Connect with us

Inspiring

Netizens, Hinangaan ang Batang Ito na Pinagsasabay ang Chemotherapy at Online Learning

Published

on

Sa gitna ng COVID-19 pandemic, kabi-kabila rin ang mga problema na kinakaharap ng mga Pilipino. Isa na dito ay ang pagbabalik eskwela ng mga bata. Dahil sa virus, inirekomenda ng Department of Education na isuspinde ang face-to-face learning at ipatupad ang online learning. Isang malaking hamon ito para sa mga bata, lalo pa’t hindi madaling mag-aral dahil sa kakulangan ng mga module at maayos na internet connection.

Isa na sa kanila ay ang batang ito, na kahit pa may kinakaharap na sakit, ay nagsusumikap pa ring mag-aral! Hindi naging hadlang para sa batang lalaking ito ang kanyang sakit.

Sa katunayan, ginawa niya pa itong inspirasyon upang maipagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral.

Read also: Toni Gonzaga, Ipinamigay ang Sariling Talent Fee sa mga Empleyado na Nawalan ng Trabaho sa ABS-CBN

Nag-viral ngayon sa social media ang nakaka-inspire na siwasyon ng isang batang ito. Ibinahagi ni Philip Richard Budiongan ang mga sakripisyo ng kanyang anak na si Andrei.

Si Andrei ay na-diagnose na mayroong leukemia, o cancer sa dugo, kaya naman kinailangan niyang sumailalim sa chemotherapy. Nagpapagamot si Andrei sa Philippine Children’s Medical Center.

Ngunit kahit na siya ay mayroong chemotherapy session, hindi nito napigil ang kagustuhan ni Andrei na mag-aral. Dala-dala ang kanyang tablet, notebook, at ballpen, matiyagang nakikinig si Andrei sa lecture ng kanyang guro.

“Chemo day while learning. There’s always a silver lining in every challenge that we face. For us, it is the emergence of online class. Thank you anak for showing resilience. And thank you mommy for yor patience. Kidding aside, baka di na maka-absent ibang bata dahil sayo anak ah. To god be the glory,” ayon kay syon kay Richard.

Maraming netizens ang na-inspire sa kakaibang kwento ni Andrei. Siya lamang ang nagpapatunay na kahit pa gaano karaming problema, siguradong malalampasan mo ito kung ikaw ay magiging positibo lamang.

Read also: “Inggit ka noh”- Gerald Anderson, Inulan ng Batikos Matapos Asarin si Diego Loyzaga!

Anong masasabi niyo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa baba. Para sa iba pang kwento, wag mag-atubiling mag-like o follow sa aming Facebook page.

Inspiring

Isang Sundalo na Nakipagkita sa Kanyang Ka-Penpal, Nagulat Matapos Makilala ang Katauhan Nito!

Published

on

Sabi nga nila, hindi masusukat ang tunay na pagmamahal sa panlabas na kaanyuan. Kahit ano pa ang itsura ng isang tao, kung mahal mo siya ay hindi mo ito mapapansin. Sa ganitong paraan rin nasukat ang pagmamahalan ng isang sundalong ito at ng kanyang ka-penpal. Matagal na ring nagsusulatan si David at Kylie.

Noong una ay nagsimula sila sa pagiging magkaibigan. Laging nagsusulatan ang dalawa, lalo pa’t sa malayo naka-destino si David at lagi siyang naghahanap ng kaibigang makakausap. Nang maglaon ay nagkaroong ng relasyon ang dalawa, at dumating ang araw na plinano na ni Kylie at David na magkita sila sa kauna-unahang pagkakataon!

Read also: “Wala po kasi siyang handa”- Magkakaibigan, Nag-Ambagan Upang Sorpresahin ang Kanilang Tropa sa Birthday Nito!

Sabik si David na makilala ang babaeng matagal na niyang nakakausap online. Usapan nilang magkikita sa Luneta, kaya naman maaga pa lang ay nakapustura na si David at nag-aabang kay Kylie. Sinabi ni Kylie ang suot niya, at nagulat na lamang si David nang makita niya ang totoong itsura ni Kylie!

May edad na si Kylie, at aminado itong nasa 40s na siya. Nagulat si David, dahil hindi niya akalain na may edad na pala ang babaeng kausap niya. Ngunit kahit pa hindi ito ang inaasahan niya, pumayag pa rin si David na kumain silang dalawa sa isang restaurant upang makamusta niya rin si Kylie.

Habang nag-uusap sila sa restaurant, nagulat na lamang si David nang biglang may lumapit na magandang babae sa kanilang table!

Ngumiti rin ang matandang babaeng kasama niya, at ipinakilala niya ang magandang dalaga. Ang dalaga pala ang tunay na ‘Kylie,’ at nanay naman niya ang unang nakilala ni David!

Ayon kay Kylie, nais niyang makilala ang tunay na ugali ni David, kaya naman napagdesisyunan niyang ilagay ito sa pagsubok. Nang makita niya na mabait at magalang pa rin si David kahit pa hindi nito inaasahang matanda ang makikilala niya, saka lamang napagtanto ni Kylie na mabuti ang kalooban ng lalaking minamahal niya.

Sa huli ay nagkatuluyan rin ang dalawa. Ikinasal sila sa isang simpleng seremonya, at sa ngayon ay nabiyayaan sila ng dalawang anak! Hanggang ngayon rin ay ikinekwento pa rin ni Kylie ang unang beses na nagtagpo sila ng kanyang asawa.

