Connect with us

amazing

Tatay na Halos Magkandakuba sa Pagsasaka, Napagtapos ang Walong Professionals

Published

on

Wala na sigurong mas hihigit pa sa sakripisyo ng isang magulang para sa kanyang mga anak. Lahat ay kaya nilang gawin para lamang mabigyan ang kanilang pamilya ng magandang buhay at kinabukasan. Katulad na lamang ng tatay na ito, na halos magkandakuba na sa pagsasaka para lamang mairaos ang pamilya niya.

Sa kabila ng hirap ng pagsasaka, hindi tumigil ang butihing ama na ito para mairaos ang pamilya niya. At dahil sa pagsasaka, naigapang niya ang pag-aaral ng hindi lang isa, kundi walong mga anak niya! Kaya naman malaki ang pasasalamat sa kanyang ng kanyang mga anak.


Isa sa kanila ay si Jovy Cataraja-Albite, na isa sa mga anak na babae ni Tatay. Sa Facebook, ipinahayag ni Jovy ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa kanyang mga magulang. Ayon kay Jovy, kung hindi dahil sa pagsisikap ng kanilang mga magulang ay hindi nila makakamit ang tagumpay ng mga kapatid niya.

Si Jovy ang panganay sa walong magkakapatid. Hindi naging madali ang buhay nila dahil na rin sa kahirapan. Gayunpaman, tinuruan si Jovy ng kanyang nanay at tatay na magpursigi upang mabago ang kalagayan nila. Parehas na nagsasaka sa bukid ang mga magulang nila.

At dahil sa pagsasaka, unti-unting napagtapos nila Tatay ang kanilang mga anak. Kahit na magkandakuba siya sa kaka-trabaho, hindi niya ito iniinda dahil ang mahalaga ay ang kinabukasan ng pamilya niya. At sa huli ay nasuklian naman ang mga sakripisyo ni tatay!

Ngayon ay mayroon na siyang mga anak na nagtapos ng iba’t-ibang kurso. Mayroong nurse, pulis, architect, marine, accounting staff, civil engineer, teacher, at nautical! Talagang nakakamangha isipin kung paano nairaos ni Tatay na pagtapusin ng iba’t-ibang kurso ang mga anak niya.

Ngayong matanda na si tatay, sila naman ang tinutulungan ng mga anak nila. Panahon na rin ito para makapagpahinga sila at lasapin ang maginhawang buhay. Ayon kay Jovy, napakalaki ng utang na loob nila sa kanilang mga magulang, kaya naman laking pasasalamat nila sa mga ito.


Naantig rin ba kayo sa kwentong ito ng isang tatay na kumakayod para sa kanyang pamilya? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

amazing

Lalaki, Gumastos ng Mahigit P4.1 Milyon Upang Maging Ganap na ‘Dragon Lady’

Published

on

By

Sa panahon ngayon, usong-uso na ang body modification. Kung hindi ka kuntento o masaya sa iyong panlabas na kaanyuan, maaari mo na itong baguhin! Sa tulong ng cosmetic surgery o reassignment procedures, maaari mong baguhin ang iyong itsura. Ngunit dapat bang maglagay ng hangganan dito?

Iyan ang tanong na bumabagabag sa mga tao matapos nilang matunghayan ang kwento ng lalaking ito. Si Tiamat Legion Medusa ay dating lalaki na sumailalim sa maraming cosmetic procedures hindi para maging babae, kundi para maging dragon! Kaya naman nag-viral ang kanyang kwento sa social media.

Read More: Xander Ford, Umani ng Batikos Matapos Tawagin ang Sarili na ‘BTS Jimin’ ng Pinas!

Ayon sa report ng Metro UK, nais ni Tiamat na maging ganap na ‘Dragon Lady.’ Upang ma-achieve ito, gumastos siya ng mahigit sa £61,000 sa iba’t-ibang procedures. Kasama na dito ang pagpapatanggal ng kanyang tenga, pagpapa-tattoo sa buong katawan, at iba pa.

Sa kabila ng kanyang kakaibang anyo, layunin raw ni Tiamat na maging positibong representative ng mga tao na sumasailalim sa body modifications. Nanawagan rin ito sa publiko na wag basta basta manghusga ng tao base lamang sa kanyang panlabas na kaanyuan.

“People think that modified people, especially those who go to great exremes to look like something in a sci-fi film, are losers and dumb as dirt. I want people to know that modified people are just as intelligent, kind, loving, and good as anyone else,” pahayag ni Tiamat, na ipinanganak bilang si Richard Hernandez at dating VP sa isang financial institution.

Taong 1997 nang magsimula siyang sumailalim sa mga procedures, at marami pa daw siyang nais na ipaayos sa kanyang katawan. Kabilang na dito ang tuluyang pagtanggal sa kanyang ari upang makamit niya ang goal niya bilang ‘Dragon Lady.’

