Connect with us

celebrities

Mala-Resort na Dream House ni Coco Martin, May Sariling Private Cinema sa Loob!

Published

on

Isa si Coco Martin sa pinakasikat na aktor sa showbiz industry ngayon. Kilala siya sa kanyang role bilang Cardo sa “FPJ’s Ang Probinsyano.” Dahil sa kanyang kasikatan, hindi na rin nakakapagtaka na malaki ang kinikita ni Coco mula sa pag-aartista. Isa sa mga bunga ng kanyang pinaghirapan ay ang kanyang dream house, na talaga namang mala-hotel sa laki at ganda!

Ang tropical-inspired dream house ni Coco Martin ay may lawak na 2,000 sqm. Ayon kay Coco, sinadya niyang magpatayo ng malaking bahay para na rin makasama niya sa iisang bubong ang kanyang buong pamilya. Ayon pa sa aktor, siya rin mismo ang pumili ng design at mga furnitures sa kanyang dream home.

Read also: Netizens, Hinangaan ang Batang Ito na Pinagsasabay ang Chemotherapy at Online Learning

Sa labas pa lang, siguradong mapapanganga na kayo sa ganda! Mala-hotel ang engrandeng entrance sa bahay ni Coco.

Maaliwalas din ang buong bahay, dahi sinigurado ni Coco na maraming natural light ang makakapasok lalo na tuwing umaga. Binagayan naman ito ng kanyang rustic-inspired na gamit.

Kumpleto ito ng bar at sariling movie theater! Kung gusto naman niyang mag-relax, open ang pool area na napapaligiran ng nag-tataasang puno.

Ibinahagi ng aktor na dati pa man ay mahilig na siya sa nature, kaya tropical-inspired ang napili niyang design ng bahay.

Ayon kay Coco, ilang taon niya ring pinag-ipunan ang pampagawa sa kanyang dream house. Tatlong taon na walang-tigil na trabaho at projects ang tiniis ni Coco para lamang makapag-ipon.

Noong una ay naisip niya rin ang mag-loan, ngunit mas gusto niyang mapatayo ito sa sarili niyang pera upang hindi mabawi ng bangko.

“Ang tagal ginawa ‘yong bahay, kasi ipon, ipon, ipon. Kasi dahan-dahan lang, ayoko kasing biglain. Natakot naman akong mangutang sa bangko, kasi alam mo naman ‘yong work natin—minsan okey, ‘tapos biglang mawawala. Sabi ko, pag ni-loan ko ‘to, baka hatakin sa’kin. ‘Yon ‘yong pinakamasakit na mangyayari sa buhay ko,” sabi ni Coco sa kanyang interview.

Read also: Hirit ni Jomari Yllana sa Dating Partner: Hindi Kulang ang Sustento, Maluho ka Lang

Anong masasabi niyo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa baba. Para sa iba pang kwento, wag mag-atubiling mag-like o follow sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

celebrities

Netizen, Sinupalpal si Ellen at Derek Matapos Di Umanong Bastusin si John Lloyd sa Harap Mismo ng Anak Nila!

Published

on

Nagulat ang buong social media nang ibunyag ni Derek Ramsay at Ellen Adarna ang relasyon nila nitong nakaraan lamang. Noong February, kinumpirma ni Derek na official na ang kanilang relasyon ni Ellen! Nagsimula lamang ito sa simpleng pagkakaibigan, hanggang sa nagka-developan sila ng romantic feelings sa isa’t-isa.

Maraming netizens ang nagulat sa balitang ito, lalo pa’t kakagaling lamang sa break-up ni Derek Ramsay noong November 2020.

Gayunpaman, mukhang mabilis naka-move on ang aktor mula kay Andrea Torres. Aminado syang agad rin siyang na-in love kay Ellen dahil sa personality nito.

Read also: Nasobrahan sa Botox? Sikat na Female Celebrity, Hindi na Maka-Emote sa Taping!

Sa katunayan, close na rin sila ng anak ni Ellen kay John Lloyd Cruz na si Elias Modesto. Ang 2-year-old na si Elias ay nakasama na rin ni Derek sa iba’t-ibang getaway nila. Sa isang video sa Instagram, ipinakita rin ni Derek na ‘Tito Derek’ na ang tawag ni Elias sa kanya.

Umani naman ito ng reaksyon sa social media. Maraming netizens ang natutuwa dahil mukhang close na close na si Derek at Elias. Ngunit may iba rin na sinabing nakakabastos ito, lalo pa’t para sa tatay ni Elias na si John Lloyd. Narito ang pahayag ng ibang netizens:

“That’s so wrong in so many levels. What you do with your lover and partner is your business, but should you really post it for everyone to see?”

“No matter what happened between us, I could never do that. You and JLC once loved each other so I can’t even begin to understand why you guys had to post it. And as for you Derek whom I once loved and respected, I feel disappointed in you.”

Sa kabilang banda, itinanggi naman ni Ellen at Derek na binabastos nila si John Lloyd. Ayon pa kay Derek, malaki ang respeto niya sa aktor, na naging kaibigan niya rin dati.

Bago si Ellen, naging girlfriend rin ni Derek ang Kapuso actress na si Andrea Torres. Ngunit humigit isang taon lamang ang itinagal ng kanilang relasyon. Noong November 2020, kinumpirma ni Derek na hiwalay na sila. Hindi naman binanggit ng aktor ang dahilan ng kanilang biglaang hiwalayan.

Read also: Matapos ang Limang Taon, “Ang Probinsyano” ni Coco Martin, Magtatapos na nga ba Ngayong April?

