Connect with us

Inspirational

Misis ng Sundalo, Naging Emosyonal sa Nadiskubre Niya sa Laptop ng Kanyang Namayapang Asawa!

Published

on

Hindi madali ang buhay ng isang sundalo. Para mapagsilbihin ang bayan, kailangan nilang iwan ang kanilang pamilya at ilagay sa panganib ang kanilang sariling buhay. Anumang oras ay maaaring malagay sila sa panganib, kaya naman lagi ring nakahanda ang kanilang pamilya. Gaya na lamang ng biyuda na ito, na nakapangasawa ng sundalo.

Si Liutenant Todd Weaver ay isa sa mga libo-libong US troops na nagsilbi sa Afghanistan. Ngunit sa kasamaang palad, pumanaw siya habang nasa serbisyo.

Kaya naman labis na nalungkot ang naiwan niyang asawa na si Emma Weaver. Mayroon ring anak na siyam na buwang gulang pa lamang ang mag-asawa na si Kiley.

Read More: Sikat na Aktres Noon na si Janelle Manahan, Bakit Nga ba Na-Blacklisted sa Star Magic?

Dahil sa biglaang pagpanaw ni Todd, hindi man lang nakapagpaalam si Emma. Dalawang araw matapos ang libing nito, binuksan ng nagluluksang byuda ang laptop ng kanyang yumaong asawa. Nagulat siya nang makitang mayroong sulat na iniwan ang kanyang asawa sa laptop nito.

“I couldn’t ask for anything more. If you feel sad, just think back to the memories that we shared. Look at our daughter and how beautiful she is. Be strong for her.

Remind her about her Daddy and tell her that I loved her more than anything else in the world. Her birth was the best day of my life and she was the best thing that ever happened to me.”

Sa pamamagitan ng kanyang sulat, nagkaroon pa ng pagkakataon si Todd na mamaalam sa kanyang mag-ina. Ayon dito, masaya siya dahil nabigyan siya ng pagkakataon na makasama si Emma at si Kiley.

Pinalakas rin ni Todd ang loob ni Emma, at ibinilin sa kanya ang pag-aalaga at paggabay sa kanilang anak.

“Never be afraid to do what you need to do to be happy. It is so important that you continue to find happiness in your life. Although you may think this is impossible right now, have faith. Much better times are coming. You and Kiley have a wonderful life ahead of you and I am so happy to have shared some of it with you.”

Read More: Haba ng Hair! China Roces, Kinilig sa Bagong Surprise sa Kanya ni Mr. Anonymous

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Inspirational

Netizen, Hindi Makapaniwala sa Ginawa ng Delivery Rider na Ito sa Matandang Nagtitinda ng Icecream!

Published

on

Sa kabila ng mga pangit na pangyayari sa paligid natin ngayon, mayroon pa ring mga magagandang bagay na nangyayari. Marami pa ring tao na mayroong mabuting kalooban ang handang magbigay ng tulong sa mga nangangailangan. Gaya na lamang ng delivery rider na ito, na kamakailan lang ay nag-viral sa social media dahil sa kabutihang ginawa nito!

Isang netizen na nagngangalang Patrick Mariano ang nakasaksi kung paano tinulungan ng driver ang isang matandang sorbetero.

Habang umuulan sa labas, makikita ang isang matandang lalaki na nakasuot ng kapote at naglalako ng ice cream. Tila hindi iniinda ni Lolo ang ulan at lamig sa kabila ng kanyang edad.

Read More: “Tiis Ganda”- Babaeng Nagpakabit ng Eyelash Extension, Muntik ng Mabulag Matapos Mamaga ang Mata!

“May nakita ako sa labas na delivery truck na biglang pumarada sa harap ng bahay namin. Doon ko nakita na tinigilan pala nila si tatay na naglalako ng ice cream habang umuulan.

Inubos na pala nila yung tinda ni tatay para makauwi na at hindi na magkasakit dahil raincoat lang at sumbrero ang suot na proteksyon sa ulan ni tatay,” ayon sa viral post ni Patrick.

Bukod sa pagtulong kay Tatay, pinakyaw rin ng delivery driver ang paninda nito upang makauwi na siya! Nais rin nilang maging ligtas si Tatay upang hindi ito magkasakit dahil sa ulan.

Ayon naman kay Patrick, itinanggi ng pamilya ni Tatay na pinagta-trabaho nila ito. Bagkus si Tatay raw mismo ang nais magtinda ng icecream dahil ayaw nitong walang ginagawa sa bahay.

“Si tatay lang daw po di umano ang may gustong lumabas at magtinda. Hindi daw sya nire-require ng family nya. Siguro nasanay lng talaga si tatay na magtrabaho mula pagkabata nya kaya ayaw daw niya manatili sa bahay,” pahayag ni Patrick sa kanyang post matapos makausap ang pamilya ng ice cream vendor.

Read More: “Bimby is not gay”- James Yap, Nag-React sa Bali-Balitang Kumakalat Tungkol sa Anak na si Bimby

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Inspirational

OFW sa Dubai, Ibinahagi ang Kanilang Bonggang Pandemic Wedding na Hindi Ginastusan ng Malaki!

