Connect with us

Inspirational

Lalaking May Kapansanan na Laging Pinipintasan Noon, Instant Milyonaryo na Ngayon!

Published

on

Isang dating mekaniko ang naging instant milyonaryo na ngayon! Hinangaan ng mga netizens ang nakaka-inspire na life story ni Johnny Tugot mula sa Cebu. Si Johnny ay may-ari ng maraming automotive stores sa Cebu at Negros Oriental. Ipinanganak na may kapansanan si Johnny, kaya naman bata pa lamang siya ay lagi na siyang tinutukso, ngunit hindi siya sumuko sa kanyang mga pangarap.

Dumating sa punto na hindi na niya kinaya ang pangungutya sa kanya, kaya naman nagdesisyon si Johnny na tuluyang lumayas sa kanila. Patuloy naman siya sa pagkayod para sa pang-araw araw na sustento.

Naranasan niya ang magbenta ng gulay sa palengke, hanggang sa natuto rin siyang mag-ayos ng mga sirang sasakyan at motorsiklo.

Read also: Halos Magunaw ang Mundo ng Nanay na Ito Matapos Bawian ng Buhay ang Anak Niya Habang Natutulog

Nalulong rin siya sa ipinagbabawal na gamot, ngunit nang makapag-asawa ay pinilit ni Johnny na magbagong-buhay. Matapos mag-asawa ay lumipat sa Cebu si Johnny, kung saan nakilala niya ang kanyang dating boss na naging inspirasyon niya.

Dito na nagsimulang magbago ang buhay ni Johnny. Malaki ang utang na loob ni Johnny sa kanyang boss dahil marami siyang natutunan dito.

Nagtatrabaho siya dito bilang isang mekaniko sa loob ng ilang taon. Nang pumanaw na ang may-ari, laking gulat na lamang ni Johnny at ng asawa niya na sa kanya ipinamana ang business na ito!

Kaya naman labis na minahal ni Johnny ang automotive shop at mas nagpursigi pa silang palaguin ito. Dahil sa kanyang pagsisikap, nagawa rin ni Johnny na bumili ng sariling bahay nila at iba pang ari-arian.

Napagtapos niya rin ng pag-aaral ang kanyang mga anak sa tulong ng business na ito. Sa ngayon ay nagsisilbing inspirasyon si Johnny para sa maraming tao.

Hinihimok niya rin ang iba na hindi pa huli para baguhin ang takbo ng kanilang buhay. Ayon kay Johnny, nasa kamay mo ang iyong kapalaran at hindi ka aasenso kung hindi ka rin kumakayod!

Read also: Extra sa Music Video ng Joshlia, May Ibinuking na Nangyari sa Pagitan ni Joshua at Julia Habang Nagte-Taping!

Ano ang masasabi mo sa mga tips na ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section below. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Inspirational

OFW sa Dubai, Ibinahagi ang Kanilang Bonggang Pandemic Wedding na Hindi Ginastusan ng Malaki!

Published

on

Ang kasal ay isa sa mga pinaka-espesyal na araw sa buhay ng mag-irog. Karamihan sa atin ay nangangarap na magkaroon ng bonggang kasal. Kaya naman hindi na nakakapagtaka kung bakit maraming tao ang gumagastos ng malaking pera para lamang sa espesyal na araw na ito. Ngunit sa panahon ngayon, alam mo bang maaari ka ng magkaroon ng magandang kasal nang hindi gumagastos ng malaki?

Hindi mo kailangang gumastos ng malaki o mangutang para lamang magkaroon ng bonggang kasal. Dahil nasa kalagitnaan tayo ng pandemic, makakatipid ka rin dahil hindi mo na kailangang mag-imbita ng maraming bisita. Ito ang pinatunayan ng mag-asawang overseas Filipino workers sa Dubai.

Read Also: Celebrity Friends na Nasira ang Pagkakaibigan Dahil sa Isyu at Kontrobersya

Usap-usapan ngayon sa social media ang nakakakilig na home wedding ni Camille Alicando at Ben Gendrano. Si Camille ay isang Dubai-based stylist, samantalang digital content creator naman si Ben.

Matagal na nilang pinagpa-planuhan ang kanilang kasal. Noong una, nag-book pa ang dalawa sa isang sosyal na hotel Dahil sa safety protocols na ipinapatupad sa Dubai, napilitan si Camille at Ben na ikansela muna ang kanilang hotel reservation.

Sa kabila nito, wala pa ring makakapigil sa kasalan ng dalawa! Upang mas safe, idinaos na lang nila ang kanilang wedding sa loob mismo ng kanilang tahanan.

Isang civil wedding ceremony ang ginanap sa pag-iisang dibdib ng mag-asawa. Ngunit talagang napakaganda ng kanilang venue!

Kahit pa sa bahay lamang sila, tumulong ang mga kaibigan ng mag-asawa upang pagandahin ang lugar. Bohemian-chic inspired ang kanilang venue, na mayroon pang mga fairy lights!

Ayon sa bride, ipinagkatiwala na nila sa kanilang mga kaibigan ang pagdidisenyo. Kaya naman natuwa talaga sila sa kinalabasan nito. Maraming netizens rin ang talagang natuwa sa simpleng kasalan ng dalawa.

