Connect with us

Inspirational

Lolo na Nakapulot ng Nawawalang Wallet, Ibinalik ito sa May-Ari Kahit pa Nasa Ospital ang Asawa Niya

Published

on

Sa panahon natin ngayon, bibihira ka nang makatagpo ng isang taong tapat. Dahil sa hirap ng buhay, napipilitan ang maraming tao na kumapit sa patalim o manlamang ng kapwa para lamang mabuhay. Ngunit sa kabila ng lahat, mayroon pa ring mangilan-ngilan na nananatiling tapat sa kanilang kapwa. Isa na sa kanila ay ang matandang lalaking ito, na nag-trending ngayon sa social medial.

Kung gipit ka at nakapulot ka ng pera, ibabalik mo pa ba ito sa may-ari? Malamang ay magdadalawang isip ka dahil na rin sa pangangailangan mo.

Ngunit kahit pa gipit ang kalagayan ng lalaking ito, nagawa pa rin niyang maging tapat. Hindi siya nagdalawang isip na ibalik ang wallet na napulot niya.

Nakahinga ng maluwag ang netizen na si Clara Magbanua matapos isauli sa kanya ang nawawala niyang pitaka. Ayon kay Clara, nahulog niya ito sa daan habang bumibisita sa kanilang kamag-anak sa Puerto Princesa.

Hindi niya na inaasahang makikita itong muli, ngunit laking gulat niya na lamang nang may tumawag sa kanyang cellphone!

Isang matandang residente na nagngangalang Rome Punla ang nakapulot ng kanyang pitaka. Laman nito ang lahat ng ATM card ni Clara, kasama rin ang mga PIN code at company ID niya.

Ginamit ni Tatay Rome ang contact number niya sa ID upang macontact si Clara at ipaalam sa kanya na napulot nito ang wallet niya.

Nalaman din ni Clara na nasa ospital ang asawa ni Tatay Rome. Ngunit kahit pa nangangailangan ito, tumanggi ito sa pabuya na iniaalok ni Clara. Ayon sa kanya, sapat na ang makatulong siya sa kanyang kapwa.

“You called gamit ang number na nakita mo sa ID ko. You even refuse the money na gusto kong ibigay bilang pasasalamat man lang sana sa pagbalik sa wallet ko. Tay, sana lahat ng tao tulad niyo. Thank you so much. You are a true hero! May god bless you always.”

Laking pasasalamat ni Clara dahil sa mabuting kamay napunta ang kanyang wallet. Maraming netizens rin ang sumaludo sa ginawa ni Tatay Rome! Isa siyang patunay na kahit sa gitna ng kagipitan, may mga taong tapat ka pa ring makakapitan.

Anong masasabi niyo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa baba. Para sa iba pang kwento, wag mag-atubiling mag-like o follow sa aming Facebook page.

Inspirational

Lalaking May Kapansanan na Laging Pinipintasan Noon, Instant Milyonaryo na Ngayon!

Published

on

Isang dating mekaniko ang naging instant milyonaryo na ngayon! Hinangaan ng mga netizens ang nakaka-inspire na life story ni Johnny Tugot mula sa Cebu. Si Johnny ay may-ari ng maraming automotive stores sa Cebu at Negros Oriental. Ipinanganak na may kapansanan si Johnny, kaya naman bata pa lamang siya ay lagi na siyang tinutukso, ngunit hindi siya sumuko sa kanyang mga pangarap.

Dumating sa punto na hindi na niya kinaya ang pangungutya sa kanya, kaya naman nagdesisyon si Johnny na tuluyang lumayas sa kanila. Patuloy naman siya sa pagkayod para sa pang-araw araw na sustento.

Naranasan niya ang magbenta ng gulay sa palengke, hanggang sa natuto rin siyang mag-ayos ng mga sirang sasakyan at motorsiklo.

Read also: Halos Magunaw ang Mundo ng Nanay na Ito Matapos Bawian ng Buhay ang Anak Niya Habang Natutulog

Nalulong rin siya sa ipinagbabawal na gamot, ngunit nang makapag-asawa ay pinilit ni Johnny na magbagong-buhay. Matapos mag-asawa ay lumipat sa Cebu si Johnny, kung saan nakilala niya ang kanyang dating boss na naging inspirasyon niya.

Dito na nagsimulang magbago ang buhay ni Johnny. Malaki ang utang na loob ni Johnny sa kanyang boss dahil marami siyang natutunan dito.

Nagtatrabaho siya dito bilang isang mekaniko sa loob ng ilang taon. Nang pumanaw na ang may-ari, laking gulat na lamang ni Johnny at ng asawa niya na sa kanya ipinamana ang business na ito!

Kaya naman labis na minahal ni Johnny ang automotive shop at mas nagpursigi pa silang palaguin ito. Dahil sa kanyang pagsisikap, nagawa rin ni Johnny na bumili ng sariling bahay nila at iba pang ari-arian.

Napagtapos niya rin ng pag-aaral ang kanyang mga anak sa tulong ng business na ito. Sa ngayon ay nagsisilbing inspirasyon si Johnny para sa maraming tao.

Hinihimok niya rin ang iba na hindi pa huli para baguhin ang takbo ng kanilang buhay. Ayon kay Johnny, nasa kamay mo ang iyong kapalaran at hindi ka aasenso kung hindi ka rin kumakayod!

