Connect with us

Viral

Babae na May 44 na Anak, Pinagbawalan na ng Mga Doktor na Magbuntis Ulit

Published

on

Carrying a child is not an easy task. As the old adage goes, when you’re giving birth, one of your feet is already in the grave. Pregnancy, as miraculous as it is, also brings a lot of complications to a woman’s health. This is also the reason why doctors recommend birth spacing for women. This is beneficial not only for the entire family, but also for the mother’s well-being.

But the bizarre story of this woman from Uganda is truly a wonder. A woman who goes by the name of Mariam Nabatanzi has proudly given birth to 44 children!

According to reports, she was only 12 when she married into a much older man. Now, at age 36, she has 44 children from her 15 pregnancies.

Read also: Dating Flight Attendant, Hindi Ikinahiya ang Bagong Pinagkakakitaan Niya Matapos Mawalan ng Trabaho Ngayong Pandemic

Just like many girls in their village, Mariam has been a young bride. She wed with a 40-year-old man when she was just twelve. A year later, Mariam gave birth to her firstborn.

But a rare health condition will cause her to give birth to 43 more children in multiple pregnancies. Mariam was diagnosed with unusually large ovaries.

Normally, a fertile woman only releases one egg every month. But in Mariam’s case, she can produce several eggs per cycle! This is also the reason why she can conceive a baby so easily, compared to other women her age.

It seems like multiple births also run in the blood of Mariam’s family. The 36-year-old mother gave birth to a total of six sets of twins, four sets of triplets, and five sets of quadruplets! Sadly, six of her babies did not survive to adulthood, leaving her with 38 kids to take care of.

Due to her condition, the doctors have advised Mariam against conceiving another baby again. They were worried that another pregnancy might take a toll on her health.

She also simply couldn’t use birth control pills, as the sudden changes in her hormones could lead to more harm than good due to her condition.

Read also: “Wag kang OA”- Babaeng Pulis na Kumampi Kay Nuezca, Sinermunan ni Ogie Diaz!

What can you say about this bizarre story? We’d love to hear from you, so don’t hesitate to share your thoughts with us in the comments section below. For more updates on the latest happenings, feel free to follow us on Facebook.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Trending

Haba ng Hair! China Roces, Kinilig sa Bagong Surprise sa Kanya ni Mr. Anonymous

Published

on

Mukhang unti-unti na ngang nakaka-move on ang social media influencer na si China Roces mula sa kanyang ex na si Tim Sawyer. Matatandaang nitong nakaraang taon lamang nang pumutok ang hiwalayan ni China at Tim sa social media. Ayon kay China, sawa na siya sa pagiging babaero at manloloko ni Tim, kaya naman para na rin sa kapakanan ng kanyang anak ay hihiwalayan na niya ito.

Ngunit mukhang nakakabangon na rin si China mula sa heartbreak niya kay Tim. May isang lalaki ring nagtatangkang manligaw sa vlogger.

Noong nakaraang buwan, ipinakilala ni China ang kanyang bagong manliligaw, na pinangalanan niyang Mr. Anonymous. Ayon kay China, simula nang maghiwalay sila ni Tim ay nakahugot siya ng lakas mula sa bago niyang manliligaw.

Read More: Lalaki, Nagulat Matapos Makakita ng Mapanganib na Ahas sa Loob ng Grocery Bag Niya!

Bukod kay China, mukhang nililigawan rin ni Mr. Anonymous ang pamilya nito! Halatang nais rin niyang mapalapit sa pamilya ni China, kaya naman tuwing dumadalaw ito ay lagi niya ring isinasama sa bonding time ang pamilya nito. At kahit pa busy ito, gumagawa siya ng oras para lang makita ang kanyang babaeng minamahal.

Kamakailan lang, sinorpresa rin nito si China. Sa kanilang bagong video, ibinahagi ni China ang napakasweet at thoughtful na sorpresa ni Mr. Anonymous sa kanya. Mababakas naman sa mukha ni China ang tuwa at kilig matapos makita ang sorpresa nitong breakfast.

“Pupuntahan ko si China, gusto kong makita. Dadalhan ko ng breakfast, may work daw siya eh. So ngayon, nagmamadali ako para habulin siya. Magbi-big bike ako. Nandito ako sa Starbucks para mag order ng breakfast namin ni China.”

Sa ngayon ay umabot na rin sa mahigit 120,000 reactions ang video na ito sa social media. Maraming netizens rin ang nag-aabang kung kailan nga ba ire-reveal ni China ang totoong katauhan ng kanyang manliligaw.

Read More: Larawan ng Electrician, Nagpaantig sa mga Netizens Matapos Malaman Kung Bakit Siya May Suot na Costume!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

Continue Reading

Inspiring

Larawan ng Electrician, Nagpaantig sa mga Netizens Matapos Malaman Kung Bakit Siya May Suot na Costume!

