Connect with us

news

“Hindi kami nagnakaw”- Mga Babaeng Na-Bash Matapos Manlimas ng Isang Community Pantry, Nagsalita na!

Published

on

Sa kalagitnaan ng pandemic, nauso ngayon ang mga community pantries sa iba’t-ibang lugar. Sa tulong ng mga donasyon gaya ng pagkain at basic necessities, nagkaroon ng pagkakataon ang mga naghihikahos sa buhay na makaraos. Bukas ang community pantry para sa lahat ng pamilyang nangangailangan. Ngunit may mga tao pa ring sinasamantala ito.

Gaya na lamang ng mga babaeng ito na kamakailan lang ay nag-viral sa social media. Nakuhaan sa camera ng isang concerned citizen ang ginawang panlilimas ng mga babaeng ito sa isang community pantry sa Barangay Kapitolyo, Pasig City noong April 19. Halos maubos ang laman ng pantry dahil kinuha ito ng mga babae.

Read More: Babae na ‘Doble Kara,’ Nilalayuan ng mga Ka-Chat Dahil sa Kanyang Kakaibang Mukha

Agad namang nag-viral sa social media ang pangyayaring ito. Maraming netizens ang nag-iwan ng di magandang komento dahil sa asal ng mga babae na nakunan pa ng camera. Kamakailan lang, nagpaunlak naman sila ng interview sa “24 Oras” upang ipaliwanag ang kanilang ginawa.

“Bago kami kumuha, nagtanong pa kami. Ang sabi pa sa amin ng tanod doon, ‘O, sige, okey lang.’ Sabi din sa amin ng may-ari na okey lang. Para naman ‘yan sa karamihan. So pag-uwi namin, namahagi din kami. Pasensiya na din po kasi nga ganoon nga yung naging asal namin, pero lilinawin namin po sa kanila na hindi kami nagnakaw.”

Nilinaw rin ng dalawang babae na hindi nila sinarili ang mga kinuha nila sa community pantry. Ipinamahagi rin daw nila iyon sa kanilang mga kapitbahay na naghihikahos. Ayon pa sa kanila, nasasaktan rin daw sila sa mga komentong natatanggap nila sa social media dahil hindi naman talaga alam ng mga netizens ang totoong pangyayari.

“Siyempre, nasasaktan po kasi kakaunti lang po din ‘yon. Kaya po namin isoli ‘yon kung ganyan lang din po na ilalabas nila sa social media. Yung kasamahan po namin, masyado na siyang bina-bash na hindi naman po talaga nila alam ang totoo,” dagdag pa nito.

Read Also: Misis ng Sundalo, Naging Emosyonal sa Nadiskubre Niya sa Laptop ng Kanyang Namayapang Asawa!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Local

“Abo na ang asawa ko”- Buong Miyembro ng Pamilyang Ito, Nag-Positibo sa COVID-19

Published

on

Sa gitna ng COVID-19 pandemic, milyon-milyong buhay ang nawala dahil sa virus. Lalo na sa Pilipinas, kung saan patuloy na tumataas ang cases ng COVID-19. Napakasakit isipin na maraming pamilya ang hindi na buo dahil sa virus na ito. Kamakailan lang, isang pari ang nagbahagi ng nakakalungkot na kwento ng pamilyang ito sa social media.

Ayon kay Father Marlito Ocon SJ, isang buntis ang nagpa-admit sa Philippine General Hospital dahil manganganak na ito. Mag-isa lamang ang nanay at naiwan ang asawa niya sa bahay dahil may sakit ito.

Matapos niyang manganak, nalaman ng mga doktor na nagpositibo rin ang nanay at ang kanyang bagong-silang na sanggol sa COVID-19.

Read More: “Kung gusto mo ko ipaaresto, go ahead”- Jon Gutierrez, May Huling Mensahe kay Jelai

“A young pregnant mother brought herself alone to PGH ER when she started to labor. She left her husband at home because he had fever and was coughing but they never thought it was COVID-19. While she and her baby were still fighting and struggling for life, news broke out that her husband died of COVID-19 at home.”

Matapos malaman ng misis na pumanaw na ang kanyang asawa, labis ang hinagpis nito. Lumapit rin siya kay Father Marlito upang maglabas ng kanyang hinaing.

Ayon sa babae, may isa pa silang anak na naiwan sa bahay, at nakakalungkot na hindi na masisilayan ng mister niya ang kanilang pangalawang anak.

“Sabi niya, ‘Ang lungkot Father, wala na akong asawang mauuwian, abo na ang asawa ko. Di man lang kami nagkausap, di ko man lang maibalita na may 2nd baby na kami, di man lang sila nagkita ng anak namin.’ I have no words because I know that any words can’t explain why horrible things like this happened.”

Nagbigay naman ng words of wisdom ang pari tungkol sa malungkot na trahedyang ito. Ayon kay Father Marlito, halos lahat tayo ay mayroong mabigat na pinagdadaanan sa mga panahong ito. Ang tanging makakapag-comfort sa atin ay ang pananalig sa maykapal.

Read More: “Parang pang-hotel sa sosyal”- Netizens, Napa-“Wow” sa Garden ni Cheska Garcia!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Local

“Tiis Ganda”- Babaeng Nagpakabit ng Eyelash Extension, Muntik ng Mabulag Matapos Mamaga ang Mata!

Published

on

Karamihan sa atin ay mahilig magpaganda. Upang ma-achieve ang ating mga goals, willing rin tayong mag-try ng kung ano-anong procedure gaya na lamang ng nauusong eyelash extension ngayon. Kung nais mong pahabain ang iyong mga pilikmata ng hindi gumagamit ng mascara, maaari mong subukan ang eyelash extension, ngunit mag-iingat ka lamang dahil baka matulad ka sa mga ito.