Read also: Extra sa Music Video ng Joshlia, May Ibinuking na Nangyari sa Pagitan ni Joshua at Julia Habang Nagte-Taping!

Ano ang masasabi mo sa mga tips na ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section below. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

amazing

Tatay na Halos Magkandakuba sa Pagsasaka, Napagtapos ang Walong Professionals

Published

on

By

Wala na sigurong mas hihigit pa sa sakripisyo ng isang magulang para sa kanyang mga anak. Lahat ay kaya nilang gawin para lamang mabigyan ang kanilang pamilya ng magandang buhay at kinabukasan. Katulad na lamang ng tatay na ito, na halos magkandakuba na sa pagsasaka para lamang mairaos ang pamilya niya.

Sa kabila ng hirap ng pagsasaka, hindi tumigil ang butihing ama na ito para mairaos ang pamilya niya. At dahil sa pagsasaka, naigapang niya ang pag-aaral ng hindi lang isa, kundi walong mga anak niya! Kaya naman malaki ang pasasalamat sa kanyang ng kanyang mga anak.


Isa sa kanila ay si Jovy Cataraja-Albite, na isa sa mga anak na babae ni Tatay. Sa Facebook, ipinahayag ni Jovy ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa kanyang mga magulang. Ayon kay Jovy, kung hindi dahil sa pagsisikap ng kanilang mga magulang ay hindi nila makakamit ang tagumpay ng mga kapatid niya.

Si Jovy ang panganay sa walong magkakapatid. Hindi naging madali ang buhay nila dahil na rin sa kahirapan. Gayunpaman, tinuruan si Jovy ng kanyang nanay at tatay na magpursigi upang mabago ang kalagayan nila. Parehas na nagsasaka sa bukid ang mga magulang nila.

At dahil sa pagsasaka, unti-unting napagtapos nila Tatay ang kanilang mga anak. Kahit na magkandakuba siya sa kaka-trabaho, hindi niya ito iniinda dahil ang mahalaga ay ang kinabukasan ng pamilya niya. At sa huli ay nasuklian naman ang mga sakripisyo ni tatay!

Ngayon ay mayroon na siyang mga anak na nagtapos ng iba’t-ibang kurso. Mayroong nurse, pulis, architect, marine, accounting staff, civil engineer, teacher, at nautical! Talagang nakakamangha isipin kung paano nairaos ni Tatay na pagtapusin ng iba’t-ibang kurso ang mga anak niya.

Ngayong matanda na si tatay, sila naman ang tinutulungan ng mga anak nila. Panahon na rin ito para makapagpahinga sila at lasapin ang maginhawang buhay. Ayon kay Jovy, napakalaki ng utang na loob nila sa kanilang mga magulang, kaya naman laking pasasalamat nila sa mga ito.


Naantig rin ba kayo sa kwentong ito ng isang tatay na kumakayod para sa kanyang pamilya? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.

Continue Reading

Inspirational

Sana All! OFW, Muling Nakahanap ng Kanyang True Love sa Isang App Matapos Masawi ng Tatlong Beses

Published

on

Sa panahon ngayon, maaari ka nang makahanap ng iyong true love sa online world. Salamat sa social media at mga dating apps, maaari ka nang makipag virtual date kahit pa nasa kalagitnaan ng pandemic. Maswerte naman ang isang lalaking ito, na matapos ang mahabang paghihintay ay nakahanap rin ng kanyang true love sa isang dating app!

Sabi nga nila, pagdating sa pag-ibig, third time’s a charm! Mukhang totoo nga ito sa kaso ng OFW na ito, na nakahanap ng kanyang true love matapos magdaan sa tatlong failed na relasyon. Susuko na sana si Archeval Galang Penano, ngunit mabuti na lang at nakilala niya ang kanyang true love sa isang dating app na ito.

Read also: “Alam mong may nagbago”- Baninay, Emosyonal na Ibinalita ang Hiwalayan Nila ni Bont Bryan

Si Archeval ay madalas na tambay sa Calamansi app, isang social media platform para sa mga Pinoy. Nagbibigay daan ang app na ito upang makakilala ka ng ibang tao, at maaari kayong mag voice chat at mag post ng status at videos. Dito rin nakilala ni Archeval si Farrah.

Bilang OFW, marami na ring kinaharap na problema si Archeval. Tatlong beses na rin siyang nabigo sa pag-ibig, at dumating pa sa punto na naiisip niya nang wakasan ang buhay niya.

Ngunit hindi siya huminto sa paghahanap ng babaeng magmamahal sa kanya, hanggang sa dumating si Farrah sa buhay niya.

Nagkakilala ang dalawa sa Calamansi app noong September 2020. At simula noon, nagkamabutihan na ang dalawa. Sa wakas, matapos ang mahabang paghihintay, nitong January lang ay nakauwi na ng Pinas si Archeval. Laking tuwa naman niya nang salubungin siya mismo ni Farrah.

“Ilang beses na rin siya napunta sa maling tao and same as me. Yun pong willingness na mapunta ka sa tamang tao is pwede mo palang mahanap sa technology na ginagawalan natin ngayon, sa Internet. Ngayon, kasama ko na po siya and then inaayos na po yung sa aming dalawa para mag-settle down.”

Read also: Bea Alonzo at Dominic Roque, Tinago nga ba sa mga Fans ang Secret Vacation Nila sa Amanpulo?

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa baba. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag-atubiling mag-follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Trending