Connect with us

Trending

Hollywood Actor na si Will Smith, Pinuri ang Beatboxing Twins Mula sa Cebu Dahil sa Angking Talento Nila!

Published

on

Kakaiba talaga ang talento ng mga Pinoy! Saan mang panig ng mundo, kinikilala ang mga Pilipino sa angkin nating husay at galing sa iba’t-ibang larangan. Kamakailan lang, muli na namang namangha ang mga netizens sa taglay na talento ng kambal na ito mula sa Cebu. Maging si Will Smith ay napabilib nila sa kanilang beatboxing video!

Matatandaang nakilala sa social media ang kambal na sina Joemar at Jake Canencia sa kanilang unique na talento. Ibinahagi nila online ang kanilang video, kung saan makikitang nagbi-beatbox ang kambal ng kanta ni Martin Garrix na “Animals.” Agad namang kumalat ang video nila online, at isa sa mga nakakita dito ay ang Hollywood actor na si Will Smith.

Read More: Lolo na Panyo Lang ang Nagsisilbing Face Mask, Laking Tuwa Matapos Makatanggap ng Tulong Mula sa Community Pantry

Talagang namangha si Will Smith sa angking talento ng kambal. Ayon pa sa aktor, kung hindi pa nauso ang internet, malamang ay hindi rin madidiskubre ang nakatagong talento gaya na lamang ng kambal na ito.

“Before the internet people would be just good at something like this and nobody would know. Tragedy! Shoutout Jomar and Jake, this is spectacular,” pahayag ni Smith sa kanyang official Instagram account.

Sa ngayon ay umabot na sa mahigit 7.6 million views ang video ng kambal. Maging ang singer at DJ na si Martin Garrix ay napansin ito.

“We’re so happy because Mr. Will Smith saw our video and was even amazed by our talent. We thought we can only reach Philippine audiences, but our video has already gained attention from different parts of the world,” pahayag ni Joemar at Jake matapos ibahagi ni Smith ang kanilang video online.

Ayon pa sa magkapatid, isang karangalang maituturing ang mapansin ng sikat na Hollywood actor ang kanilang video. Bago daw ito, hindi nila inaakala na aabot sa ibang bansa ang kanilang angking talento. Maraming netizens rin ang umaasa na mas lalo pang mabibigyan ang kambal ng pagkakataon upang ipamalas ang galing nila sa beatboxing.

Read Also: Jamill, Nag-Public Apology sa Harap Mismo ni Tulfo Matapos Ireklamo ng Inindyan Nilang Stylist!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Trending

Rabiya Mateo, Nagkaroon ng Wardrobe Malfunction sa National Costume ng Miss Universe Pageant

Published

on

Isa sa mga pinakainaabangang segment ng Miss Universe ay ang National Costume. Maraming fans ng Miss Universe ang nakatutok sa segment na ito, dahil dito lalabas ang creativity at resourcefulness ng mga kandidata. Isa sa mga pinaka promising na kandidata ngayon sa Miss Universe ay ang Philippines representative na si Rabiya Mateo.

Itinuturing ng mga pageant enthusiasts ang National Costume bilang make-or-break para sa mga contestants. Mayroon rin silang chance na magdulot ng lasting impression sa mga judges upang mag-advance sila sa competition. Ngunit maraming netizens ang napa-react matapos i-reveal ang national costume ni Rabiya.

Read More: “Sayang friendship”- Donnalyn, Nagsalita na Tungkol sa Pambabash na Natanggap Niya Online Dahil sa Pool Challenge

Ginawang inspirasyon ni Rabiya ang Philippine flag para sa kanyang red and blue ensemble. Proud na proud niyang inirampa ang kanyang gown, ngunit marami ang nakapansin na tila nahihirapan si Rabiya na gumalaw dito. Ayon sa isa sa mga teammates ni Rabiya, nagkaroon ng wardrobe malfunction dahil sa bigat ng costume.

Ayon sa reports, mahigit 20 kilos ang bigat ng damit ni Rabiya. Dahil sa bigat nito, hindi inaasahang nasugatan rin ang beauty queen. Nabahiran din daw ng dugo ang kanyang stockings matapos niyang rumampa dahil nahirapan siya sa kanyang costume.

Sa kabilang banda, maraming netizens naman ang agad na nag-react sa balitang ito. May mga fans ang nangamba na baka maging balakid ito upang maiuwi ni Rabiya ang korona. Mayroon ding nagpahatid ng kanilang suporta upang palakasin ang loob ng beauty queen. Silipin ang kanilang mga komento dito:

“Ano ba yan? All the price for winning. Di ba kinonsider nung gumawa ang weight nyan? O baka pinalalaki na naman? Whatever. Basta we wish you luck.”

“Go rabiya.. dedmahin mo yang mga Nega Commnts.. we are proud of you no matter what happen.”

“It looks beautiful pero parang hindi eksakto yung posture kasi parang statue hindi na choreograph.”

Read More: Tekla at Marco, Napikon kay Donnalyn Dahil sa Umano’y ‘Unfair Rules’ Nito sa Pool Challenge!

