Connect with us

Local

Nanganib ang Buhay ng Batang Ito Matapos Makalunok ng Wire Mula sa Kinakaing Lugaw

Published

on

Kadalasan ay ginagamit ang strainer upang matanggal ang mga sabaw sa pagkain si baby. Sa pamamagitan ng pagsala nito, mas makakakain ng maayos ang baby. Ngunit alam niyo ba na maaari pala itong makasama sa inyong anak? Kung ikaw ay gumagamit ng strainer sa pagkain ng iyong baby, mas makabubuting itigil mo na ito dahil may masama pala itong maidudulot sa kalusugan ng iyong anak.

Ito ang mapait na karanasan ng isang nanay na ito. Nangako siya sa sarili niya na hindi na siya muling gagamit ng strainer upang salain ang pagkain ng anak niya.

Binalaan niya rin ang ibang nanay na wag na itong gawin, dahil baka mangyari rin sa mga anak nila ang aksidente na nangyari sa anak niya!

Read also: Artistahing Kapatid ni Alden Richards na si Riza, Bakit nga ba Hindi Sumali sa Showbiz?

Habang sinasala niya ang pagkain, hindi napansin ng nanay na ito na sira na pala ang strainer na gamit niya. Dahil dito, may maliit na stainless na parang sinulid ang nahalo sa lugaw ng kanyang anak! Hindi niya naman napansin na nakain na pala ito ng anak niya, at saka na lamang daw sila nagtaka ng umiyak ito.

Noong una ay hindi nila mawari ang dahilan ng pag-iyak ng bata. Ngunit nang dalhin nila ito sa doktor, saka lamang nila nakita ang totoong rason ng walang-tahan na pag-iyak nito!

Nagsagawa ng x-ray ang doktor, at doon na nila nakita na mayroong tila ba sinulid na nakabara sa lalamunan ng bata. Mabuti na lamang at naagapan nila ito!

Sa tulong ng mga doktor, matagumpay naman nilang natanggal ang nakabara sa lalamunan ng bata. Kung hindi ito agad nakita, paniguradong maaaari pa itong lumala.

Maraming netizens naman ang nag-comment tungkol sa pangyayaring ito. Silipin ang reaksyon nila dito:

“kakatakot nman, dapat lng talaga mag ingat tayo.”

“Kahit po yung staple wire sa paminta at laurel delikado din mahalo sa food.”

“Never used metal material sa kids or babies”

“Hala! Wawa nmn c Baby, seguro grabe lng iyak nian taz di nia p masabi kung saan ang masakit. kya dpat tlga mas ingat tayo”

Read also: RR Enriquez, Halos Nalugi ng P6 Milyon Matapos Bumili ng Isang Truck na Milktea!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section below. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Local

Netizens, Kinilabutan sa Tumpak na Pangitain ni Rudy Baldwin sa Malakas na Pagyanig ng Lupa!

Published

on

By

Noong Sabado, ika-24 ng Hulyo, isang malakas na pagyanig ang naramdaman ng mga residente ng Occidental Mindoro. Ang 6.6 magnitude na lindol ay naitala 16 kilometro mula sa Calatagan, na mayroong lalim na 116 kilometro. Ang malakas na pagyanig ay naramdaman rin sa karatig na lalawigan gaya na lamang ng Cavite at Metro Manila.

Ilang minuto matapos ito, nasundan pa ito ng magnitude 5.5 na aftershock. Dahil sa malakas na pagyanig na ito, maraming kabahayan ang nasira sa Lubang island, Occidental Mindoro. Maraming netizens ang talagang natakot sa paglindol na ito, at mayroon ring naniniwala na nahulaan ito ni Rudy Baldwin.

Read More: Idol Raffy, Tinulungan ang Mag-Amang Pinagtatawanan Dahil Nagsasaka ng Walang Kalabaw

Si Rudy Baldwin ay kilalang manghuhula na sumikat sa social media dahil sa kanyang mga nakakakilabot na pangitain na di umano’y nagkakatotoo. At noong July 12 lamang, nagbabala rin siya sa Facebook na mayroong malaking pagyanig na magaganap sa probinsya ng Batangas.

“May bahagi ng lupa na malalim ang paglubog nito o tinatawag nating sinkhole. May nakita akong kalsada na lumubog o gumuho ng matindi. Nakikita ko ang isang bahagi ng tubig, madulas pero bumubula na parang sabon. Nakikita ko ang aksidenteng ito na mangyayari pa lamang sa Batangas,” pahayag ni Baldwin.

Ayon pa sa kanya, sa malagim na sakunang ito ay may taong mababawian ng buhay. Kaya naman pinag-iingat niya ang kanyang mga followers na maging mapanuri at laging maging alerto at handa. Kaya naman binalikan ng kanyang mga followers ang post na ito matapos lumindol noong Sabado.

“Maging maingat sa pagmamaneho upang ang aksidente ay maiwasan. Patuloy ang pagyanig ng tubig, halos sunod-sunod. Ngunit sa vision ay hindi pa din nagbago, patuloy na sasabog ang Taal. Maging maingat lamang at walang mawawala sa panalangin,” dagdag pa ni Rudy.

Dahil dito, mas lalo lamang tumibay ang paniniwala ng mga followers ni Baldwin sa kanyang mga propesiya. Agad ring nag-viral sa social media ang mga screenshots ng pangitain niyang ito.

