Connect with us

Trending

“Kaya ko ng ipaglaban sarili ko!”- Jelai, May Matapang na Mensahe sa mga Taong Nanakit sa Kanya

Published

on

Ilang linggo matapos ang isyu ni Jelai Andres at Jon Gutierrez, mukhang unti-unti na ring nakakamove on si Jelai mula sa kanyang heartbreak. Kamakailan lang, naghayag ng kanyang saloobin si Jelai sa kanyang latest vlog na “Sagot o Lagot.”

Matatandaang March 2021 nang pumutok ang kontrobersya tungkol sa panlolokong ginawa ni Jon Gutierrez. Kumalat sa social media na isang rookie talent na nagngangalang Yumi Garcia ang bagong babae ni Jon.

Ayon pa kay Jelai, July 2020 pa lamang nang magsama si Jon at Yumi sa iisang bubong. Ang masakit pa dito, alam rin daw ng mga kaibigan at kapamilya ni Jon ang pangyayari.

Read More: “Kung gusto mo ko ipaaresto, go ahead”- Jon Gutierrez, May Huling Mensahe kay Jelai

Sa kanyang latest vlog, mukhang unti-unti na ring nakakamove on si Jelai. Ngayon na lamang ulit nakapag-release ng vlog si Jelai dahil noong mga nakaraang buwan ay busy ito sa kanyang lockdown taping.

Maraming fans ang nakapansin na mas masaya at mas glowing na rin si Jelai ngayon matapos silang maghiwalay ni Badger.

Maraming bagay ang itinanong kay Jelai tungkol sa kanyang personal life at love life. Kailangan niya itong sagutin, kung hindi ay iinom siya ng mga iba’t-ibang shots na nasa harapan niya. Hindi rin maiiwasan na tanungin si Jelai tungkol sa kanyang huling mensahe para sa kanyang asawang si Jon.

Isa sa mga tanong na sinagot ni Jelai ay kung anong message niya sa taong nanakit sa kanya. Noong una ay sinubukan muna ni Jelai na iwasan ang tanong, dahil mas nais niya raw na manahimik na lang. “Okay na ko. Masaya na ko na mahal ko ang sarili ko at kaya ko ng ipaglaban ang sarili ko,” pahayag ni Jelai.

Isang araw lamang matapos ishare ni Jelai ang kanyang vlog, umabot na sa halos 1 milyon ang views nito sa Youtube. Maraming netizens rin ang naaliw dahil sa genuine na sagot ni Jelai sa mga tanong na ibinato sa kanya.

Read More: “Parang pang-hotel sa sosyal”- Netizens, Napa-“Wow” sa Garden ni Cheska Garcia!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Trending

“Ngayon lang namin na-experience to”- Netizen, Nagbabala sa Panganib na Dala ng Gas Stove!

Published

on

Pagdating sa gamit sa bahay, nararapat lamang na maging mapanuri tayo. Dapat ay matibay ang ating mga kagamitan upang makasigurado tayong magagamit natin ito sa mahabang panahon. Ngunit bukod sa pagiging matibay at maayos, kailangan rin nating isaalang alang ang ating kaligtasan lalo na pagdating sa mga gamit sa kusina.

Karamihan sa atin ay gumagamit ng gas stove dahil di hamak na mas tipid ito kumpara sa de-kuryenteng kalan. Ngunit alam niyo ba na may panganib na dala rin pala ang mga gas stove? Lalo na kung ito ay gawa sa salamin, maaaring maranasan niyo rin ang nakakatakot na karanasan ng netizen na ito.

Read More: Bea Alonzo, May Emosyonal na Mensahe kay John Lloyd sa Paglipat Nito sa GMA 7

Sa Facebook ay ibinahagi ni Mutya Javier ang nakakabahala niyang experience sa paggamit ng gas stove. Ayon kay Javier, pinili nila ang gas stove na mayroong glass upang mas madaling linisin ito. Ngunit hindi nila inaasahan na maaari pala itong sumabog pag nainitan ng sobra.

“Kanina habang nagiinit ng tubig si nanay bigla na lang pumutok ang kalan reason kung bakit nagkabasag basag ang glass top ng kalan. Mabuti na lang wala si nanay sa harap ng kalan. Thank God! Hindi namin alam kung bakit nagkaganon. Hindi naman daw umapoy ng malaki yung kalan, basta may narinig kami pumutok tapos yan na yung nakita namin.”

Dagdag pa niya, mabuti na lamang at walang nasaktan sa kanilang mag-anak. Mahigit apat na taon na daw nilang gamit ang gas stove na ito, at ngayon lang sila nakaranas ng ganitong klaseng pagsabog. Nagbabala rin si Javier sa mga netizens na may ganitong klaseng kalan.

“Hindi kaya masyado na gamit na gamit yung kalan? Lalo na kahapon maghapon naka-on dahil sa dami ng niluto? I’m not sure pero 4 years na rin kse namin gamit to, ngayon lang namin naexpexience to. Nakakatakot! Hindi rin pala safe to. I’m posting this for your info na ganitong klase ang gamit na stove. Ingat ingat po… Be safe everyone!”

Sa kabilang banda, maraming netizens rin ang napa-comment at nacurious kung anong brand ng gas stove ang sumabog. Sa ngayon ay hindi pa naglalabas ng statement ang nasabing kompanya.

