Connect with us

Local

Netizens, Naantig sa Kwento ng Lolong Ito na Mag-Isang Nagdiwang ng 69th Birthday Niya sa Isang Fastfood Chain

Published

on

Sa ating pagtanda, nangangarap tayong makasama ang ating mga mahal sa buhay. Ngunit may mga pagkakataon na kailangan rin nating lumayo sa ating pamilya. Katulad na lamang ng lolong ito, na kinailangan magtrabaho kaya naman pansamantalang lumayo sa kanyang mga mahal sa buhay. Dahil dito, pilit niyang nilalabanan ang lungkot sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan.

Isang netizen na si Trixie Ann Manuel Eras ang nagbahagi ng nakakalungkot na larawang ito sa social media. Ayon kay Trixie, habang kumakain sila sa isang fastfood chain ay may namataan silang matandang lalaki na kumakain mag-isa. Ka-video call ni lolo ang kanyang pamilya, ngunit mababakas ang lungkot sa mukha nito.

Read also: Hirit ni Jomari Yllana sa Dating Partner: Hindi Kulang ang Sustento, Maluho ka Lang

May dala pa siyang cake para sa sarili. Napag-alaman nila Trixie nang kausapin nila ang lalaki na kaarawan niya pala! Ayon kay lolo, 69-anyos na siya.

Ngunit dahil nagta-trabaho siya, hindi niya magawang makauwi sa kanila upang makasama ang kanyang pamilya.

“Sobra akong nalungkot nang makita namin si Tatay sa isang fastfood chain. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sapagkat ngayon lamang ako naka-saksi ng ganitong uri ng pangyayari sa buong buhay ko,” ani Trixie, na talaga namang naantig sa kalagayan ni lolo.

Dagdag pa niya, ramdam niya ang lungkot nito habang nagse-celebrate ng kanyang birthday ng mag-isa. Kahit pa naka-video call niya ang kanyang pamilya, hindi maipagkakailang malungkot pa rin si Tatay dahil wala sila sa kanyang tabi sa espesyal na okasyon na ito.

“Akala ko sa mga drama lang nangyayari ito, pero hindi. Sine-celebrate ni Tatay ang kanyang ika-69 taon ng mag-isa at walang kasama.”

Sa kabilang banda, maraming netizens rin ang naantig sa kwentong ito at nagpaabot ng kanilang pagbati kay lolo sa social media.

Read also: Crisha Uy, Ibinunyag na Nagsinungaling sa Kanya ang Ex na si Joem Tungkol sa Relasyon Nito kay Meryll

Anong masasabi niyo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa baba. Para sa iba pang kwento, wag mag-atubiling mag-like o follow sa aming Facebook page.

Local

Nagulat ang Lalaking Ito Matapos Makita ang Isang Aspin sa CCTV Nila, Ngunit Hindi Niya Inaakala ang Susunod na Mangyayari!

Published

on

Naniniwala ka bang ang aso ay maituturing na man’s best friend? Para sa maraming tao, pamilya na rin ang turing nila sa kanilang minamahal na alaga. Kasama nila ito mapa-araw man o gabi, kaya naman napalapit na ang kanilang puso sa kanilang alagang aso. Mapa-Aspin man o kahit ano pang breed ng iyong alaga, dapat ay mahalin at paka-ingatan mo sila.

Isa sa mga dog lovers ay ang netizen na si Serge Amado. Kamakailan lang ay ibinahagi ni Sere ang kanyang nakakamanghang istorya matapos niyang makilala ang isang aspin na si ‘Pogy.’

Agad namang nag-trending sa social media ang kwento nila, at maraming netizens ang talagang naantig sa kakaibang kwentong ito.

Read also: “Wala po kasi siyang handa”- Magkakaibigan, Nag-Ambagan Upang Sorpresahin ang Kanilang Tropa sa Birthday Nito!

Ipinakilala ni Serge ang kanyang alagang aso na si Pogy, na mag-iisang taon na rin niyang kasama. Ayon kay Serge, aksidente lamang ang pagkikita nilang dalawa.

Halos isang taon na ang nakakalipas nang pumanaw ang ni-rescue na Aspin ni Serge. Isang araw matapos ang pagpanaw nito, saka naman nagpunta si Pogy sa bahay nila.

Noong una daw, akala ni Serge ay naligaw lamang ang Aspin. Ilang araw niya ring ino-obserbahan kung babalik ba ang may-ari nito. Ngunit makalipas ang ilang araw, hindi pa rin daw bumabalik ang amo nito kaya naman napagdesisyunan ni Serge na kupkupin na lamang ito.

“Kasi nung namat*y po yung ni-rescue namin na aspin, kinabukasan may aso na sa labas namin. Noong una akala ko nakatambay lang, tapos binigyan ko na rin po ng dog food tsaka tubig, tapos hindi na siya umaalis sa labas namin,” pahayag ni Serge sa kanyang viral na Facebook post.

Dito na nagsimula ang malapit na samahan ni Serge at ng kanyang bagong alaga. Noong una ay kinailangan pa daw nitong mag-adjust, pero sa ngayon ay parang pamilya na rin ang turing niya dito.

“Malapit na tayong mag-isang taon, pinabayaan ka ng amo mo? Tama ang pinuntahan mo,” dagdag pa ni Serge. Sa kabilang banda, maraming netizens naman ang humanga sa kabutihan ng puso ni Serge!

