Connect with us

Local

“Masasayang lang lahat”- Lolo na Naglalako ng Pichi-Pichi, Naghinagpis Matapos Mabasa ng Ulan ang Paninda Niya

Published

on

Sa panahon ngayon, bibihira ka na lang makakita ng taong handang tumulong sa iba. Kaya naman talagang kahanga-hanga ang mga good Samaritan na hindi nagdadalawang-isip para makatulong sa mga nangangailangan. Isa na sa kanila ay ang concerned citizen na ito na kamakailan lang ay nagbahagi ng kanyang nakakahabag na kwento sa social media.

Ayon kay Jessiebelle Balmes, naglalakad na siya pauwi ng makasalubong niya ang isang matandang lalaki. May dala raw itong malaking bayong na punong-puno ng mga paninda na pichi-pichi. Ngunit dahil sa masungit na panahon, halos nabasa na ang lahat ng paninda ni tatay, na kinilala bilang Tatay Victor.

“Kanina habang pauwi ako naka salubong ko si tatay Victor Halos parehas kaming inabutan ng malakas na ulan tapos ang lakas pa ng hangin natumba pa paninda nya hanggang sa nagkanda basa basa lahat.”

Read also: Masipag na HRM Student, Gumawa ng Sariling Oven Gamit ang Recycled Materials

Ayon sa 54-anyos na tindero, umaga pa lamang ay naglalakad na siya upang mailako ang paninda niya. Ngunit sa kasamaang palad, hindi ito naubos.

Mas lalo naman siyang nalungkot ng tuluyang mabasa ng ulan ang kanyang mga paninda, dahil uuwi na naman daw siya sa kanilang bahay na kakarampot ang kita.

Bukod pa dito, ibinahagi rin ni Tatay Victor na nahihirapan na siyang makakita sa kanyang isang mata. Kaya naman isang malaking hamon sa kanya ang makauwi sa kanila, lalo pa’t gabi na. Tinulungan naman siya ni Balmes na maghanap ng masisilungan panandalian.

“Habang inaayos namin mga paninda niya naluluha si tatay kasi hindi pa raw niya nababawi puhunan niya tapos masasayang lang lahat. Hindi na rin makakita isang mata ni tatay kaya mahihirapan na raw umuwi. Ang layo pa ng uuwian ni Tatay, Banga 2nd to Sipat tapos hindi niya pa maaninag ang daan dahil nga sa lakas na rin ng ulan at hangin.”

Sa kabilang banda, maraming netizens naman ang nag-offer ng tulong upang kahit papano ay maibsan ang paghihirap ni Tatay Victor.

Maraming netizen rin ang tumawag sa atensyon ng beteranong host na si Raffy Tulfo sa pag-asang makakaabot ito ng tulong sa tindero.

Read Also: Bata na Kaka-Celebrate Lang ng 2nd Birthday, Binawian ng Buhay Matapos Makuryente Dahil sa Extension Cord

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Local

Misis, Nanlumo Matapos Mahuli ang Mister at Kumare Nila na Magkasama sa Motel!

Published

on

Ayon nga sa kasabihan, kahit gaano mo pa bantayan ang iyong partner, kung manloloko ito, makakahanap pa rin ito ng paraan para magloko. Kahit pa nasa kalagitnaan tayo ng pandemic, mayroon pa ring mga salawahang partner ang nakakahanap ng paraan para kitain ang mga kalaguyo nila. Ito ang insidenteng naganap kamakailan lamang sa Pangasinan.

Noong April 15, ibinahagi ng GMA reporter na si Russel Simorio ang nakakalungkot na nadatnan ng misis na ito. Naganap ang insidente sa isang motel sa Barangay Bolosan, San Carlos City. Isang misis ang nahuli sa akto ang kanyang mister na mayroong kasamang ibang babae.

Read More: Kilalanin ang Tinaguriang “World’s Most Beautiful Woman and Most Expensive Model” na Galing pa sa Sudan!