Read More: Kilalanin ang Non-Showbiz Girlfriend na Nagpapatibok ng Puso Ngayon ni Zaijan Jaranilla

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Trending

Caught on Cam: Sachzna Laparan, Isiniwalat ang Mayabang Pulis na Nagwala sa Isang Restaurant!

Published

on

Kamakailan lang ay ibinahagi ng social media influencer na si Sachzna Laparan ang naging karanasan nila sa isang restaurant. Dahil lamang sa reserved seats, pinahiya sila ng isang customer at muntik pang manganib ang kanilang buhay. Ayon kay Sachzna, lumipat sila ng upuan matapos agawin ng isang couple ang kanilang reserved seat.

Ngunit nagulat na lamang daw sila ng biglang magalit ang dalawa. Naantala ang masayang hapunan nila dahil bigla na lamang sumigaw ang nasa kabilang table. Maging ang mga manager at staff ng restaurant ay nagulat sa inasal ng dalawa.

Read More: OFW na Nagpapakahirap sa Dalawang Trabaho, Niloloko Lang Pala ng Gold Digger na Girlfriend sa Pinas!

“Until narinig naming may mga biglaang rants sa kabilang table, biglang nagalit. Tinasaan nila ang boses at sinabing, ‘Magkano ba lahat ng mga inorder nila, babayaran ko!’ At naglabas ng bungkos ng pera sa bag at hinampas sa table. We are shocked by what he did dahil tahimik lang kaming kumakain,” dagdag pa ni Sachzna.

Napag-alaman rin na pulis pala ang lalaki, at buntis naman ang kasama nitong babae. Patuloy raw ito sa pagsigaw, at dumating sa punto na dinuro niya pa si Sachzna. Noong mga panahong iyon ay natatakot na rin daw siya at ang kanyang mga kasama, dahil umaakma ang pulis na tila may bubunutin sa kanyang bag.

Noong una’y nagdalawang isip pa raw si Sachzna na i-post ang video na ito dahil natatakot siyang makasuhan ng cybercrime law. Ngunit desidido siya na magbigay ng awareness sa ibang tao na maaaring makasalamuha ang pulis na ito. Dagdag pa niya, labis na nagdulot ng trauma sa kanya ang pangyayaring ito.

“If you know this police! Wag nyong tutularan! I posted this video hindi para mag pahiya, kundi para magbigay ng awareness, that this can happen to anyone! Alam ng mga taong nasa resto na yun, kung ano nangyari. Even yung manager, natakot. Dahil sinabi nung Police na ipapaclose nya daw yung resto.”

Read More: Danica Sotto, Ano nga ba ang Tawag sa Stepmom na si Pauleen Luna? Silipin Dito!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Trending

OFW na Nagpapakahirap sa Dalawang Trabaho, Niloloko Lang Pala ng Gold Digger na Girlfriend sa Pinas!

Published

on

Hindi madali ang landas na tinatahak ng mga overseas Filipino worker. Nagpapakahirap silang magtrabaho sa ibang bansa para lamang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga pamilya sa Pilipinas. Ngunit nakakalungkot isipin na may mga taong hindi naa-appreciate ang kanilang sakripisyo.

Kamakailan lang, isang 52-anyos na OFW mula sa California, United States ang dumulog sa tanggapan ni Raffy Tulfo. Si Ferdinand Gomez ay nagta-trabaho bilang caregiver sa California. Bukod sa pagiging caregiver, may iba pa siyang part-time jobs upang matustusan ang pangangailangan ng kanyang girlfriend sa Pinas.

Read More: Danica Sotto, Ano nga ba ang Tawag sa Stepmom na si Pauleen Luna? Silipin Dito!

At dahil todo kayod siya, ayon kay Ferdinand ay kadalasang tatlong hanggang limang oras na lang ang tulog niya araw-araw.

Tinitiis niya ang kalagayan niyang ito para makapagpadala ng pera sa girlfriend niya. Ngunit bigla na lamang gumuho ang mundo niya matapos malamang niloloko lamang siya nito!

Inireklamo niya ang kanyang girlfriend na si Innah Esmero mula sa Tagum City, Davao. Ayon kay Ferdinand, nakilala niya lamang sa Facebook si Innah.

Nang sila’y naging magkasintahan na, nagsimula na daw itong manghingi sa kanya ng pera. Nagpadala rin siya ng balikbayan box dito na puno ng mga mamahaling gamit, gaya na lamang ng Victoria Secret lingerie.

Plano na rin daw nilang magpakasal pag uwi ni Ferdinand dito sa Pilipinas. Sa katunayan, bumili na siya ng lupa at engagement ring upang sorpresahin ang kanyang girlfriend.

Ngunit nagulat na lamang siya ng blinock siya nito sa Facebook, at nakita na lamang niya na may ibang kinakasama na pala ito.

Ang masaklap pa dito, maging ang kanyang mga anak ay lumayo na ang loob sa kanya dahil sa kanyang relasyon kay Innah. Mahigit P300,000 rin daw ang naipadala niya dito, at nais niyang humingi ng tulong kay Tulfo upang kahit papano ay makakuha ng closure.

Read Also: Viewers, Na-Curious sa Di Umano’y Ginagawang Kababalaghan ni Alexa Ilacad sa PBB House!

Panoorin ang buong pangyayari dito:

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o bparehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Trending