Published

on

Lahat ay gagawin ng isang ama para lamang sa kanyang pamilya. Kahit pa mahirap ang buhay, kakayod ito araw gabi para lang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang mga anak. Kadalasan ay handa ring sumabak sa peligro ang mga padre de pamilya para lang kumita ng pera, gaya na lamang ng tatay na ito.

Kamakailan lang, nag-viral sa social media ang larawan ng isang electrician na ito. Makikitang umaakyat ang electrician sa isang poste ng kuryente upang ayusin ang mga kable. Ngunit ang bumihag sa atensyon ng mga netizens ay ang suot nitong tila costume na pakpak.

Read More: OFW sa Dubai, Ibinahagi ang Kanilang Bonggang Pandemic Wedding na Hindi Ginastusan ng Malaki!

Bakit nga ba nakasuot ng costume ang electrician? Iba’t-ibang spekulasyon naman ang kumalat sa social media, ngunit naantig ang puso ng mga netizens matapos malaman ang totoong dahilan dito. Ibinahagi ng nag-post ng larawan na ang pakpak ay bigay pala ng anak ng electrician.

Ayon sa nagpost, tinanong raw ng batang babae kung ano ang trabaho ng kanyang ama. Sinabi naman ng tatay na isa siyang electrician, at nag-aayos siya ng mga kable ng kuryente. Noong una ay natakot daw ang bata para sa kaligtasan ng kanyang ama, ngunit hindi nagtagal ay nakaisip ito ng paraan upang matulungan ang ama.

Nagulat na lang daw ang tatay nang biglang ibigay sa kanya ng kanyang anak ang laruan nitong pakpak. Ginagamit ito ng bata sa kanyang costume, ngunit ayon sa kanya, mukhang mas kailangan ito ng kanyang tatay. Iniisip ng bata na maililigtas ng kanyang pakpak ang tatay niya sakali mang malagay ito sa peligro.

“His young daughter found out what he did for living, so she made him wings so he would be safe. And a good dad will wear his daughter’s wings,” pahayag ng caption ng viral na larawang ito.

Read More: Kilalanin ang mga Artistahing Anak ni Ina Raymundo: Sino Kaya sa Kanila ang Papasok sa Showbiz?

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.

Continue Reading

Local

Misis, Nanlumo Matapos Mahuli ang Mister at Kumare Nila na Magkasama sa Motel!

Published

on

Ayon nga sa kasabihan, kahit gaano mo pa bantayan ang iyong partner, kung manloloko ito, makakahanap pa rin ito ng paraan para magloko. Kahit pa nasa kalagitnaan tayo ng pandemic, mayroon pa ring mga salawahang partner ang nakakahanap ng paraan para kitain ang mga kalaguyo nila. Ito ang insidenteng naganap kamakailan lamang sa Pangasinan.

Noong April 15, ibinahagi ng GMA reporter na si Russel Simorio ang nakakalungkot na nadatnan ng misis na ito. Naganap ang insidente sa isang motel sa Barangay Bolosan, San Carlos City. Isang misis ang nahuli sa akto ang kanyang mister na mayroong kasamang ibang babae.

Read More: Kilalanin ang Tinaguriang “World’s Most Beautiful Woman and Most Expensive Model” na Galing pa sa Sudan!

Upang maprotektahan ang katauhan ng mga sangkot sa insidente ay hindi pinangalanan ang mga ito. Ngunit agad namang nag-viral sa social media ang naka-blurred na larawan ni misis, mister, at ng kalaguyo nito.

Ayon kay Simorio, huling-huli ni misis ang kanyang asawa na pumasok sa motel na mayroong ibang kasama. Hindi inaasahan ng misis na ito na kakilala niya pala ang babae ng asawa niya!

Ang masaklap pa dito, kumare pa mismo nila ang kasama nito sa motel. Kahit pa napakasakit, walang nagawa ang original na asawa kundi maghintay sa labas ng motel. Simula ala una ng hapon, matiyaga niyang hinintay na lumabas ang dalawa.

Tatlong oras din ang lumipas bago tuluyang umalis ng motel si mister at kabit nito. Ngunit hindi pa man sila nakakalayo ay naunahan na sila ni misis.

Nagpatawag ito ng pulis sa motel upang masaksihan sa akto ang ginagawang panloloko sa kanya ng kanyang asawa. Desidido rin daw siyang sampahan ng kaso ang dalawa.

Sa kabilang banda, maraming netizens rin ang nag-komento sa insidenteng ito. Silipin ang kanilang mga opinyon dito:

“Kaya pag nagpabinyag kayo wag n kayo kumuha ng kumare at kumpare alam nio n mangyayare.”

“Nag change oil sabay narin ang tune up para kondisyon.”

“Bwesit sobra kati naman ni kumare, di man lang nahiya, kung sabagay makapal ang mukha kasing kapal ng bakal.”

Read Also: Babaeng Naharang sa Checkpoint, Pinakasalan ang Pulis na Sumita sa Kanya!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.

Continue Reading

Trending