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang viral na kwento o latest na balita, wag mag atubiling mag-follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

celebrities

“Jowa Reveal of 2021”- Gerald Anderson, Ibinunyag na si Julia Barretto ang Babaeng Nagpapasaya sa Kanya Ngayon

Published

on

It’s official! Mukhang taon nga talaga ng jowa reveal ngayong 2021. Matapos ang ilang buwang pag-iwas sa kontrobersya, sa wakas ay nagsalita na si Gerald Anderson. Ilang buwan na ring nagtataka ang mga netizens kung sino nga ba ang babaeng nagpapatibok sa puso ng Kapamilya aktor. At sa wakas, ibinunyag na rin ito ni Gerald!

Kamakailang lang, ibinahagi ni Gerald ang detalye ng kaniyang love life sa isang interview kasama si Boy Abunda.

Sa kanyang one-on-one interview kasama si Tito Boy, tinanong siya kung masaya ba siya sa kanyang personal buhay ngayon. Iisa lang ang sinagot ng aktor, na talaga namang nagpakilig sa mga fans!

Read also: Nasobrahan sa Botox? Sikat na Female Celebrity, Hindi na Maka-Emote sa Taping!

“Very happy. It’s a yes,” ani Gerald. Mukhang nabunutan ng tinik ang aktor, matapos ring itago ng ilang buwan ang relasyon nila ng 23-anyos na co-star niya. Ngunit bago pa man ang pag-amin na ito, mayroon ng ispekulasyon ang mga netizens dahil sa kumakalat na larawan ng dalawa.

Bukod pa dito, ibinunyag rin ni Gerald na hindi na siya masyadong nagfo-focus sa mga sinasabi ng ibang tao, lalo na sa social media.

Sa ngayon, mas gusto raw ng aktor na pagtuunan ng pansin ang kanyang personal na buhay, lalong-lalo na sa kanyang mga mahal sa buhay.

“At the end of the day, ako ‘yung pinaka-controversial na tao sa Pilipinas ngayon. But I’m so blessed with good health, ‘yung pamilya, nakakakain kami araw-araw, may work ako. I can still provide for them,” pagbabahagi ng aktor, na kilala rin bilang breadwinner ng kanilang pamilya.

Taong 2019 nang masangkot sa kontrobersya ang dalawa. Nadawit ang pangalan ni Julia sa hiwalayan ni Gerald at ng ex nitong si Bea Alonzo.

Ayon kay Bea, bigla na lamang siyang hindi pinansin ni Gerald simula nang maka-partner nito si Julia sa kanilang pelikulang “Between Maybes.” Noong mga panahong iyon, kakatapos lang rin ng break-up ni Julia at Joshua Garcia.

Read also: Matapos ang Limang Taon, “Ang Probinsyano” ni Coco Martin, Magtatapos na nga ba Ngayong April?

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

celebrities

Matapos ang Limang Taon, “Ang Probinsyano” ni Coco Martin, Magtatapos na nga ba Ngayong April?

Published

on

By

Ang “FPJ’s Ang Probinsyano” ang itinuturing na longest-running television series sa Pilipinas. Taong 2015 ng simulang umere ito sa Kapamilya network. Ang action shoow ay pinagbibidahan ni Coco Martin, na gumanap bilang si Cardo Dalisay. Sa loob ng ilang taon, sinubaybayan ito ng mga televiewers, na sabik mapanood ang mga pangyayari sa buhay ni Cardo.

Sa ilang taon nitong pag-ere, maraming respetado at batikang artista na rin ang napabilang sa cast ng “Ang Probinsyano.” Kabilang sa kanila ay sina Susan Roces, Eddie Garcia, Edu Manzano, Maja Salvador, Agot Isidro, Tirso Cruz III, Bela Padilla, Arjo Atayde, Albert Martinez, Dawn Zulueta, Sid Lucero, Mark Anthony Fernandez, JC Santos, Lito Lapid, at marami pang iba.

Read also: Ogie Diaz, Ibinunyag ang Celebrities na si ‘M’ at ‘B’ na Hinding-Hindi na Raw Makakabalik sa ABS-CBN!

Ngunit kamakailan lang, umugong ang bali-balita sa social media na magwawakas na ang programang ito. Matapos ang mahigit na limang taon na pag-ere, ayon sa mga usapan ay magtatapos na ito at hanggang sa susunod na buwan na lamang daw ito mapapanood. Totoo nga kayang mamamaalam na sa telebisyon si Cardo Dalisay?

Talaga nga namang nalungkot ang mga fans sa kumakalat na balitang ito. Ngunit sa isang statement mula sa isang Kapamilya insider, pinabulaanan nito ang mga kumakalat na tsismis.

Ayon sa Philippine Entertainment Portal, ibinalita sa kanila ng mapagkakatiwalaang insider na katatapos lamang ng lock-in tapin ng sixth cycle ng programa.

Magkakaroon lamang daw ng sandaling break upang makasama rin ng mga casts ang kani-kanilang pamilya. Ngunit pagkatapos nito, balik ulit sila sa taping sa susunod na buwan. Ayon pa sa insider, magkakaroon daw ng seventh cycle ang programa, at muling magte-taping ang mga casts para sa isang buwang episodes.

Kaya kung nalungkot ka sa balitang ito, wag kang mag-alala dahil mapapanood mo pa ng matagal si Cardo Dalisay sa telebisyon. Sa kabilang banda, hindi naman nagbigay ng komento ang aktor at direktor sa mga kumakalat na balitang ito.

Read Also: Andrea Torres, Masaya sa Pagiging Single! Mas Piniling Mag-Focus sa Career at Pamilya Kaysa Magka-Jowa Ulit

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong komento o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang viral na kwento at latest na balita, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Trending