Connect with us

news

OFW na Apat na Buwang Na-Ospital Dahil sa COVID-19, Sinagot ng Empleyado ang Mahigit P10M na Hospital Bill

Published

on

Amid the COVID-19 pandemic, one of the worries of overseas Filipino workers is contracting this highly-communicable disease abroad. However, since the COVID-19 cases are also high in other countries, many OFWs were inevitably infected. Among them is Francis Feliciano, a 46-year-old OFW who was hospitalized for more than four months after testing positive for coronavirus.

According to online records, Francis works as an executive in a multinational food company in Dubai. He has been working in this company for quite a long time, and he has a good track record. So when he tested positive for COVID-19, his company shouldered his hospital bills, which amounted to a staggering bill of P10 million!

Read also: Anak ng OFW, Kauna-Unahang Pinay na Naging Mayor ng Isang Town sa England!

On April 13, the Dubai-based OFW experienced the tell-tale symptoms of COVID-19 including a high fever and a persistent cough. He was immediately admitted to the ICU of Canadian Specialist Hospital (CHS) in Abu Hail. That is the start of Francis’ 72-day stay in the hospital while battling against COVID-19.

His wife, Sheila, is living in Canada, while their son is left in the Philippines. With no family by his side, Francis relies on his caring healthcare workers to look after him during his ordeal. According to Sheila, they were worried of his condition every passing day.

“Every time na tumatawag ako sa doktor, ‘yun ang sinasabi na tulog daw si Francis kasi na-intubate na raw siya.”

During his stay in the hospital, Francis was intubated for more than two months due to his difficulty in breathing. He was also revived four times and thanks to the help of the nurses and doctors, he lived on to tell his tale. According to Francis, he owes his life to the health care workers.

“I thank God I survived this terrible ordeal and thank the hospital for not giving up on me and taking such good care. I feel better now. I am able to talk with my family on video chat and am hoping to recover completely and look forward to meeting my wife and son soon.”

Read also: Annabelle Rama, Emosyonal Habang Inaalala nang Muntik Nang Manganib ang Buhay ni Ruffa

Were you also inspired with this OFW’s battle against COVID-19? We’d love to hear from you, so don’t hesitate to share your thoughts with us in the comments section below. For more updates on the latest happenings, feel free to follow us

news

Doktor, Ginulat ang Judge Matapos Umattend ng Hearing sa Zoom Habang Nasa Gitna ng Operasyon!

Published

on

Sa kalagitnaan ng COVID-19 pandemic, maraming trabaho at proseso ang isinasagawa online upang maiwasan ang pagkalat ng virus. Sa United States, karamihan ng court trials ay ginawa na ring virtual meeting ngayon gamit ang Zoom. Kamakailan lang, isang doktor ang umani ng iba’t-ibang komento online matapos magsagawa ng surgery sa kalagitnaan ng Zoom trial!

Isang plastic surgeon mula sa California ang nag-viral sa social media dahil sa kanyang kakaibang court appearance sa kanyang traffic trial. Ang surgeon ay kinilalang si Scott Douglas Green, na mayroong court appearance noong February 25. Ngunit sa laking gulat ng judge, umattend si Dr. Green sa trial habang nasa gitna ng operasyon!

Read also: “Wala po kasi siyang handa”- Magkakaibigan, Nag-Ambagan Upang Sorpresahin ang Kanilang Tropa sa Birthday Nito!

Sa ilang screenshots, kitang-kita na nasa loob mismo ng operating room si Dr. Green habang ka-Zoom ang judge. Sa kanyang likod ay mayroon ring surgical lights at iba pang equipment, samantalang hindi naman kita sa frame ang kanyang pasyente. Mukhang hindi naman ito nagustuhan ng judge na si Gary Link.

Ayon sa judge, ayaw niyang mahati ang atensyon ng doktor habang nasa kalagitnaan ito ng isang operasyon. Nangangamba rin daw ang judge para sa kaligtasan ng pasyente.

“So unless I’m mistaken, I’m seeing a defendant that’s in the middle of an operating room appearing to be actively engaged in providing services to a patient. I do not feel comfortable for the welfare of a patient if you’re in the process of operating that I would put on a trial notwithstanding the fact the officer is here today,” ayon kay Judge Link.

Ngunit ayon sa surgeon, mayroon pa siyang isang doktor na kasama sa surgery, kaya naman kaya niyang ipagpatuloy ang court trail. Humingi rin ito ng dispensa sa judge: “I have another surgeon right here who’s doing the surgery with me, so I can stand here and allow them to do the surgery also.”

Sa kabilang banda, inireschedule naman ng judge ang kanilang court trial sa March 4. Sa ngayon ay iniimbestigahan na ng Medical Board of California ang insidente.

Read also: “Masasayang lang lahat”- Lolo na Naglalako ng Pichi-Pichi, Naghinagpis Matapos Mabasa ng Ulan ang Paninda Niya

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? I share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Local

Bata na Kaka-Celebrate Lang ng 2nd Birthday, Binawian ng Buhay Matapos Makuryente Dahil sa Extension Cord

Published

on

Bilang mga magulang, hangad natin ang mabantayan ang ating mga anak, lalo na kung sila ay bata pa lamang. Ngunit minsan, kahit gaano ka pa kaingat, hindi maiwasang magkaroon ng mga di-inaasahang pangyayari na maaaring magresulta sa peligro. Katulad na lamang ng nangyari sa mag-anak na ito sa Quezon City matapos bawian ng buhay ang kanilang anak.

