Connect with us

Trending

Isang Minero na May 30 na Anak, Naging Instant Milyonaryo Matapos Makahukay ng Rare Gemstones!

Published

on

Isang minero mula sa Tanzania ang naging instant milyonaryo matapos mahukay ang pinakamalaking Tanzatine stone sa buong mundo! Hindi inaakala ni Saniniu Laizer na magbabago ang buhay niya sa isang iglap dahil sa nadiskubre niyang ito. Nakahukay siya ng dalawang malaking Tanzanite gemstones, na itinuturing na isa sa pinakamailap sa stones sa buong mundo.

Tinatayang umabot sa 33 lbs. o 15 kilograms ang timbang ng dalawang Tanzanite stones na nadiskubre ni Laizer. Kung dati ay isa lamang siyang simpleng minero, ngayon ay isa na siyang milyonaryo! Inabot ng mahigit $3.4 milyon ang nakamit ni Laizer matapos niyang ibenta ang dalawang gemstones.

Read also: Netizens, Hinangaan ang Batang Ito na Pinagsasabay ang Chemotherapy at Online Learning

Ayon sa mga report, naibenta ng 52-anyos na minero ang mga gemstones sa isang trading event sa Manyara. Pati ang mga opisyales ng mining industry sa lugar nila ay hindi makapaniwala sa nadiskubreng ito ni Laizer!

Ito na ang pinakamalaking Tanzanite stones na naitala nila sa buong mundo. Bago pa man ito mahukay ni Lazier, kumikita rin siya sa pamamagitan ng pagpapastol ng mga baka.

Ayon sa kanya, balak din niyang gamitin ang pera upang makatulong sa kanilang komunidad. Isa sa mga nais niyang ipatayo ay public school para sa mga bata sa kanilang village.

Bukod pa dito, nais niya ring magbukas ng isang business para sa kanyang pamilya. Ayon sa isang interview, umabot sa 30 ang anak ni Lazier mula sa kanyang apat na asawa.

“I want to build this school near my home. There are many poor people around here who can’t afford to take their children to school. I am not educated but I like things to run in a professional way. So I would like my children to run the business professionally.”

Read also: Hirit ni Jomari Yllana sa Dating Partner: Hindi Kulang ang Sustento, Maluho ka Lang

Anong masasabi niyo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa baba. Para sa iba pang kwento, wag mag-atubiling mag-like o follow sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Trending

Senior Couple na Nag-Celebrate ng 50th Wedding Anniversary, Pinakilig ang mga Netizens sa Kanilang Mala-Prenup Photoshoot!

Published

on

By

Hindi makukumpleto ang pag-iisang dibdib kung walang prenuptial photos! Sa panahon ngayon, usong-uso na an mga prenuptial pictorial kung saan magpapakuha ng larawan ang groom at bride. Iba’t-ibang diskarte rin ang mga couple para magkaroon ng unique at kakaibang prenup. Kamakailan lang ay nag-viral sa social media ang prenuptial photoshoot na ito ng isang matandang mag-asawa!

Kinilala ang mag-asawa bilang si Tatay Renato at Nanay Virginia Moncera. Sa ilang dekadang pagsasama ng dalawa, nagbunga ang kanilang pagmamahalan ng labindalawang anak! Kaya naman sa kanilang 50th wedding anniversary, nagkaroon ng surprise photoshoot ang dalawa na inorganize ng kanilang mga anak.

Read also: Ivana Alawi, Ibinuking Kung Sino ang Hunk Actor na Ito na Matagal na Niyang Hinahangaan!

‘Love never gets old’ ang tema ng kanilang animo’y prenuptial photo shoot, kung saan naka gown at suit si Tatay Renato at Nanay Virginia. Nagulat na lamang daw sila nang yayain sila ng kanilang mga anak sa hotel, kung saan naka-ready na ang mga gagamitin sa photoshoot.

“Surprise kasi talaga. Nalaman na lang namin yung nandoon na kami sa hotel. Yung kasama na namin. Dun ko naintindihan na pakana lahat ng anak namin,” pahayag ni Nanay Virginia.

Ayon naman kay Tatay Renato, hindi na nila kailangan pa ng mga mabubulaklak o matatamis na salita para iparamdam ang pagmamahal nila sa isa’t-isa. Sa kanilang simpleng sulyap sa isa’t-isa ay alam na nila ang mensaheng nais nilang iparating at hindi na ito kailangang banggitin pa.

“Parang biglaan lang. Di ko pa nasasabing mahal ko siya kasi di ko rin naman narinig sa kanyan nagsabi na ‘mahal kita’ o ano. Kami sa pagtingin lang nagkasundo lang sa biruan. Yun ang love life namin,” ang nakakakilig na pahayag ni Tatay Renato sa kanyang interview.

Dahil dito, hindi na nakakapagtaka kung bakit maraming netizens ang napa-‘sana all’ sa nakakakilig na love life nila! Ang wagas at tapat na pag-iibigan ni Tatay Renato at Nanay Virginia ang nagpapatunay na mayroong ‘forever,’ kung ikaw ay mapupunta lamang sa tamang tao na para sa iyo.

