Connect with us

Good Vibes

Wais na Guro, Nag-Viral Dahil sa Mala-Birdbox na Oral Recitation sa Online Class!

Published

on

Sa gitna ng pandemic, isa sa mga pagsubok na kinakaharap ng mga estudyante at gura ay ang online learning. Di hamak na mas madaling matuto ang mga bata sa loob ng classroom, ngunit dahil sa banta ng COVID-19, virtual na lamang ang mga lessons nila ngayon. Dahil dito, kanya-kanyang paandar naman ang mga guro upang gawing mas interesting at mas masaya ang kanilang online class.

Isa na sa kanila ay ang college teacher na ito. Si Kerwin Membrado ay isang professor mula sa Saint Francis Xavier College sa San Francisco, Agusan del Sur.

Bilang isang guro, ramdam niya rin na madalas ay nabo-boring ang kanyang mga estudyante sa kanilang virtual class. Kaya naman umisip siya ng paraan upang makuha ang atensyon nila.

Read also: Nanganib ang Buhay ng Batang Ito Matapos Makalunok ng Wire Mula sa Kinakaing Lugaw

Matapos mapanood ang thriller movie na ‘Birdbox’ sa Netflix, nagkaroon ng isang unique na ideya si Professor Kerwin! Ayon sa kanya, na-amaze siya sa movie, kung saan lahat ng mga characters ay nakapiring ang mata upang maging ligtas. Kaya naman napagdesisyunan ng guro na subukan ito sa kanilang virtual class.

Upang ma-challenge ang kanyang mga estudyante, inutusan sila ng guro na magsuot ng piring sa kanilang mga mata habang nag-o-online class.

Agad naman silang sumunod at naglagay ng panyo, towel, at headband sa kanilang mata. Sa ganitong set up, nagkaroon rin ng oral recitation habang lahat ng estudyante niya ay mayroong blindfold.

“Once upon a cold night, i rewatched the Birdbox movie. The following day, i thought of integrating it in my oral recitation for my online class. A former student acknowledged my facebook story, uploaded it here. They were all shocked as the idea was very strange. Hindi nila naisip na may ganung eksena pala.”

Sa kabilang banda, mukhang na-accomplish naman ni Professor Kerwin ang kanyang goal, dahil lahat ng atensyon ng kanyang estudyante ay nakatutok sa kanya. Pinuri naman ng mga netizens ang maparaan at kakaibang pakulo na ito ng guro.

Read also: Artistahing Kapatid ni Alden Richards na si Riza, Bakit nga ba Hindi Sumali sa Showbiz?

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section below. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Good Vibes

Nanay, Nag-Histerikal at Nag-Walk Out Matapos Sorpresahin ng Anak! Ngunit Ito Pala ang Dahilan Niya

Published

on

Papalapit na ang Mother’s day, at marami na naman ang naghahanap ng maipangreregalo sa kanilang mga nanay. Ngayong pandemic, usong-uso rin ang surprise on a wheels na bagay na bagay sa kahit anong okasyon. Ang surprise on wheels ay kumpleto ng flowers, banners, at cake na idedeliver sa sasakyan. Ngunit alam niyo ba na hindi lahat ay natutuwa sa sorpresang ito?

Umani ng iba’t-ibang reaksyon mula sa social media ang viral video na ito. Sinubukang sorpresahin ng anak na ito ang kanyang nanay, ngunit nagulat siya sa reaksyon nito!

Sa video, mapapanood ang nanay na nakikipag-usap sa delivery man. Ngunit hindi niya akalaing may dala pala itong sorpresa para sa kanya!

Read More: Zeinab Harake, Ipinasilip ang Mukha ng Napakacute na Baby Nila ni Skusta Clee

Noong una ay labis na naguguluhan si nanay sa dala ng lalaki. Ngunit nang mabuksan na ang likod ng kotse, saka lumantad ang napakasweet na sorpresa ng anak niya.

Pero hindi naman inaasahan ng mga tao ang reaksyon ni nanay! Imbes na matuwa ay tila nagalit pa ito matapos makita ang sorpresa at napa-walk out mula sa kanyang kausap.

Ngunit matapos mahimasmasan, pumayag na rin si nanay na lumabas at harapin ang sorpresang naghihintay sa kanya. Kahit pa hindi niya ito inaasahan, mababakas naman sa mukha niya ang galak dahil sa ginawang espesyal na sorpresa ng kanyang mga anak.

Sa kabilang banda, maraming netizens ang naaliw sa video na ito. Humanga rin sa attitude ni nanay, dahil makikitang hindi nito sinasamantala ang kabaitan ng kanyang anak. Silipin ang mga komento ng mga netizens dito:

“Proud ako nanay ganito marunong nagtipid at marunong pangalagaan pinaghirapan ng anak ..hind man kita kilala nanay love u hodbless po.”

“Napaiyak ako. naalala ko mama ko at lola ko sa simple achievements tuwang tuwa na sila. Kong nasuprised ko ata sila nabubihay sila masaya din kaya sila.”