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Trending

Tekla at Marco, Napikon kay Donnalyn Dahil sa Umano’y ‘Unfair Rules’ Nito sa Pool Challenge!

Published

on

Usap-usapan ngayon sa social media ang nakaraang pool challenge ng vlogger na si Donnalyn Bartolome. Sa panibagong paandar na ito, inimbitahan ni Donnalyn ang kanyang mga malapit na kaibigan upang magkaroon sila ng chance na manalo ng P1 milyon! Ngunit iisa lang ang kanyang rule: ang mahuling aahon mula sa pool ay ang tatanghaling panalo.

May mga twists rin ang game na ito upang mas lalong exciting ang mechanics. Naglagay si Donnalyn ng wild animals gaya ng snakes at buwaya sa loob ng pool para mas maging challenging. Kabilang sa mga inimbitahan niya ay sina Super Tekla, Donita Nose, Marco Gumabao, Mica Salamanca, at iba pa.

Read More: “Start fresh”- Jennica Garcia, Binenta na ang mga Gamit na Naipundar Nila ni Alwyn Uytingco

Ngunit hindi pa natatapos ang challenge ay nagkainitan na ang mga players. Nagkaroon ng sagutan sa pagitan ni Donnalyn at Marco matapos lumapit sa railings ang aktor. Ayon kay Donnalyn, tanggal na siya, ngunit nakipagsagutan naman si Marco. Sa huli ay wala itong choice kundi umalis na lamang.

Maging si Tekla ay hindi mapigilang mainis matapos ma-eliminate. Ayon sa komedyante, hindi malinaw ang mga rules and mechanics na inilatag ni Donnalyn. Ngunit patuloy namang pinagpipilitan ng vlogger na tama ang kanyang mga rules.

“Malabo talaga ’yung rules (the rules are unclear). Lokohan (Is this a joke)? Okay, fine. You gave the rules late. You should’ve explained it to us properly before we started. It’s unfair that we weren’t counted. The rules weren’t even explained properly earlier,” ayon kay Tekla.

Sa kabilang banda, naghayag naman ng saloobin si Donnalyn sa Facebook. Ayon sa kanya, nasayang ang pagkakaibigan nila dahil sa ginawang ‘cheating’ ng ibang players.

“The purpose of that vlog is to make people happy, gusto ko lang celebrate 7M subs ko sharing my blessings by giving away 1 Million win or lose and at the same time entertain with no intention of cheating anyone involved.”

Read More: Mommy Pinty, Naging Emosyonal Matapos Alalahanin ang Pag-Aagaw Buhay ni Toni

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Trending

“Kaya ko ng ipaglaban sarili ko!”- Jelai, May Matapang na Mensahe sa mga Taong Nanakit sa Kanya

Published

on

Ilang linggo matapos ang isyu ni Jelai Andres at Jon Gutierrez, mukhang unti-unti na ring nakakamove on si Jelai mula sa kanyang heartbreak. Kamakailan lang, naghayag ng kanyang saloobin si Jelai sa kanyang latest vlog na “Sagot o Lagot.”

Matatandaang March 2021 nang pumutok ang kontrobersya tungkol sa panlolokong ginawa ni Jon Gutierrez. Kumalat sa social media na isang rookie talent na nagngangalang Yumi Garcia ang bagong babae ni Jon.

Ayon pa kay Jelai, July 2020 pa lamang nang magsama si Jon at Yumi sa iisang bubong. Ang masakit pa dito, alam rin daw ng mga kaibigan at kapamilya ni Jon ang pangyayari.

Read More: “Kung gusto mo ko ipaaresto, go ahead”- Jon Gutierrez, May Huling Mensahe kay Jelai

Sa kanyang latest vlog, mukhang unti-unti na ring nakakamove on si Jelai. Ngayon na lamang ulit nakapag-release ng vlog si Jelai dahil noong mga nakaraang buwan ay busy ito sa kanyang lockdown taping.

Maraming fans ang nakapansin na mas masaya at mas glowing na rin si Jelai ngayon matapos silang maghiwalay ni Badger.

Maraming bagay ang itinanong kay Jelai tungkol sa kanyang personal life at love life. Kailangan niya itong sagutin, kung hindi ay iinom siya ng mga iba’t-ibang shots na nasa harapan niya. Hindi rin maiiwasan na tanungin si Jelai tungkol sa kanyang huling mensahe para sa kanyang asawang si Jon.

Isa sa mga tanong na sinagot ni Jelai ay kung anong message niya sa taong nanakit sa kanya. Noong una ay sinubukan muna ni Jelai na iwasan ang tanong, dahil mas nais niya raw na manahimik na lang. “Okay na ko. Masaya na ko na mahal ko ang sarili ko at kaya ko ng ipaglaban ang sarili ko,” pahayag ni Jelai.

Isang araw lamang matapos ishare ni Jelai ang kanyang vlog, umabot na sa halos 1 milyon ang views nito sa Youtube. Maraming netizens rin ang naaliw dahil sa genuine na sagot ni Jelai sa mga tanong na ibinato sa kanya.

Read More: “Parang pang-hotel sa sosyal”- Netizens, Napa-“Wow” sa Garden ni Cheska Garcia!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Trending