Published

on

Ang kasal ay isa sa mga pinaka-espesyal na araw sa buhay ng mag-irog. Karamihan sa atin ay nangangarap na magkaroon ng bonggang kasal. Kaya naman hindi na nakakapagtaka kung bakit maraming tao ang gumagastos ng malaking pera para lamang sa espesyal na araw na ito. Ngunit sa panahon ngayon, alam mo bang maaari ka ng magkaroon ng magandang kasal nang hindi gumagastos ng malaki?

Hindi mo kailangang gumastos ng malaki o mangutang para lamang magkaroon ng bonggang kasal. Dahil nasa kalagitnaan tayo ng pandemic, makakatipid ka rin dahil hindi mo na kailangang mag-imbita ng maraming bisita. Ito ang pinatunayan ng mag-asawang overseas Filipino workers sa Dubai.

Read Also: Celebrity Friends na Nasira ang Pagkakaibigan Dahil sa Isyu at Kontrobersya

Usap-usapan ngayon sa social media ang nakakakilig na home wedding ni Camille Alicando at Ben Gendrano. Si Camille ay isang Dubai-based stylist, samantalang digital content creator naman si Ben.

Matagal na nilang pinagpa-planuhan ang kanilang kasal. Noong una, nag-book pa ang dalawa sa isang sosyal na hotel Dahil sa safety protocols na ipinapatupad sa Dubai, napilitan si Camille at Ben na ikansela muna ang kanilang hotel reservation.

Sa kabila nito, wala pa ring makakapigil sa kasalan ng dalawa! Upang mas safe, idinaos na lang nila ang kanilang wedding sa loob mismo ng kanilang tahanan.

Isang civil wedding ceremony ang ginanap sa pag-iisang dibdib ng mag-asawa. Ngunit talagang napakaganda ng kanilang venue!

Kahit pa sa bahay lamang sila, tumulong ang mga kaibigan ng mag-asawa upang pagandahin ang lugar. Bohemian-chic inspired ang kanilang venue, na mayroon pang mga fairy lights!

Ayon sa bride, ipinagkatiwala na nila sa kanilang mga kaibigan ang pagdidisenyo. Kaya naman natuwa talaga sila sa kinalabasan nito. Maraming netizens rin ang talagang natuwa sa simpleng kasalan ng dalawa.

Read More: Batang Genius, Napilitang Magbenta ng Medalya Niya Upang May Maipangtawid Gutom Ngayong Pandemic

Ano ang masasabi nyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong komento o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang viral na kwento o latest na balita, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Inspirational

Isang Guro sa Bulacan, Napagkakamalang Estudyante Dahil sa Kanyang Nakakamanghang Baby Face!

Published

on

Isang guro sa Bulacan ang nag-viral sa social media dahil sa kakaibang itsura nito! Talaga namang mapagkakamalan mong estudyante si Teacher Ian Francis Manga, na isang guro sa San Jose Del Monte, Bulacan. Kindergarten ang tinuturuan ni Teacher Ian, ngunit dahil sa kanyang baby face, ilang beses na rin siyang napagkamalan na mag-aaral.

Ayon kay Teacher Ian, bata pa lamang siya ay hindi na niya naranasan ang common signs ng puberty. Labis rin daw ang pagtataka niya, lalo pa’t ang mga kababata niya ay nagma-mature na ang itsura. “Pati ‘yong look ko din wala eh. Pati buhok ko wala eh — wala sa kilikili, wala sa bigote,” dagdag pa nito.

Read More: Hindi Inakala ng Babaeng Ito na Napapaligiran na Pala Siya ng Killer Whales sa Dagat!

Sa kabila ng kanyang kakaibang karanasan, nag-desisyon si Ian na wag nang kumonsulta sa doktor upang malaman ang totoong kondisyon niya.

Ngunit kahit pa kakaiba ang kanyang itsura, aminado naman si Ian na kahit kailan ay hindi siya nakaranas ng discrimination o pambu-bully mula sa kanyang mga kaibigan.

Nakatulong rin daw sa kanya ang pagiging friendly at mabait niya sa lahat ng tao, kaya naman mas lalong dumami ang kaibigan niya.

“Hindi po ako na-bully kasi I was friendly. Pala-kaibigan po ako sa kaklase ko. Minsan nabu-bully rin mga hindi ko naman kakilala, kakantahan ka ng mga bulilit. Eh wag mong pansinin,” ayon kay Ian.

Bente dos anyos na siya nang pumasa sa licensure exam para sa mga guro. Proud naman si Ian sa kanyang achievement, at excited na rin itong simulan ang kanyang career sa pagtuturo.

Kahit pa madalas ay napagkakamalan siya bilang estudyante, mayroon raw teknik si Teacher Ian upang seryosohin siya ng kanyang mga mag-aaral.

“Nagiging seryoso na ako, nagiging seryoso din sila sa akin. Hati ‘yong pagiging strikto sa pagiging teacher. Teacher po ako. Hindi po kailangang always play, kailangan may seryosohan din.” Sa kasalukuyan ay nagtuturo si Teacher Ian sa Mater El-Roi School Inc. at ayon sa school admin na si Herminia Delos Santos, talagang napakahusay na guro nito.

Read More: “Di ko alam may girlfriend na siya”- Bea Alonzo, Ibinunyag na si John Lloyd Cruz ang Unang Heartbreak Niya

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.

Continue Reading

Trending