Connect with us

Inspirational

Isang Kasambahay, Nagtapos Bilang Magna Cum Laude! Pinatunayang Hindi Hadlang ang Kahirapan Upang Umangat sa Buhay

Published

on

Filipinos take pride in education. No matter what your status in life is, finishing your education is one of your top-most priority. But this is a challenge for less-fortunate families who have lesser means of sending their children to school. Yet in spite of this, poverty did not stop this man from reaching his dreams.

The inspirational story of how he finished his education became a beacon of hope on social media. Jarel Tadio from Tuguegarao, Cagayan City, recently graduated as the top of his class.

Jarel graduated Magna Cum Laude from Cagayan State University under the program Hotel and Restaurant Management. But his journey to success was not easy, because he started off by working as a housemaid.

Read also: Ellen Adarna, Namahagi ng ‘Savage’ Dating Advice sa mga Followers Niya na Magulo ang Love Life

On Facebook, Jarel shared his humble beginnings. According to him, he was born in a poor family. Despite this, his parents encouraged him to dream bigger in life. Jarel went to work as a housemaid, and he took pride in this decent job. While working, Jarel also went back to school to finish his education.

“Namasukan ako bilang maid. Pero taas noo ako sa naging trabaho ko. Marangal yun. Mahirap maging working student, aral sa umaga, trabaho sa hapon at gabi. Maliban pa dun, may mga taong hindi yata masaya na makita kang nagsisikap makamit ang pangarap mo,” wrote Jarel.


His life as a working student was not easy. He went to school in the morning, then proceeded to work during the night. In spite of this, Jarel managed to stay at the top of his class.

During his graduation speech, he also dedicated his success to his parents, who never stopped believing in him.

“Ma, Pa, ito na po ang bunga ng bawat pagod, bawat puyat, bawat sakripisyo, bawat hirap at bawat luha… Graduate na po ang anak niyo at ito ay dahil sa hindi niyo ako pinabayaan, dahil sa pagtitiwala sa aking kakayahang tapusin ng matapang at tahakin ng may takot sa Diyos ang aking nasimulan.”

Read also: Barbie Imperial at Diego Loyzaga, Sinalubong ang New Year ng Magkasama Matapos Aminin ang Relasyon Nila

Were you also inspired with this success story? What are your thoughts about this? We’d love to hear from you, so don’t hesitate to share your thoughts with us in the comments section below. For more updates on the latest happenings, feel free to follow us on Facebook.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Inspirational

Pinay na Nakapag-Asawa ng British National, Pinatunayang Totoo ang Forever!

Published

on

By

Isang nakakakilig na love story ang nag-viral sa social media kamakailan lang. Maraming tao ang kinilig sa kwento ng Pinay traveller na ito at ng kanyang British husband. Siguradong mai-inspire kayo sa kanilang love story na talaga namang pang couple goals! Kamakailan lang ay ibinahagi ito ng couple sa Facebook page na

Nagtagpo silang dalawa sa Laos noong 2013. Simula noon, naging matalik na magkaibigan si Jonathan at Kach.

Ayon kay Jonathan, nais niyang magturo sa Vietnam, samantalang gusto namang bumalik ni Kach sa Middle East upang magtrabahong muli. Ngunit kahit pa magkaiba ang kanilang mga plano, pinagkrus pa rin ang landas nilang dalawa.

Read also: Delivery Rider, Huminto sa Pagde-Deliver Upang Makapagdasal sa Gitna ng Daan

Hindi nagtagal ay tuluyan nang nagkadevelopan si Kach at Jonathan. Kahit pa maraming pagkakaiba ang kanilang personality, pinagbuklod sila ng kanilang love para sa traveling.

Ayon kay Kache, sa loob ng anim na taon ay mahigit sa 80 na bansa na ang kanilang napuntahan nang magkasama.

“And destiny! Our 6 years of nomadic life brought us to over 80 countries together and all the 7 continents around the world including Antarctica. I’ve traveled to 143 countries since I still go on solo trips and have a goal to visit all the countries in the world and I’m traveling with a Philippines passport!”

Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ay naging madali ang pagsasama nila. Ayon kay Kache, ilang taon rin silang namuhay ng salat sa pera, pero kahit kailanman ay hindi sila pinanghinaan ng loob. Hindi rin ito naging hadlang sa pagpapakasal ng dalawa noong taong 2016.

Matapos magpakasal ay nag-desisyon ang dalawa na mag-settle down na. Ilang bansa pa ang binisita nila bago tuluyang manirahan sa Europe.

Sa ngayon naman ay maayos na rin ang buhay pinansyal ng dalawa. Sa katunayan, nakabili na rin sila ng kanilang sariling bahay!

Read also: Sexy Actress na si Natalie Hart, Proud Mommy Na! Ipinakilala ang Anak na Matagal Itinago sa Social Media

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa baba. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag-atubiling mag-follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Good Vibes

Delivery Rider, Huminto sa Pagde-Deliver Upang Makapagdasal sa Gitna ng Daan

Published

on

By

Hindi madali ang trabaho ng mga delivery rider. Lalo na sa kalagitnaan ng pandemic, tinataya nila ang kanilang personal na kaligtasan para lamang kumita ng pera at makapag service sa kanilang mga customers. Bilang riders, isa sa mga layunin nila ay maihatid ang produkto nang mabilis sa kanilang mga naghihintay na customers.