Read also: “Masasayang lang lahat”- Lolo na Naglalako ng Pichi-Pichi, Naghinagpis Matapos Mabasa ng Ulan ang Paninda Niya

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? I share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Local

“Masasayang lang lahat”- Lolo na Naglalako ng Pichi-Pichi, Naghinagpis Matapos Mabasa ng Ulan ang Paninda Niya

Published

on

Sa panahon ngayon, bibihira ka na lang makakita ng taong handang tumulong sa iba. Kaya naman talagang kahanga-hanga ang mga good Samaritan na hindi nagdadalawang-isip para makatulong sa mga nangangailangan. Isa na sa kanila ay ang concerned citizen na ito na kamakailan lang ay nagbahagi ng kanyang nakakahabag na kwento sa social media.

Ayon kay Jessiebelle Balmes, naglalakad na siya pauwi ng makasalubong niya ang isang matandang lalaki. May dala raw itong malaking bayong na punong-puno ng mga paninda na pichi-pichi. Ngunit dahil sa masungit na panahon, halos nabasa na ang lahat ng paninda ni tatay, na kinilala bilang Tatay Victor.

“Kanina habang pauwi ako naka salubong ko si tatay Victor Halos parehas kaming inabutan ng malakas na ulan tapos ang lakas pa ng hangin natumba pa paninda nya hanggang sa nagkanda basa basa lahat.”

Read also: Masipag na HRM Student, Gumawa ng Sariling Oven Gamit ang Recycled Materials

Ayon sa 54-anyos na tindero, umaga pa lamang ay naglalakad na siya upang mailako ang paninda niya. Ngunit sa kasamaang palad, hindi ito naubos.

Mas lalo naman siyang nalungkot ng tuluyang mabasa ng ulan ang kanyang mga paninda, dahil uuwi na naman daw siya sa kanilang bahay na kakarampot ang kita.

Bukod pa dito, ibinahagi rin ni Tatay Victor na nahihirapan na siyang makakita sa kanyang isang mata. Kaya naman isang malaking hamon sa kanya ang makauwi sa kanila, lalo pa’t gabi na. Tinulungan naman siya ni Balmes na maghanap ng masisilungan panandalian.

“Habang inaayos namin mga paninda niya naluluha si tatay kasi hindi pa raw niya nababawi puhunan niya tapos masasayang lang lahat. Hindi na rin makakita isang mata ni tatay kaya mahihirapan na raw umuwi. Ang layo pa ng uuwian ni Tatay, Banga 2nd to Sipat tapos hindi niya pa maaninag ang daan dahil nga sa lakas na rin ng ulan at hangin.”

Sa kabilang banda, maraming netizens naman ang nag-offer ng tulong upang kahit papano ay maibsan ang paghihirap ni Tatay Victor.

Maraming netizen rin ang tumawag sa atensyon ng beteranong host na si Raffy Tulfo sa pag-asang makakaabot ito ng tulong sa tindero.

Read Also: Bata na Kaka-Celebrate Lang ng 2nd Birthday, Binawian ng Buhay Matapos Makuryente Dahil sa Extension Cord

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Inspiring

Masipag na HRM Student, Gumawa ng Sariling Oven Gamit ang Recycled Materials

Published

on

By

Ayon sa kasabihan, hindi hadlang ang kahirapan upang makamit mo ang iyong mga pangarap sa buhay. Kahit pa naghihikahos ka at nahihirapang makaraos, hahanap at hahanap ka ng paraan para lamang maigapang ang iyong pag-aaral. Hindi man madali ang iyong mga sakripisyo, sa huli ay paniguradong aanihin mo ang bunga ng iyong paghihirap.

Pinatunayan ito ng isang HRM student na kinilala bilang si Jovel Bante, Jr, isang residente ng Davao City. Si Jovel ay kasalukuyang uma-attend ng kanilang virtual class sa Holy Cross of Davao College.

Kamakailan lang ay nag-viral sa social media si Jovel matapos gumawa ng kanyang sariling oven upang makapagluto sa bahay!

Read Also: Bata na Kaka-Celebrate Lang ng 2nd Birthday, Binawian ng Buhay Matapos Makuryente Dahil sa Extension Cord

“Naisipan ko pong gumawa na lang ng DIY oven para po makapag laboratory ako sa major namin. Medyo mahirap pero kaya naman, iniisip ko na gawin para may magamit ako sa laboratory namin,” pahayag ni Jovel sa isang report ng ABS-CBN News.

Dahil salat sa pera, hindi makabili ng brand-new na oven si Jovel. Ngunit hindi naman siya pinanghinaan ng loob. Sa katunayan, mas lalo pa siyang na-inspire na maghanap ng ibang paraan!

Gamit ang semento, lata ng biscuit, at wire, gumawa siya ng kanyang sariling oven sa gumagamit ng panggatong.

Ayon kay Teacher Minoza, isa si Jovel sa mga pinakamagaling niya na estudyante. Bukod daw sa pagiging maparaan at creative nito, may natural na talento rin daw si Jovel sa pagluluto. Dahil dito, hindi na raw magtataka si Teacher Minoza kung magiging isang successful na chef si Jovel balang araw.

“Totoo talaga ang kasabihan na kapag gusto, maraming paraan. Wala talagang imposible kung gugustuhin lang natin matuto. He is very resourceful at masipag. For 1 month namin sa virtual class, may nakita akong potential sa kanya na magiging chef in the future,” pahayag ng guro ni Jovel na si Raymond Minoza.

Sa kabilang banda, maraming netizens naman ang na-inspire sa kwento ni Jovel. May iba rin na nais mag-abot ng tulong upang makabili ng mas angkop na kagamitan ang masipag na estudyanteng ito.

Read also: Wais na Guro, Nag-Viral Dahil sa Mala-Birdbox na Oral Recitation sa Online Class!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section below. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Trending