Read More: Sila na nga ba? Bea Alonzo at Dominic Roque, Huli sa Kamera na Magka-Holding Hands!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Inspiring

Idol Raffy, Tinulungan ang Mag-Amang Pinagtatawanan Dahil Nagsasaka ng Walang Kalabaw

Published

on

Hindi madali ang buhay ng mga magsasaka. Araw-araw silang nagbibilad sa araw at nagta-trabaho sa bukid para lamang makapagtanim ng ating mga kinakain. Ngunit ang masaklap dito, kahit pa napakahalaga ng kanilang tungkulin sa lipunan ay maliit lamang ang kanilang kinikita. Minsan ay hindi pa ito sapat para makabili ng makinarya.

Dito sa Pilipinas, kung walang traktora, kadalasan ay gumagamit ng kalabaw ang mga magsasaka upang maararo ang bukid.

Sa tulong ng kalabaw ay madaling nabubungkal ang lupa upang maihanda ito sa pagtatanim ng palay. Ngunit hindi lahat ng magsasaka ay may kakayanang bumili ng kalabaw o traktora.

Read More: Sila na nga ba? Bea Alonzo at Dominic Roque, Huli sa Kamera na Magka-Holding Hands!

Gaya na lamang ng mag-amang ito mula sa Brgy. Danus, Leyte. Dahil sa kakapusan ng pera, napilitan si Ismael Malabat na mano-manong araruhin ang kanilang bukid. Tinulungan naman siya ng kanyang anak, ngunit hindi maitatanggi na mahirap pa rin ito dahil wala silang anumang kagamitan.

Kadalasan raw ay pinagtatawanan pa ang kanyang anak dahil imbes na kalabaw ay sila mismong mag-ama ang umaararo sa bukid.

Napansin naman ng TV 5 broadcaster na si Raffy Tulfo ang nakahahabag na sitwasyon ng mag-ama, kaya naman itinampok niya ang mga ito sa kanyang programa na “Wanted sa Radyo.”

Ayon kay Tulfo, labis ang paghanga niya dahil dakila ang propesyon ni Tatay Ismael. Upang maibsan ang pasanin nito, niregaluhan siya ni Tulfo ng Php 38,000 pambili ng kalabaw na makakatulong sa kanila sa pag-aararo ng bukid. Ngunit mas lalo pang dinagdagan ni Tulfo ang regalo sa kanila!

Dahil sa kasipagan ng mag-ama, ginawa ng Php 100,000 ni Tulfo ang regalo sa kanila para na rin sa pangangailangan ng magpapamilya.

Sa kanilang video call, nakita rin ni Tulfo na sira-sira na ang kanilang tahanan, kaya naman nangako ito na ipapaayos ang kanilang bahay at bibilihan pa sila ng mga bagong kagamitan.

Read More: Sila na nga ba? Bea Alonzo at Dominic Roque, Huli sa Kamera na Magka-Holding Hands!

Panoorin ang buong video dito:

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Inspiring

Magkakapatid na Salat sa Pera, Hinangaan sa Kanilang Simpleng Birthday Surprise sa Kanilang Ama

Published

on

Nauuso na ngayon ang mga birthday surprise na ibinabahagi sa social media. Kadalasan, magagandang lobo, bulaklak, at magarbong regalo ang ating nakikitang nagva-viral. Ngunit alam niyo ba na hindi naman kailangan ng magarbong sorpresa upang iparamdam ang iyong pagmamahal? Kagaya na lamang ng ipinamalas ng magkakapatid na ito!

Sa kabila ng kakapusan, pinatunayan ng pamilyang ito na hindi mo kailangan ng pera upang magpasaya ng tao. Kamakailan lang, nag-viral sa social media ang nakakatouch na birthday surprise ng magkakapatid na ito para sa kanilang ama. Talagang maraming netizens ang natuwa dahil sa effort nilang ito.

Read More: Jon Gutierrez, Diretsahang Sinagot Kung Mahal Niya pa ba si Jelai Kahit pa Kinasuhan Siya Nito!

Dahil walang budget pambili ng lobo o decorations, kumuha ang mga magkakapatid ng plastic labo. Sinulatan nila ito ng “happy birthday papa” at iyon ang ginawa nilang lobo at party banners. Bukod pa dito, naghanda rin sila ng simpleng cake para sa kanilang ama gamit ang mga itlog.

“Sapagkat mahirap lamang ang buhay, nagawa nilang mag effort para sa kaarawan ng kanilang ama. Ang plano nila ay isorpresa ang ama pagdating sapagkat nasa trabaho pa ito. Nakakataba ng puso ang ganitong mga eksena. Sa kadahilanang walang pambiling lobo ay nag gawa sila gamit ang plastik labo at sinulatan ng happy birthday papa.”

Labis naman ang tuwa ng kanilang ama tapos makita ang sorpresang inihanda para sa kanya. Kahit pa simple lamang ito, walang mapaglagyan ang kanyang tuwa dahil alam niyang naaalala siya ng kanyang pamilya sa espesyal na araw na ito.

Sa kabilang banda, maging si Idol Raffy Tulfo ay talagang na-inspire sa kwento ng pamilya na ito. Sa katunayan, na-feature pa sila sa programa ni Tulfo na “Wanted sa Radyo” at nagbigay pa ito ng munting sorpresa upang mapasaya ang pamilya.

Read Also: Ito na Pala ang Buhay ng mga “Pantasya ng Bayan” Noon Matapos Lisanin ang Showbiz

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Trending