Connect with us

Trending

Nakakapanlumong Backpay ng Isang Empleyado, Nag-Viral Online!

Published

on

Waiting for your backpay can be a very tedious process. It can take up to three months, and in some cases, even a year before finally getting your backpay. Sometimes, former employees even have to go back and forth in the office just to get updates about their check. That being said, it can be very disappointing to find out that you will only receive very little pay.

This is the dilemma of this netizen, who took to social media to share his problem. Amir Jhon Tingdioco recently shared how much backpay he got after quitting his last job. According to Amir, after months of waiting for his backpay, he was deeply disappointed when he only received P172 in check.

Read also: Demanding na Nanay, Tinawag na ‘Kuripot’ ang Ninang Dahil Hindi Nakapagbigay ng Regalo sa Inaanak Niya

On Facebook, he shared a photo of his check proving that he only received P172. He also addressed his former agency, and called them out for their unjust and insulting process. According to Amir, his agency has already been lambasted by Tulfo for not giving the proper backpay of their employees.

“Asan ang hustisya sa ganitong agency? For more than two years of being employee niyo itong separation fee o backpay ko P172? Last time balita ko napa-Tulfo kayo then nagbigay kayo ng backpay sa mga nag-resign. May separation fee pang nalalaman P172 lang naman pala. Sana binigay niyo na lang sakin ng bayara, baka ma-appreciate ko pa. Laking tulong nito sa pamilya.”

On his post, Amir also called out the attention of Raffy Tulfo’s program in order to resolve his dilemma. Furthermore, he expressed his disappointment at his agency for allegedly making him chase after the P172. According to Amir, he has been working under this agency for almost two years before resigning.

On the other hand, some netizens offered an possible explanation on why Amir’s backpay was a meager amount. Some people speculated that he must have taken out a lot of loans, which is why he was left with very little backpay. But Amir disproved this by saying that he never took out any loans.

Read also: Zeinab Harake, Ipina-Tulfo ng Kanya Mismong Kaibigan na si Wilbert Tolentino

What are your thoughts about this? We’d love to hear from you, so don’t hesitate to share your thoughts with us in the comments section below. For more updates on the latest happenings, feel free to follow us on Facebook.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Trending

Charlie Lozada, Isang Successful Businessman Na! Tuluyan na Ring Kinalimutan ang Asawang Nanloko sa Kanya

Published

on

By

Naalala niyo pa ba si Charlie Lozada? Taong 2019 nang mag-viral si Charlie matapos lumabas sa programang “Wanted sa Radyo” ni Raffy Tulfo. Inireklamo ni Charlie ang kanyang asawa na si Sheerlyn Gerasta, isang overseas Filipino worker. Iniwan ni Sheerlyn ang kanyang asawa at kanilang limang anak upang sumama sa ibang lalaki.

Malas man sa love life, swerte naman si Charlie sa negosyo! Matapos siyang iwanan ng kanyang asawa, nangako si Idol Raffy na gagawin nito ang lahat ng ayon sa kanyang makakaya upang matulungan ang mag-aama. Bukod sa tulong pinansyal, nakatanggap rin si Charlie ng pangkabuhayan package mula kay Tulfo.

Read also: Hirit ni Jomari Yllana sa Dating Partner: Hindi Kulang ang Sustento, Maluho ka Lang

Ngayong 2021, kamusta na kaya ang buhay ni Charlie Lozada at ng kanyang mga anak? Sa huling update ni Tulfo, ibinahagi ni Charlie na mayroon na siyang napundar na maliit na negosyo. Dahil sa puhunan na ibinigay ni Tulfo, nakapagsimula siya ng negosyo ng mga ready-to-wear garments.

Bukod pa dito, napalago ni Charlie ang puhunan na P100,000 na ibinigay ni Idol Raffy. Bukod sa pagtitinda ng mga damit, pinasok rin ni Charlie ang pagbebenta ng isda. Mayroon na siyang malaking pwesto sa palengke, kung saan nagbebenta siya ng mga isda at frozen foods.

Pagdating naman sa love life, mukhang unti-unti nang nakaka move on si Charlie mula sa mapait na karanasan niya. Ayon sa kanyang mga posts sa Facebook, may bagong babae na ang nagpapatibok sa puso ni Charlie! Ang kanyang bagong girlfriend ngayon ay mayroon ring tatlong anak sa unang kinakasama nito.

Sa kabila ng lahat, masaya at kuntento na si Charlie at ang mga anak nila. Kahit pa hindi na sila muling nagkabalikan ng kanyang dating asawa, minsan naman daw ay binibisita ni Sheerlyn ang kanilang mga anak.

Read also: Crisha Uy, Ibinunyag na Nagsinungaling sa Kanya ang Ex na si Joem Tungkol sa Relasyon Nito kay Meryll

Anong masasabi niyo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa baba. Para sa iba pang kwento, wag mag-atubiling mag-like o follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Trending

Isang Minero na May 30 na Anak, Naging Instant Milyonaryo Matapos Makahukay ng Rare Gemstones!

