Connect with us

celebrities

Netizens, Naaliw sa Behind-the-Scenes Outfit ni Iya Villania sa “Chika Minute”

Published

on

Sa kalagitnaan ng pandemic, nauso ang pagwo-work from home ng mga empleyado upang hindi na sila magpunta pa sa office. Kahit ang mga artista ay nasanay na ring magtrabaho mula sa kanilang mga bahay. Kadalasan, dito na rin nila shinu-shoot ang kanilang mga projects. Gaya na lamang ng celebrity mom at Kapuso host na si Iya Villania.

Si Iya ang host ng segment na “Chika Minute” sa “24 Oras.” At magmula ng mag-lockdown, nagsimula na rin si Iya na mag-report mula sa kanilang bahay.

Magandang pagkakataon rin ito upang mas maalagaan niya at ng kanyang mister na si Drew Arellano ang kanilang mga anak na sina Primo, Leon, at Alana.

Read More: Lolo na Panyo Lang ang Nagsisilbing Face Mask, Laking Tuwa Matapos Makatanggap ng Tulong Mula sa Community Pantry

Kamakailan lang, nagbahagi si Drew Arellano ng behind-the-scenes sa telecast ng kanyang misis. Sa larawan na ipinost ni Drew sa kanyang Instagram account, ipinakita nito sa mga fans kung ano ba talaga ang mga hindi nakikita ng viewers tuwing nagrereport si Iya sa “24 Oras.”

Sa behind the scenes photos ni Iya, makikitang nakasuot ito ng pink na pang itaas. At dahil hindi naman nakikita ang pang ibaba niya sa camera, nakasuot lamang si Iya ng pambahay na shorts.

Makikita ring mayroon siyang suot na tsinelas na slides, ngunit isang pares lamang ito at naka-paa lamang si Iya sa kanyang kanang paa.

“My wife is always ahead of the fashion curve! Expectation vs. Reality.” Agad namang nag-viral ang larawan ni Iya, at maraming netizens ang talaga namang naaliw sa behind the scenes na ito.

Ngunit kahit pa mismatched ang suot ni Iya, hindi nito naapektuhan ang hosting skills ng celebrity mom! Sa katunayan, mukhang sanay na si Iya sa mga ganitong pangyayari kahit pa kulang o hindi magkapares ang kanyang outfit. Business as usual pa rin ang pagrereport ni Iya sa “24 Oras.”

Read Also: Jamill, Nag-Public Apology sa Harap Mismo ni Tulfo Matapos Ireklamo ng Inindyan Nilang Stylist!

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

celebrities

Denise Laurel, Ibinunyag ang Matinding Karamdaman na Ininda Niya Dahil sa Pagpupuyat

Published

on

Karamihan sa atin ay hindi nakakakuha ng sapat na tulog araw-araw. Kadalasa’y binabalewala lamang natin ang kahalagahan nito hanggang sa huli na. Kamakailan lang, nagbahagi ng kanyang karanasan ang aktres na si Denise Laurel. Ayon kay Denise, hindi niya inaasahan na ang pagpupuyat niya ay hahantong sa matinding karamdaman.

Si Denise ang itinanghal na grand winner ng talent search program na “Your Face Sounds Familiar 2.” Ngunit sa kalagitnaan ng competition, naramdaman ni Denise na tila ba may malaking pagbabago ang katawan niya. Kahit pa aktibo siya ay kapansin-pansin di umano ang pagdagdag ng kanyang timbang.

Read More: “Pang jowa talaga siya”- Sanya Lopez, Aminadong Ready Jowain ang Hot Actor na ito Kahit pa May Girlfriend na!

“I couldn’t understand because I was so healthy, I was working out, I was doing soap and Your Face at the same time, pero I was gaining weight. Yun pala that’s my body, it’s stressed na. My body started acting up,” pahayag ng aktres sa kanyang exclusive interview sa Wellness Moms.

Dagdag pa nito, matapos niyang magpakonsulta sa doktor ay nakakita sila ng mga cysts sa iba’t-ibang parte ng katawan ni Denise. May na-detect silang mass sa kanyang dibdib, lymph nodes, at ovaries. Ipinaliwanag rin ng doktor na pagpupuyat ang maaaring sanhi ng karamdaman niya.

“Twenty-one years of non-stop working and pushing myself to the limits sometimes, which I love to do. No one is really invincible. I’ve been on a break, getting healthy, and today is a beautiful day because I just found out I do not have cancer. Do not take sleep for granted.”

Ipinaalala rin ni Denise ang kahalagahan ng sapat na pahinga at tulog. Dahil kahit gaano ka pa kalakas at active, mahalagang nakakakuha ka pa rin ng sapat na tulog araw araw. Sa ngayon ay malaki rin ang pasasalamat ni Denise dahil hindi humantong sa malalang karamdaman ang kanyang iniinda.

Read Also: Maxene Magalona, Ipinaliwanag ang Kanyang Namumugtong Mata na Ikinabahala ng mga Fans

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

celebrities

“Pang jowa talaga siya”- Sanya Lopez, Aminadong Ready Jowain ang Hot Actor na ito Kahit pa May Girlfriend na!