Kamakailan lamang ay nag-viral sa social media ang delivery rider na ito. Sa kabila ng kanyang matinding schedule na kinakaharap niya, nagawa pa rin niyang maglaan ng oras para sa mas importanteng bagay. Isang netizen ang nakakita sa rider na ito na nagdadasal!

Read also: Charlie Lozada, Isang Successful Businessman Na! Tuluyan na Ring Kinalimutan ang Asawang Nanloko sa Kanya 

Ayon sa report ng Philippine Star, isang Food Panda rider ang huminto sa kanyang duty upang magdasal. Muslim ang rider, kaya naman inilatag niya ang kanyang prayer mat sa gilid ng daan para makapagdasal siya. Parte ito ng tradisyon sa Islam na pagdadasal ng limang beses sa isang araw.

“A Muslim food delivery rider stopped at a pavement along Zobel Street in Manila to perform a ritual prayer on Monday. Salat, the second Pillar of Islam, is the obligatory prayer performed five times each day by Muslims.”

Sa kabilang banda, agad agad namang nag-trending sa social media ang larawan ng driver na ito. Maraming netizens ang naantig at hinangaan nila ang driver sa malakas na pananampalataya nito. Silipin ang ibang komento nila dito:

“Respect to our Muslim brothers and sisters should be expressed by providing small spaces in buildings and public places for their prayers.”

“I am Catholic, but I salute and give you my full respect tatay! let’s keep that faith!”

“That’s why I really respect our muslim brothers and sisters though I am a Catholic. Their faith and belief are deeper than what we thought.”

Read also: Mala-Resort na Dream House ni Coco Martin, May Sariling Private Cinema sa Loob

Anong masasabi niyo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa baba. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag atubiling mag-like o follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Inspirational

Lolo na Nakapulot ng Nawawalang Wallet, Ibinalik ito sa May-Ari Kahit pa Nasa Ospital ang Asawa Niya

Published

on

By

Sa panahon natin ngayon, bibihira ka nang makatagpo ng isang taong tapat. Dahil sa hirap ng buhay, napipilitan ang maraming tao na kumapit sa patalim o manlamang ng kapwa para lamang mabuhay. Ngunit sa kabila ng lahat, mayroon pa ring mangilan-ngilan na nananatiling tapat sa kanilang kapwa. Isa na sa kanila ay ang matandang lalaking ito, na nag-trending ngayon sa social medial.

Kung gipit ka at nakapulot ka ng pera, ibabalik mo pa ba ito sa may-ari? Malamang ay magdadalawang isip ka dahil na rin sa pangangailangan mo.

Ngunit kahit pa gipit ang kalagayan ng lalaking ito, nagawa pa rin niyang maging tapat. Hindi siya nagdalawang isip na ibalik ang wallet na napulot niya.

Read also: Netizens, Hinangaan ang Batang Ito na Pinagsasabay ang Chemotherapy at Online Learning

Nakahinga ng maluwag ang netizen na si Clara Magbanua matapos isauli sa kanya ang nawawala niyang pitaka. Ayon kay Clara, nahulog niya ito sa daan habang bumibisita sa kanilang kamag-anak sa Puerto Princesa.

Hindi niya na inaasahang makikita itong muli, ngunit laking gulat niya na lamang nang may tumawag sa kanyang cellphone!

Isang matandang residente na nagngangalang Rome Punla ang nakapulot ng kanyang pitaka. Laman nito ang lahat ng ATM card ni Clara, kasama rin ang mga PIN code at company ID niya.

Ginamit ni Tatay Rome ang contact number niya sa ID upang macontact si Clara at ipaalam sa kanya na napulot nito ang wallet niya.

Nalaman din ni Clara na nasa ospital ang asawa ni Tatay Rome. Ngunit kahit pa nangangailangan ito, tumanggi ito sa pabuya na iniaalok ni Clara. Ayon sa kanya, sapat na ang makatulong siya sa kanyang kapwa.

“You called gamit ang number na nakita mo sa ID ko. You even refuse the money na gusto kong ibigay bilang pasasalamat man lang sana sa pagbalik sa wallet ko. Tay, sana lahat ng tao tulad niyo. Thank you so much. You are a true hero! May god bless you always.”

Laking pasasalamat ni Clara dahil sa mabuting kamay napunta ang kanyang wallet. Maraming netizens rin ang sumaludo sa ginawa ni Tatay Rome! Isa siyang patunay na kahit sa gitna ng kagipitan, may mga taong tapat ka pa ring makakapitan.

Read also: Hirit ni Jomari Yllana sa Dating Partner: Hindi Kulang ang Sustento, Maluho ka Lang

Anong masasabi niyo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa baba. Para sa iba pang kwento, wag mag-atubiling mag-like o follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Trending