Connect with us

Inspiring

Babaeng Walang Braso at Kamay, Pinatunayan na Hindi Hadlang ang Kapansanan Para Alagaan ang Kanyang Anak

Published

on

Talagang walang katumbas ang pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak. Iaalay nito ang kanyang buhay mabigyan lang ng magandang kinabukasan ang kanyang anak, kahit pa naghihirap ito. Kaya naman araw araw silang nagsasakripisyo upang maipadama ang kanilang pagmamahal sa kanilang mga supling.

Gaya na lamang ng nanay na ito na nagpahanga sa mga tao sa social media! Sa kabila ng kanyang kapansanan, sinisigurado ni Sarah Talbi na magagampanan niya ang kanyang tungkulin bilang ina sa kanyang maliit na anak. Hindi hadlang ang kanyang kapansanan upang alagaan ang kanyang anak na babae.

Read More: Batang Babae na Di Umano’y Pinaglihi sa Barbie, Hinangaan Dahil sa Kakaibang Itsura Nito!

Mayroong sariling Youtube channel si Sarah, kung saan ibinabahagi niya ang kanyang pang-araw araw na buhay kasama ang kanyang anak. At kahit pa wala siyang parehong braso at kamay, talagang nakakamangha ang mga bagay na kaya niyang gawin.

Sa isang video na may title na “Full Armless Mom Afternoon Routine,” ipinakita rin niya ang kanilang bonding time ng kanyang anak. Upang makarga ang kanyang anak, inuutusan niya ito na kumapit sa kanyang leeg at sinusuportahan niya ito gamit ang kanyang upper torso.

Dahil sa kakulangan ng braso, malaki rin ang ginagampanang role ng paa ni Sarah. Natutunan na niyang pakainin ang kanyang anak gamit ang mga ito. Kayang kaya niya ring buksan ang isang bottled water gamit lamang ang kanyang mga paa, bagay na talagang nagpahanga sa mga netizens!

Sa kabilang banda, umani naman ng papuri at paghanga si Sarah sa kanyang kakaibang kakayahan. Maraming netizens ang talagang napabilib sa abilidad nito na alagaan ang kanyang sarili at kanyang anak kahit pa mayroon siyang kapansanan.

Read Also: Business Tycoon, Nag-Regalo ng P700 Million sa Anak na Nakapagbigay sa Kanya ng Lalaking Apo

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Inspiring

Idol Raffy, Tinulungan ang Mag-Amang Pinagtatawanan Dahil Nagsasaka ng Walang Kalabaw

Published

on

Hindi madali ang buhay ng mga magsasaka. Araw-araw silang nagbibilad sa araw at nagta-trabaho sa bukid para lamang makapagtanim ng ating mga kinakain. Ngunit ang masaklap dito, kahit pa napakahalaga ng kanilang tungkulin sa lipunan ay maliit lamang ang kanilang kinikita. Minsan ay hindi pa ito sapat para makabili ng makinarya.

Dito sa Pilipinas, kung walang traktora, kadalasan ay gumagamit ng kalabaw ang mga magsasaka upang maararo ang bukid.

Sa tulong ng kalabaw ay madaling nabubungkal ang lupa upang maihanda ito sa pagtatanim ng palay. Ngunit hindi lahat ng magsasaka ay may kakayanang bumili ng kalabaw o traktora.

Read More: Sila na nga ba? Bea Alonzo at Dominic Roque, Huli sa Kamera na Magka-Holding Hands!

Gaya na lamang ng mag-amang ito mula sa Brgy. Danus, Leyte. Dahil sa kakapusan ng pera, napilitan si Ismael Malabat na mano-manong araruhin ang kanilang bukid. Tinulungan naman siya ng kanyang anak, ngunit hindi maitatanggi na mahirap pa rin ito dahil wala silang anumang kagamitan.

Kadalasan raw ay pinagtatawanan pa ang kanyang anak dahil imbes na kalabaw ay sila mismong mag-ama ang umaararo sa bukid.

Napansin naman ng TV 5 broadcaster na si Raffy Tulfo ang nakahahabag na sitwasyon ng mag-ama, kaya naman itinampok niya ang mga ito sa kanyang programa na “Wanted sa Radyo.”

Ayon kay Tulfo, labis ang paghanga niya dahil dakila ang propesyon ni Tatay Ismael. Upang maibsan ang pasanin nito, niregaluhan siya ni Tulfo ng Php 38,000 pambili ng kalabaw na makakatulong sa kanila sa pag-aararo ng bukid. Ngunit mas lalo pang dinagdagan ni Tulfo ang regalo sa kanila!

Dahil sa kasipagan ng mag-ama, ginawa ng Php 100,000 ni Tulfo ang regalo sa kanila para na rin sa pangangailangan ng magpapamilya.

Sa kanilang video call, nakita rin ni Tulfo na sira-sira na ang kanilang tahanan, kaya naman nangako ito na ipapaayos ang kanilang bahay at bibilihan pa sila ng mga bagong kagamitan.

Read More: Sila na nga ba? Bea Alonzo at Dominic Roque, Huli sa Kamera na Magka-Holding Hands!