Read also: “Masasayang lang lahat”- Lolo na Naglalako ng Pichi-Pichi, Naghinagpis Matapos Mabasa ng Ulan ang Paninda Niya

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? I share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Inspiring

“Wala po kasi siyang handa”- Magkakaibigan, Nag-Ambagan Upang Sorpresahin ang Kanilang Tropa sa Birthday Nito!

Published

on

Ika nga ng kasabihan, ang tapat na kaibigan ay isang kayamanan! Sa panahon ngayon, mahirap nang makahanap ng kaibigan na hindi ka iiwan kahit pa mahirap ang pagkakataon. Kaya kung nakahanap ka ng ganitong klaseng kaibigan, wag mo na itong bibitawan pa! Ito rin ang dahilan kung bakit agad nag-viral ang nakakaantig na kwento ng mga batang magkakaibigan na ito sa social media.

Kamakailan lang ay nag-trending sa Facebook ang magkakaibigan na ito. Magdiriwang na ng kanyang ika-11 na birthday ang isa nilang tropa, kaya naman nagdesisyon sila na sorpresahin ito!

Kahit pa gipit sa pera, nag-ambagan ang mga magkakaibigan upang makabili ng handa para sa kanilang birthday boy na si Biboy.

Read Also: Bata na Kaka-Celebrate Lang ng 2nd Birthday, Binawian ng Buhay Matapos Makuryente Dahil sa Extension Cord

Ayon kay Drayco Linnus Sudaria, isa sa mga magkakabarkada, matagal na nilang pinapaplanuhan ang sorpresang ito. Nais daw nilang pasayahin ang tropa nila, dahil kadalasan tuwing birthday nito ay wala siyang handa dahil na rin sa hirap ng buhay. Kaya naman sa ika-11 na kaarawan niya, nagkaroon sila ng simpleng salo-salo.

“Kasi po, wala po siyang handa sa birthday niya. Kaya nag-ambagan po kami ng kaibigan ko at pinsan ko para ibili siya ng tinapay at cupcake. Nakita namin na masaya talaga siya at na-surprise talaga siya,” pahayag ni Drayco sa kanyang interview sa TV 5.

Naghanda sila ng cupcakes, tinapay, chichirya, pancit canton, at juice para kay Biboy. Nakapiring pa ang mata ng birthday boy nang papuntahin nila ito sa venue. Nang makita ni Biboy ang sorpresa na nakahanda sa kanya, hindi mapigilang maging emosyonal ito!

Mababakas sa mukha ni Biboy ang tuwa sa ginawa ng kanyang mga kaibigan. Sa kabilang banda, maraming netizens naman ang humanga sa pagkakaibigan ng mga batang ito.

Kahit pa kapos sila sa pera, hindi ito naging hadlang upang hindi nila maipadama kay Biboy na mahal nila ito! Na-feature na rin sa iba’t-ibang news outlets ang nakaka-inspire na kwentong ito.

Read also: Masipag na HRM Student, Gumawa ng Sariling Oven Gamit ang Recycled Materials

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Inspiring

Masipag na HRM Student, Gumawa ng Sariling Oven Gamit ang Recycled Materials

Published

on

By

Ayon sa kasabihan, hindi hadlang ang kahirapan upang makamit mo ang iyong mga pangarap sa buhay. Kahit pa naghihikahos ka at nahihirapang makaraos, hahanap at hahanap ka ng paraan para lamang maigapang ang iyong pag-aaral. Hindi man madali ang iyong mga sakripisyo, sa huli ay paniguradong aanihin mo ang bunga ng iyong paghihirap.

Pinatunayan ito ng isang HRM student na kinilala bilang si Jovel Bante, Jr, isang residente ng Davao City. Si Jovel ay kasalukuyang uma-attend ng kanilang virtual class sa Holy Cross of Davao College.

Kamakailan lang ay nag-viral sa social media si Jovel matapos gumawa ng kanyang sariling oven upang makapagluto sa bahay!

Read Also: Bata na Kaka-Celebrate Lang ng 2nd Birthday, Binawian ng Buhay Matapos Makuryente Dahil sa Extension Cord

“Naisipan ko pong gumawa na lang ng DIY oven para po makapag laboratory ako sa major namin. Medyo mahirap pero kaya naman, iniisip ko na gawin para may magamit ako sa laboratory namin,” pahayag ni Jovel sa isang report ng ABS-CBN News.

Dahil salat sa pera, hindi makabili ng brand-new na oven si Jovel. Ngunit hindi naman siya pinanghinaan ng loob. Sa katunayan, mas lalo pa siyang na-inspire na maghanap ng ibang paraan!

Gamit ang semento, lata ng biscuit, at wire, gumawa siya ng kanyang sariling oven sa gumagamit ng panggatong.

Ayon kay Teacher Minoza, isa si Jovel sa mga pinakamagaling niya na estudyante. Bukod daw sa pagiging maparaan at creative nito, may natural na talento rin daw si Jovel sa pagluluto. Dahil dito, hindi na raw magtataka si Teacher Minoza kung magiging isang successful na chef si Jovel balang araw.

“Totoo talaga ang kasabihan na kapag gusto, maraming paraan. Wala talagang imposible kung gugustuhin lang natin matuto. He is very resourceful at masipag. For 1 month namin sa virtual class, may nakita akong potential sa kanya na magiging chef in the future,” pahayag ng guro ni Jovel na si Raymond Minoza.

Sa kabilang banda, maraming netizens naman ang na-inspire sa kwento ni Jovel. May iba rin na nais mag-abot ng tulong upang makabili ng mas angkop na kagamitan ang masipag na estudyanteng ito.

Read also: Wais na Guro, Nag-Viral Dahil sa Mala-Birdbox na Oral Recitation sa Online Class!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section below. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Trending