Connect with us

Inspiring

“Wala po kasi siyang handa”- Magkakaibigan, Nag-Ambagan Upang Sorpresahin ang Kanilang Tropa sa Birthday Nito!

Published

on

Ika nga ng kasabihan, ang tapat na kaibigan ay isang kayamanan! Sa panahon ngayon, mahirap nang makahanap ng kaibigan na hindi ka iiwan kahit pa mahirap ang pagkakataon. Kaya kung nakahanap ka ng ganitong klaseng kaibigan, wag mo na itong bibitawan pa! Ito rin ang dahilan kung bakit agad nag-viral ang nakakaantig na kwento ng mga batang magkakaibigan na ito sa social media.

Kamakailan lang ay nag-trending sa Facebook ang magkakaibigan na ito. Magdiriwang na ng kanyang ika-11 na birthday ang isa nilang tropa, kaya naman nagdesisyon sila na sorpresahin ito!

Kahit pa gipit sa pera, nag-ambagan ang mga magkakaibigan upang makabili ng handa para sa kanilang birthday boy na si Biboy.

Read Also: Bata na Kaka-Celebrate Lang ng 2nd Birthday, Binawian ng Buhay Matapos Makuryente Dahil sa Extension Cord

Ayon kay Drayco Linnus Sudaria, isa sa mga magkakabarkada, matagal na nilang pinapaplanuhan ang sorpresang ito. Nais daw nilang pasayahin ang tropa nila, dahil kadalasan tuwing birthday nito ay wala siyang handa dahil na rin sa hirap ng buhay. Kaya naman sa ika-11 na kaarawan niya, nagkaroon sila ng simpleng salo-salo.

“Kasi po, wala po siyang handa sa birthday niya. Kaya nag-ambagan po kami ng kaibigan ko at pinsan ko para ibili siya ng tinapay at cupcake. Nakita namin na masaya talaga siya at na-surprise talaga siya,” pahayag ni Drayco sa kanyang interview sa TV 5.

Naghanda sila ng cupcakes, tinapay, chichirya, pancit canton, at juice para kay Biboy. Nakapiring pa ang mata ng birthday boy nang papuntahin nila ito sa venue. Nang makita ni Biboy ang sorpresa na nakahanda sa kanya, hindi mapigilang maging emosyonal ito!

Mababakas sa mukha ni Biboy ang tuwa sa ginawa ng kanyang mga kaibigan. Sa kabilang banda, maraming netizens naman ang humanga sa pagkakaibigan ng mga batang ito.

Kahit pa kapos sila sa pera, hindi ito naging hadlang upang hindi nila maipadama kay Biboy na mahal nila ito! Na-feature na rin sa iba’t-ibang news outlets ang nakaka-inspire na kwentong ito.

Read also: Masipag na HRM Student, Gumawa ng Sariling Oven Gamit ang Recycled Materials

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Inspiring

Larawan ng Electrician, Nagpaantig sa mga Netizens Matapos Malaman Kung Bakit Siya May Suot na Costume!

Published

on

Lahat ay gagawin ng isang ama para lamang sa kanyang pamilya. Kahit pa mahirap ang buhay, kakayod ito araw gabi para lang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang mga anak. Kadalasan ay handa ring sumabak sa peligro ang mga padre de pamilya para lang kumita ng pera, gaya na lamang ng tatay na ito.

Kamakailan lang, nag-viral sa social media ang larawan ng isang electrician na ito. Makikitang umaakyat ang electrician sa isang poste ng kuryente upang ayusin ang mga kable. Ngunit ang bumihag sa atensyon ng mga netizens ay ang suot nitong tila costume na pakpak.

Read More: OFW sa Dubai, Ibinahagi ang Kanilang Bonggang Pandemic Wedding na Hindi Ginastusan ng Malaki!

Bakit nga ba nakasuot ng costume ang electrician? Iba’t-ibang spekulasyon naman ang kumalat sa social media, ngunit naantig ang puso ng mga netizens matapos malaman ang totoong dahilan dito. Ibinahagi ng nag-post ng larawan na ang pakpak ay bigay pala ng anak ng electrician.

Ayon sa nagpost, tinanong raw ng batang babae kung ano ang trabaho ng kanyang ama. Sinabi naman ng tatay na isa siyang electrician, at nag-aayos siya ng mga kable ng kuryente. Noong una ay natakot daw ang bata para sa kaligtasan ng kanyang ama, ngunit hindi nagtagal ay nakaisip ito ng paraan upang matulungan ang ama.

Nagulat na lang daw ang tatay nang biglang ibigay sa kanya ng kanyang anak ang laruan nitong pakpak. Ginagamit ito ng bata sa kanyang costume, ngunit ayon sa kanya, mukhang mas kailangan ito ng kanyang tatay. Iniisip ng bata na maililigtas ng kanyang pakpak ang tatay niya sakali mang malagay ito sa peligro.

“His young daughter found out what he did for living, so she made him wings so he would be safe. And a good dad will wear his daughter’s wings,” pahayag ng caption ng viral na larawang ito.

Read More: Kilalanin ang mga Artistahing Anak ni Ina Raymundo: Sino Kaya sa Kanila ang Papasok sa Showbiz?

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.

Continue Reading

Inspiring

VIDEO: Batang Lalaki, Emosyonal Habang Sinusubukang Iligtas ng Tuta sa Bingit ng Panganib!

