Connect with us

Inspiring

Larawan ng Electrician, Nagpaantig sa mga Netizens Matapos Malaman Kung Bakit Siya May Suot na Costume!

Published

on

Lahat ay gagawin ng isang ama para lamang sa kanyang pamilya. Kahit pa mahirap ang buhay, kakayod ito araw gabi para lang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang mga anak. Kadalasan ay handa ring sumabak sa peligro ang mga padre de pamilya para lang kumita ng pera, gaya na lamang ng tatay na ito.

Kamakailan lang, nag-viral sa social media ang larawan ng isang electrician na ito. Makikitang umaakyat ang electrician sa isang poste ng kuryente upang ayusin ang mga kable. Ngunit ang bumihag sa atensyon ng mga netizens ay ang suot nitong tila costume na pakpak.

Read More: OFW sa Dubai, Ibinahagi ang Kanilang Bonggang Pandemic Wedding na Hindi Ginastusan ng Malaki!

Bakit nga ba nakasuot ng costume ang electrician? Iba’t-ibang spekulasyon naman ang kumalat sa social media, ngunit naantig ang puso ng mga netizens matapos malaman ang totoong dahilan dito. Ibinahagi ng nag-post ng larawan na ang pakpak ay bigay pala ng anak ng electrician.

Ayon sa nagpost, tinanong raw ng batang babae kung ano ang trabaho ng kanyang ama. Sinabi naman ng tatay na isa siyang electrician, at nag-aayos siya ng mga kable ng kuryente. Noong una ay natakot daw ang bata para sa kaligtasan ng kanyang ama, ngunit hindi nagtagal ay nakaisip ito ng paraan upang matulungan ang ama.

Nagulat na lang daw ang tatay nang biglang ibigay sa kanya ng kanyang anak ang laruan nitong pakpak. Ginagamit ito ng bata sa kanyang costume, ngunit ayon sa kanya, mukhang mas kailangan ito ng kanyang tatay. Iniisip ng bata na maililigtas ng kanyang pakpak ang tatay niya sakali mang malagay ito sa peligro.

“His young daughter found out what he did for living, so she made him wings so he would be safe. And a good dad will wear his daughter’s wings,” pahayag ng caption ng viral na larawang ito.

Read More: Kilalanin ang mga Artistahing Anak ni Ina Raymundo: Sino Kaya sa Kanila ang Papasok sa Showbiz?

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Inspiring

Batang Siyam na Taong Gulang, Nagta-Trabaho Bilang Mascot Para Makatulong sa Kanyang Pamilya

Published

on

Sa maraming bansa, labag sa batas ang pagtrabahuhin ang mga bata. Dahil sa kanilang murang edad, dapat ay nasa bahay lamang sila at nag-aaral. Ngunit sa kasamaang palad, maraming paslit pa rin ang nagta-trabaho ngayon para makatulong sa kanilang pamilya. Isa na sa kanila ang batang ito na kamakailan lang ay nag-viral sa social media.

Isang concerned citizen ang nagbahagi ng larawang ito online. Sa viral na photo, makikita ang isang batang lalaking nagngangalang Rehan na nakasuot ng mascot.

Nakaupo ito sa kalsada at tila ba pagod na pagod. Ayon sa nag-post, nagta-trabaho si Rehan, siyam na taong gulang, bilang isang mascot upang makatulong sa kanyang nanay at tatay.

Read More: Zeinab Harake, Ipinasilip ang Mukha ng Napakacute na Baby Nila ni Skusta Clee

Karamihan sa mga batang ka-edad ni Rehan ay nasa kalsada at nakikipaglaro sa kanilang mga kaibigan. Araw-araw ring nasa kalsada si Rehan, ngunit hindi paglalaro ang inaatupag niya bagkus ay ang pagkita ng pera. Tinitiis niya ang init at pagod para lamang makapaghanapbuhay at makatulong sa kanyang pamilya.

Araw-araw ay iba iba ang mascot na sinusuot ni Rehan, gaya na lamang nina Upin and Ipin, Dora, Spongebob Squarepants, Tom and Jerry, at marami pang iba.

Bukod pa dito, kailangan niya ring maglakad ng mahigit sa 10 kms mula sa kanilang tahanan araw araw para lamang makarating sa kanyang pinagtatrabahuhan.

Nang kausapin ng concerned citizen si Rehan, saka niya nalaman ang nakakanatig na kwento nito. Ayon sa paslit, kailangan niyang magtrabaho para makatulong sa kanyang pamilya. Ang kanyang sahod ay ipinangbabayad niya ng renta at pinangtutustos niya rin ng kanyang pag-aaral.

Dahil dito, agad nag-viral ang nakakalungkot na kwento ni Ren sa social media. Maraming netizens rin ang humanga sa kanyang kasipagan, at nais nilang magpahatid ng tulong sa batang ito.

