Connect with us

Local

Ito Pala ang Tunay na Dahilan Kung Bakit Dismayado ang Batang Ito sa Money Cake sa Kanyang Birthday!

Published

on

Anong nais mo sa iyong nalalapit na kaarawan? Karamihan sa atin ay naghahangad ng bagong gadget, o di kaya naman ay pera sa ating birthday. Ngunit madalas, may mga bagay na hindi kayang palitan ng pera o magarang regalo. Ito ang mahalagang aral na natutunan ng mga netizens kamakailan lang matapos isang bata ang mag-trending dahil sa kanyang birthday cake.

Sa isang video na ibinahagi sa Tiktok, makikita ang isang dalagita na nagse-celebrate ng kanyang birthday. Talaga namang sosyal ang kanilang handaan, at hindi lang isa kundi dalawa pa ang cake nito! Ang isang three-tier cake ay mayroong laman na pera, ngunit habang hinuhugot ng bata ang pera, mababakas sa mukha nito sa dismayado siya.

Read More: Lolo na Panyo Lang ang Nagsisilbing Face Mask, Laking Tuwa Matapos Makatanggap ng Tulong Mula sa Community Pantry

Maraming netizens ang agad na nagkomento at hinusgahan ang bata. Ayon pa sa iba, base sa reaksyon nito sa viral video, mukhang ungrateful at spoiled ang batang babae. Ngunit agad namang napatunayan na mali pala ang kanilang iniisip. Isang netizen na nakakakilala sa bata ang nagpaliwanag kung bakit ganito ang reaksyon niya.

Ayon sa netizen na ito, dismayado ang batang makatanggap ng pera sa birthday niya dahil ang nais niya lang ay makasama ang kanyang mga magulang. Kapwa OFW ang kanyang magulang, ngunit dahil sa pandemic, hindi sila makauwi kaya naman nagpadala na lang sila ng brand new cellphone at pera sa kanilang anak.

“Actually, both parents of the girl is nasa abroad and they promised na uuwi sa birthday niya. Pero gawa ng pandemic di nakauwi magulang niya, so nag-isip na lang yung magulang ng magandang pambawi sa anak nila,” pahayag ng nakakakilala sa bata.

Ngunit sa kabila ng magara at sosyal na regalo na natanggap nito, hindi pa rin masaya ang birthday celebrant. Wala raw itong ibang nais kundi ang makita at makasama lamang ang kanyang mga magulang sa espesyal na araw na ito. Ito rin ang dahilan kung bakit malungkot siya habang binubuksan ang money cake.

“Wag niyo i judge agad na kesyo ma attitude o dapat magpasalamat na lang. Actually thankful sya sa mga natanggap niya, dismayado lang talaga siya dahil di natuloy uwi ng parents niya. Kung alam niyo lang, nagkulong po yan sa kwarto at nag iiyak after ng party niya,” dagdag pa nito.

Read Also: Jamill, Nag-Public Apology sa Harap Mismo ni Tulfo Matapos Ireklamo ng Inindyan Nilang Stylist!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

celebrities

“Ang mga savings naghihingalo na”- Robin Padilla, Aminadong Nagalaw na ang Savings ng mga Anak Dahil sa Pandemic

Published

on

Libo-libong Pilipino ang apektado dahil sa pandemic. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na mahirap man o mayaman, may kanya-kanya tayong pinagdadaanan dahil sa mga pagsubok na ito. Kahit pa sagana ka sa buhay, mararanasan mo ring masadlak dahil sa epekto ng lockdown at pandemic. Isa na sa mga nakaranas ng hirap na ito ay ang celebrity couple na sina Robin Padilla at Mariel Rodriguez.

Kamakailan lang, inamin ng 51-anyos na action star na may matindi silang pinagdadaanan ng kanyang pamilya. Kahit pa sagana sila, nasubok ang kanilang katatagan dahil sa pandemic. Sa Instagram, ibinahagi ni Robin na maging ang savings para sa kanilang mga anak ay nagalaw na nila.

Read More: Angel Locsin, Pasimpleng Nag-Abot ng Pera sa Isang Tatay na Umiiyak sa Ospital

“Hindi lamang po kayo ang hirap, pati po kami sa aming tirahan ay masikip na masikip na ang sinturon sa pagtitipid. Ang mga savings ay naghihingalo na kaya’t pati ang nakalaan para sa edukasyon ng mga bata ay nagalaw na, pero patuloy pa rin naming itinatawid ang mga taong nasa pakpak namin,” pagbabahagi ng beteranong aktor.

Bukod sa pandemya, mas lalo pang sinubok ang tibay ng mag-asawa matapos mawalan ng trabaho si Mariel. May 2020 nang ipasara ang ABS-CBN na naging home network ni Mariel sa loob ng ilang taon.

Dahil dito, kinailangan nilang magtipid at magbawas ng expenses para rin patuloy na mapasahod ang mga taong umaasa sa kanila.

Sa kabila ng lahat, mas piniling magiging matatag ni Robin at Mariel para malampasan nila ang mga pagsubok na ito. Sa katunayan, nag-open rin si Mariel ng business upang makatulong sa kanilang pangtustos.

Hinimok rin ni Robin ang kanyang mga kapwa Pilipino na wag sumuko sa kabila ng mga pagsubok na hinaharap dahil malalampasan rin nila ito.