Read Also: Pau Fajardo, Aminadong Labis na Nasaktan Nang Malaman ang Balitang Ikinasal na ang Ex na si Scottie Thompson

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

amazing

Lalaki, Tinaguriang “World’s Most Flexible Man” Dahil sa Natatanging Talento Nito

Published

on

Karamihan sa atin ay mayroong unique na katangian at tinatagong talento. Ngunit mayroon ring mga tao na may nakakamanghang abilidad na tanging sila lamang ang makakagawa! Gaya na lamang ng lalaking ito mula sa Ontario, Canada, na kinilala sa buong mundo dahil sa kanyang natatanging talento. Silipin natin ang buhay ni Troy James.

Dahil sa kanyang angking kakaibang galing, tinagurian si Troy bilang “World’s Most Flexible Man.” Maraming fans mula sa iba’t-ibang panig ng mundo ang namangha dahil sa contortions act ni Troy! Sa katunayan, sumali na rin siya sa “America’s Got Talent,” kung saan napanganga ang mga judges sa kanyang performance.

Read More: Silipin ang Sosyal na Celebrity Van ni Ivana na Inabot ng Mahigit Kalahating Milyon!

Ngunit noong bata pa lamang siya, aminado si Troy na naranasan niya ring mabully dahil sa kanyang kakayanan. Kaya naman itinago niya muna ito upang maiwasan ang panunukso ng ibang bata.

Ngunit unti-unti niya rin daw natutunang maging proud sa kanyang abilidad.

“I got super embarrassed, and hid my ability until high school where it suddenly became the coolest thing, and everyone loved it. I have always been this flexible. No training, or practice required. In fact, when I was young I took it for granted, thinking everyone could bend their body like I could – that it wasn’t abnormal,” pahayag ni Troy sa isang interview.

Kahit hindi man pinalad si Troy na maitampok bilang champion ng “America’s Got Talent,” unti-unti namang sumikat si Troy matapos siyang makasali sa talent search. Matapos ang kanyang AGT stint, nakatanggap ng iba’t-ibang offers si Troy mula sa mga TV shows at pelikula.

Ipinamalas ni Troy ang kanyang natatanging talento sa “The Flash,” “Channel Zero,” “Shadow Hunters,” at “Scary Stories to Tell in the Dark.” Kamakailan lang ay itinampok rin siya ng sikat na vlogger na si “Nightfall” sa Youtube channel nito.

Read More: “Kaya ko ng ipaglaban sarili ko!”- Jelai, May Matapang na Mensahe sa mga Taong Nanakit sa Kanya

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

amazing

Kilalanin ang Tatlong Babaeng Anak ni Sylvester Stallone na Mala-Modelo ang Ganda!

Published

on

By

Kilala ang si Sylvester Stallone sa kanyang mga legendary na pelikula sa Hollywood. Bukod sa pagiging action star, hinangaraan rin si Stallone sa pagiging writer at director. Dahil dito, hindi na nakakapagtaka kung bakit artistahin din ang mga anak niya! Katulad ni Stallone, marami ring taga-hanga ang tatlong dalagang anak niya dahil sa mala-modelo nilang ganda.

Nagkaroon ng tatlong anak na babae si Stallone sa kanyang pangatlong asawang si Jennifer. Ipinanganak si Sophia noong 1996, na sinundan ni Sistine noong 1998, at ng bunsong si Scarlet noong 2002.

Simula sa pagkabata, ipinaramdam na ni Stallone ang kanyang labis na pagmamahal at suporta sa kanyang mga anak.

Ang panganay na si Sophia ay isang estudyante na nag-aaral sa USC, at miyembro rin ng Gamma sorrority. Ayon sa kanyang nanay na si Jennifer Flavin, mahilig magbasa si Sophia at mahilig rin itong manood ng mga pelikula.

Si Sistine naman ay isang modelo, at laging nag-i-stand out dahil sa kanyang galing sa pananamit! Ang bunsong si Scarlet naman ay isang athlete at runner.

Ngunit kahit pa iba’t-iba ang kanilang personalidad, may isang common ground ang tatlong anak ni Stallone. Pare-parehas silang sikat sa social media, at maraming fans ang nag-aabang ng kanilang updates!

Kadalasan ring nagpo-post ng iba’t-ibang larawan si Sophia, Sistine, at Scarlet sa Instagram.

Matatandaang noong 74th Golden Globe Awards ng 2017, lahat ng tatlong anak ni Stallone ay tumanggap ng Miss Golden Globe bilang ambassador.

Kahit pa sikat ang kanilang tatay bilang isang artista, low-key pa rin ang pamumuhay ng tatlong magkakapatid. Sa isang interview, ibinahagi ni Stallone na pinalaki nilang mabubuting tao ang kanilang mga anak. Hangga’t maari, nais rin nilang magkaroon ang mga ito ng sariling career bukod sa pag-aartista.

Anong masasabi niyo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa baba. Para sa iba pang kwento, wag mag-atubiling mag-like o follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Trending