Read More: Netizens, Naaliw sa Behind-the-Scenes Outfit ni Iya Villania sa “Chika Minute”

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Inspiring

Lolo na Panyo Lang ang Nagsisilbing Face Mask, Laking Tuwa Matapos Makatanggap ng Tulong Mula sa Community Pantry

Published

on

Sa kalagitnaan ng pandemic, nauso ang mga community pantries sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas. Sa tulong ng community pantry, maaaring magkaroon ng pagkain o basic necessities ang mga taong nangangailangan sa gitna ng pandemic. Umaasa ito mula sa donasyon ng mga good Samaritan, at talaga namang malaki ang naitutulong nito sa pang-araw araw na pamumuhay ng mga tao.

Hindi maipagkakailang maraming pamilya na rin ang natulungan ng mga community pantries. Karamihan sa kanila ay mga naghihikahos o nawalan ng kabuhayan.

Sa pamamagitan ng community pantry, maaari silang makatanggap ng bigas, de lata, noodles, gulay, prutas, at iba pa nang walang hinihinging kapalit o bayad.

Read More: “Hindi kami nagnakaw”- Mga Babaeng Na-Bash Matapos Manlimas ng Isang Community Pantry, Nagsalita na!

Kabilang na sa mga nakinabang sa community pantry ay ang matandang lalaking ito. Kamakailan lang, nag-viral sa Facebook ang nakakaantig na kwento ni tatay.

Ibinahagi ng Facebook page na “For Our Farmers- Bayanihan Para sa Magsasaka” na mayroong isang matandang lalaki ang lumapit at nag-usisa sa kanilang community pantry.

Bago ito kumuha ng mga pagkain, tatlong beses muna nag-usisa si Tatay kung totoong libre lamang ba ang mga ito. Napansin rin nila na tinaling panyo lamang ang nagsisilbing face mask nito. Hindi naman nagdalawang isip ang grupo na tulungan si Tatay.

“Tatlong beses kaming tinanong ni tatay kung walang bayad at libre ba daw talaga kumuha ng pagkain. Napansin din namin na panyo lamang ang gamit niyang face mask. Binigyan namin siya ng ilang pirasong surgical mask at tinanong namin kung saan banda siya nakatira upang mabigyan namin siya bukas ng cloth mask at face shield.”

Sa ngayon ay umabot na sa mahigit 3.3k shares ang post na ito sa social media. Talagang maraming netizens rin ang humanga sa kabutihang loob ng grupong ito. Pinapatunayan lamang nila na sa kalagitnaan ng pagsubok, tayo lang rin ang mag-aangat sa ating kapwa.

Read More: Wais na Nanay, Nag-Viral Matapos Pagtripan ang Anak na Laging Nagse-Cellphone!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Inspiring

VIDEO: Batang Lalaki, Emosyonal Habang Sinusubukang Iligtas ng Tuta sa Bingit ng Panganib!

Published

on

Para sa mga pet lovers, hindi lamang basta basta hayop ang kanilang mga alaga. Karamihan ay itinuturing na nilang miyembro ng kanilang pamilya ang mga alagang hayop nila. Kaya naman labis rin ang pagmamahal nila sa mga ito. Dahil bukod sa comfort na naibibigay ng mga alaga nating hayop, naiibsan rin ang kalungkutan na nararamadaman natin tuwing nakikita sila.

Kaya naman kung pet lover ka, paniguradong magiging emosyonal ka sa kwentong ito. Kamakailan lang, nag viral sa social media ang video ng isang batang sinusubukang sagipin ang tuta na ito.

Sa isang video, kitang-kita kung paano mahirapan ang tutang ito sa paglangoy sa kanal. Mabuti na lamang at dumating ang bata upang iligtas ang tuta.

Read Also: Celebrity Friends na Nasira ang Pagkakaibigan Dahil sa Isyu at Kontrobersya

Hindi mapigilang maging emosyonal ng batang lalaki habang sinusubukang iligtas ang tuta. Mahalaga ang bawat segundo, dahil maaaring malunod ang tuta.

Kaya naman lahat na ng paraan ay sinubukan nito. Kumuha rin siya ng dustpan upang masubukang mailigtas ang tuta, na hirap na hirap nang makahinga.

Sa huli ay nagtagumpay silang mailigtas ng tuta. Isang butihing lalaki ang napadaan at nakita ang pangyayari, kaya naman agad agad itong umaksyon upang mailigtas ang kaawa-awang hayop. Nakahinga ito ng maluwag at walang mapaglagyan ng tuwa matapos makitang ligtas na ang aso.

Sa kabilang banda, agad namang nag-viral sa social media ang video na ito. Sa ngayon ay umani na ito ng mahigit 200,000 na reaksyon online. Maraming netizens rin ang talagang namangha sa kabutihang loob ng batang ito.

Ayon sa kanila, bibihira na lamang ang mga taong gaya niya sa panahong ito. Silipin ang mga komento nila dito:

“That puppy is very lucky to have someone to love him so so much. And hats off to the dear kid!”

“The puppy won’t drown. All animals are natural swimmers. But this boy is.”

“Bless his heart! Whoever was recording…this is a video we could have done without seeing!”

Read More: Batang Genius, Napilitang Magbenta ng Medalya Niya Upang May Maipangtawid Gutom Ngayong Pandemic

Ano ang masasabi nyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong komento o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang viral na kwento o latest na balita, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Trending