“Natakot hala ano ba yan.. Ayaw kong ganyan Sorpresa promise.. Not to blame her coz its really gone shock.. Happy birthday po.. Too much drama!!!”

Read More: Netizens, Naaliw sa Behind-the-Scenes Outfit ni Iya Villania sa “Chika Minute”

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Good Vibes

Netizen, Nadismaya Matapos Makitang Frozen Spaghetti ang Laman ng Ice Cream na Binili Nila sa Supermarket

Published

on

Karamihan sa atin ay nae-excite tuwing may nakikitang ice cream sa loob ng ref! Ngunit pagbukas, talagang nakakadismaya nga naman kung makikita mong isda o ulam lamang ang laman ng icecream. Personal na naranasan ito ng netizeng ito, na nagbahagi ng kamyang karavaan sa social media. Ayon kay Nikki Calalang, nagulat sila sa laman ng icecream tub na ito mula sa grocery!

Bumili ang nanay niya ng isang tub ng ice cream mula sa sang supermarket. Ngunit pag-uwi, laking dismaya ng pamilya matapos makita na iba pala ang laman ng icecream tub!

Imbes na dessert, frozen spaghetti ang laman nito. Agad naman itong pinicturan ni Nikki at ibinahagi sa social media.

Read also: Lalaking May Kapansanan na Laging Pinipintasan Noon, Instant Milyonaryo na Ngayon!

“My mama bought an ice cream at Walter Mart San Fernando. Pagbukas namin, spaghetti yung laman. Legit, I swear hahaha. Hello Walter Mart Supermarket, pa refund gusto ko ng ice cream. Not frozen spaghetti,” pahayag ni Nikki sa kanyang post. Mababakas ang disappointment niya matapos makita ang laman nito.

Agad naman silang bumalik sa supermarket upang mai-report ang insidente. Nang dumating na sila sa customer service, maging ang mga staff daw ay nagulat rin nang malaman na napalitan ang laman ng ice cream tub.

Nangako itong mag-iimbestiga, at binigyan rin nila ang pamilya ng ice cream bilang kapalit ng spaghetti na natanggap nila.

Ayon pa kay Nikki, umasa raw sila na kahit papano ay mayroong complimentary ice cream na matatanggap ang pamilya dahil sa napakahassle na insidenteng ito.

Ngunit wala raw ibinigay ang supermarket, at nais pa nitong ipabura kay Nikki ang post niya na viral na ngayon sa social media.

“We went back, went straight to the Customer Service. Same old, they apologize and replaced the spaghetti with a real ice cream. It was okay. They told us that they’re going to investigate, see who put that there and all that. They asked me to take down the post, I said no. It’s not like we’re mad, it’s just really hilarious.”

Read also: Kathryn, Nagulat sa Sagot ni Daniel Matapos Tanungin Kung May Pinagsisisihan ito sa Relasyon Nila

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section below. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Good Vibes

Delivery Rider, Huminto sa Pagde-Deliver Upang Makapagdasal sa Gitna ng Daan

Published

on

By

Hindi madali ang trabaho ng mga delivery rider. Lalo na sa kalagitnaan ng pandemic, tinataya nila ang kanilang personal na kaligtasan para lamang kumita ng pera at makapag service sa kanilang mga customers. Bilang riders, isa sa mga layunin nila ay maihatid ang produkto nang mabilis sa kanilang mga naghihintay na customers.

Kamakailan lamang ay nag-viral sa social media ang delivery rider na ito. Sa kabila ng kanyang matinding schedule na kinakaharap niya, nagawa pa rin niyang maglaan ng oras para sa mas importanteng bagay. Isang netizen ang nakakita sa rider na ito na nagdadasal!

Read also: Charlie Lozada, Isang Successful Businessman Na! Tuluyan na Ring Kinalimutan ang Asawang Nanloko sa Kanya 

Ayon sa report ng Philippine Star, isang Food Panda rider ang huminto sa kanyang duty upang magdasal. Muslim ang rider, kaya naman inilatag niya ang kanyang prayer mat sa gilid ng daan para makapagdasal siya. Parte ito ng tradisyon sa Islam na pagdadasal ng limang beses sa isang araw.

“A Muslim food delivery rider stopped at a pavement along Zobel Street in Manila to perform a ritual prayer on Monday. Salat, the second Pillar of Islam, is the obligatory prayer performed five times each day by Muslims.”

Sa kabilang banda, agad agad namang nag-trending sa social media ang larawan ng driver na ito. Maraming netizens ang naantig at hinangaan nila ang driver sa malakas na pananampalataya nito. Silipin ang ibang komento nila dito:

“Respect to our Muslim brothers and sisters should be expressed by providing small spaces in buildings and public places for their prayers.”

“I am Catholic, but I salute and give you my full respect tatay! let’s keep that faith!”

“That’s why I really respect our muslim brothers and sisters though I am a Catholic. Their faith and belief are deeper than what we thought.”

Read also: Mala-Resort na Dream House ni Coco Martin, May Sariling Private Cinema sa Loob

Anong masasabi niyo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa baba. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag atubiling mag-like o follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Trending