Connect with us

Viral

72-Anyos na Lola Mula sa India, Nagsilang ng Healthy Baby Boy Matapos ang Mahigit 46 Years na Paghihintay!

Published

on

Karamihan sa mga babae ay nais maging ina. Talagang walang makakapantay sa kasiyahan kapag nagkaroon ka ng anak na mamahalin at gagabayan mo habang buhay. Ngunit nakakalungkot isipin na maraming kababaihan ang nahihirapang magka-anak. Habang mas nagkaka-edad ang isang babae, mas nahihirapan rin siyang magbuntis dahil sa pagbabago ng kanyang katawan.

Ngunit may mga mangilan-ngilan pa rin na sinwerte sa tulong ng medisina. Dahil sa modern technology natin ngayon, maaari nang matulungan ang mga babaeng may edad na magkaroon ng anak sa pamamagitan ng iba’t-ibang procedures. Isa sa kanila ay ang 72-anyos na babaeng ito mula sa India.

Read More: Zeinab Harake, Ipinasilip ang Mukha ng Napakacute na Baby Nila ni Skusta Clee

Napa-“wow” ang mga tao sa buong mundo matapos kumalat ang balita na nanganak ang 72-anyos na babaeng si Daljinder Kaur mula sa India sa pamamagitan ng in-vitro fertilization o IVF. Bago ito, mahigit apat na dekadang sinubukang magkaroon ng anak ni Kaur at ng kanyang asawa, ngunit hindi sila pinalad.

Matapos ang 46 na taon, walang bunga ang kanilang pagmamahalan. Kaya naman lumapit sila sa isang fertility doctor upang humingi ng tulong. Gamit ang mga donor eggs, matagumpay na nagdalang-tao si Kaur. Ngunit hindi rin ito naging madali dahil mahigit tatlong taon silang sumubok dito.

Sulit naman ang kanilang mga sakripisyo at mahabang paghihintay, dahil sa wakas ay nagsilang si Kaur ng isang healthy baby boy! Walang mapaglagyan ng tuwa ang mag-asawa matapos makita ang kanilang anak. Agad namang napabalita sa buong mundo ang kakaibang pangyayaring ito.

Sa isang interview, inamin ni Kaur na hindi madali ang pagiging ina, lalo pa’t nagkaka-edad na sila ng kanyang asawa. Gayunpaman, laking pasasalamat nila dahil nabigyan sila ng pagkakataon na magkaroon ng anak.

Read More: Netizens, Naaliw sa Behind-the-Scenes Outfit ni Iya Villania sa “Chika Minute”

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Trending

Rabiya Mateo, Nagkaroon ng Wardrobe Malfunction sa National Costume ng Miss Universe Pageant

Published

on

Isa sa mga pinakainaabangang segment ng Miss Universe ay ang National Costume. Maraming fans ng Miss Universe ang nakatutok sa segment na ito, dahil dito lalabas ang creativity at resourcefulness ng mga kandidata. Isa sa mga pinaka promising na kandidata ngayon sa Miss Universe ay ang Philippines representative na si Rabiya Mateo.

Itinuturing ng mga pageant enthusiasts ang National Costume bilang make-or-break para sa mga contestants. Mayroon rin silang chance na magdulot ng lasting impression sa mga judges upang mag-advance sila sa competition. Ngunit maraming netizens ang napa-react matapos i-reveal ang national costume ni Rabiya.

Read More: “Sayang friendship”- Donnalyn, Nagsalita na Tungkol sa Pambabash na Natanggap Niya Online Dahil sa Pool Challenge

Ginawang inspirasyon ni Rabiya ang Philippine flag para sa kanyang red and blue ensemble. Proud na proud niyang inirampa ang kanyang gown, ngunit marami ang nakapansin na tila nahihirapan si Rabiya na gumalaw dito. Ayon sa isa sa mga teammates ni Rabiya, nagkaroon ng wardrobe malfunction dahil sa bigat ng costume.

Ayon sa reports, mahigit 20 kilos ang bigat ng damit ni Rabiya. Dahil sa bigat nito, hindi inaasahang nasugatan rin ang beauty queen. Nabahiran din daw ng dugo ang kanyang stockings matapos niyang rumampa dahil nahirapan siya sa kanyang costume.

Sa kabilang banda, maraming netizens naman ang agad na nag-react sa balitang ito. May mga fans ang nangamba na baka maging balakid ito upang maiuwi ni Rabiya ang korona. Mayroon ding nagpahatid ng kanilang suporta upang palakasin ang loob ng beauty queen. Silipin ang kanilang mga komento dito:

“Ano ba yan? All the price for winning. Di ba kinonsider nung gumawa ang weight nyan? O baka pinalalaki na naman? Whatever. Basta we wish you luck.”

“Go rabiya.. dedmahin mo yang mga Nega Commnts.. we are proud of you no matter what happen.”

“It looks beautiful pero parang hindi eksakto yung posture kasi parang statue hindi na choreograph.”

Read More: Tekla at Marco, Napikon kay Donnalyn Dahil sa Umano’y ‘Unfair Rules’ Nito sa Pool Challenge!