Panoorin ang buong video dito:

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Inspiring

Magkakapatid na Salat sa Pera, Hinangaan sa Kanilang Simpleng Birthday Surprise sa Kanilang Ama

Published

on

Nauuso na ngayon ang mga birthday surprise na ibinabahagi sa social media. Kadalasan, magagandang lobo, bulaklak, at magarbong regalo ang ating nakikitang nagva-viral. Ngunit alam niyo ba na hindi naman kailangan ng magarbong sorpresa upang iparamdam ang iyong pagmamahal? Kagaya na lamang ng ipinamalas ng magkakapatid na ito!

Sa kabila ng kakapusan, pinatunayan ng pamilyang ito na hindi mo kailangan ng pera upang magpasaya ng tao. Kamakailan lang, nag-viral sa social media ang nakakatouch na birthday surprise ng magkakapatid na ito para sa kanilang ama. Talagang maraming netizens ang natuwa dahil sa effort nilang ito.

Read More: Jon Gutierrez, Diretsahang Sinagot Kung Mahal Niya pa ba si Jelai Kahit pa Kinasuhan Siya Nito!

Dahil walang budget pambili ng lobo o decorations, kumuha ang mga magkakapatid ng plastic labo. Sinulatan nila ito ng “happy birthday papa” at iyon ang ginawa nilang lobo at party banners. Bukod pa dito, naghanda rin sila ng simpleng cake para sa kanilang ama gamit ang mga itlog.

“Sapagkat mahirap lamang ang buhay, nagawa nilang mag effort para sa kaarawan ng kanilang ama. Ang plano nila ay isorpresa ang ama pagdating sapagkat nasa trabaho pa ito. Nakakataba ng puso ang ganitong mga eksena. Sa kadahilanang walang pambiling lobo ay nag gawa sila gamit ang plastik labo at sinulatan ng happy birthday papa.”

Labis naman ang tuwa ng kanilang ama tapos makita ang sorpresang inihanda para sa kanya. Kahit pa simple lamang ito, walang mapaglagyan ang kanyang tuwa dahil alam niyang naaalala siya ng kanyang pamilya sa espesyal na araw na ito.

Sa kabilang banda, maging si Idol Raffy Tulfo ay talagang na-inspire sa kwento ng pamilya na ito. Sa katunayan, na-feature pa sila sa programa ni Tulfo na “Wanted sa Radyo” at nagbigay pa ito ng munting sorpresa upang mapasaya ang pamilya.

Read Also: Ito na Pala ang Buhay ng mga “Pantasya ng Bayan” Noon Matapos Lisanin ang Showbiz

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Inspiring

Halos Manlumo ang Triathlete na Ito Matapos Madiskubreng Mayroon Pala Siyang Iniindang Karamdaman

Published

on

Ayon nga sa kasabihan, ang kalusugan ay kayamanan. Kahit gaano ka pa kahirap o kayaman, dapat ay bigyang halaga mo ang iyong pangangatawan upang maging malusog at malakas ka. Ngunit sadyang may mga pangyayari sa ating buhay na hindi inaasahan, gaya na lamang ng karanasan ng triathlete na ito.

Si Sheilla Gagui ay isang 39-anyos na triathlete at mom-of-two. Kahit pa nanay na siya, sinisigurado ni Sheilla na fit and healthy pa rin siya. Isa sa mga paraan niya ay ang pagsali sa mga triathlon. Kaya naman labis na lang ang pagkagulat at pagkalumo niya matapos malamang may karamdaman pala siya.

Read Also: Ellen Adarna, Isiniwalat ang Aktor na Nakakawala ng Focus ang Kagwapuhan! Sino Kaya Ito?

Ayon kay Sheilla sa kanyang interview sa Smart Parenting, habang naliligo siya ay may nakapa siyang bukol sa kanyang dibdib. Agad niya itong ipinakonsulta, at matapos ang ultrasound at biopsy, nalaman nila na cancer pala ito. Labis na nanlumo si Sheilla, lalo pa’t hindi niya inaasahan na sa kabila ng pagiging fit at active niya ay magkakaroon pa siya nito.

“I got shocked. Parang my whole world stopped- everything stopped- kasi I was at my fittest. I just came back from doing a full Ironman. Tapos I’ll be hearing, ‘Wow, I have cancer pala.’ Hindi pwedeng wait lang, let it sink first. We want the tumor to be out of my chest right away. ”

Upang maagapan ang pagkalat nito, agad namang sumailalim sa treatment si Sheilla. Kabilang na dito ang mastectomy at eight cycle ng chemotherapy. At sa kanyang pagiging matatag at sa suporta ng mga mahal niya sa buhay ay nalagpasan niya ang malaking dagok na ito ng kanyang buhay.

Dahil dito, hinimok rin ni Sheilla ang mga kababaihan na maging mapanuri sa kanilang katawan at kung kinakailangan ay sumailalim sa check-up kada taon.

“I want them to be aware, especially females… I want them to be aware on how to have their breasts checked, to do their annual checkups. I want to serve as a reminder for everyone to do it yearly.”

Read More: Ethel Booba, Napaiyak na Lang Matapos Mabasag ang Luxury Cup Worth P378,000!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Trending