Upang maprotektahan ang katauhan ng mga sangkot sa insidente ay hindi pinangalanan ang mga ito. Ngunit agad namang nag-viral sa social media ang naka-blurred na larawan ni misis, mister, at ng kalaguyo nito.

Ayon kay Simorio, huling-huli ni misis ang kanyang asawa na pumasok sa motel na mayroong ibang kasama. Hindi inaasahan ng misis na ito na kakilala niya pala ang babae ng asawa niya!

Ang masaklap pa dito, kumare pa mismo nila ang kasama nito sa motel. Kahit pa napakasakit, walang nagawa ang original na asawa kundi maghintay sa labas ng motel. Simula ala una ng hapon, matiyaga niyang hinintay na lumabas ang dalawa.

Tatlong oras din ang lumipas bago tuluyang umalis ng motel si mister at kabit nito. Ngunit hindi pa man sila nakakalayo ay naunahan na sila ni misis.

Nagpatawag ito ng pulis sa motel upang masaksihan sa akto ang ginagawang panloloko sa kanya ng kanyang asawa. Desidido rin daw siyang sampahan ng kaso ang dalawa.

Sa kabilang banda, maraming netizens rin ang nag-komento sa insidenteng ito. Silipin ang kanilang mga opinyon dito:

“Kaya pag nagpabinyag kayo wag n kayo kumuha ng kumare at kumpare alam nio n mangyayare.”

“Nag change oil sabay narin ang tune up para kondisyon.”

“Bwesit sobra kati naman ni kumare, di man lang nahiya, kung sabagay makapal ang mukha kasing kapal ng bakal.”

Read Also: Babaeng Naharang sa Checkpoint, Pinakasalan ang Pulis na Sumita sa Kanya!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.

Continue Reading

Inspiring

Batang Genius, Napilitang Magbenta ng Medalya Niya Upang May Maipangtawid Gutom Ngayong Pandemic

Published

on

Naranasan mo na rin bang magawaran ng medalya noong ikaw ay nag-aaral pa lamang? Tuwing recognition day, makakatanggap ka ng medalya kapag nagpakita ito ng angking galing sa kahit anong larangan. Para sa isang estudyante, talagang wala ng mas sasarap pa ang makitang mayroong bunga ang iyong pagsisikap. Kaya naman karamihan sa atin ay tinatago at iniingat-ingatan ang ating mga medalya.

Ngunit paminsan-minsan, kailangan rin nating i-let go ang mga importanteng bagay lalo pa’t sa oras ng kagipitan. Ganito ang nangyari sa isang siyam na taong gulang na batang si Kenneth Mendoza.

Sa kabila ng kanyang murang edad, maaga ring namulat si Kenneth sa hirap ng buhay. Lumaki itong matalino at masipag, kaya naman humakot rin ito ng medalya.

Read More: Janella at Markus, Ipinagtanggol si Baby Jude Mula sa mga Cyberbullying na Natatanggap Nito Online

Sa katunayan, umaapaw ang medalya ni Kenneth na natatanggap niya dahil sa kanyang kasipagan! Itinatago ng kanyang nanay ang karamihan sa mga ito, samantalang dini-display naman nila ang iba dahil proud sila sa kanyang anak. Ngunit dahil sa hirap ng buhay, napilitan silang ibenta ang ibang medalya ni Kenneth.

Sa kalagitnaan ng pandemic, kabilang ang pamilya ni Kenneth sa libo libong taong apektado ng lockdown. Nawalan rin ng trabaho ang kanyang nanay, na isang single mother, kaya naman napilitan silang ibenta ang pinaka-iingat-ingatang medalya ni Kenneth para lamang makaraos sila. Ibinenta niya ito sa social media sa halagang P20 kada piraso.

Nangungupahan lamang ang mag-ina sa isang maliit na kwarto. Matapos mawalan ng trabaho, unti-unting nabaon sa utang ang mag-ina.

