Connect with us

celebrities

Gretchen Barretto, Napahiya nga ba Matapos Palayasin ang Matandang Babaeng Ito sa Elevator?

Published

on

Bahagi na ng buhay ng isang artista ang pagiging sangkot sa mga kontrobersya. Dahil ang mga celebrities ay laging nasa mata ng publiko, hindi na rin nakakapagtaka kung bakit lagi silang napapalibutan ng mga isyu. Sa showbiz industry sa Pilipinas, marami ring sikat na urban legends tungkol sa ating mga sikat na personalidad.

Kabilang na sa kanila ay ang beteranang aktres na si Gretchen Barretto. Sa ilang dekada ni Gretchen sa industriya ng showbiz, marami na rin itong kinaharap na kontrobersya. Ngunit isa na marahil sa pinakasikat na isyu ay ang ‘elevator incident,’ kung saan di umano ay napahiya ang aktres.

Read More: “Sobrang sarap, every night may swab test”- Alex, Ibinuking ang Intimate Moments Nila ni Mikee

Ayon sa sikat na urban legend na ito, napahiya si La Greta matapos di umanong tarayan ang isang babae na nakasabay niya sa elevator. Naganap raw ang insidenteng ito noong December 2004. Ayon sa kwento, dumating si Gretchen sa RCBC Plaza building sa Makati City. Lagi raw nagpupunta ang aktres doon para sa kanyang regular spa schedule.

Base sa kwento, nagdisplay umano si Gretchen ng ‘diva attitude’ sa isang babaeng nakasabay niya. Tuwing umaalis si Gretchen ay lagi itong may kasamang apat na bodyguards, kaya naman preferred daw ni La Greta na wala silang kasama sa elevator. Ngunit noong araw na iyon, may isang babaeng sumakay sa elevator kasabay ni Greta.

Sinabihan raw ni Gretchen ang kanyang guard na,” Guard, can you tell this old lady to step out of the elevator?” Ngunit bigla na lamang daw nagulat si Gretchen nang sagutin siya ng babae: “Guard, tell this social climber to step out of my building.” Ayon sa kwento, ito raw pala ang may-ari ng building.

Ilang beses na ring tinanggi ni Gretchen ang mga paratang na ito. Ayon sa beteranang aktres, walang katotohanan ang mga kumakalat na balita at hindi niya alam kung anong pinagmulan ng kontrobersyang ito.

Read Also: “He made fun of me”- Donnalyn Bartolome, Ibinuking ang Male Personality na Nakaaway Niya Dati

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

celebrities

Nakatakdang Kasalan ni Carla Abellana at Tom Rodriguez, May Petsa na!

Published

on

Talagang wala nang makakapigil sa pag-iisang dibdib ng celebrity couple na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez! Matatandaang noong nakaraang taon lamang nang mag-propose ang Kapuso actor sa kanyang long-time girlfriend. Kamakailan lang, ibinahagi ng Facebook page ng “Parokya ni San Guillermo” ang wedding bann ng dalawa.

Nag-viral sa social media ang wedding announcement ng dalawa. Ayon sa post, nakatakda na ang araw ng kasal ng dalawa sa October 23, 2021. Gaganapin ito sa Madre de Dios Chapel sa Tagaytay. Agad namang kumalat sa Facebook ang wedding bann na ito, at maraming netizens ang talagang kinilig.

Read More: Tekla at Marco, Napikon kay Donnalyn Dahil sa Umano’y ‘Unfair Rules’ Nito sa Pool Challenge!

Agad namang ipinaliwanag ng Kapuso actress ang dahilan ng kanilang wedding bann. Sa Instagram, ipinahayag ni Carla na isa itong requirement sa lahat ng ikakasal na Katoliko. Inaanunsyo sa publiko ang pangalan ng mga ikakasal. Sa ganitong paraan, malalaman rin daw kung mayroon bang hadlang o tutol sa kasalan ng mag-asawa.

“Hello everyone! A wedding bann is a church requirement for Catholics getting married in any and all Catholic churches in the Philippines. It is a necessary step to be able to secure a wedding permit, proclaiming an intention of marriage with the object that persons aware of any impediment to the marriage may make their objection known.”

Matatandaang noong Marso ay ibinahagi ng Kapuso actor na nag-propose na siya sa kanyang girlfriend of six years. Nitong nakaraang taon lamang ay naghanda si Tom ng isang simple ngunit memorableng proposal para kay Carla, ayon sa post niya sa Instagram. Ibinigay naman ng aktres ang kanyang matamis na oo, kaya’t officially engaged na sila ngayon!

Ayon sa Nice Print Photography, na siyang official photographer sa proposal nila Tom at Carla, naganap ang proposal noong October 2020. Talaga namang maiging pinag-isipan ni Tom ang kanyang wedding proposal. Ginanap ito sa isang garden na venue, kung saan napapalibutan ang couple ng romantic white roses.