“Walang may masarap na buhay ngayon kundi yung mga nalathala na mas yumaman noong nagka pandemya pero tayong mas nakakaraming mga Pilipino ay tagilid na ang bangka. At ang iba ay taob na at naka salbabida na lang para hindi tuluyang lumubog. Wag tayong susuko mga kababayan, magtulungan tayo,” dagdag pa ni Robin.

Read More: Maui Taylor, Nag-Viral Matapos Sagutin ang Lalaking Nambastos sa Kanya Online!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Local

“Abo na ang asawa ko”- Buong Miyembro ng Pamilyang Ito, Nag-Positibo sa COVID-19

Published

on

Sa gitna ng COVID-19 pandemic, milyon-milyong buhay ang nawala dahil sa virus. Lalo na sa Pilipinas, kung saan patuloy na tumataas ang cases ng COVID-19. Napakasakit isipin na maraming pamilya ang hindi na buo dahil sa virus na ito. Kamakailan lang, isang pari ang nagbahagi ng nakakalungkot na kwento ng pamilyang ito sa social media.

Ayon kay Father Marlito Ocon SJ, isang buntis ang nagpa-admit sa Philippine General Hospital dahil manganganak na ito. Mag-isa lamang ang nanay at naiwan ang asawa niya sa bahay dahil may sakit ito.

Matapos niyang manganak, nalaman ng mga doktor na nagpositibo rin ang nanay at ang kanyang bagong-silang na sanggol sa COVID-19.

Read More: “Kung gusto mo ko ipaaresto, go ahead”- Jon Gutierrez, May Huling Mensahe kay Jelai

“A young pregnant mother brought herself alone to PGH ER when she started to labor. She left her husband at home because he had fever and was coughing but they never thought it was COVID-19. While she and her baby were still fighting and struggling for life, news broke out that her husband died of COVID-19 at home.”

Matapos malaman ng misis na pumanaw na ang kanyang asawa, labis ang hinagpis nito. Lumapit rin siya kay Father Marlito upang maglabas ng kanyang hinaing.

Ayon sa babae, may isa pa silang anak na naiwan sa bahay, at nakakalungkot na hindi na masisilayan ng mister niya ang kanilang pangalawang anak.

“Sabi niya, ‘Ang lungkot Father, wala na akong asawang mauuwian, abo na ang asawa ko. Di man lang kami nagkausap, di ko man lang maibalita na may 2nd baby na kami, di man lang sila nagkita ng anak namin.’ I have no words because I know that any words can’t explain why horrible things like this happened.”

Nagbigay naman ng words of wisdom ang pari tungkol sa malungkot na trahedyang ito. Ayon kay Father Marlito, halos lahat tayo ay mayroong mabigat na pinagdadaanan sa mga panahong ito. Ang tanging makakapag-comfort sa atin ay ang pananalig sa maykapal.

Read More: “Parang pang-hotel sa sosyal”- Netizens, Napa-“Wow” sa Garden ni Cheska Garcia!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Local

“Kung gusto mo ko ipaaresto, go ahead”- Jon Gutierrez, May Huling Mensahe kay Jelai

Published

on

Mukhang hindi pa rin natatapos ang iringan sa pagitan ng mag-asawang si Jon Gutierrez at Jelai Andres. Muli na namang nagpahayag si Jon tungkol sa isyu nilang mag-asawa. Sa kanyang nakaraang interview, nagbigay ng mensahe si Jon para sa kanyang misis. Handa na nga ba itong tuluyang pakawalan si Jelai?

Noong nakaraang March lamang nang mabunyag ang panlolokong ginawa ni Jon sa kanyang asawa. Lumabas rin ang katotohanan na matagal na palang mayroong kabit si Jon habang sinusuyo niya ang kanyang asawa.

July 2020 pa lamang nang simula nitong ibahay ang isang rookie talent na si Yumi Garcia, na noo’y disisyete anyos pa lamang.

Read More: “Tiis Ganda”- Babaeng Nagpakabit ng Eyelash Extension, Muntik ng Mabulag Matapos Mamaga ang Mata!

Ayon kay King Badger, willing siyang sundin ano man ang gusto ni Jelai. Napapagod na rin daw siya dahil masyadong maraming tao ang nakikisawsaw sa mga isyu nila kahit pa di naman sila kasali sa kontrobersya. Ayon sa Ex-Batallion, handa rin siyang makipag-usap kay Jelai nang harapan upang matapos na ang problema nila.

“If you wanna file an annulment, that’s fine with me. Kung gusto mo ako ipaaresto, go ahead. If you want marriage counseling papayag din ako. Gusto ko lang sabihin sayo na ang problemang magasawa ay dapat sino-solve din ng magasawa.”

Sa kabilang banda, mukhang hindi naman nagustuhan ng mga netizens ang pahayag na ito ni Jon. Sa social media, maraming fans ni Jelai ang nagsabi na mukhang hindi ‘sincere’ si King Badger sa pahayag nito. Base sa tono nito, mukhang nagpapa-victim rin daw si Jon.

Silipin ang mga komento nila dito:

“Sana magkaayos pa sila pero Jon magseryoso ka na dahil kawawa si Jelai sayo!”

“So insincere.. siya pa talaga nagbibigay ng kondisyon eh siya na nga nagloko.”

“Pa victim lang Badger? Ikaw tong nanloko sa ibat ibang babae tapos ngayon sadboi ka pa.”

Read More: “Bimby is not gay”- James Yap, Nag-React sa Bali-Balitang Kumakalat Tungkol sa Anak na si Bimby

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Trending