Connect with us

Trending

“Single na po ako”- Toni Fowler, Emosyonal na Binalita ang Hiwalayan Nila ni Rob Moya

Published

on

Master Hanz Cua, a Feng Shui expert, predicted that many couple will be breaking up in the year 2021. It seems like this prediction is true for social media influencer Toni Fowler. Toni and Rob became a sensational celebrity vlogger on Youtube for their engaging vlogs, but unfortunately for their fans, we won’t be seeing more of their vlogs together this year.

Many fans were drawn to this couple because of their entertaining yet harmless pranks. In most of their videos, Toni and Rob is also often seen with Toni’s daughter.

Indeed, their relationship seems smooth-sailing in front of the camera. But in her recent vlog, Toni revealed that they were already separated due to personal differences.

Read also: Bago Mag-Artista, PBB Alumna Kaori, Nag-Trabaho Bilang Caregiver sa Japan Noong 16-Anyos pa Lamang Siya

Toni Fowler was emotional as she relived their happy memories as a couple. Just like any other couples, Toni and Rob are also going through arguments and disagreements in their relationship.

According to Toni, she tried so hard to save their relationship, but in the end, they both realized that they weren’t meant for one another.

In her guest appearance on Eat Bulaga’s “Bawal Judgmental,” Toni also opened up about her recent break up. The online influencer couldn’t help but feel emotional as she shares her heartbreak. However, she did not mention the specific reason behind their decision to break up.

In their Instagram accounts, many fans also noticed that both Toni and Rob have deleted their photos of one another. In a recent post, Toni also confirmed this by saying that she is a single mother once more to her daughter Tyronia.

“Yes po. Single na po ako. Sa ngayon hindi ko para ikwento ang mga dahilan dahil hindi makakatulong sakin. Dahil medyo madaming tao ang sabay sabay nawala sa buhay ko ngayon. Gusto ko lang mag trabaho at mag focus sa sarili ko, kay tyronia at sa buong Toro Fam. Sana naiintindihan nyo.”

Read also: Ogie Diaz, Ibinunyag ang mga Artistang Hindi na Makakabalik sa ABS-CBN Dahil sa Bad Record

What are your thoughts about this? We’d love to hear from you, so don’t hesitate to share your thoughts with us in the comments section below. For more updates on the latest happenings, feel free to follow us on Facebook.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Trending

Haba ng Hair! China Roces, Kinilig sa Bagong Surprise sa Kanya ni Mr. Anonymous

Published

on

Mukhang unti-unti na ngang nakaka-move on ang social media influencer na si China Roces mula sa kanyang ex na si Tim Sawyer. Matatandaang nitong nakaraang taon lamang nang pumutok ang hiwalayan ni China at Tim sa social media. Ayon kay China, sawa na siya sa pagiging babaero at manloloko ni Tim, kaya naman para na rin sa kapakanan ng kanyang anak ay hihiwalayan na niya ito.

Ngunit mukhang nakakabangon na rin si China mula sa heartbreak niya kay Tim. May isang lalaki ring nagtatangkang manligaw sa vlogger.

Noong nakaraang buwan, ipinakilala ni China ang kanyang bagong manliligaw, na pinangalanan niyang Mr. Anonymous. Ayon kay China, simula nang maghiwalay sila ni Tim ay nakahugot siya ng lakas mula sa bago niyang manliligaw.

Read More: Lalaki, Nagulat Matapos Makakita ng Mapanganib na Ahas sa Loob ng Grocery Bag Niya!

Bukod kay China, mukhang nililigawan rin ni Mr. Anonymous ang pamilya nito! Halatang nais rin niyang mapalapit sa pamilya ni China, kaya naman tuwing dumadalaw ito ay lagi niya ring isinasama sa bonding time ang pamilya nito. At kahit pa busy ito, gumagawa siya ng oras para lang makita ang kanyang babaeng minamahal.

Kamakailan lang, sinorpresa rin nito si China. Sa kanilang bagong video, ibinahagi ni China ang napakasweet at thoughtful na sorpresa ni Mr. Anonymous sa kanya. Mababakas naman sa mukha ni China ang tuwa at kilig matapos makita ang sorpresa nitong breakfast.

“Pupuntahan ko si China, gusto kong makita. Dadalhan ko ng breakfast, may work daw siya eh. So ngayon, nagmamadali ako para habulin siya. Magbi-big bike ako. Nandito ako sa Starbucks para mag order ng breakfast namin ni China.”

Sa ngayon ay umabot na rin sa mahigit 120,000 reactions ang video na ito sa social media. Maraming netizens rin ang nag-aabang kung kailan nga ba ire-reveal ni China ang totoong katauhan ng kanyang manliligaw.

Read More: Larawan ng Electrician, Nagpaantig sa mga Netizens Matapos Malaman Kung Bakit Siya May Suot na Costume!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Trending

Babaeng Naharang sa Checkpoint, Pinakasalan ang Pulis na Sumita sa Kanya!