Isang batang lalaki na dalawang taong gulang ang nasawi matapos aksidenteng makuryente. Ang biktima ay kinilalang si Jake Angara, na noong February 7 lamang nagdiwang ng kanyang ikalawang kaarawan. Ayon sa nanay na si Eloisa, nakuryente ang kanyang anak matapos itusok ang kutsara sa kanilang electrical outlet.

Read also: Nanganib ang Buhay ng Batang Ito Matapos Makalunok ng Wire Mula sa Kinakaing Lugaw

Sa panayam ng GMA News, ibinahagi ni Eloisa na nagpatimpla ng dede ang kanyang anak. Nakita raw niya na pakalat-kalat ang kutsara, kaya naman pinulot niya ito at inilagay sa mataas na lagayan na hindi abot ni Jake. Nagulat na lamang siya ng marinig ang sigaw ng kanyang asawa.

“Nong bubuksan ko na ang pintuan, may pumutok, kinabahan ako. ‘Kala ko may nalaglag lang or what. Napasigaw na ‘yung asawa ko. Sana di ko na lang siya iniwan sa taas. Sana hinawakan ko na lang siya, sana inalagaan ko siya sa baba,” pahayag ni Eloisa.

Dito na nila nakita ang kanyang anak na walang malay. Sinugod pa ng mag-anak ang bata sa isang malapit na ospital.

Sinubukan rin ng mga doktor na i-revive si Jake, ngunit sa kasamaang palad, bumigay na ang katawan nito. Laking pagsisisi naman ni Eloisa dahil hindi nya mas napagtuunan ng pansin ang kanyang baby.

Nagpaalala rin ang Meralco na maging mapagmatyag ang mga magulang upang maiwasan ang ganitong klaseng aksidente.

Hangga’t maari, wag nang gumamit ng mga extension cord, at siguraduhing hindi abot ng mga bata ang mga saksakan sa bahay.

“Maaari talagang maaksidente ‘pag ‘yan ay kinalikot or kapag may object na bakal na in-insert o kaya iyong daliri, inilagay mismo sa opening ng outlet. Kung hindi naman po kailangan ng extension huwag na po tayo gagamit po niyan sapagkat hindi rin po ganoon ka-safe,” ayon kay Joe Zaldarriaga, spokesperson ng Meralco.

Read also: Artistahing Kapatid ni Alden Richards na si Riza, Bakit nga ba Hindi Sumali sa Showbiz?

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section below. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Local

Nanganib ang Buhay ng Batang Ito Matapos Makalunok ng Wire Mula sa Kinakaing Lugaw

Published

on

By

Kadalasan ay ginagamit ang strainer upang matanggal ang mga sabaw sa pagkain si baby. Sa pamamagitan ng pagsala nito, mas makakakain ng maayos ang baby. Ngunit alam niyo ba na maaari pala itong makasama sa inyong anak? Kung ikaw ay gumagamit ng strainer sa pagkain ng iyong baby, mas makabubuting itigil mo na ito dahil may masama pala itong maidudulot sa kalusugan ng iyong anak.

Ito ang mapait na karanasan ng isang nanay na ito. Nangako siya sa sarili niya na hindi na siya muling gagamit ng strainer upang salain ang pagkain ng anak niya.

Binalaan niya rin ang ibang nanay na wag na itong gawin, dahil baka mangyari rin sa mga anak nila ang aksidente na nangyari sa anak niya!

Read also: Artistahing Kapatid ni Alden Richards na si Riza, Bakit nga ba Hindi Sumali sa Showbiz?

Habang sinasala niya ang pagkain, hindi napansin ng nanay na ito na sira na pala ang strainer na gamit niya. Dahil dito, may maliit na stainless na parang sinulid ang nahalo sa lugaw ng kanyang anak! Hindi niya naman napansin na nakain na pala ito ng anak niya, at saka na lamang daw sila nagtaka ng umiyak ito.

Noong una ay hindi nila mawari ang dahilan ng pag-iyak ng bata. Ngunit nang dalhin nila ito sa doktor, saka lamang nila nakita ang totoong rason ng walang-tahan na pag-iyak nito!

Nagsagawa ng x-ray ang doktor, at doon na nila nakita na mayroong tila ba sinulid na nakabara sa lalamunan ng bata. Mabuti na lamang at naagapan nila ito!

Sa tulong ng mga doktor, matagumpay naman nilang natanggal ang nakabara sa lalamunan ng bata. Kung hindi ito agad nakita, paniguradong maaaari pa itong lumala.

Maraming netizens naman ang nag-comment tungkol sa pangyayaring ito. Silipin ang reaksyon nila dito:

“kakatakot nman, dapat lng talaga mag ingat tayo.”

“Kahit po yung staple wire sa paminta at laurel delikado din mahalo sa food.”

“Never used metal material sa kids or babies”

“Hala! Wawa nmn c Baby, seguro grabe lng iyak nian taz di nia p masabi kung saan ang masakit. kya dpat tlga mas ingat tayo”

Read also: RR Enriquez, Halos Nalugi ng P6 Milyon Matapos Bumili ng Isang Truck na Milktea!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section below. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Trending