Read Also: Sharon Cuneta, Emosyonal na Namaalam sa Kanyang Pamilya Upang Magpalakas Abroad

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

celebrities

Sharon Cuneta, Emosyonal na Namaalam sa Kanyang Pamilya Upang Magpalakas Abroad

Published

on

Sa kalagitnaan ng pandemic, lahat tayo ay mayroong pinagdadaanan. Mahirap man o mayaman, may kanya-kanya tayong pagsubok na kinakaharap, at minsan ay kailangan lang natin magpakalayo-layo para muling makahanap ng lakas. Ito rin ang dahilan kung bakit pansamantalang umalis si Megastar Sharon Cuneta sa Pilipinas.

Kamakailan lang, ibinahagi ni Sharon ang kanyang emosyonal na pamamaalam sa kanyang pamilya bago siya pumunta sa Los Angeles, California. Labis niyang mamimiss ang kanyang pamilya na sina Sen. Kiko Pangilinan at ang mga anak nilang sina Frankie, Miel, at Miguel Pangilinan.

Read More: “Start fresh”- Jennica Garcia, Binenta na ang mga Gamit na Naipundar Nila ni Alwyn Uytingco

Sa Instagram, makikita ang mahigpit na yakap ni Sharon sa kanyang mga anak. Nagbahagi rin siya ng kanyang farewell selfie sa airport, kung saan makikitang nakasuot ang Megastar ng hoodie, face mask, at face shield.

Ayon kay Sharon, labis niyang mami-miss ang kanyang pamilya habang nasa California na siya. Nilinaw ni Sharon na ang kanyang pamilya pa rin ang magsisilbing totoong tahanan niya, ngunit kailangan niya lang muna magpalakas. Hindi naman nilinaw ng beteranang star ang totoong dahilan ng paglisan niya.

“Praying and saying bye to my family. I’m going home. Of course my real home, where my heart is, is where my husband and children are. But tonight I am flying home to my Mommy’s Gramps’ country, where only my eldest and I are legal residents. I need to breathe, collect myself, gain strength. Love you all and will miss you guys.”

Maraming fans naman ang siguradong makakamiss kay Sharon. Isa siya sa mga celebrity judges ng talent search program na “Your Face Sounds Familiar” sa ABS-CBN. Sa kabilang banda, hindi naman ibinunyag ng Megastar kung long-term ba o pansamantala lamang ang balak niyang pamamalagi sa California.

Read More: Mommy Pinty, Naging Emosyonal Matapos Alalahanin ang Pag-Aagaw Buhay ni Toni

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

celebrities

“Start fresh”- Jennica Garcia, Binenta na ang mga Gamit na Naipundar Nila ni Alwyn Uytingco

Published

on

Wala na nga bang pag-asang magkabalikan ang celebrity couple na sina Jennica Garcia at Alwyn Uytingco? Yan ang tanong na bumabagabag sa mga fans matapos ang hiwalayan ng dalawa na naging usap-usapan sa social media. Matatandaang noon Abril ay napabalita ang hiwalayan ng dalawa matapos umalis si Jennica sa bahay kasama ang kanilang dalawang anak.

Ayon sa ninang ni Jennica na si Cristy Fermin, hindi na nagsasama sa iisang bubong pa ang mag-asawa matapos umalis ni Jennica.

Dagdag pa nito, kasalukuyang nagre-rent ang mag-iina ng condo unit. Naiwan naman sa kanilang tahanan si Alwyn, na nananatiling tahimik tungkol sa kanilang hiwalayang mag-asawa.

Read More: “Ang mga savings naghihingalo na”- Robin Padilla, Aminadong Nagalaw na ang Savings ng mga Anak Dahil sa Pandemic

Kamakailan lang, nag-anunsyo rin si Jennica sa Facebook at Instagram na magbebenta na siya ng kanilang mga gamit.

Ayon sa dating aktres, hindi na niya dadalhin sa kanilang bagong unit ang mga furniture at iba pang gamit pambahay, kaya naman ibebenta niya na lang ito sa live-selling niya sa Facebook.

“Break po tayo sa pag tinda ng 6PM magpapatulog lang po ng mga bata then LIVE AGAIN ng 9PM on my Facebook Page: Jennica Garcia. Marami po ito gawa ng ayoko na po sana dalhin pa sa lilipatan namin na unit ng mga bata. Start fresh ika-nga. Hanep! Naka hugowt pa sa morning. Sana sold out po ulit tayo ha? See you.”

Dagdag pa ni Jennica, kaya niya binitawan ang mga gamit na naipundar nila ni Alwyn ay para magkaroon rin sila ng fresh start ng mga bata. Dahil dito, maraming fans ang nabahala na baka malabo na ang magkabalikan pa ang mag-asawa.

Sa kanyang nagdaang interview kasama si Cristy Fermin, hindi rin inamin ni Jennica ang dahilan ng kanilang hiwalayan. Ayon sa dating aktres, sa ngayon ay mas gusto muna nilang gawing pribado ang kanilang isyu at saka na lamang mago-open up kapag ready na sila.

Read Also: Alexa Ilacada, Nais Magpa-Psychiatrist Dahil sa Kanyang mga Pinagdadaanan Ngayong Pandemic

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Trending