Read also: Identical Twins? Andi Eigenmann, Pinatunayan na Mini-Me Niya ang Panganay na si Ellie sa Throwback Picture na Ito

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section below. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Trending

Netizen, Nasagot ang Tanong Kung Bakit Walang Isang Litrong Yakult!

Published

on

Paborito mo rin bang inumin ang Yakult? Sa ating mga Pinoy, sikat ang inumin na ito. Madalas rin itong ipainom sa mga bata. Bukod sa masarap at nakakarefresh na lasa nito, maraming health benefits din ang Yakult. Maganda rin ito para sa digestion dahil sa mga good bacteria na laman nito. Sa kabila ng lahat, marami ang nagtataka kung bakit sa maliit na bote lamang nakalagay ang Yakult.

Isa sa kanila ay ang netizen na si Roseller Kempis. Ayon kay Roseller, matagal nang palaisipan sa kanya kung bakit sa maliit na bote lamang nakalagay ang Yakult.

Kaya naman para matapos na ito, naisipan niyang tanungin mismo ang official Facebook page ng Yakult.

Read also: Kathryn, Nagulat sa Sagot ni Daniel Matapos Tanungin Kung May Pinagsisisihan ito sa Relasyon Nila

Upang bigyang linaw ang bagay na ito, agad namang nagreply ang Yakult sa tanong ni Roseller. Ibinahagi rin niya ang kasagutang ito sa ibang netizens upang malinawan sila tungkol sa kanilang paboritong inumin.

Ito ang sagot ng Yakult tungkol sa katanungan ni Roseller. Ayon sa Yakult, may mahalagang rason kung bakit pinili nilang ilagay sa maliliit na lalagyan ang kanilang produkto.

Dahil may lamang good bacteria ito, makakasama daw kung ilalagay ito sa mas malaking bote dahil lagi itong mabubuksan at isasara.

Ang isang boteng Yakult ay idinisenyo para inumin ng isang bukasan lamang, para masigurong walang contamination.

“Yakult avoids creating bigger bottles for the reason that Yakult must be consumed in one sitting. The products carry live culture that will be prone to contamination once it’s not consumed at once. Having a bigger Yakult will make it prone to contamination by frequent opening and closing of the lid.”

Agad namang nag-viral sa social media ang screenshots ng conversation ni Roseller at ng Yakult Facebook page. Maraming netizens ang nalinawan dahil sa sagot na ito! Sa ngayon ay umabot na ng libo-libong likes, shares, at comments ang informative post na ito ni Roseller tungkol sa Yakult.

Read also: Lalaking May Kapansanan na Laging Pinipintasan Noon, Instant Milyonaryo na Ngayon!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section below. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Good Vibes

Netizen, Nadismaya Matapos Makitang Frozen Spaghetti ang Laman ng Ice Cream na Binili Nila sa Supermarket

Published

on

Karamihan sa atin ay nae-excite tuwing may nakikitang ice cream sa loob ng ref! Ngunit pagbukas, talagang nakakadismaya nga naman kung makikita mong isda o ulam lamang ang laman ng icecream. Personal na naranasan ito ng netizeng ito, na nagbahagi ng kamyang karavaan sa social media. Ayon kay Nikki Calalang, nagulat sila sa laman ng icecream tub na ito mula sa grocery!

Bumili ang nanay niya ng isang tub ng ice cream mula sa sang supermarket. Ngunit pag-uwi, laking dismaya ng pamilya matapos makita na iba pala ang laman ng icecream tub!

Imbes na dessert, frozen spaghetti ang laman nito. Agad naman itong pinicturan ni Nikki at ibinahagi sa social media.

Read also: Lalaking May Kapansanan na Laging Pinipintasan Noon, Instant Milyonaryo na Ngayon!

“My mama bought an ice cream at Walter Mart San Fernando. Pagbukas namin, spaghetti yung laman. Legit, I swear hahaha. Hello Walter Mart Supermarket, pa refund gusto ko ng ice cream. Not frozen spaghetti,” pahayag ni Nikki sa kanyang post. Mababakas ang disappointment niya matapos makita ang laman nito.

Agad naman silang bumalik sa supermarket upang mai-report ang insidente. Nang dumating na sila sa customer service, maging ang mga staff daw ay nagulat rin nang malaman na napalitan ang laman ng ice cream tub.

Nangako itong mag-iimbestiga, at binigyan rin nila ang pamilya ng ice cream bilang kapalit ng spaghetti na natanggap nila.

Ayon pa kay Nikki, umasa raw sila na kahit papano ay mayroong complimentary ice cream na matatanggap ang pamilya dahil sa napakahassle na insidenteng ito.

Ngunit wala raw ibinigay ang supermarket, at nais pa nitong ipabura kay Nikki ang post niya na viral na ngayon sa social media.

“We went back, went straight to the Customer Service. Same old, they apologize and replaced the spaghetti with a real ice cream. It was okay. They told us that they’re going to investigate, see who put that there and all that. They asked me to take down the post, I said no. It’s not like we’re mad, it’s just really hilarious.”

Read also: Kathryn, Nagulat sa Sagot ni Daniel Matapos Tanungin Kung May Pinagsisisihan ito sa Relasyon Nila

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section below. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Trending