Published

on

Usong-uso na ngayon ang nakakaaliw na “Jojowain o Totropahin” challenge sa social media. Sa viral challenge na ito, sasagutin mo kung boyfriend o friend lang ba ang tingin mo sa sikat na male personalities. Kabilang na sa mga nakisali sa viral challenge na ito ay ang sikat na Kapuso actress na si Sanya Lopez.

Kamakailan lang ay nag-guest si Sanya Lopez sa vlog ng showbiz insider na si Allan Diones. Matapos magchikahan tungkol sa personal na buhay at career ni Sanya, nagpaunlak rin ang 24-anyos na aktres sa challenge ni Allan. May naka-line up na male celebrities at pipiliin ni Sanya kung jojowain niya ba ito o totropahin lang.

Read More: RR Enriquez, Nagbabala sa mga Netizens Matapos Mawalan ng Malaking Halaga ng Pera

Kabilang sa listahan ang matinee idol ng Kapamilya network na si Daniel Padilla. Isa si Daniel sa mga pinakahinahangaang young stars ngayon, hindi lamang sa kanyang taglay na kagwapuhan, kundi dahil sa kanyang talento sa pag-arte. Kaya naman maging si Sanya Lopez ay humahanga pala dito.

Diretsahang inamin ni Sanya na ready siyang jowain si Daniel Padilla. Ayon kay Sanya, talagang pang-boyfriend ang aktor na ito. Inamin rin niya na matagal na niya itong hinahangaan, dahil bago pa man siya pumasok sa showbiz ay talagang idol na niya si Daniel.

“Ang lakas ng dating ni Daniel, pang jowa siya. Pang jowa talaga siya,” pahayag ni Sanya. Ayon pa dito, hinahangaan niya rin ang pagiging sweet ni Daniel. “Grabe yung sweetness niya kay Kath, parang pag naging girlfriend ka niya aalagaan kaniya ng sobra-sobra.”

Dagdag pa ni Sanya, isang beses niyang nakita si Daniel sa mall, at labis niyang hinangaan ang pagiging mapagkumbaba nito. Kaya naman isa ito sa mga pinakahinahangaan niyang artista sa ngayon.

“Nakita ko yan si Daniel one time sa isang mall, grabe siya sa mga tao talaga. Dun ko nakita na sabi ko ‘ah kaya si Daniel Padilla’ its because kung paano siya makitungo sa mga talagang sumusuporta sa kaniya. Walang kaere-ere. Ito ‘yung mga nagugustuhan ko sa isang artista.”

Read Also: “Back to Zero”- Herlene Budol, May Masakit na Na-Realize sa Pagsabak Niya sa Showbiz

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

celebrities

Maxene Magalona, Ipinaliwanag ang Kanyang Namumugtong Mata na Ikinabahala ng mga Fans

Published

on

Karamihan sa atin ay ikinahihiya ang pag-iyak, dahil ayaw nating makita ng iba na nasasaktan tayo. Ngunit ayon sa mga eksperto, mahalaga ang pag-iyak dahil sa pamamagitan nito ay nailalabas natin ang ating mga emosyon. Ito rin ang paliwanag ni Maxene Magalona kung bakit lagi siyang umiiyak nitong mga nakaraang araw.

Sa Instagram, ibinahagi ng dating aktres ang payo sa kanya ng kanyang psychiatrist. Napansin daw nito na tila ba may tinatagong lungkot si Maxene, kaya naman pinayuhan niya itong umiyak.

At tumalab naman daw ito, dahil mataposn ito ay naramdaman ni Maxene na gumaan ang kanyang pakiramdam.

Read More: RR Enriquez, Nagbabala sa mga Netizens Matapos Mawalan ng Malaking Halaga ng Pera

“I believe crying is an essential form of inner cleansing. Denying our negative emotions will just make things worse.

“They will just pile up and get bottled up inside of us until we explode. If we cry or express our anger in a healthy way, we can hold space for our emotions and release them properly,” pahayag niya.

Nagbahagi rin siya ng kanyang selfie na namumugto ang mata. At kahit pa halatang kakagaling lamang sa crying session ni Maxene, kapansin-pansin na masaya naman ang kanyang ngiti. Nabawasan rin daw ang bigat ng mga pasanin niya matapos niyang sundin ang payo ng kanyang psychiatrist.

Inihalintulad niya rin ito sa pagbuhos ng ulan na napapanahon ngayon. Kahit gaano raw kalakas ang buhos ng ulan, pagkatapos nito ay mayroon pa ring liwanag mula sa langit na paparating. Nag-iwan rin si Maxene ng makahulugan na mensahe para sa kanyang mga fans.

“Even when we think we’re doing okay and that everything is going great, it’s still important to check in with our emotions on a daily basis so that we can release the ones we need to let go of. We are always so caught up in the external world that we completely forget to take care of what’s happening inside us.”

Read Also: “Back to Zero”- Herlene Budol, May Masakit na Na-Realize sa Pagsabak Niya sa Showbiz

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Trending