Published

on

By

Karamihan sa mga motorista ay umiiwas na masita sa mga checkpoints. Talagang malaking abala nga naman kung mayroong kang violation, dahil bukod sa mabibigyan ka ng tiket ay maaari ka pang pagmultahin. Dahil dito, maraming motorista ang gustong umiwas sa checkpoint kung maaari. Ngunit alam niyo ba na maari ka rin palang makahanap ng pag ibig dito?

Ito ang napakaromantic na love story ni Clarrise Lazaro at ng asawa niya! Maraming netizens ang talagang naaliw at kinilig matapos ibahagi ni Clarrise ang kanyang kakaibang love story sa social media. Nai-feature sa Facebook page na “Buhay Lespu” ang kwento ni Clarrise, na isang guro, at ng asawa niya na isang pulis!

Read More: Isang Guro sa Bulacan, Napagkakamalang Estudyante Dahil sa Kanyang Nakakamanghang Baby Face!

Sino nga bang mag-aakala na maaari mo palang makilala ang iyong forever sa isang checkpoint? Ayon kay Clarisse, napadaan lamang siya habang nakamotor sa isang “Oplan Sita.”

Noong una ay nairita pa daw si Clarrise dahil noong mga panahong iyon ay nagmamadali siya at mayroon siyang importanteng pupuntahan. Nang huminto siya sa checkpoint, hindi raw masyadong nabigyan ni Clarrise ng atensyon ang pulis na sumita sa kanya.

Ngunit noong mga panahong iyon, hindi niya inaasahan na tinitignan na pala siya nito. Bigla na lamang nabighani ang pulis matapos masilayan ang babaeng nakamotor na nahuli niya sa checkpoint.

Ang pulis na naka-duty ay walang iba kundi si Moh Amir Cruz Saddaramil. Matapos makita sa checkpoint ang dalaga, agad agad gumawa ang pulis ng paraan upang makausap ito. Gamit ang social media, hinanap ni Amir ang babae hanggang sa matagpuan niya ang profile ni Clarrise. Dito na nag-umpisa ang pag-iibigan nila.

Hindi nagtagal ay nauwi sa romantic na relasyon ang kanilang pagcha-chat sa social media. At isang taon ang nakalipas, nauwi rin sa kasalan ang kanilang relasyon! Talaga namang maraming netizens ang kinilig sa kanilang kakaibang kwento. Sino nga ba ang mag-aakalang maaari mo palang makilala ang iyong soulmate sa checkpoint?

Read More: Dream House ni Sarah at Matteo, Uumpisahan na! Silipin ang Napakagandang Location Dito

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.

Continue Reading

Trending

“He made fun of me”- Donnalyn Bartolome, Ibinuking ang Male Personality na Nakaaway Niya Dati

Published

on

By

Kamakailan lang, maraming pasabog si Donnalyn Bartolome sa kanyang latest vlog na “Sagot o Lagot.” Para sa vlog na ito, humingi ng tulong si Donna mula sa mga netizens upang bigyan siya ng tanong sa kanyang question ang answer portion. Nagbigay naman ng mga magagandang tanong ang mga netizens, at paniguradong mai-intriga kayo sa sagot ni Donnalyn!

Isa sa mga naitanong sa kanya ay kung mayroon na ba siyang artista na nakaaway sa tagal niya sa industriya. Ayon sa binansagang ‘Social Media Goddess,’ wala pa naman siyang nakaaway na seryoso dahil iniiwasan niya ring magkaroon ng alitan. Ngunit inalala ni Donnalyn ang isang male celebrity na di umano’y kinainisan niya dati.

Read More: Isang Guro sa Bulacan, Napagkakamalang Estudyante Dahil sa Kanyang Nakakamanghang Baby Face!

“Merong artista na nairita ako, ganun. There’s this, hindi ko siya papangalanan kasi baka mabully siya. Paano yun? Yung, he made fun of me kasi I make videos. Parang he does what I do now. Lalaki siya. Just made fun of me, when I was starting. Parang 50k pa lang followers ko.”

Hindi naman nilinaw ni Donnalyn kung anong klaseng bagay ang ginawa sa kanya ng male personality na ito. Nagsisimula pa lamang daw siya noong sa paggawa ng videos nang gawin siyang katatawanan nito. Ngunit ang mas nakakagulat pa, ayon kay Donna ay mayroon na ring sariling vlog ang male personality na ito ngayon!

Kahit pa pinilit siyang pangalanan ang lalaki, tumanggi ang vlogger. Noong una ay pabiro pang sinabi ni Donnalyn na baka ma-boost ang TikTok followers ng lalaki kapag ibinuking niya ang katauhan nito. Ngunit sa huli ay nanaig ang kanyang kabaitan at ininom na lamang ni Donnalyn ang curry.

Sa kabilang banda, maraming netizens naman ang talagang na-intriga sa katauhan ng male celebrity na ito. Isang araw matapos i-upload ni Donna ang kanyang vlog, umani na ito ng mahigit sa 750,000 views sa Youtube.

Read More: Dream House ni Sarah at Matteo, Uumpisahan na! Silipin ang Napakagandang Location Dito

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.

Continue Reading

Trending