Read More: Batang Genius, Napilitang Magbenta ng Medalya Niya Upang May Maipangtawid Gutom Ngayong Pandemic

Ano ang masasabi nyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong komento o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang viral na kwento o latest na balita, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Inspirational

Isang Guro sa Bulacan, Napagkakamalang Estudyante Dahil sa Kanyang Nakakamanghang Baby Face!

Published

on

Isang guro sa Bulacan ang nag-viral sa social media dahil sa kakaibang itsura nito! Talaga namang mapagkakamalan mong estudyante si Teacher Ian Francis Manga, na isang guro sa San Jose Del Monte, Bulacan. Kindergarten ang tinuturuan ni Teacher Ian, ngunit dahil sa kanyang baby face, ilang beses na rin siyang napagkamalan na mag-aaral.

Ayon kay Teacher Ian, bata pa lamang siya ay hindi na niya naranasan ang common signs ng puberty. Labis rin daw ang pagtataka niya, lalo pa’t ang mga kababata niya ay nagma-mature na ang itsura. “Pati ‘yong look ko din wala eh. Pati buhok ko wala eh — wala sa kilikili, wala sa bigote,” dagdag pa nito.

Read More: Hindi Inakala ng Babaeng Ito na Napapaligiran na Pala Siya ng Killer Whales sa Dagat!

Sa kabila ng kanyang kakaibang karanasan, nag-desisyon si Ian na wag nang kumonsulta sa doktor upang malaman ang totoong kondisyon niya.

Ngunit kahit pa kakaiba ang kanyang itsura, aminado naman si Ian na kahit kailan ay hindi siya nakaranas ng discrimination o pambu-bully mula sa kanyang mga kaibigan.

Nakatulong rin daw sa kanya ang pagiging friendly at mabait niya sa lahat ng tao, kaya naman mas lalong dumami ang kaibigan niya.

“Hindi po ako na-bully kasi I was friendly. Pala-kaibigan po ako sa kaklase ko. Minsan nabu-bully rin mga hindi ko naman kakilala, kakantahan ka ng mga bulilit. Eh wag mong pansinin,” ayon kay Ian.

Bente dos anyos na siya nang pumasa sa licensure exam para sa mga guro. Proud naman si Ian sa kanyang achievement, at excited na rin itong simulan ang kanyang career sa pagtuturo.

Kahit pa madalas ay napagkakamalan siya bilang estudyante, mayroon raw teknik si Teacher Ian upang seryosohin siya ng kanyang mga mag-aaral.

“Nagiging seryoso na ako, nagiging seryoso din sila sa akin. Hati ‘yong pagiging strikto sa pagiging teacher. Teacher po ako. Hindi po kailangang always play, kailangan may seryosohan din.” Sa kasalukuyan ay nagtuturo si Teacher Ian sa Mater El-Roi School Inc. at ayon sa school admin na si Herminia Delos Santos, talagang napakahusay na guro nito.

Read More: “Di ko alam may girlfriend na siya”- Bea Alonzo, Ibinunyag na si John Lloyd Cruz ang Unang Heartbreak Niya

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.

Continue Reading

Inspirational

Netizens, Bumilib sa Pinay Lady Pilot na ito na Nag-Viral Ngayon sa Social Media Dahil sa Kanyang Angking Ganda

Published

on

Hindi madali ang propesyon ng pagiging piloto. Bukod sa pagpapalipad ng eroplano, responsable ka rin para sa buhay ng iyong mga pasahero sa inyong flight. Karamihan ay mga kalalakihan ang nangangarap na maging piloto. Kaya naman talagang nakakamangha kapag nakakita tayo ng female pilot na kayang-kayang magmaniobra ng eroplano!

Isa na sa kanila ay ang female pilot na ito, na nagpahanga sa mga netizens sa social media! Sino nga ba ang hindi mamamangha sa angking galing ni Chezka Gonzales?

Bukod sa kanyang taglay na abilidad bilang isang piloto, hinahangaan rin si Chezka dahil sa kanyang angking ganda na parang dalagang Pilipina.

Read Also: Silipin ang Bonggang Mansyon ni Derek Ramsay na Mayroong Sariling Elevator sa Loob!

Ayon sa kayang social media accounts, unang tinahak ni Chezka ang pagiging nurse. Nagtapos siya ng Bachelor of Science in Nursing sa Far Eastearn University.

Ngunit sa pagtatapos niya ng kolehiyo, na-realize ni Chezka na mas matimbang pa rin sa kanya ang pagiging piloto, kaya naman nais niyang maisakatuparan ito.

Ang mas nakakamangha pa dito ay mayroon na ring anak si Chezka! Gayunpaman, nagawa niyang pagsabayin ang pagte-training at pagiging nanay niya.

Hindi naging madali ang kanyang journey, ngunit nagsumikap si Chezka para maabot ang matagal na niyang pinapangarap.

Anim na taon rin siyang nag-training sa pagiging flight attendant. Hindi katagalan ay sumailalim rin siya sa mahigpit na training upang maging isang ganap na piloto!

Nagbunga naman ang mga pagsisikap ni Chezka, dahil sa huli ay naging isang ganap na lady pilot na siya.

Dahil sa kanyang mga sakripisyo at katatagan, hinangaan ng mga netizens si Chezka. Pinatunayan niya lang na walang imposible, lalo pa’t kung pursigido kang mapagtagumpayan ang iyong mga challenges sa buhay!

Read Also: Larawan ni John Lloyd Cruz na Sugatan sa Loob ng Jeep, Umani ng Reaksyon sa Social Media!

Anong masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Trending