Para makatulong sa kanyang nanay, labag man sa lanyang loob ay ibinenta na lamang ni Kenneth ang kanyang mga medals upang magkaroon sila ng panggastos.

“Itong pandemic po sobrang hirap po. Sunod sunod kaming nagkakasakit. Nabaon ako sa utang. Sabi ko nga ayoko magkasakit ang mga anak ko. Syempre nanay ako e, mas masakit sakin yun. Bawal din ako magkasakit, dahil paano sila kung nakahiga ako? Hindi pwedeng umaasa kahit kanino, kailangan babangon ako. Kailangan bumangon,” pahayag ng nanay ni Kenneth.

Sa kabilang banda, maraming netizens naman ang talagang humanga sa kasipagan ng batang ito. Dahil dito, inulan rin sila ng mga tulong mula sa mga good Samaritan. Ayon kay Kenneth, labis niyang na-appreciate ang tulong ng mga netizens sa kanilang mag-ina.

Read More: Rica Peralejo, Sinagot ang Paratang na Unfair Siya sa mga Kasambahay Dahil sa Magkahiwalay Nilang Pagkain

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Local

“Milagro ang nangyari”- Doris Bigornia, sa Dialysis na Lang Ngayon Nakasalba ang Buhay

Published

on

Ilang linggo matapos maratay sa ospital, sa wakas ay unti-unti na ring nakakarecover ang batikang news reporter na si Doris Bigornia. Kamakailan lang ay isinugod ito sa ospital matapos mag-agaw buhay dahil sa heart failure. Upang maagapan ito, agad na sumailalim sa triple heart byspass surgery ang ABS-CBN reporter.

Matapos ang kanyang successful operation, unti-unti na ring naka-recover si Doris. Sa katunayan, nagkaroon na rin siya ng lakas para muling humarap sa kanyang mga viewers sa Teleradyo program.

Taos puso ang pasasalamat ni Doris sa lahat ng mga taong tumulong sa kanya upang malampasan ang malaking hamon na ito.

Read More: “Friends lang”- Nakakakilig na Wedding Proposal ni Arci at JM, Isang Malaking Prank Lang Pala!

“Unang-una talaga siyempre pa sa Diyos sa pangalawang buhay na ito. Mahirap ‘yung dialysis, pero BFF ko na ngayon ang dialysis kasi siya rin ang sumasalba sa buhay ko. Isang milagro ang nangyari sa totoo lang, at hindi ko inakala na malalagpasan ko. Kung wala kayong lahat, hindi ko magagawang malagpasan ito.”

Ayon pa sa “TV Patrol” reporter, kinakailangan na niyang mag-dialysis ngayon dahil ito ang magsasalba ng kanyang buhay.

Maigi rin nilang binabantayan ang kanyang sugar level dahil mayroon siyang diabetes. Gayunpaman, desidido si Doris na muling gumaling para na rin sa kapakanan ng mga taong sumuporta at nagdasal para sa kanya.

“Sabi ko nga nu’ng nakaratay ako, nakakahiya naman dun sa ilang libong tao, I don’t know kung umabot ako ng milyon ng mga tao na prayer warriors para sa akin. Parang nahiya naman ako kung hindi ko lalabanan kaya pinilit kong lampasan, and thank God, eto po ako, on my way to recovery. I’m hoping to see you again,” pahayag ni Doris.

Sa kabilang banda, malaki rin ang pasasalamat ng anak ng reporter na si Nikki sa mga taong walang sawang sumuporta at nagdasal para sa kanyang ina.

Ayon kay Nikki, talagang malaki ang naitulong ng mga good Samaritan na nag-donate para sa operasyon ng kanyang mommy.

Read More: Jessy at Luis, Bakit Nga Ba Minadali ang Kasalan: May Baby na nga ba?

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.

Continue Reading

Trending