pa Lang Siya ay Kinukwestiyon na Niya ang Kanyang Katauhan

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Inspirational

25-Anyos na Modelo, Pinatunayang Hindi Hadlang ang Kapansanan Para Makamit ang Pangarap Bilang Beauty Queen

Published

on

Sa paglipas ng panahon, unti-unti ring nagbabago ang standards ng mga sumasali sa beauty pageants. Kung dati ay mahigpit ang requirement sa pagsali sa mga beauty contests, ngayon naman ay unti-unti ng nagkakaroon ng diversity ang mga contestants. Kabilang na sa kanila si Victoria Salcedo, isang aspiring beauty queen mula sa Ecuador.

Nagsilbing inspirasyon ang 25-anyos na dalaga mula sa Guayaquil dahil sa kanyang natatanging kondisyon- wala siyang mga kamay at iisa lamang ang kanyang paa! Sa kabila ng kanyang kapansanan, pinatunayan ni Victoria na hindi ito hadlang upang makamit niya ang pangarap bilang isang beauty queen.

Read More: John Lloyd Cruz at Katrina Halili, Huling Nagba-Bonding sa Rest House ng Aktor sa Batangas

Pagdating sa pagrampa, hindi nagpahuli si Victoria sa kanyang mga kapwa kandidata. Hindi rin maipagkakaila ang gandang taglay nito, na lalo pang na-boost ng kanyang confidence. Kaya naman sa preliminary pa lang ay tumatak na siya sa puso ng mga judge.

Isa si Victoria sa mga aspiring contestants ng national pageant na Miss Ecuador 2021. Namumukod tangi si Victoria dahil sa kanyang abilidad na sabayan ang iba pang kandidata.

At dahil dito, mapalad siyang napabilang sa top 20 official finalists. Ang sinumang manalo sa kanila ay magiging representative ng Ecuador sa Miss Universe.

Sa isang interview, ibinahagi ni Victoria ang masalimuot na pangyayari na nagresulta sa pagkawala ng kanyang kamay at paa. Limang-taong gulang pa lamang siya nang mahawakan niya ang isang live wire, na naging sanhi ng pagka-kuryente niya. Dahil dito, kinailangang putulin ang dalawa niyang kamay at ang isa niyang paa.

Nagsisilbing inspirasyon si Victoria sa iba pang kababaihan na mayroong kapansanan. Kaya naman dumarami rin ang supporters ni Victoria lalo na sa social media, kung saan nagpapahatid sila ng positibong mensahe sa kanilang paboritong beauty queen. Abangan natin ang kahihinatnan ng kanyang journey sa Miss Ecuador 2021!

Read More: Jean Garcia, Hindi na Nakatiis! Kinompronta si Alwyn at Sinabing Bastos Ito sa Social Media

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang viral na kwento at latest na balita, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.

Continue Reading

Inspirational

Isang Batang Genius, 11-Anyos pa Lang Pero College Student na!

Published

on

Lahat ng bata ay talaga namang talentado sa iba’t-ibang paraan. Ngunit may mga bata rin na maituturing na genius. Sa murang edad, nagpakita na sila ng nakakamanghang galing sa isang larangan. Bibihira lamang ang mga batang genius, kaya naman nakakamangha ang kanilang kwento.

Isa na sa kanila ay si Joys David mula sa California. Kamakailan lang, nagpaunlak ng exclusive interview si Joys sa “Bawal ang Judgmental” segment ng noontime show na “Eat Bulaga.” Ibinahagi ni Joys ang kanyang karanasan at mga achievements bilang isang child genius.

Read More: John Lloyd Cruz, Kapuso na? Magiging Leading Man ni Andrea Torres sa Bagong Sitcom!

“I started school pretty normally, at a normal age. When I was in elementary school, I started getting accepted into some special programs.”

Pagkatapos niyang matanggap sa isang community college, saka naman niya ipinagpatuloy ang pag-aaral sa isang university sa Southern California. Grumaduate siya sa edad na 19-anyos.

Ayon kay Joys, bata pa lamang siya ay sa California na siya lumaki. At dahil sa kanyang taglay na katalinuhan, agad siyang natanggap sa mga prestihiyosong unibersidad!

Sa katunayan, dahil napaka-advance na niya, maaga rin siyang nakapag-college. 11-anyos pa lamang siya ay nag-aaral na ito ng creative writing.

“I started college at 11 and then I just graduated last year in bachelor of arts in creative writing,” pahayag ni Joys. Labis rin na nagulat ang mga hosts na sina Maine Mendoza, Paolo Ballesteros at guest na si Cassy Legaspi. Hindi sila makapaniwala sa mga nakamit ni Joyce sa kabila ng kanyang murang edad!

Sa kabilang banda, maraming netizens naman ang talagang humanga sa abilidad ni Joys. Sa ngayon ay umabot na ng mahigit 5.1 million views ang video na ito, at marami ang nagpahayag ng kanilang paghanga sa batang genius na ito.

Read More: “It’s very obvious”- Maris, Inamin na ang Totoong Namamagitan sa Kanila ni Rico Blanco!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook.

Continue Reading

Trending