Published

on

By

Isang minero mula sa Tanzania ang naging instant milyonaryo matapos mahukay ang pinakamalaking Tanzatine stone sa buong mundo! Hindi inaakala ni Saniniu Laizer na magbabago ang buhay niya sa isang iglap dahil sa nadiskubre niyang ito. Nakahukay siya ng dalawang malaking Tanzanite gemstones, na itinuturing na isa sa pinakamailap sa stones sa buong mundo.

Tinatayang umabot sa 33 lbs. o 15 kilograms ang timbang ng dalawang Tanzanite stones na nadiskubre ni Laizer. Kung dati ay isa lamang siyang simpleng minero, ngayon ay isa na siyang milyonaryo! Inabot ng mahigit $3.4 milyon ang nakamit ni Laizer matapos niyang ibenta ang dalawang gemstones.

Read also: Netizens, Hinangaan ang Batang Ito na Pinagsasabay ang Chemotherapy at Online Learning

Ayon sa mga report, naibenta ng 52-anyos na minero ang mga gemstones sa isang trading event sa Manyara. Pati ang mga opisyales ng mining industry sa lugar nila ay hindi makapaniwala sa nadiskubreng ito ni Laizer!

Ito na ang pinakamalaking Tanzanite stones na naitala nila sa buong mundo. Bago pa man ito mahukay ni Lazier, kumikita rin siya sa pamamagitan ng pagpapastol ng mga baka.

Ayon sa kanya, balak din niyang gamitin ang pera upang makatulong sa kanilang komunidad. Isa sa mga nais niyang ipatayo ay public school para sa mga bata sa kanilang village.

Bukod pa dito, nais niya ring magbukas ng isang business para sa kanyang pamilya. Ayon sa isang interview, umabot sa 30 ang anak ni Lazier mula sa kanyang apat na asawa.

“I want to build this school near my home. There are many poor people around here who can’t afford to take their children to school. I am not educated but I like things to run in a professional way. So I would like my children to run the business professionally.”

Read also: Hirit ni Jomari Yllana sa Dating Partner: Hindi Kulang ang Sustento, Maluho ka Lang

Anong masasabi niyo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa baba. Para sa iba pang kwento, wag mag-atubiling mag-like o follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Trending

Jeepney Love Story: Hanggang Ngayon, Hinahanap pa rin ng Lalaking Ito ang Babaeng Nakasabay Niya sa Jeep

Published

on

Isang taon na ang nakalilipas noong January 11, 2020, nang makasabay ni Arvee Rivera Estacio ang isang babaeng pasahero sa sinasakyang jeep. Nakatabi ni Rivera ang babae, na tilad pagod na pagod rin sa byahe. Kaya naman nakatulog ito sa balikat ni Rivera. Bago pa man bumaba ang babae, nagawa pang mag-selfie ni Rivera kasama ito.

Ibinahagi niya sa social media ang larawan sa pag-asang muling makikita ang babae. Sa Facebook, ipinost ni Rivera ang picture nilang dalawa at aakalain mo ngang magkarelasyon sila!

“Ate kung sino ka man, salamat at naiparamdam mo sa akin na kahit sandali lang nagkajowa ako. Sarap ng tulog mo eh, ayaw ko na yatang pumara.”

Read also: Hirit ni Jomari Yllana sa Dating Partner: Hindi Kulang ang Sustento, Maluho ka Lang

Inakala ni Reyes na sa tulong ng social media ay makilala niya ang pasaherong nakasabay niya sa jeep. Agad nag viral ang post niya, at maraming netizens ang naaliw sa mala-jeepney love story ni Reyes at ng babaeng ito. Ngunit hanggang ngayon ay hindi niya pa rin ito nakikilala.

Kaya naman isang taon matapos ang huling pagkikita nila, naisipan ni Reyes na muling mag-post sa Facebook upang gunitain ang pagkikita nila. Ayon kay Reyes, kahit pa nag-trending ang kanyang post, hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nakikilala ang babaeng nakasabay niya sa jeep.

Maraming netizens naman ang muling napa-comment sa update niya. Ayon sa iba, mukhang hindi itinadhana si Reyes at ang babaeng nakatulog sa balikat niya.

May iba ring nagsabi na baka mayroon ng boyfriend ang babae, kaya naman hindi na ito nakapag-reply sa post ni Reyes. Silipin ang iba pang komento dito:

“May jowa na yan malamang. Bawi na lang next time.”

“Baka mommy na po yan. Sobrang pagod lang kaya nakatulog kaya di na rin nagpakilala.”

“Naku, baka misis na yan sir. Hanap na lang ng iba.”

“Huwag mo na po hanapin. Baka mayari ka po ng mister niyan.”

“Move on ka na po, malamang taken na si ate. Pagod lang talaga noon.”

Read also: Crisha Uy, Ibinunyag na Nagsinungaling sa Kanya ang Ex na si Joem Tungkol sa Relasyon Nito kay Meryll

Anong masasabi niyo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa baba. Para sa iba pang kwento, wag mag-atubiling mag-like o follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Trending