Connect with us

celebrities

Angelica Panganiban, Aminadong Mas Masaya na sa Piling ng Kanyang Non-Showbiz Boyfriend na Isa ring Businessman

Published

on

Mukhang ang 2021 ay taon para sa mga ‘jowa reveal.’ Nitong January lamang ay kinumpirma ng aktres na si Angelica Panganiban na mayroon ng lalaking nagpapatibok sa puso niya. Ilang buwan na ring nagtataka ang mga netizens kung sino ang mystery guy na kasama ni Angge sa isang exclusive resort sa Subic. Matapos ang matagal na paghihintay, sa wakas ay nakilala na rin nila ito!

Noong New Year’s day ay ibinahagi ni Angelica na official na ang kanilang relasyon ng kanyang non-showbiz partner na si Gregg Homan.

Isang successful na businessman si Gregg, at mukhang vina-value rin nito ang kaniyang privacy. Ayon kay Angelica, tunay na masaya at komportable sya sa piling ni Gregg.

Read also: Andi Eigenmann, Proud sa Mag-Amang si Ellie at Jake Matapos Bumida sa Isang Magazine

Sa kanyang interview, ibinahagi ni Angelica ang simula ng kanilang romace. Noong una raw ay naging magkaibigan muna sila ni Gregg, hanggang sa mas nakilala nila ang isa’t isa. Hindi nagtagal at nagka-aminan na ang dalawa sa feelings nila, at doon na rin daw nagsimula ang kanilang relasyon.

“Parang ayoko rin naman ipagdamot yung happiness na meron ako ngayon. So sa simpleng bagay na ganun, kahit papaano siguro nai-share ko at naipakita ko sa mga tao na, ‘Uy si Bakla masya na.’ So magbunyi kayong lahat, ganun. Kilala nyo rin naman ako, sobrang simple ko rin na tao,” pahayag ni Angelica sa kanyang interview.

Noong una, mas pinili raw ni Angelica na gawing private ang kanilang relasyon. Sa tagal na niya sa showbiz, kabisado na rin daw ng aktres ang maaring maging reaksyon ng publiko. Dahil dito, mas minabuti niyang isikreto ang kanilang relasyon noong una upang mailayo ang kanyang non-showbiz boyfriend mula sa mga kontrobersya.

“Siyempre dumating na rin ako sa point na gusto mong maging kung ano yung private, eh sana manatiling private na lang. Kasi minsan hindi mo nakikita yung point tapos gumugulo kapag mas marami ang nakikisawsaw na mga tao.

Gusto mo ring respetuhin yung privacy niya, di ba? Kaya lang, artista ako so mahirap din naman na ipagdamot yun sa mga tao.”

Read also: Doktor, Ginulat ang Judge Matapos Umattend ng Hearing sa Zoom Habang Nasa Gitna ng Operasyon!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

celebrities

Buknoy Glamur, Haharap ng Patong-Patong na Kaso Dahil sa Mapanirang Statement Nito Kay Awra at Vice Ganda

Published

on

Hanggang ngayon ay hindi pa rin natatapos ang iringan sa pagitan ng social media influencer na si Buknoy Glamur at ng Kapamilya star na si Awra Briguela. Matatandaang noong nakaraang taon ay pumutok ang isyu tungkol sa di umano’y love triangle issue ng dalawa sa social media. Hanggang ngayon, mukhang wala pa ring ceasefire na magaganap sa pagitan ni Awra at Buknoy.

Sa katunayan, mas lalo lamang lumala ang sitwasyon matapos magsalita si Buknoy Glamur. Kamakailan lang, maraming netizens ang nag-react matapos i-impersonate ni Buknoy si Awra sa kanyang TikTok live.

Habang ginagaya ni Buknoy si Awra, nagbitaw rin ito ng mabigat na akusasyon, kung saan maging si Vice Ganda at boyfriend nitong si Ion Perez ay nadamay.

Read More: Lalaki, Nagulat Matapos Makakita ng Mapanganib na Ahas sa Loob ng Grocery Bag Niya!

“Nalaos ako kasi binitawan ako ni Meme, akala mo naman mamahalin siya ni Ion. Di niya alam pineperahan lang siya! Mas gusto nga ako ni Ion eh, nagalaw na niya ako sa Showtime dressing room, sa dressing room number 5 at hindi ako nako-konsensya,” pahayag ni Buknoy habang ginagaya si Awra.

Dahil dito, maraming netizens ang agad na nag-react. Ayon sa kanila, ‘below the belt’ na ang pang-iinsulto ng social media influencer dahil maging mga taong walang kinalaman sa kanilang iringan ay nadadamay na. Matapos mag-viral ang video ng statement ni Buknoy, nag-desisyon si Awra na wag na itong patulan.

Sa halip, nagtulungan sila ni Vice Ganda upang maaksyunan sa legal na paraan ang di umano’y paninira ni Buknoy. Ito ang statement ni Awra sa kanyang Twitter account:

“Ang assurance ko lang talaga is nag-reply na si Meme, and then ang sabi niya lang sakin. “I will talk to my lawyers about this, relax ka lang diyan. Chill ka lang.” Madami din kaming pinag-usapan ni Meme, still yun lang yung assurance na mabibigay ko sa inyo na aware na si Meme sa nangyayari.”

Bukod pa dito, nakiusap rin si Awra sa mga netizens na itigil na ang pangba-bash at pagsasabi ng masasamang salita kay Buknoy.