Kamakailan lang, na-feature sa “Kapuso Mo, Jessica Soho” ang kwento ng mga dalagitang ito na nagpa-eyelash extension. Ngunit sa kasamaang palad, nakaranas sila ng masalimuot na side effects dahil sa hindi maayos na pagkakabit ng mga eyelashes. Dahil dito, namaga ang kanilang mata, at kinailangan pang ma-operahan ng isa.

Read More: Maui Taylor, Nag-Viral Matapos Sagutin ang Lalaking Nambastos sa Kanya Online!

Isa na sa kanila si Nicka. Ayon sa kanya, nagpakabit siya ng eyelash extension na nagkakahalaga ng P100 sa kanyang kapitbahay. Ngunit hindi nagtagal, humapdi ang kanyang mata matapos malagyan ng glue ang kanyang talukap. Agad rin daw niyang pinatanggal ito.

“Gusto ko sana gumanda yung pilik-mata ko. Kaya ko naisipang magpa-eyelash extensions. Kaso, pagkabit ng eyelash, ang bigat na ng pakiramdam ko.

“Yung mata ko, namula! Nagbuhol-buhol na rin yung pilik mata ko. Hanggang sa yung mata ko, lumobo na parang may nana sa loob. Tapos unti-unti nang natatanggal yung pilik-mata ko, hanggang sa makalabo na ng tuluyan.”

Ayon naman kay Kimberly, matapos magpalagay ay agad siyang nakaranas ng kirot. Dumating sa punto na namaga ng tuluyan ang kanyang mata, hanggang sa hindi na niya ito maimulat. Kinailangan niyang pumunta mismo sa ospital upang matanggal ang nana na namuo dito.

“Gusto ko po kasi ibalik yung confidence ko sa sarili. Kaya naisipan kong magpa-eyelash extensions. Nung pagkakabit, sobrang hapdi. Sobrang sakit niya. Yung mata ko, namaga na. Mangiyak-ngiyak po ako sa sobrang sakit. Pulang-pula na yung mata ko. Natakot ako kasi baka kung ano ang mangyari sa mata ko.”

Sa kabilang banda, nagbabala naman ang mga eksperto na maging mapanuri at maingat sa ganitong klaseng procedure. Kung nagbabalak na magpakabit ng eyelash extension, mas makabubuting siguraduhin na professional ang magkakabit upang maiwasan ang mga ganitong pangyayari.

Read Also: Batang Siyam na Taong Gulang, Nagta-Trabaho Bilang Mascot Para Makatulong sa Kanyang Pamilya

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Local

Babae na ‘Doble Kara,’ Nilalayuan ng mga Ka-Chat Dahil sa Kanyang Kakaibang Mukha

Published

on

Isang kakaibang kwento ang ibinahagi sa programang “Kapuso Mo, Jessica Soho” noong nakaraang linggo. Tampok ang kwento ng dalagitang si Charina. Mabigat ang pinagdaraanan ni Charina dahil sa kanyang kakaibang kondisyon. Kaya naman mula pagkabata, napansin ni Charina na lagi na lamang siyang nilalayuan ng mga taon.

Bata pa lamang si Charina ay naaksidente ito. Magmula noon, napansin na rin niya na may kakaibang nangyayari sa kalahating bahagi ng kanyang mukha.

Nahihirapan na siyang igalaw ito, hanggang sa unti-unti na itong lumiit. Maging ang pandinig at pagkain niya ay apekto dahil sa kondisyon niya.

Read More: Haba ng Hair! China Roces, Kinilig sa Bagong Surprise sa Kanya ni Mr. Anonymous

“Mahina din pandinig ko. Hirap po ako kumain. Nasasaktan din ako dahil ganito ako tapos ang ibang mga kapatid ko- naiingit ako dahil sila, nagugustuhan sila agad, ako hindi. Yumuyuko rin ako minsan. Tumatahimik na lang ako para hindi na lumaki. Nu’ng bata pa ako, tinatakpan ko ang aking mukha kapag umaalis kami.”

Ayon kay Charina, naranasan na niyang mabully dahil sa kanyang kaanyuan. At tuwing nakikipag-meet up siya sa mga ka-chat niya online, bigla na lamang siyang iniiwasan ng mga ito. Dahil dito, hindi mapigilang maapektuhan ang confidence niya sa kanyang sarili.

Base sa diagnosis ng mga doktor na tumingin sa kanya, walang kinalaman ang aksidente ni Charina sa kanyang kondisyon.

Napag-alamang mayroon siyang progressive hemifacial atrophy, o mas kilala sa tawag na Rosberg disease. Hindi ito nakakamatay, ngunit unti-unting kinakain nito ang tissue sa kanang bahagi ng mukha ni Charina.

Maaari rin daw itong maisaayos ng reconstructive surgery, ngunit tinatayang aabot sa P500,000 hanggang P1,000,000 ang aabutin ng operasyon.

Sa kabila ng lahat, hindi naman nawawalan ng pag-asa si Charina. Ayon sa dalaga, marami pa siyang pangarap para sa kanyang pamilya kaya naman magpupursigi siya, “Marami akong pangarap na makapagtrabaho ako para sa aking pamilya. Gusto ko magtrabaho sa abroad, maging nars.”

Read More: Mga Batang Musmos sa Kalye, Walang Pambili ng Pagkain Ngunit May Pang-Yosi!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Trending