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Viral

“Sayang friendship”- Donnalyn, Nagsalita na Tungkol sa Pambabash na Natanggap Niya Online Dahil sa Pool Challenge

Published

on

Kamakailan lang, muli na namang may hinarap na kontrobersya ang vlogger na si Donnalyn Bartolome dahil sa kanyang latest challenge. May 12 nang i-release ni Donnalyn ang “Extreme Last to Leave the Pool Wins 1 Million” video, kung saan kasama niya rin ang ibang sikat na vloggers at artista. Ngunit sa bandang huli ay hindi naging maganda ang kinalabasan nito.

Sa kalagitnaan ng challenge, nagdagdag si Donnalyn ng mga wild animals gaya ng ahas at small crocodiles sa pool upang mas maging extreme ito. Unang umahon si Donita Nose, ngunit nakijoin pa rin ito hanggang matapos ang vlog. Hindi nagtagal, nagkaroon rin ng initan sa pagitan ni Donnalyn at ng isa pang player na si Marco Gumabao.

Read More: “Start fresh”- Jennica Garcia, Binenta na ang mga Gamit na Naipundar Nila ni Alwyn Uytingco

Nakasagutan ni Donnalyn si Marco at Tekla dahil di umano’y nilabag ng mga ito ang rules. Bwelta naman ng dalawa, walang malinaw na rules si Donnalyn, kaya naman unfair na bigla na lamang silang i-kick out sa game. Matapos nito, naglabas ng statement si Donnalyn sa social media.

Sa kanyang mahabang post, idinetalye ni Donnalyn ang mga pangyayari noong gabing iyon. Ayon sa vlogger, nanghihinayang siya dahil nasira ang pagkakaibigan nila dahil sa vlog na iyon. Nag-promise rin siya na ilalabas ang raw footage ng pangyayari upang makita ng netizens kung sino talaga ang mali.

“Maglalabas pa ako ng raw clips na nagsabi ang staff pati ako ng malakas about this rule in any case may di nakakaintindi. The purpose of that vlog is to make people happy, gusto ko lang celebrate 7M subs ko sharing my blessings by giving away 1 Million win or lose and at the same time entertain with no intention of cheating anyone involved.”

Sa kabilang banda, maraming netizens naman ang nag-komento na sana’y hindi na lamang nilabas ni Donnalyn ang buong vlog. Ayon sa kanila, kung talagang kaibigan ang tingin ni Donnalyn sa iba pang players, dapat ay hindi niya hinayaan na ibash sila ng mga fans nito.

Read More: Mommy Pinty, Naging Emosyonal Matapos Alalahanin ang Pag-Aagaw Buhay ni Toni

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Trending

Tekla at Marco, Napikon kay Donnalyn Dahil sa Umano’y ‘Unfair Rules’ Nito sa Pool Challenge!

Published

on

Usap-usapan ngayon sa social media ang nakaraang pool challenge ng vlogger na si Donnalyn Bartolome. Sa panibagong paandar na ito, inimbitahan ni Donnalyn ang kanyang mga malapit na kaibigan upang magkaroon sila ng chance na manalo ng P1 milyon! Ngunit iisa lang ang kanyang rule: ang mahuling aahon mula sa pool ay ang tatanghaling panalo.

May mga twists rin ang game na ito upang mas lalong exciting ang mechanics. Naglagay si Donnalyn ng wild animals gaya ng snakes at buwaya sa loob ng pool para mas maging challenging. Kabilang sa mga inimbitahan niya ay sina Super Tekla, Donita Nose, Marco Gumabao, Mica Salamanca, at iba pa.

Read More: “Start fresh”- Jennica Garcia, Binenta na ang mga Gamit na Naipundar Nila ni Alwyn Uytingco

Ngunit hindi pa natatapos ang challenge ay nagkainitan na ang mga players. Nagkaroon ng sagutan sa pagitan ni Donnalyn at Marco matapos lumapit sa railings ang aktor. Ayon kay Donnalyn, tanggal na siya, ngunit nakipagsagutan naman si Marco. Sa huli ay wala itong choice kundi umalis na lamang.

Maging si Tekla ay hindi mapigilang mainis matapos ma-eliminate. Ayon sa komedyante, hindi malinaw ang mga rules and mechanics na inilatag ni Donnalyn. Ngunit patuloy namang pinagpipilitan ng vlogger na tama ang kanyang mga rules.

“Malabo talaga ’yung rules (the rules are unclear). Lokohan (Is this a joke)? Okay, fine. You gave the rules late. You should’ve explained it to us properly before we started. It’s unfair that we weren’t counted. The rules weren’t even explained properly earlier,” ayon kay Tekla.

Sa kabilang banda, naghayag naman ng saloobin si Donnalyn sa Facebook. Ayon sa kanya, nasayang ang pagkakaibigan nila dahil sa ginawang ‘cheating’ ng ibang players.

“The purpose of that vlog is to make people happy, gusto ko lang celebrate 7M subs ko sharing my blessings by giving away 1 Million win or lose and at the same time entertain with no intention of cheating anyone involved.”

Read More: Mommy Pinty, Naging Emosyonal Matapos Alalahanin ang Pag-Aagaw Buhay ni Toni

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Trending