Read More: Larawan ng Electrician, Nagpaantig sa mga Netizens Matapos Malaman Kung Bakit Siya May Suot na Costume!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

celebrities

Kilalanin ang mga Artistahing Anak ni Ina Raymundo: Sino Kaya sa Kanila ang Papasok sa Showbiz?

Published

on

Isa si Ina Raymundo sa mga hinahangaang beteranang aktres sa industriya ng showbiz. Sa ilang dekada niyang pagiging artista, bumida na rin si Ina sa maraming pelikula at teleserye. Ngunit hindi maipagkakailang mas lalong gumaganda at nagiging blooming ang aktres habang nagkaka-edad siya! Sa kanyang edad na 45, hindi mo aakalaing lima na rin ang anak ni Ina.

Taong 2003 nang ikasal ang Pinay actress sa kanyang long-time boyfriend, isang Ukranian-Canadian businessman na si Brian Poturnak. Hindi nagtagal at biniyayaan ang dalawa ng limang anak. Mukhang nasa dugo na nila ang magandang lahi, at pati mga anak ni Ina ay namana rin ito!

Read More: Kilalanin ang Tinaguriang “World’s Most Beautiful Woman and Most Expensive Model” na Galing pa sa Sudan!

Talaga nga namang namana ng mga anak ni Ina ang kanyang pagiging artistahin. Kaya naman hindi na rin nakakapagtaka kung bakit sila sumikat sa social media, gaya ng kanilang nanay.

Ang panganay nila ay si Erika, na edad 20 na. Sinundan naman siya ni Jakob, na 15 taong gulang. Sumunod naman si Miakela, 11, Anika, 9, at ang kanilang bunso na si Minka, 6.

Noong 2019, nag-celebrate ng kanyang 18th birthday ang panganay ng mag-asawa na si Erika. Nagkaroon din siya ng sizzling photo shoot, kung saan ipinakita ni Erika ang galing niya sa pagmomodel. Ngunit kahit pa isa na siyang ganap na dalaga, para kay Ina ay ito pa rin ang baby girl niya.

“Dad and I are still a bit in denial that you turn 18 today. We remember vividly the day you were born. The hospital in Vancouver forgot to give me an epidural so you were the most alert of all. That smirk, with your Angelina Jolie lips, you gave us the first time we held you in our arms… unforgettable.”

Kagaya ng kanyang nanay, unti-unti na ring nakikilala sa mundo ng showbiz si Erika. Mukhang may balak rin itong sundan ang yapak ng kanyang nanay, na dati’y isa sa mga pinakasikat na aktres sa showbiz.

Sa katunayan, maraming netizens ang nagsasabi na kamukha ni Erika ang kanyang mommy noong kabataan nito.

Read Also: Babaeng Naharang sa Checkpoint, Pinakasalan ang Pulis na Sumita sa Kanya!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.

Continue Reading

celebrities

Donnalyn Bartolome, Nag-Explain Kung Bakit Mas Pinipili Niya si Zeinab Kaysa Kay Jelai!

Published

on

Kamakailan lamang ay muli na namang nagbahagi ng panibagong vlog ang ‘social media goddess’ na si Donnalyn Bartolome. Sa kanyang vlog na pinamagatang “Sagot o Lagot,” sinagot ni Donnalyn ang mga nakaka-intrigang tanong sa kanya ng mga netizens. Nakatanggap si Donnalyn ng mga tanong tungkol sa kanyang personal na love life, career, at mga kaibigan niya.

Kung matagal ka nang nakasubaybay kay Donnalyn, malamang ay alam mo rin na parte siya ng trio na DoLaiNab, kung saan kasama niya si Jelai Andres at Zeinab Harake.

Kapwa mga social media influencers ang tatlo, at madalas rin silang magsama sa kani-kanilang mga vlog. Talagang hindi maipagkakailang malapit sila sa isa’t-isa.

Read More: “Sobrang sarap, every night may swab test”- Alex, Ibinuking ang Intimate Moments Nila ni Mikee

Sa katunayan, ilang taon na rin simula nang maging magkaibigan ang tatlo. Kaya naman naisipan ng mga netizens na tanungin si Donnalyn kung sino ang pipiliin niya sa dalawa.

Kanino nga ba siya mas malapit, kay Zeinab o kay Jelai? Nagulat naman ang mga netizens sa kanyang sagot.

Noong una, mukhang nag-aalinlangan pa si Donnalyn na sagutin ang tanong na ito. Isa sa mga rules ng kanyang game ay iinumin niya ang kakaibang inumin sa harap niya kung ayaw niyang sagutin ang tanong. Ngunit sa pagkakataong ito, mas pinili ni Donna sa sagutin ito at sinabi niyang si Zeinab ang pinipili niya.

Ayon sa kanya, pantay lamang ang pagmamahal niya para sa kanyang dalawang kaibigan. Ngunit kaya naman niya pinili si Zeinab ay dahil sa kanyang nakaraang vlog, nauna na niyang pinili si Jelai. Kaya para kay Donnalyn, pagkakataon naman upang piliin niya si Zeinab, na pinakabata sa kanilang tatlo.

Sa kabilang banda, kamakailan lang ay ibinahagi ni Zeinab Harake sa social media ang kanyang nakakabighaning maternity pictorial. Nag-ala Disney princess si Zeinab sa kanyang photo shoot

Ilang buwan na lamang at ipapanganak na ni Zeinab ang kanyang anak sa kanyang boyfriend na si Skusta Clee.

Read Also: “He made fun of me”- Donnalyn Bartolome, Ibinuking ang Male Personality na Nakaaway Niya Dati

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.

Continue Reading

Trending