Published

on

Para sa mga pet lovers, hindi lamang basta basta hayop ang kanilang mga alaga. Karamihan ay itinuturing na nilang miyembro ng kanilang pamilya ang mga alagang hayop nila. Kaya naman labis rin ang pagmamahal nila sa mga ito. Dahil bukod sa comfort na naibibigay ng mga alaga nating hayop, naiibsan rin ang kalungkutan na nararamadaman natin tuwing nakikita sila.

Kaya naman kung pet lover ka, paniguradong magiging emosyonal ka sa kwentong ito. Kamakailan lang, nag viral sa social media ang video ng isang batang sinusubukang sagipin ang tuta na ito.

Sa isang video, kitang-kita kung paano mahirapan ang tutang ito sa paglangoy sa kanal. Mabuti na lamang at dumating ang bata upang iligtas ang tuta.

Read Also: Celebrity Friends na Nasira ang Pagkakaibigan Dahil sa Isyu at Kontrobersya

Hindi mapigilang maging emosyonal ng batang lalaki habang sinusubukang iligtas ang tuta. Mahalaga ang bawat segundo, dahil maaaring malunod ang tuta.

Kaya naman lahat na ng paraan ay sinubukan nito. Kumuha rin siya ng dustpan upang masubukang mailigtas ang tuta, na hirap na hirap nang makahinga.

Sa huli ay nagtagumpay silang mailigtas ng tuta. Isang butihing lalaki ang napadaan at nakita ang pangyayari, kaya naman agad agad itong umaksyon upang mailigtas ang kaawa-awang hayop. Nakahinga ito ng maluwag at walang mapaglagyan ng tuwa matapos makitang ligtas na ang aso.

Sa kabilang banda, agad namang nag-viral sa social media ang video na ito. Sa ngayon ay umani na ito ng mahigit 200,000 na reaksyon online. Maraming netizens rin ang talagang namangha sa kabutihang loob ng batang ito.

Ayon sa kanila, bibihira na lamang ang mga taong gaya niya sa panahong ito. Silipin ang mga komento nila dito:

“That puppy is very lucky to have someone to love him so so much. And hats off to the dear kid!”

“The puppy won’t drown. All animals are natural swimmers. But this boy is.”

“Bless his heart! Whoever was recording…this is a video we could have done without seeing!”

Read More: Batang Genius, Napilitang Magbenta ng Medalya Niya Upang May Maipangtawid Gutom Ngayong Pandemic

Ano ang masasabi nyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong komento o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang viral na kwento o latest na balita, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Inspiring

Batang Genius, Napilitang Magbenta ng Medalya Niya Upang May Maipangtawid Gutom Ngayong Pandemic

Published

on

Naranasan mo na rin bang magawaran ng medalya noong ikaw ay nag-aaral pa lamang? Tuwing recognition day, makakatanggap ka ng medalya kapag nagpakita ito ng angking galing sa kahit anong larangan. Para sa isang estudyante, talagang wala ng mas sasarap pa ang makitang mayroong bunga ang iyong pagsisikap. Kaya naman karamihan sa atin ay tinatago at iniingat-ingatan ang ating mga medalya.

Ngunit paminsan-minsan, kailangan rin nating i-let go ang mga importanteng bagay lalo pa’t sa oras ng kagipitan. Ganito ang nangyari sa isang siyam na taong gulang na batang si Kenneth Mendoza.

Sa kabila ng kanyang murang edad, maaga ring namulat si Kenneth sa hirap ng buhay. Lumaki itong matalino at masipag, kaya naman humakot rin ito ng medalya.

Read More: Janella at Markus, Ipinagtanggol si Baby Jude Mula sa mga Cyberbullying na Natatanggap Nito Online

Sa katunayan, umaapaw ang medalya ni Kenneth na natatanggap niya dahil sa kanyang kasipagan! Itinatago ng kanyang nanay ang karamihan sa mga ito, samantalang dini-display naman nila ang iba dahil proud sila sa kanyang anak. Ngunit dahil sa hirap ng buhay, napilitan silang ibenta ang ibang medalya ni Kenneth.

Sa kalagitnaan ng pandemic, kabilang ang pamilya ni Kenneth sa libo libong taong apektado ng lockdown. Nawalan rin ng trabaho ang kanyang nanay, na isang single mother, kaya naman napilitan silang ibenta ang pinaka-iingat-ingatang medalya ni Kenneth para lamang makaraos sila. Ibinenta niya ito sa social media sa halagang P20 kada piraso.

Nangungupahan lamang ang mag-ina sa isang maliit na kwarto. Matapos mawalan ng trabaho, unti-unting nabaon sa utang ang mag-ina.

Para makatulong sa kanyang nanay, labag man sa lanyang loob ay ibinenta na lamang ni Kenneth ang kanyang mga medals upang magkaroon sila ng panggastos.

“Itong pandemic po sobrang hirap po. Sunod sunod kaming nagkakasakit. Nabaon ako sa utang. Sabi ko nga ayoko magkasakit ang mga anak ko. Syempre nanay ako e, mas masakit sakin yun. Bawal din ako magkasakit, dahil paano sila kung nakahiga ako? Hindi pwedeng umaasa kahit kanino, kailangan babangon ako. Kailangan bumangon,” pahayag ng nanay ni Kenneth.

Sa kabilang banda, maraming netizens naman ang talagang humanga sa kasipagan ng batang ito. Dahil dito, inulan rin sila ng mga tulong mula sa mga good Samaritan. Ayon kay Kenneth, labis niyang na-appreciate ang tulong ng mga netizens sa kanilang mag-ina.

Read More: Rica Peralejo, Sinagot ang Paratang na Unfair Siya sa mga Kasambahay Dahil sa Magkahiwalay Nilang Pagkain

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Trending